Naglakad si Rowena papunta sa mesa dala ang isang tasa ng kape at saka ito nilapag sa mesa. Nang mapansing malamig sa kaniya nitong mga nakaraan si Titus, alam niyang masama ang loob nito sa kaniya dahil sa muntik ng maaksidente si Nolan.Kinagat niya ang labi niya at nagpapaawang sinabi, "Lolo, alam ko na kung sinong may gustong manakit kay Nolan. Si Stone."Nagulat si Titus. Ibinaba niya ang dyaryo at inangat ang ulo para tingnan si Rowena, madilim ang mukha niya. "Stone? Yung lalaking pinadala ko sa iyo?"Pamilyar si Titus kay Stone. Si Stone ang nagbibigay ng assessment sa mga gustong sumama sa Night Banquet. Kasama niya magtrabaho sa Night Banquet si Hans. Sinabihan lang siya ni Titus na tulungan si Rowena.Umupo si Rowena sa tabi niya at nagpaliwanag, "Oo, siya yun. Lolo, hindi ko talaga alam na gagawa ng ganun si Stone.""Hindi mo alam?" Ibinaba ni Titus ang dyaryo sa mesa. "Tumatanggap lang siya ng utos mula sa iyo. Kung hindi mo siya inutusan, paano siya magkakaroon
Wala ng pakialam si Cherie sa nararamdaman ni Rowena.Nagbago ang ekspresyon ni Rowena, at agad niyang sinabi, "Cherie, anong sinasabi mo? May nagsabi ba sa iyo? Wala akong alam—""Nagpapanggap ka pa rin? Umamin na ang taong yun na ikaw ang may kagagawan ng lahat bago siya mamatay. Pinatay mo rin si Wynona at ang magulang niya!"Cherie’s words made Titus’ expression turn gloomy as he glared at Rowena.Nagdilim ang ekspresyon ni Titus sa mga sinabi ni Cherie at tumingin kay Rowena.Nanlamig ang mukha ni Rowena at naging seryoso. "Cherie, alam mo bang sinisiraan mo ako sa mga sinasabi mo? Walang kinalaman sakin si Wynona at ang mga magulang niya!""Kung paninira yun para sayo, kung ganoon, hindi paninira ang katotohanang muntik ng maasidente si Mr. Goldmann nang gabing yun, tama ba ako?”Nanlilisik ang tingin ni Cherie sa kaniya at tinanong, "Inutusan mo si Stone na gawin yun, hindi ba? Tauhan mo si Stone!"Mariin na napakuyom ng kamay si Rowena. "Oo, kagagawan yun ni Stone
Kinuha ni Nicholas ang teacup, uminom doon, at tumawa. "Hindi mo alam?"Ibinaba niya ang teacup at mahinahong sinabi, "Dahil sa pareho ng patay sina Stone at yung isang lalaki, wala na sila rito para patunayan na kagagawan mo talaga yan lahat, hindi ba?"Nanginig si Rowena."Papasukin mo na 'yung lalaki." sabi ni Nicholas kay Hans. 'Yung lalaki? Sino yun?'Saglit na napatigil sa paghinga si Rowena at namutla ang pisngi niya.Ilang sandali, dinala ni Hans si Instructor Leach na mahina pa rin dahil sa injury.Nang makita si Instructor Leach, nag panic si Rowena.'Buhay pa siya! Hindi siya napatay ni Stone!"Tumingin si Nicholas kay Instructor Leach. "Sabihin mo sa amin lahat."Hindi sana talikuran si Rowena nung una, pero wala na siyang pakialam nang malaman niyang patay na ang kapatid niya, "Mr. Goldmann Sr., Elder Master Goldmann, si Miss Summers po talaga ang mastermind ng lahat. Nang namatay si Wynona, ginamit ni Ms. Summers ang buhay ng kapatid ko para pilitin ak
"Lolo, alam mo na mahal ko si Nolan. Lahat ng ginagawa ko, ginagawa ko para kay Nolan!"Inalis ni Titus ang kamay ni Rowena sa trousers niya. "Ginawa mo lahat para kay Nolan? Hindi mo inisip yung buhay ni Nolan, at may lakas ng loob ka pang sabihin na para sa kaniya iyon lahat?"Nanliit ang mata ni Rowena. "Hindi, hindi ko yun ginawa! Inaamin ko na, ako ang nasa likod ng pagkamatay ni Wynona, pero yung nangyari kay Nolan dahil yun kay Stone. Wala talaga akong alam!"Hindi tiningnan ni Titus ang umiiyak na si Rowena. "Gusto kita paniwalaan, at sinabihan kita na po-protektahan kita, pero sobra na ang ginawa mo. Apo ko pa rin si Nolan."Malamig na tumingin sa kaniya si Titus kaya napaluhod siya lalo. "Kinaya mo ngang pumatay, ano pa ang kaya mong gawin? Paano mo ako mapapaniwala na inosente ka?"'Kahit na wala siyang kinalaman sa nangyari noong nakaraang gabi, hindi pa rin maliit na pagkakamali ang nagawa niya. Hindi na yun makatao.'Kaya paano ako mapapanatag na hayaan ang tul
Tila kausap ni Mr. Winters ang sarili niya.Bumaba ang tingin ni Maisie at napakagat siya ng labi. "Ayos na ba ang pakiramdam niyo?""Anong silbi pa nang paggaling?" kinutya ni Mr. Winters ang sarili niya. "Wala na ang anak at asawa ko, kaya bakit pa ako nabuhay?"Hindi matanggap ni Mr. Winters ang katotohanan.Sa katunayan, walang sinuman ang makakatanggap nito.Bumaba ulit ang tingin ni Maisie. "Dapat ay alam mo kung bakit at paano nangyari ang lahat ng to."Nagulat si Mr. Winters. Nahihiya siyang napayuko. "Oo, inaamin ko, hindi dapat kami naging sakim."May naisip siya at nagpatuloy. "Sa totoo lang, hindi namin alam ng asawa ko ang gagawin ng matanggap namin ang balitang patay na ang anak namin. Nang pumunta kami sa training camp para magtanong at nalaman naming nagpakamatay ito, hindi namin kinayang kumalma. Binayaran nga kami ng training camp, sabi pa nila manatili kami sa Grand Hotel sa Bassburgh para hintayin ang autopsy result ni Wynnie."Pero, may pumunta sa a
"Madam Nera, nandito ka pala." Ngumiti si Maisie at lumapit para i-welcome ito.Ngumiti si Madam Nera. "Narinig kong opisyal ng bukas ang kumpanya mo, kaya kailangan ko talaga pumunta para suportahan ka."Lumapit si Maisie at bahagyang nag-squat para hindi na magtaas pa ng tingin ang matanda sa kaniya bilang respeto. "Paniguradong magtatagumpay ang kumpanya ko dahil sa suporta niyo. Baka naman magselos ang ibang jewelry company owner sa buong Bassburgh sa akin niyan, ano sa tingin niyo?"Malaki ang ngiti ni Madam Nera. "Ikaw, alam mo talaga kung paano purihin ang matandang katulad ko."Itinulak ni Maisie ang wheelchair niya sa VIP room at nagbigay ng tsaa. "Madam, kumusta po ang kalusugan ninyo?""Huwag ka mag-alala, maayos na maayos." Kinuha ni Madam Nera ang teacup at hinipan ito. "Matagal na rin nung huli tayong nagkita, akala ko ay nakalimutan mo na ako."Ngumisi si Maisie. "Posible ba yun? Makakalimutan ko muna lahat bago ko kayo makalimutan."Humigop si Madam ng Ner
Namangha si Maisie.'Mukhang tama nga si Nolan. Pinakawalan ni lolo si Rowena alang-alang sa mga Summers, pero hindi yun matatanggap ni dad. Dahil dito, magigipit si Rowena at hindi na makakaganti pa.'Kung ayaw niyang mamuha nang tahimik, makukulong siya.'Sa isang eskinita sa isang tagong hotel…Si Rowena na nagtatago sa kwarto ay nakita ang balita na wanted na siya sa buong lungsod. Nagdilim ang kaniyang mukha.'Ang mga Goldmann! Kailangan ba talagang gipitin ako nang ganito? Bwisit, sinet-up ako noong una pa lang ng bruhang yun pati ni Nolan!'Heh, dahil ang sama ng trato sa akin ng mga Goldmann at hindi ako pinapakitaan ng awa, huwag nila ako sisisihin sa mangyayari sa kanila!'Kinuha ni Rowena ang kaniyang cell phone at tinawagan ang isang foreign number na hindi niya kailanman kusang tinatawagan noon.Hindi nagtagal, isang singhal ng lalaki ang narinig mula sa kabilang linya. "Anong nangyari? Bigla mo ba akong namiss?"Kinagat ni Rowena ang kaniyang labi.'Ku
Kumunot ang noo ni Maisie. “Yung mga babaeng yun ang tinutukoy ko!”Tumawa si Nolan. “Sinasabi mo bang hindi mo nararamdaman yun?”Hindi na nagsalita si Maisie sa inis. Hinila niya ang kumpol ng kaniyang buhok. “Nagsisimula na akong mapagod kasusunggab sa iyo. Gusto ko na ng ibang lalaki.”Kaagad na nagdilim ang mukha ni Nolan. “Sinong gusto mong sunggaban?”Sinadya ni Maisie na tingann si Quincy.Mayroong napansin si Quincy sa rearview mirror at natigilan. “Ms-Ms. Vanderbilt, b–bakla ako!”Halos gusto nang kagatin ni Quincy ang dila niya pagkatapos sabihin yun.Hindi mapigilang tumawa nang malakas ni Maisie.Tumaas ang kilay ni Nolan at napatingin na lang kay Maisie. “Naughty.”Muling nahagis sa kama nang gabing yun si Maisie.Nang makitang nakatulog na si Maisie dahil sa matinding pagod, nakaramdam ng inis at awa si Nolan. Lumapit siya at hinalikan ang labi, ilong at noo ni Maisie.“Siya ang pinakamamahal kong asawa, at hindi ko na hahayaang masaktan pa siya.’