"Sa kasamaang palad, huli na. Ang iyong ina ay nasa huling yugto at wala nang mas matagal na buhay, kaya pinili niyang umalis.”"Gayunpaman, nang umalis siya, binigyan siya ni Strix ng antibody. Dalawa lang ang nasa mundo, at ibinigay niya ang isa sa iyong ina at itinago ang isa. Sa tingin ko ang nanay mo ay nag-inject ng serum bago siya nagdesisyong magbuntis. Kung hindi, ang iyong ama ay nahawahan din, at ikaw…”Napatingin si Erwin sa kanya pero hindi natuloy.Nanginginig ang puso ni Maisie. "Kaya pala espesyal ang dugo ko?"Nagpasya si Marina na mag-inject ng serum noong siya ay buntis, kahit na ang serum ay hindi gagana para sa kanya. Kaya niya ito ginawa hindi dahil sa gusto ito ni Marina, ito ay dahil ayaw niyang mahawaan si Stephen at gusto niyang matiyak na hindi magmamana si Maisie ng virus.Matagal na ba siyang nagdesisyon na subukang umalis nang walang pagsisisi? Ngunit bakit hindi niya pinili ang kanyang unang pag-ibig, si Strix, at sa halip ay pinakasalan si Stephen, na n
Napasinghap si Maisie. "Sumusobra ka na talaga, Nolan!"Kinalaunan ay nagsimula nang mag-ayos si Maisie.Tumawa si Nolan. Tinulungan niyang magsuot ng damit si Maisie at sinabing, "Mas lalo kang gumagaling, Zee. Mukhang naturuan kita nang maayos.""Oo. Proud ka ba?" Sabi ni Maisie habang nakasimangot. Mas lalong nagiging walang hiya ang lalaking 'to. Ginagawa niya na rin ang ganoong bagay sa kaniya!Nang makitang naiirita na si Maisie, mayroong kislap ng tuwa sa mga mata ni Nolan.Sinasabi ng iba na magsisimula lang maging clingy at spoiled ang isang babae kapag mahal na nito ang lalaki, at nakikita niya na yun kay Maisie.Masaya niyang niyakap si Maisie at mahinang sinabi, "May nalaman ako ngayong araw. Alam ni Rowena na dinukot ang nanay ko."Natigilan si Maisie. "Hindi niya sinabi sa lolo mo?"Nanlamig ang mga mata ni Nolan habang sumasagot, "Wala siyang sinabihan, kasama na ang lolo ko at mga tao sa Night Banquet. Pinasa niya lahat ng sisi kay Hernandez."Natahimi
Yumuko si Nolan, nilagay ang kamay sa likod ng ulo ni Maisie at nilaliman ang kaniyang halik.Kahit na isa lang simbolo yun, isang pamahiin tungkol sa Ferris wheel, handa niyang sabayan si Maisie.Sa huli, namula ang mukha ni Maisie dahil halos maubusan siya ng hininga sa paghahalikan nila.Hinaplos ni Nolan ang ulo niya at tumawa, "Ang tagal na pero hindi ka pa rin marunong huminga habang humahalik?"Kumurap ang mga mata ni Maisie pero wala siyang sinabi."Mukhang kailangan ulit kitang turuan." Pinisil ni Nolan ang baba ni Maisie at muling hinalikan ang mga labi nito.Pagkatapos ng ilang sandali na parang walang katapusan, humiwalay si Maisie sa mga labi ni Nolan. Namumula ang mukha niya, at mabigat ang kaniyang paghinga. Nang makita niyang hahalikan siya ulit ni Nolan, tinulak niya ito palayo at sinabing, "Sige na, sige na. Alam ko na. Alam ko na kung paano."Sigurado siyang mamamaga ang mga labi niya kapag nagpatuloy pa sila sa paghahalikan.Nang bumaba silang dalawa
Mabilis na lumapit si Nolan sa kaniya.Tinatakpan ni Maisie ang sugat ng batang babae gamit ang kaniyang kamay. Namumutla siya habang sinasabi kay Nolan, "Nolan, nasugatan siya at nahiwalay sa pamilya niya. Hindi natin siya pwedeng iwan dito.""Alam ko. Humanap ka ng mapagtataguan.""Paano ka?" Hinila siya ni Maisie nang patayo na siya. "Marami sila, at ikaw ang sadya nila. Hindi ka pwedeng lumabas na ang. Papatayin ka nila!"Noong nasa gitna siya ng mga tao kanina, narinig niyang nandito ang mga taong yun para patayin si Nolan.Hinalikan siya ni Nolan at pinunasan ang luha sa kaniyang mga mata. "Huwag kang mag-alala. Magiging ayos lang ako. Ngayon, magtago ka na at hintayin mo ako."Tumayo si Nola at umalis.Sinubukan siyang hawakan ni Maisie para pigilan pero huli na siya. Malakas ang iyak ng batang babaeng hawak niya dahil sa mga sugat nito.Hindi nagtagal ay lumingon si Maisie sa batang babae at pinatahan ito. "Huwag kang matakot. Walang mangyayari. Ilalabas kita d
Napatitig ang kulay asul na mga mata ng lalaki sa katawan ni Maisie. Nag-init ang kaniyang dugo habang taas-baba naman ang Adams apple niya sa kaniyang lalamunan. Kinuha ni Maisie ang pagkakataong ito, umiwas siya sa baril at tumayo.‘Bang!’Hindi siya tinamaan.Nasa likod ng lalaki si Maisie at saka niya ito sinakal gamit ang kaniyang braso. Matalim ang titig niya habang nagtatanong, "Nasaan si Nolan?"Mayroong sinabi ang lalaki, at saka siya pinatulog ni Maisie. Kinuha niya ang baril nito at saka tumakbo.Samantala, ilang nakamaskarang lalaki na ang napatumba ni Nolan. Lahat sila ay nabaril niya at namimilipit sa sakit. Mabilis niyang napatumba ang huling nakamaskarang lalaki, sinipa niya palayo ang baril nito.Punit at gusot na ang maganda niyang suit. Mayroong mga sugat sa kaniyang braso at likod, at mayroon na din tumutulong pawis sa dulo ng kaniyang mga buhok. Magulo ang itsura niya pero matapang at nakakatakot siyang tingnan.Tinapakan niya ang kamay ng lalaki at na
Umalingawngaw ang putok ng baril, at tumama ang bala sa likuran ni Nolan.Natigilan si Maisie, lumiit ang mga itim ng kaniyang mga mata.Sa ilalim ng ilaw, lumambot ang mga linya sa mukha ni Nolan. Unti-unting umaalis ang liwanag sa kaniyang mga mata habang nakatitig siya sa mga mata ni Maisie. Tinaas niya ang kamay para hawakan ang mukha ni Maisie, at mayroong munting ngiti sa sulok ng kaniyang mga labi. “Zee. Huwag kang mag-alala, I…”Yumuko siya, gusto niyang taniman ng halik ang mga labi ni Maisie. Gayunpaman, dahan-dahan siyang natumba na parang isang marionette na naputol ang string nang malapit nang dumampi ang mga labi niya.Mabilis na kumapit si Maisie sa katawan ni Nolan. Nagulat siya nang mapagtanto na nabaril sa likod si Nolan, at doon na tumulo ang kaniyang mga luha. Niyakap niya ito at umiyak, “Hindi, hindi! Nolan, huwag kang matutulog! Hindi ako pumapayag na iwanan mo ako!”Nang dumating sina Quincy at Cherie kasama ng mga pulis, natigilan sila nang makita si M
Matapos makita si Maisie, may sinabi si Erwin sa doktor at lumapit kay Maisie. "Zee, sabi ko na nga ba, nandito ka sa hospital."Mapait na ngumiti si Maisie. "Saan naman ako pupunta kung hindi dito?"Tumingin siya kay Erwin. "Anong pinag-usapan niyo ng doktor?"Saglit na napatigil si Erwin bago nakangiting sumagot, "Tinanong ko lang siya tungkol sa kondisyon ni Mr. Goldmann.""Malala ba ang kondisyon niya?" Tanong ni Maisie at nakitang hindi agad tumanggi si Erwin kaya napayuko siya at paos ang kaniyang boses. "Malubha ba ang kondisyon niya?""Medyo malubha nga." Magulo ang ekspresyon ni Erwin.Kung tama lang 'yun ng baril, maayos na sana na nakaligtas si Nolan doon. Sa kasamaang palad, mukhang mas kakaiba ang kondisyon ni Nolan kumpara sa tama ng baril.May sasabihin sana si Maisie nang bigla siyang makatanggap ng tawag mula sa kaniyang tatay na nasa Zlokova.Nagdalawang isip siya bago ito sagutin. "Dad?""Zee, ayos ka lang ba diyan? Nabalitaan kong nagkaroon ng riot
Hindi lang sa water source ng hotel noon nakita ang nasabing virus, nakita rin ito sa iba pang lugar, kaya hindi natural na sakuna ang nangyaring epidemya noon kundi gawa ng tao.'Kung infected nga talaga si Nolan, mapapatunayan non na tama ang hinala ko, na may nagpapatuloy pa rin sa research ng genetic virus.'…Bumalik si Maisie sa hotel at nagulat nang makita sina Titus at Quincy na palabas doon.Galit si Titus nang makita si Maisie. "Nakalimutan mo na ba ang pangako mo? Nasa ospital ngayon si Nolan dahil sayo, masaya ka na ba?"Napayuko si Maisie. "Pasensya na…"Wala siyang masabi para labanan si Titus dahil nabaril nga naman talaga si Nolan at nasa ospital dahil sa kaniya.Madilim ang ekspresyon ni Titus. "Handa si Nolan mapahamak para lang makasama ka. Kung gusto mong maging maayos ang buhay ni Nolan, iwanan mo siya."Nagulat si Maisie. Sinabi niyang, "Hindi ko siya pwedeng iwan.""Gusto mo ba siyang mamatay?" Punong-puno ng galit ang mata ni Titus.Nang maki
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng
Tumawa si Nick. “Hindi sapat na salita ang galit para gamitin.”“Kung gusto mong sumama sa amin o hindi, hindi ikaw ang magde-desisyon, Nick. Basta isa ka sa mga tagapagmana ng mga Wickam, kailangan mo bumalik sa akin!”Inilinaw ni Arthur ang sarili niya. Kahit na kailangan niyang itali ang anak niya at hilain pauwi, hindi siya tatanggap nang pagtanggi sa ganitong panahon.Kinabahan si Dylan at nagsimulang kabahan, natatakot siya na baka pilit na kunin si Nick ng mga lalaki na ‘yon.Sa oras na ‘yon, pumasok si Sunny sa training center gamit ang tungkod niya at sa suporta mi Mahina habang nakalagay ang kamay sa likod. “Yo, nag-iisip ako kung bakit maingay ang training center nang ganito kaaga. Nandito ka pala, Mr. Wickam.”Mukhang naiinis si Arthur. “Mr. Southern, bakit nasa Bassburgh ka rin?”“Nandito si Cam sa Bassburgh kaya natural lang para sa akin na pumunta dito. Ngayon, nag desisyon ako na pumunta at bisitahin ang estudyante ko. Hindi ko inaasahan na makikita kita.”Habang
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell