Mahinang nagtanong si Maisie, “Kailan ka aalis?”Puno ng pagmamahal siyang tinitigan ni Nolan at bumulong, “Bukas.”Tumaas nang bahagya ang mga kilay niya. “Hindi mo ba ako bibitawan?”Tinikom ni Maisie ang mga labi at hindi nagsalita, pero manghang-mangha si Nolan sa reaksyong ito, halata ang pagnanasa sa kaniyang ekspresyon.Hawak ang baywang ni Maisie, pinagpalit niya ang posisyon nila.“Nolan, hindi mo pa sinasabi sa akin kung saan ka pupunta.” Nagpumiglas si Maisie sa pamamagitan ng paghampas at pagsipa kay Nolan, pero malakas ang pagkakakapit sa kaniya nito.Kinabukasan…Sumilip ang sinag ng araw sa pagitan ng mga kurtina sa kwarto.Nagising si Maisie, tumalikod siya at inunat ang braso para yakapin ang taong nasa tabi niya, pero wala ang taong yun sa tabi niya.Umupo siya at nakitang kanina pa malamig ang espasyo sa tabi niya.Bumaba si Maisie, at nakahanda na ang almusal sa mesa. Walang tao doon, tanging isang note lang na nakaipit sa ilalim ng baso ng gatas
Nagulat si Cherie. “Oh, pero alam ba ‘to ni Mr. Goldmann?”Hinila ni Maisie ang suitcase papunta sa harapan ng sasakyan. “Hindi niya alam, kaya balak ko siyang surpresahin.”Pagsapit ng 11:50 p.m, nasa oras na umalis ang flight papuntang Zena. Sampung oras ang haba ng biyahe, at inaasahan na makarating sila ng 10:00 a.m kinabukasan.Nang magising si Maisie sa mahabang byahe, maliwanag na ang langit sa labas ng bintana, at mayroong makapal na mga ulap sa baba ng eroplano.Saktong 10:00 a.m ay bumaba na ang lipad ng eroplano at lumipad sa ibabaw ng mga lungsod ng Stoslo. Makikita sa baba ang nagtataasang gusali na parang mga Lego models.Parang mga ugat ng lungsod ang magkakadugtong na mga urban cities.Lumapag sa runway ng Zena Airport ang eroplano pagkalipas ng 30 minuto.“Magdamag ako sa eroplano, ang sakit ng likod at mga paa ko.” Hila-hila ni Cherie ang kaniyang luggage habang nakasunod kay Maisie. Ito ang unang pagkakataon na nagtagal siya sa eroplano.Hinawakan ni
"Oo, gumawa ako ng sarili kong jewelry brand. Oo nga pala," Sabi ni Maisie at saka pinakilala ang kasama, "Kaibigan ko, si Cherie."Nakangiti siyang tinanguan ni Harry. Nginitian din siya ni Cherie.Tinuloy ni Maisie ang pagpapakilala. "Shareholder si Mr. Knowles ng Luxella. Tinulungan niya ako noong nandito ako."Lumingon siya kay Harry. "Mr. Knowles, kumain ka na ba?"Tumango si Harry. "Katatapos ko lang. Nag-entertain ako ng VIP kasama ni Mr. Jones. Oo nga pala, entrepreneur sa Zlokova yung VIP. Bata pa at gwapo."Nahulaan na ni Maisie kung sino ang tinutukoy ni Mr. Knowles. Dumapo ang tingin niya sa mga taong nasa likod ni Mr. Jones at naglalakad sa direksyon nila.Nag-uusap ang mga ito habang naglalakad, at ang lalaking nasa unahan ay nakasuot ng metikulisong suit, gwapo at classy itong tingnan.Nang umangat ang tingin nito, makikita ang gulay sa kaniyang mga mata na agad na nagdilim.Si Quincy na nasa likod ni Nolan ay nakita din si Maisie. Hindi niya rin inaasaha
Gulat na napatingin sa kaniya si Harry. "Kasal ka na, Zora?"Mas lalong lumawak ang ngiti ni Maisie. "Oo.""Oh, nasa Zena ba ang asawa mo? Yayain natin siya mag-tsaa." Gustong malaman ni Harry kung sino ang maswerteng lalaki na naikasal sa maganda at talented na babaeng katulad ni Zora.Nagkunwaring bumuntong-hininga si Maisie. "Gusto ko sana, pero hindi ko alam kung sinong babae ang kinikita ng asawa ko. Hindi ko siya makausap."Hindi nakapagsalita sina Nolan, Cherie at Quincy. Naawa kay Maisie ang lahat kasama na si Harry. "Pasensya na, pero siguradong makakahanap ang isang magandang babaeng katulad mo ng mas mabuting lalaki."Matamis na ngumiti si Maisie. "Sana nga. May kilala ka ba?"Ngumti si Harry. "Siguro."Dumilim ang paligid ni Nolan. Nginitian niya ang mga tao sa tabi niya at nagngingitngit na sinabi, "Mayroon kaming kailangang pag-usapan ni Ms. Vanderbilt. Hindi na ako tutuloy sa dinner."Sa gulat ng lahat, hinila niya ang kamay ni Maisie at naglakad palayo.
"Ikaw dapat ang unang magsabi." Nagsimulang mamuo ang pawis sa noo ng lalaki. Nakatitig lang siya sa babae. Sinusubukan talaga siya ng babaeng 'ti!Matapos ang ilang sandali, binuhat siya ni Nolan papunta sa banyo.Kahit na galit ito, tinulungan siya ni Nolan sa kaniyang strap nang makitang nanghihina siya. Hinaplos niya ang balat nito dahilan para magbago ang ekspresyon ng mukha ni Maisie.Ngumisi si Nolan. "Galit ka ba talaga sa akin?"Hindi siya pinansin ni Maisie.Tinitigan siya ni Nolan, tumawa at sinabi, "Plano mo ba akong kausapin nang ganito simula ngayon?"Wala pa rin siyang makuhang sagot. "Hindi ka ba nahihiya?"Inagaw ni Maisie ang bathrobe kay Nolan at tinitigan ang lalaki. "Wala ito kumpara sa pagiging manhid mo."Tumayo si Nolan, tinukod niya ang parehong kamay sa dresser at ngumiti. "Sige na, Zee. I'm sorry."Tinitigan siya ni Maisie. "Magsa-shower ako, lumabas ka."Tumango si Nolan at tumayo nang diretso. "Okay, hihintayin kita sa labas."Pagkatap
Hindi na nagtanong pa si Maisie.Alam niya ng hindi sinabi ni Quincy kay Cherie ang dahilan dahil ayaw nitong malaman niya.Nang makitang hindi siya nagsasalita, akala ni Cherie ay mayroong ibang inaalala si Maisie, naging seryoso siya. "Huwag kang mag-alala, Maisie. Hindi magloloko si Mr. Goldmann."Ngumiti si Maisie. "Paano mo nasabi?"Tinapik niya ang kaniyang dibdib. "Tinataya ko ang reputasyon ko."Naningkit ang mga mata ni Maisie, "Anong reputasyon?"Sumimangot si Cherie at binago ang usapan. "Tinataya ko ang maliit kong sweldo."Tunawa si Maisie.Seryosong sinabi ni Cherie, "Alam ni Mr. Goldmann ang limitasyon niya. Ikaw ang unang babaeng pinakilala niya sa lahat. Akala ko dati ay wala ng mahahanap na mapapangasawa si Mr. Goldmann.""Ano bang klase siyang tao dati?" Nagtaka si Maisie dahil siguro naiinip na siya. Hindi niya kailanman sinubukan alamin ang nakaraan ni Nolan.Tinakpan ni Cherie ang kaniyang bibig at ngumiti. "Sikreto 'to, hindi ganiyan kaseryoso
Sa tuwing nagtatanong ang media kung iiwanan siya ulit, sasampalin sila sa mukha ni Nicholas sa pamamagitan ng gawa—sampung taong kasal nang walang anumang tsismis ng hiwalayan.Pagkatapos nito, pinag-uusapan ng lahat ng nasa Bassburgh ang tungkol sa balitang walang babaeng kasama sa mga business dinner ni Nicholas, kapag mayroon ay umaalis ito.Si Natasha na madalas na magkaroon ng dating rumors dati ay mas pipiliin pa ang mga role sa mga nakaka-inip na soap operas kaysa sa anumang romantic—hindi dahil sa hindi sila nagtitiwala sa isa't-isa, pero dahil mahal at nirerespeto nila ang isa't-isa.Kumurap si Maisie at bumuntong-hininga. "Mahal na mahal siguro ni dad ang nanay ni Nolan, ano?"Pero kung hindi dahil sa mga de Arma… Hindi siguro nawala kay Nicholas ang pinakamamahal niya.Tumango si Cherie at bumuntong-hininga. "Pagkatapos ng nangyari kay Mrs. Goldmann 15 years ago, naging tahimik si Mr. Goldmann, at ang dahilan kung bakit lagi siyang nasa mansion ay dahil gustong-gu
Hindi naman nanatiling nakaupo ang iba nilang kasama. Pinalibutan nila si Maisie at maraming tinanong sa kaniya. Kalmadong sinagot ni Maisie ang bawat tanong.Nanonood si Jones mula sa sidelines. Inakbayan siya ng isang lalaking kulot ang buhok at nagtanong habang nakataas ang kilay, "James, gusto mo ba siya?""Ako?" Tiningnan siya ni Jones at ngumisi. "Oo, pero kasal na siya.""Kasal na siya? Well, ibig sabihin ay wala ka ng pagkakataon." Nagkibit-balikat ang lalaking kulot ang buhok.Kinuha ni Jones ang golf club at hinampas ang bola sa damuhan pero mukhang hindi ito tumama sa mark.Tumawa sa gilid ang lalaking kulay blue ang buhok. "Mukhang magaling dito si Ms. Zora."Tinitingnan niya si Maisie, at sinundan ni Jones ang tinatanaw niya. Sa hindi kalayuan, hinawakan ni Maisie ang club at mahusay na pinalo ang bola papunta sa butas."Oo, tama ka," Komento ni Jones habang bakas maman ang paghanga sa kaniyang mga mata. Kaunti lang ang mga babae sa paligid niya na marunong m