Sinagot ni Nolan ang tawag. "Yes?""Mr. Goldmann, inatake ni Stone si Instructor Leach sa training camp, ayos lang si Instructor Leach dahil kay Mr. Boucher. pero…"Inilagay ni Nolan ang abo ng sigarilyo sa lata ng Coke. Madilim ang mata niya nang magtanong, "Pero ano?""Nang sinubukan namin harangin si Stone sa junction, sumabog ang sasakyan niya. Patay na si Stone."Nagulat si Nolan matapos marinig ang sinabi ni Hans.Itinapon niya ang upos ng sigarilyo sa lata, na naglabas ng mahinang tunog sa hangin. Mariin siyang nagtanong, "Sumabog? May naglagay ba ng bomba sa sasakyan niya?""Oo. Mukhang may gustong mawala siya." sagot ni Hans.Tumawa si Nolan at walang sinabi.Base sa katotohanang umabot na sa punto si Rowena kung saan pinatay niya ang sarili niyang tauhan, paniguradong akala niya ay trinahidor siya ni Stone.At isa pa, sigurado siyang papatayin din naman talaga ni Rowena si Stone, kahit na mapatay pa nito si Instructor Leach."May nangyari ba?" Bumalik siya
Nagpadala ng text message si Nolan kay Quincy. Matapos ang ilang sandali, may nahanap si Quincy at nagreply kay Nolan.Ibinato ni Nolan ang phone niya sa lamesa at tinanong, "Ito ba yung babae?"Tiningnan ng lalaki ang phone at tumango.Kinuha ni Maisie ang phone at tiningnan ang female staff member.'Hindi ba't si Meryl yan ng administrative department? Anong nagawa niya at pinapatay siya ni Rowena?'Tumingin si Maisie kay Nolan at tinanong, "Paano mo nalaman na siya yun?""Ilang araw na siyang absent sa trabaho, kaya hindi mahirap hanapin ang impormasyon niya." Sagot ni Nolan.Hindi pumapasok si Meryl sa trabaho at wala itong nasabing rason. Walang alam ang mga kasamahan niya kung saan siya nagpunta, at hindi rin siya ma-contact. Nasa desk pa ang mga gamit niya, at sinabihan si Quincy ng administrative department manager tungkol doon. Kaya naman, naisip ni Nolan na baka siya ang tinutukoy ng lalaki.Dagdag pa ng lalaki, "Pinatay siya ni Stone, at ako ang umasikaso ng
Humigpit ang hawak ni Nolan sa kamay ni Maisie, dahilan para mapasinghap ito sa sakit. "Masakit. Ano ba? Bawal ba magtanong?"Tumawa si Nolan. "Wala lang. Hindi ko lang talaga siya gusto."Binawi ni Maisie ang kamay niya at humalukipkip. "Eh sa ibang babae? Hindi ka ba nagkagusto sa iba?"Lumingon si Nolan at sinabing, "Hindi."Matapos non, nagtanong siya, "Ikaw ba? Nagkagusto ka ba sa ibang lalaki bago ako?"Nag-isip si Maisie at nakangiting sumagot. "Oo, mayroong isa. Nagka-crush ako sa senior ko nung college pa ako."Nang mapansin niyang nagdilim ang mukha ni Nolan, tumawa siya at dinagdag, "Maraming may gusto sa kaniya. Gwapo siya at matataas ang grado. Hindi lang naman ako. At saka, hindi niya ako kilala.""Gusto mo bang kilala ka niya?" sabi ni Nolan, punong puno ng selos ang boses niya.Tumawa si Maisie at sumagot, "Hindi. Mayroon na akong ikaw, ang pinakagwapo at successful na lalaki sa tabi ko, kaya bakit pa ako mag-iisip ng ibang lalaki?"Nang matapos magsal
Sinasadya niya bang magtagal ako dun para makasalubong siya ni Titus at si Hernandez?Tila iniisip ni Nolan ang mga sinabi ni Maisie, nakapalumbaba siya. "Kung tauhan niya talaga yun, edi sana ay inutusan niya yun na patayin ako. Posible kayang pinapabantayan niya lang ako?”Tumayo si Nolan at lumingon sa paligid. "Mukhang sinasamantala niya na ang mga tao sa paligid niya.""Mga tao sa paligid niya? Pero wala namang ibang nakakaalam na pumunta ako sa SS Restaurant bukod sa iyo at kay…"May naisip siyang tao, at napasinghap siya.Ngumisi si Nolan. "Mukhang oras na para turuan siya na hindi lahat ng tao sa mundo ay mabuti.”Kinabukasan…Pinatawag ni Nolan si Cherie sa administrative office. Kamot ulo itong pumasok sa opisina ni Nolan. Matapos tumingin kay Quincy, nagtanong siya, "Hinahanap niyo daw ako, Mr. Goldmann?""Noong araw na sinabi ko sa iyong sunduin si Zee sa SS Restaurant, may iba ka pa bang sinabihan tungkol doon?" Tanong ni Nolan habang tinitingnan ang mga d
Naglakad si Rowena papunta sa mesa dala ang isang tasa ng kape at saka ito nilapag sa mesa. Nang mapansing malamig sa kaniya nitong mga nakaraan si Titus, alam niyang masama ang loob nito sa kaniya dahil sa muntik ng maaksidente si Nolan.Kinagat niya ang labi niya at nagpapaawang sinabi, "Lolo, alam ko na kung sinong may gustong manakit kay Nolan. Si Stone."Nagulat si Titus. Ibinaba niya ang dyaryo at inangat ang ulo para tingnan si Rowena, madilim ang mukha niya. "Stone? Yung lalaking pinadala ko sa iyo?"Pamilyar si Titus kay Stone. Si Stone ang nagbibigay ng assessment sa mga gustong sumama sa Night Banquet. Kasama niya magtrabaho sa Night Banquet si Hans. Sinabihan lang siya ni Titus na tulungan si Rowena.Umupo si Rowena sa tabi niya at nagpaliwanag, "Oo, siya yun. Lolo, hindi ko talaga alam na gagawa ng ganun si Stone.""Hindi mo alam?" Ibinaba ni Titus ang dyaryo sa mesa. "Tumatanggap lang siya ng utos mula sa iyo. Kung hindi mo siya inutusan, paano siya magkakaroon
Wala ng pakialam si Cherie sa nararamdaman ni Rowena.Nagbago ang ekspresyon ni Rowena, at agad niyang sinabi, "Cherie, anong sinasabi mo? May nagsabi ba sa iyo? Wala akong alam—""Nagpapanggap ka pa rin? Umamin na ang taong yun na ikaw ang may kagagawan ng lahat bago siya mamatay. Pinatay mo rin si Wynona at ang magulang niya!"Cherie’s words made Titus’ expression turn gloomy as he glared at Rowena.Nagdilim ang ekspresyon ni Titus sa mga sinabi ni Cherie at tumingin kay Rowena.Nanlamig ang mukha ni Rowena at naging seryoso. "Cherie, alam mo bang sinisiraan mo ako sa mga sinasabi mo? Walang kinalaman sakin si Wynona at ang mga magulang niya!""Kung paninira yun para sayo, kung ganoon, hindi paninira ang katotohanang muntik ng maasidente si Mr. Goldmann nang gabing yun, tama ba ako?”Nanlilisik ang tingin ni Cherie sa kaniya at tinanong, "Inutusan mo si Stone na gawin yun, hindi ba? Tauhan mo si Stone!"Mariin na napakuyom ng kamay si Rowena. "Oo, kagagawan yun ni Stone
Kinuha ni Nicholas ang teacup, uminom doon, at tumawa. "Hindi mo alam?"Ibinaba niya ang teacup at mahinahong sinabi, "Dahil sa pareho ng patay sina Stone at yung isang lalaki, wala na sila rito para patunayan na kagagawan mo talaga yan lahat, hindi ba?"Nanginig si Rowena."Papasukin mo na 'yung lalaki." sabi ni Nicholas kay Hans. 'Yung lalaki? Sino yun?'Saglit na napatigil sa paghinga si Rowena at namutla ang pisngi niya.Ilang sandali, dinala ni Hans si Instructor Leach na mahina pa rin dahil sa injury.Nang makita si Instructor Leach, nag panic si Rowena.'Buhay pa siya! Hindi siya napatay ni Stone!"Tumingin si Nicholas kay Instructor Leach. "Sabihin mo sa amin lahat."Hindi sana talikuran si Rowena nung una, pero wala na siyang pakialam nang malaman niyang patay na ang kapatid niya, "Mr. Goldmann Sr., Elder Master Goldmann, si Miss Summers po talaga ang mastermind ng lahat. Nang namatay si Wynona, ginamit ni Ms. Summers ang buhay ng kapatid ko para pilitin ak
"Lolo, alam mo na mahal ko si Nolan. Lahat ng ginagawa ko, ginagawa ko para kay Nolan!"Inalis ni Titus ang kamay ni Rowena sa trousers niya. "Ginawa mo lahat para kay Nolan? Hindi mo inisip yung buhay ni Nolan, at may lakas ng loob ka pang sabihin na para sa kaniya iyon lahat?"Nanliit ang mata ni Rowena. "Hindi, hindi ko yun ginawa! Inaamin ko na, ako ang nasa likod ng pagkamatay ni Wynona, pero yung nangyari kay Nolan dahil yun kay Stone. Wala talaga akong alam!"Hindi tiningnan ni Titus ang umiiyak na si Rowena. "Gusto kita paniwalaan, at sinabihan kita na po-protektahan kita, pero sobra na ang ginawa mo. Apo ko pa rin si Nolan."Malamig na tumingin sa kaniya si Titus kaya napaluhod siya lalo. "Kinaya mo ngang pumatay, ano pa ang kaya mong gawin? Paano mo ako mapapaniwala na inosente ka?"'Kahit na wala siyang kinalaman sa nangyari noong nakaraang gabi, hindi pa rin maliit na pagkakamali ang nagawa niya. Hindi na yun makatao.'Kaya paano ako mapapanatag na hayaan ang tul