"Lolo, alam mo na mahal ko si Nolan. Lahat ng ginagawa ko, ginagawa ko para kay Nolan!"Inalis ni Titus ang kamay ni Rowena sa trousers niya. "Ginawa mo lahat para kay Nolan? Hindi mo inisip yung buhay ni Nolan, at may lakas ng loob ka pang sabihin na para sa kaniya iyon lahat?"Nanliit ang mata ni Rowena. "Hindi, hindi ko yun ginawa! Inaamin ko na, ako ang nasa likod ng pagkamatay ni Wynona, pero yung nangyari kay Nolan dahil yun kay Stone. Wala talaga akong alam!"Hindi tiningnan ni Titus ang umiiyak na si Rowena. "Gusto kita paniwalaan, at sinabihan kita na po-protektahan kita, pero sobra na ang ginawa mo. Apo ko pa rin si Nolan."Malamig na tumingin sa kaniya si Titus kaya napaluhod siya lalo. "Kinaya mo ngang pumatay, ano pa ang kaya mong gawin? Paano mo ako mapapaniwala na inosente ka?"'Kahit na wala siyang kinalaman sa nangyari noong nakaraang gabi, hindi pa rin maliit na pagkakamali ang nagawa niya. Hindi na yun makatao.'Kaya paano ako mapapanatag na hayaan ang tul
Tila kausap ni Mr. Winters ang sarili niya.Bumaba ang tingin ni Maisie at napakagat siya ng labi. "Ayos na ba ang pakiramdam niyo?""Anong silbi pa nang paggaling?" kinutya ni Mr. Winters ang sarili niya. "Wala na ang anak at asawa ko, kaya bakit pa ako nabuhay?"Hindi matanggap ni Mr. Winters ang katotohanan.Sa katunayan, walang sinuman ang makakatanggap nito.Bumaba ulit ang tingin ni Maisie. "Dapat ay alam mo kung bakit at paano nangyari ang lahat ng to."Nagulat si Mr. Winters. Nahihiya siyang napayuko. "Oo, inaamin ko, hindi dapat kami naging sakim."May naisip siya at nagpatuloy. "Sa totoo lang, hindi namin alam ng asawa ko ang gagawin ng matanggap namin ang balitang patay na ang anak namin. Nang pumunta kami sa training camp para magtanong at nalaman naming nagpakamatay ito, hindi namin kinayang kumalma. Binayaran nga kami ng training camp, sabi pa nila manatili kami sa Grand Hotel sa Bassburgh para hintayin ang autopsy result ni Wynnie."Pero, may pumunta sa a
"Madam Nera, nandito ka pala." Ngumiti si Maisie at lumapit para i-welcome ito.Ngumiti si Madam Nera. "Narinig kong opisyal ng bukas ang kumpanya mo, kaya kailangan ko talaga pumunta para suportahan ka."Lumapit si Maisie at bahagyang nag-squat para hindi na magtaas pa ng tingin ang matanda sa kaniya bilang respeto. "Paniguradong magtatagumpay ang kumpanya ko dahil sa suporta niyo. Baka naman magselos ang ibang jewelry company owner sa buong Bassburgh sa akin niyan, ano sa tingin niyo?"Malaki ang ngiti ni Madam Nera. "Ikaw, alam mo talaga kung paano purihin ang matandang katulad ko."Itinulak ni Maisie ang wheelchair niya sa VIP room at nagbigay ng tsaa. "Madam, kumusta po ang kalusugan ninyo?""Huwag ka mag-alala, maayos na maayos." Kinuha ni Madam Nera ang teacup at hinipan ito. "Matagal na rin nung huli tayong nagkita, akala ko ay nakalimutan mo na ako."Ngumisi si Maisie. "Posible ba yun? Makakalimutan ko muna lahat bago ko kayo makalimutan."Humigop si Madam ng Ner
Namangha si Maisie.'Mukhang tama nga si Nolan. Pinakawalan ni lolo si Rowena alang-alang sa mga Summers, pero hindi yun matatanggap ni dad. Dahil dito, magigipit si Rowena at hindi na makakaganti pa.'Kung ayaw niyang mamuha nang tahimik, makukulong siya.'Sa isang eskinita sa isang tagong hotel…Si Rowena na nagtatago sa kwarto ay nakita ang balita na wanted na siya sa buong lungsod. Nagdilim ang kaniyang mukha.'Ang mga Goldmann! Kailangan ba talagang gipitin ako nang ganito? Bwisit, sinet-up ako noong una pa lang ng bruhang yun pati ni Nolan!'Heh, dahil ang sama ng trato sa akin ng mga Goldmann at hindi ako pinapakitaan ng awa, huwag nila ako sisisihin sa mangyayari sa kanila!'Kinuha ni Rowena ang kaniyang cell phone at tinawagan ang isang foreign number na hindi niya kailanman kusang tinatawagan noon.Hindi nagtagal, isang singhal ng lalaki ang narinig mula sa kabilang linya. "Anong nangyari? Bigla mo ba akong namiss?"Kinagat ni Rowena ang kaniyang labi.'Ku
Kumunot ang noo ni Maisie. “Yung mga babaeng yun ang tinutukoy ko!”Tumawa si Nolan. “Sinasabi mo bang hindi mo nararamdaman yun?”Hindi na nagsalita si Maisie sa inis. Hinila niya ang kumpol ng kaniyang buhok. “Nagsisimula na akong mapagod kasusunggab sa iyo. Gusto ko na ng ibang lalaki.”Kaagad na nagdilim ang mukha ni Nolan. “Sinong gusto mong sunggaban?”Sinadya ni Maisie na tingann si Quincy.Mayroong napansin si Quincy sa rearview mirror at natigilan. “Ms-Ms. Vanderbilt, b–bakla ako!”Halos gusto nang kagatin ni Quincy ang dila niya pagkatapos sabihin yun.Hindi mapigilang tumawa nang malakas ni Maisie.Tumaas ang kilay ni Nolan at napatingin na lang kay Maisie. “Naughty.”Muling nahagis sa kama nang gabing yun si Maisie.Nang makitang nakatulog na si Maisie dahil sa matinding pagod, nakaramdam ng inis at awa si Nolan. Lumapit siya at hinalikan ang labi, ilong at noo ni Maisie.“Siya ang pinakamamahal kong asawa, at hindi ko na hahayaang masaktan pa siya.’
“Nakasama ko sa dinner si Sir Hernandez nang nakaraang araw, at sinabi niya sa akin na ang tatay niyo ang pumutol sa paa niya at pumatay sa tatay niya. Nagtataka lang ako kung totoo yun.”‘Kung oo ang isasagot ni lolo, sino ang tama at mali sa alitan ng mga de Arma at mga Goldmann?’Gayunpaman, nagulat siya nang tila mainis si Titus sa sinabi niya. “Yan ang sabi sa iyo ng matandang yun?”Hindi tumanggi si Maisie.Suminghal si Titus, at kaagad na namula ang kaniyang mukha. “Magaling din manira ng tao si Hernandez, huh? Ginamit nga ng tatay ko si Hernandez para takutin ang mga de Arma dati, pero hindi niya kailanman ginalaw si Hernandez, lalo na ang saktan siya. Para naman sa nawala niyang paa, walang kinalaman ang mga Goldmann dun.”Bahagyang nagulat si Maisie. “Ibig sabihin ay hindi yun totoo?”Hindi hahayaan ni Titus na siraan ng iba ang kaniyang ama. “Kalokohan, galit nga ang tatay ko sa kaimpokritohan ng mga royal, pero paano niya magagawa ang ganoong bagay sa isang bata
Mahinang nagtanong si Maisie, “Kailan ka aalis?”Puno ng pagmamahal siyang tinitigan ni Nolan at bumulong, “Bukas.”Tumaas nang bahagya ang mga kilay niya. “Hindi mo ba ako bibitawan?”Tinikom ni Maisie ang mga labi at hindi nagsalita, pero manghang-mangha si Nolan sa reaksyong ito, halata ang pagnanasa sa kaniyang ekspresyon.Hawak ang baywang ni Maisie, pinagpalit niya ang posisyon nila.“Nolan, hindi mo pa sinasabi sa akin kung saan ka pupunta.” Nagpumiglas si Maisie sa pamamagitan ng paghampas at pagsipa kay Nolan, pero malakas ang pagkakakapit sa kaniya nito.Kinabukasan…Sumilip ang sinag ng araw sa pagitan ng mga kurtina sa kwarto.Nagising si Maisie, tumalikod siya at inunat ang braso para yakapin ang taong nasa tabi niya, pero wala ang taong yun sa tabi niya.Umupo siya at nakitang kanina pa malamig ang espasyo sa tabi niya.Bumaba si Maisie, at nakahanda na ang almusal sa mesa. Walang tao doon, tanging isang note lang na nakaipit sa ilalim ng baso ng gatas
Nagulat si Cherie. “Oh, pero alam ba ‘to ni Mr. Goldmann?”Hinila ni Maisie ang suitcase papunta sa harapan ng sasakyan. “Hindi niya alam, kaya balak ko siyang surpresahin.”Pagsapit ng 11:50 p.m, nasa oras na umalis ang flight papuntang Zena. Sampung oras ang haba ng biyahe, at inaasahan na makarating sila ng 10:00 a.m kinabukasan.Nang magising si Maisie sa mahabang byahe, maliwanag na ang langit sa labas ng bintana, at mayroong makapal na mga ulap sa baba ng eroplano.Saktong 10:00 a.m ay bumaba na ang lipad ng eroplano at lumipad sa ibabaw ng mga lungsod ng Stoslo. Makikita sa baba ang nagtataasang gusali na parang mga Lego models.Parang mga ugat ng lungsod ang magkakadugtong na mga urban cities.Lumapag sa runway ng Zena Airport ang eroplano pagkalipas ng 30 minuto.“Magdamag ako sa eroplano, ang sakit ng likod at mga paa ko.” Hila-hila ni Cherie ang kaniyang luggage habang nakasunod kay Maisie. Ito ang unang pagkakataon na nagtagal siya sa eroplano.Hinawakan ni