Alam ni Maisie na kapag nagpatuloy ito, ang kislap ng pagnanasa sa loob ni Nolan ay magiging isang malaking sunog.Kahit na wala namang tao sa kumpanya, hindi siya sigurado sa kung kailan darating si Kennedy, kaya agad niyang iniba ang usapan. "Nga pala, nahanap niyo na ba kung sino ang pino-protektahan nung lalaki?"Itinaas ni Nolan ang ulo niya, naging madilim ang mata nito at sinabing, "Galing sa training camp.""Sa training camp, posible kayang…""Kilala mo ang taong yun." Ibinaba ni Nolan ang ulo niya at hinalikan ang leeg ni Maisie.Inilagay ni Maisie ang kamay niya sa balikat ni Maisie at hindi niya mapigilan humigpit ang hawak doon. "Kaparehas ba ni Cherie at ng iba pa yung rank ng taong yun— Mmmh.""Huh?" Huminto si Nolan sa ginagawa niya na patang sinasadya niya ito at tumingin sa namumulang pisngi ni Maisie.Kinagat ni Maisie ang labi niya, nahihiyang umiwas ng tingin, at sinabing, "Pwede bang sumagot ka nang maayos!?"Ngumisi siya. "Huwag ka masyado maingay
Bumukas ang ilaw sa loob ng kwarto.Naningkit ang mata ng lalaki at maiging tumingin kay Quincy, na pumasok na may dalang laptop."Wala… wala kayong mapapala sa akin." Kahit na mamamatay na siya sa gutom, tinutupad niya pa rin ang pangako niya.Sumagot si Quincy, "Hindi ako pumunta rito para makakuha ng impormasyon sayo."Nagulat ang lalaki, pero hindi na siya nagsalita sa sobrang pagod.Humila ng upuan si Quincy, umupo roon, at nilapag ang dala niyang mineral water. "Hindi na mahalaga kung magbibigay ka ng impormasyon. Sa huli, may iba pa namang magsasalita kahit na wala kang maibibigay sa amin."Tiningnan ng lalaki ang bote ng tubig, at lalo pa siyang namutla. Pakiramdam niya ay isa siyang isda na mamamatay na sa uhaw sa isang disyerto. Sa sobrang tindi ng kagustuhan niyang makuha ang bote ng tubig, sumasakit na ang lalamunan niya kapag lumulunok siya ng laway.Binuksan ni Quincy ang laptop at itinapat ang screen sa lalaki. "Iniisip ko kung kasing tigas mo rin ang tao n
Sa training camp…"Mr. Boucher, matagal na umalis yung little goddess mo. Iniisip mo pa rin ba siya?"Katatapos lang maglaro ni Francisco ng basketball kasama ang ilan niyang kaibigan, at basa pa ng pawis ang katawan niya. Nakaupo siya sa bench at umiinom ng tubig habang tinutukso ng mga kaibigan niya. Kinawayan niya ang mga ito. "Lumayo kayo sa akin, huwag niyo ako asarin."May lumapit sa bench, umupo sa tabi niya, kinuha ang water bottle sa paanan niya, at binuksan ito. "Lagi kang tulala mula nung umalis yung little goddess mo dito sa training camp. Hindi ka na rin nakikipaglaro nang maayos sa amin."Uminom siya at mahinang nagtanong, "Kasabay ba niyang umalis sa training camp ang kaluluwa mo?"Bumuntong-hininga si Francisco. "Umalis ang kaluluwa ka diyan! Nagseseryoso lang ako para makauwi na ako."Hindi naniniwala ang lalaki. "Paano ka na magiging bully kapag umuwi ka? Babantayan ka ng magulang mo, hindi ba? Hindi ba't mas masaya ang buhay dito sa training camp?""Mas
Sinagot ni Nolan ang tawag. "Yes?""Mr. Goldmann, inatake ni Stone si Instructor Leach sa training camp, ayos lang si Instructor Leach dahil kay Mr. Boucher. pero…"Inilagay ni Nolan ang abo ng sigarilyo sa lata ng Coke. Madilim ang mata niya nang magtanong, "Pero ano?""Nang sinubukan namin harangin si Stone sa junction, sumabog ang sasakyan niya. Patay na si Stone."Nagulat si Nolan matapos marinig ang sinabi ni Hans.Itinapon niya ang upos ng sigarilyo sa lata, na naglabas ng mahinang tunog sa hangin. Mariin siyang nagtanong, "Sumabog? May naglagay ba ng bomba sa sasakyan niya?""Oo. Mukhang may gustong mawala siya." sagot ni Hans.Tumawa si Nolan at walang sinabi.Base sa katotohanang umabot na sa punto si Rowena kung saan pinatay niya ang sarili niyang tauhan, paniguradong akala niya ay trinahidor siya ni Stone.At isa pa, sigurado siyang papatayin din naman talaga ni Rowena si Stone, kahit na mapatay pa nito si Instructor Leach."May nangyari ba?" Bumalik siya
Nagpadala ng text message si Nolan kay Quincy. Matapos ang ilang sandali, may nahanap si Quincy at nagreply kay Nolan.Ibinato ni Nolan ang phone niya sa lamesa at tinanong, "Ito ba yung babae?"Tiningnan ng lalaki ang phone at tumango.Kinuha ni Maisie ang phone at tiningnan ang female staff member.'Hindi ba't si Meryl yan ng administrative department? Anong nagawa niya at pinapatay siya ni Rowena?'Tumingin si Maisie kay Nolan at tinanong, "Paano mo nalaman na siya yun?""Ilang araw na siyang absent sa trabaho, kaya hindi mahirap hanapin ang impormasyon niya." Sagot ni Nolan.Hindi pumapasok si Meryl sa trabaho at wala itong nasabing rason. Walang alam ang mga kasamahan niya kung saan siya nagpunta, at hindi rin siya ma-contact. Nasa desk pa ang mga gamit niya, at sinabihan si Quincy ng administrative department manager tungkol doon. Kaya naman, naisip ni Nolan na baka siya ang tinutukoy ng lalaki.Dagdag pa ng lalaki, "Pinatay siya ni Stone, at ako ang umasikaso ng
Humigpit ang hawak ni Nolan sa kamay ni Maisie, dahilan para mapasinghap ito sa sakit. "Masakit. Ano ba? Bawal ba magtanong?"Tumawa si Nolan. "Wala lang. Hindi ko lang talaga siya gusto."Binawi ni Maisie ang kamay niya at humalukipkip. "Eh sa ibang babae? Hindi ka ba nagkagusto sa iba?"Lumingon si Nolan at sinabing, "Hindi."Matapos non, nagtanong siya, "Ikaw ba? Nagkagusto ka ba sa ibang lalaki bago ako?"Nag-isip si Maisie at nakangiting sumagot. "Oo, mayroong isa. Nagka-crush ako sa senior ko nung college pa ako."Nang mapansin niyang nagdilim ang mukha ni Nolan, tumawa siya at dinagdag, "Maraming may gusto sa kaniya. Gwapo siya at matataas ang grado. Hindi lang naman ako. At saka, hindi niya ako kilala.""Gusto mo bang kilala ka niya?" sabi ni Nolan, punong puno ng selos ang boses niya.Tumawa si Maisie at sumagot, "Hindi. Mayroon na akong ikaw, ang pinakagwapo at successful na lalaki sa tabi ko, kaya bakit pa ako mag-iisip ng ibang lalaki?"Nang matapos magsal
Sinasadya niya bang magtagal ako dun para makasalubong siya ni Titus at si Hernandez?Tila iniisip ni Nolan ang mga sinabi ni Maisie, nakapalumbaba siya. "Kung tauhan niya talaga yun, edi sana ay inutusan niya yun na patayin ako. Posible kayang pinapabantayan niya lang ako?”Tumayo si Nolan at lumingon sa paligid. "Mukhang sinasamantala niya na ang mga tao sa paligid niya.""Mga tao sa paligid niya? Pero wala namang ibang nakakaalam na pumunta ako sa SS Restaurant bukod sa iyo at kay…"May naisip siyang tao, at napasinghap siya.Ngumisi si Nolan. "Mukhang oras na para turuan siya na hindi lahat ng tao sa mundo ay mabuti.”Kinabukasan…Pinatawag ni Nolan si Cherie sa administrative office. Kamot ulo itong pumasok sa opisina ni Nolan. Matapos tumingin kay Quincy, nagtanong siya, "Hinahanap niyo daw ako, Mr. Goldmann?""Noong araw na sinabi ko sa iyong sunduin si Zee sa SS Restaurant, may iba ka pa bang sinabihan tungkol doon?" Tanong ni Nolan habang tinitingnan ang mga d
Naglakad si Rowena papunta sa mesa dala ang isang tasa ng kape at saka ito nilapag sa mesa. Nang mapansing malamig sa kaniya nitong mga nakaraan si Titus, alam niyang masama ang loob nito sa kaniya dahil sa muntik ng maaksidente si Nolan.Kinagat niya ang labi niya at nagpapaawang sinabi, "Lolo, alam ko na kung sinong may gustong manakit kay Nolan. Si Stone."Nagulat si Titus. Ibinaba niya ang dyaryo at inangat ang ulo para tingnan si Rowena, madilim ang mukha niya. "Stone? Yung lalaking pinadala ko sa iyo?"Pamilyar si Titus kay Stone. Si Stone ang nagbibigay ng assessment sa mga gustong sumama sa Night Banquet. Kasama niya magtrabaho sa Night Banquet si Hans. Sinabihan lang siya ni Titus na tulungan si Rowena.Umupo si Rowena sa tabi niya at nagpaliwanag, "Oo, siya yun. Lolo, hindi ko talaga alam na gagawa ng ganun si Stone.""Hindi mo alam?" Ibinaba ni Titus ang dyaryo sa mesa. "Tumatanggap lang siya ng utos mula sa iyo. Kung hindi mo siya inutusan, paano siya magkakaroon