Nagulat si Cherie. “Oh, pero alam ba ‘to ni Mr. Goldmann?”Hinila ni Maisie ang suitcase papunta sa harapan ng sasakyan. “Hindi niya alam, kaya balak ko siyang surpresahin.”Pagsapit ng 11:50 p.m, nasa oras na umalis ang flight papuntang Zena. Sampung oras ang haba ng biyahe, at inaasahan na makarating sila ng 10:00 a.m kinabukasan.Nang magising si Maisie sa mahabang byahe, maliwanag na ang langit sa labas ng bintana, at mayroong makapal na mga ulap sa baba ng eroplano.Saktong 10:00 a.m ay bumaba na ang lipad ng eroplano at lumipad sa ibabaw ng mga lungsod ng Stoslo. Makikita sa baba ang nagtataasang gusali na parang mga Lego models.Parang mga ugat ng lungsod ang magkakadugtong na mga urban cities.Lumapag sa runway ng Zena Airport ang eroplano pagkalipas ng 30 minuto.“Magdamag ako sa eroplano, ang sakit ng likod at mga paa ko.” Hila-hila ni Cherie ang kaniyang luggage habang nakasunod kay Maisie. Ito ang unang pagkakataon na nagtagal siya sa eroplano.Hinawakan ni
"Oo, gumawa ako ng sarili kong jewelry brand. Oo nga pala," Sabi ni Maisie at saka pinakilala ang kasama, "Kaibigan ko, si Cherie."Nakangiti siyang tinanguan ni Harry. Nginitian din siya ni Cherie.Tinuloy ni Maisie ang pagpapakilala. "Shareholder si Mr. Knowles ng Luxella. Tinulungan niya ako noong nandito ako."Lumingon siya kay Harry. "Mr. Knowles, kumain ka na ba?"Tumango si Harry. "Katatapos ko lang. Nag-entertain ako ng VIP kasama ni Mr. Jones. Oo nga pala, entrepreneur sa Zlokova yung VIP. Bata pa at gwapo."Nahulaan na ni Maisie kung sino ang tinutukoy ni Mr. Knowles. Dumapo ang tingin niya sa mga taong nasa likod ni Mr. Jones at naglalakad sa direksyon nila.Nag-uusap ang mga ito habang naglalakad, at ang lalaking nasa unahan ay nakasuot ng metikulisong suit, gwapo at classy itong tingnan.Nang umangat ang tingin nito, makikita ang gulay sa kaniyang mga mata na agad na nagdilim.Si Quincy na nasa likod ni Nolan ay nakita din si Maisie. Hindi niya rin inaasaha
Gulat na napatingin sa kaniya si Harry. "Kasal ka na, Zora?"Mas lalong lumawak ang ngiti ni Maisie. "Oo.""Oh, nasa Zena ba ang asawa mo? Yayain natin siya mag-tsaa." Gustong malaman ni Harry kung sino ang maswerteng lalaki na naikasal sa maganda at talented na babaeng katulad ni Zora.Nagkunwaring bumuntong-hininga si Maisie. "Gusto ko sana, pero hindi ko alam kung sinong babae ang kinikita ng asawa ko. Hindi ko siya makausap."Hindi nakapagsalita sina Nolan, Cherie at Quincy. Naawa kay Maisie ang lahat kasama na si Harry. "Pasensya na, pero siguradong makakahanap ang isang magandang babaeng katulad mo ng mas mabuting lalaki."Matamis na ngumiti si Maisie. "Sana nga. May kilala ka ba?"Ngumti si Harry. "Siguro."Dumilim ang paligid ni Nolan. Nginitian niya ang mga tao sa tabi niya at nagngingitngit na sinabi, "Mayroon kaming kailangang pag-usapan ni Ms. Vanderbilt. Hindi na ako tutuloy sa dinner."Sa gulat ng lahat, hinila niya ang kamay ni Maisie at naglakad palayo.
"Ikaw dapat ang unang magsabi." Nagsimulang mamuo ang pawis sa noo ng lalaki. Nakatitig lang siya sa babae. Sinusubukan talaga siya ng babaeng 'ti!Matapos ang ilang sandali, binuhat siya ni Nolan papunta sa banyo.Kahit na galit ito, tinulungan siya ni Nolan sa kaniyang strap nang makitang nanghihina siya. Hinaplos niya ang balat nito dahilan para magbago ang ekspresyon ng mukha ni Maisie.Ngumisi si Nolan. "Galit ka ba talaga sa akin?"Hindi siya pinansin ni Maisie.Tinitigan siya ni Nolan, tumawa at sinabi, "Plano mo ba akong kausapin nang ganito simula ngayon?"Wala pa rin siyang makuhang sagot. "Hindi ka ba nahihiya?"Inagaw ni Maisie ang bathrobe kay Nolan at tinitigan ang lalaki. "Wala ito kumpara sa pagiging manhid mo."Tumayo si Nolan, tinukod niya ang parehong kamay sa dresser at ngumiti. "Sige na, Zee. I'm sorry."Tinitigan siya ni Maisie. "Magsa-shower ako, lumabas ka."Tumango si Nolan at tumayo nang diretso. "Okay, hihintayin kita sa labas."Pagkatap
Hindi na nagtanong pa si Maisie.Alam niya ng hindi sinabi ni Quincy kay Cherie ang dahilan dahil ayaw nitong malaman niya.Nang makitang hindi siya nagsasalita, akala ni Cherie ay mayroong ibang inaalala si Maisie, naging seryoso siya. "Huwag kang mag-alala, Maisie. Hindi magloloko si Mr. Goldmann."Ngumiti si Maisie. "Paano mo nasabi?"Tinapik niya ang kaniyang dibdib. "Tinataya ko ang reputasyon ko."Naningkit ang mga mata ni Maisie, "Anong reputasyon?"Sumimangot si Cherie at binago ang usapan. "Tinataya ko ang maliit kong sweldo."Tunawa si Maisie.Seryosong sinabi ni Cherie, "Alam ni Mr. Goldmann ang limitasyon niya. Ikaw ang unang babaeng pinakilala niya sa lahat. Akala ko dati ay wala ng mahahanap na mapapangasawa si Mr. Goldmann.""Ano bang klase siyang tao dati?" Nagtaka si Maisie dahil siguro naiinip na siya. Hindi niya kailanman sinubukan alamin ang nakaraan ni Nolan.Tinakpan ni Cherie ang kaniyang bibig at ngumiti. "Sikreto 'to, hindi ganiyan kaseryoso
Sa tuwing nagtatanong ang media kung iiwanan siya ulit, sasampalin sila sa mukha ni Nicholas sa pamamagitan ng gawa—sampung taong kasal nang walang anumang tsismis ng hiwalayan.Pagkatapos nito, pinag-uusapan ng lahat ng nasa Bassburgh ang tungkol sa balitang walang babaeng kasama sa mga business dinner ni Nicholas, kapag mayroon ay umaalis ito.Si Natasha na madalas na magkaroon ng dating rumors dati ay mas pipiliin pa ang mga role sa mga nakaka-inip na soap operas kaysa sa anumang romantic—hindi dahil sa hindi sila nagtitiwala sa isa't-isa, pero dahil mahal at nirerespeto nila ang isa't-isa.Kumurap si Maisie at bumuntong-hininga. "Mahal na mahal siguro ni dad ang nanay ni Nolan, ano?"Pero kung hindi dahil sa mga de Arma… Hindi siguro nawala kay Nicholas ang pinakamamahal niya.Tumango si Cherie at bumuntong-hininga. "Pagkatapos ng nangyari kay Mrs. Goldmann 15 years ago, naging tahimik si Mr. Goldmann, at ang dahilan kung bakit lagi siyang nasa mansion ay dahil gustong-gu
Hindi naman nanatiling nakaupo ang iba nilang kasama. Pinalibutan nila si Maisie at maraming tinanong sa kaniya. Kalmadong sinagot ni Maisie ang bawat tanong.Nanonood si Jones mula sa sidelines. Inakbayan siya ng isang lalaking kulot ang buhok at nagtanong habang nakataas ang kilay, "James, gusto mo ba siya?""Ako?" Tiningnan siya ni Jones at ngumisi. "Oo, pero kasal na siya.""Kasal na siya? Well, ibig sabihin ay wala ka ng pagkakataon." Nagkibit-balikat ang lalaking kulot ang buhok.Kinuha ni Jones ang golf club at hinampas ang bola sa damuhan pero mukhang hindi ito tumama sa mark.Tumawa sa gilid ang lalaking kulay blue ang buhok. "Mukhang magaling dito si Ms. Zora."Tinitingnan niya si Maisie, at sinundan ni Jones ang tinatanaw niya. Sa hindi kalayuan, hinawakan ni Maisie ang club at mahusay na pinalo ang bola papunta sa butas."Oo, tama ka," Komento ni Jones habang bakas maman ang paghanga sa kaniyang mga mata. Kaunti lang ang mga babae sa paligid niya na marunong m
Napasinghap sa gulat ang mga tao sa paligid nila.Hindi ba't kasal na si Ms. Zora? Bakit siya tinatawag na sweetheart ni Mr. Goldmann? Posible bang si Ms. Zora at Mr. Goldmann…Nagngalit ang mga ipin ni Maisie habang yakap-yakap ni Nolan.'Sweetheart? Hah!'Saka niya mahinang binulungan si Nolan, "Sa tingin mo ba ay nakakatawa 'to, Nolan?"Buong kasakiman na inamoy ni Nolan ang bango ng buhok ni Maisie, malalim na ang pagnanasa sa kaniyang mga mata. Gayunpaman, hindi niya pa pwedeng isapubliko ang identity ni Maisie dahil napakaraming tao na nanonood sa kaniya sa Stoslo.Nagreklamo si Maisie. "Yumayakap ng ibang babae ang asawa ko, kaya bakit hindi ako pwedeng yumakap ng asawa ng iba?"Walang masabi sina Quincy at Cherie.'Anong ginagawa ng dalawang 'to?'Binabaan ni Nolan ang boses niya at sinabing, "Lumakas na ang loob mo. Mukhang marami ka pa rin lakas para lumandi sa ibang lalaki. Dahil ba hindi sapat ang binigay sa iyo ng asawa mo kagabi?"Gumuhit ng bilog si Ma
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng
Tumawa si Nick. “Hindi sapat na salita ang galit para gamitin.”“Kung gusto mong sumama sa amin o hindi, hindi ikaw ang magde-desisyon, Nick. Basta isa ka sa mga tagapagmana ng mga Wickam, kailangan mo bumalik sa akin!”Inilinaw ni Arthur ang sarili niya. Kahit na kailangan niyang itali ang anak niya at hilain pauwi, hindi siya tatanggap nang pagtanggi sa ganitong panahon.Kinabahan si Dylan at nagsimulang kabahan, natatakot siya na baka pilit na kunin si Nick ng mga lalaki na ‘yon.Sa oras na ‘yon, pumasok si Sunny sa training center gamit ang tungkod niya at sa suporta mi Mahina habang nakalagay ang kamay sa likod. “Yo, nag-iisip ako kung bakit maingay ang training center nang ganito kaaga. Nandito ka pala, Mr. Wickam.”Mukhang naiinis si Arthur. “Mr. Southern, bakit nasa Bassburgh ka rin?”“Nandito si Cam sa Bassburgh kaya natural lang para sa akin na pumunta dito. Ngayon, nag desisyon ako na pumunta at bisitahin ang estudyante ko. Hindi ko inaasahan na makikita kita.”Habang
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell