Ngumiti ang butler at sinabing, “Wala na gaanong kabataan na kayang maglaro ng chess ngayon. Pareho silang magaling.”Tumango si Sunny.Magaling talaga si Nick. Tinanggap siya ni Sunny bilang estudyante dahil nakakita siya ng potensyal dito. Hindi rin nalalayo ang martial arts skill niya kay Cameron.Kung hindi dumating si Waylon, gusto niya sanang maging son-in-law si Nick.Masaya si Sunny dahil parehong son-in-law at estudyante niya ang malapit sa kaniya.Naging patas ang laban nila.Lumapit si Damian. “Oh, maganda ang katayuan ng dalawa at walang paraan para malaman kung sino ang panalo.”Tiningnan ni Nick si Waylon. “Ang ganda ng laban. Wala akong ideya kung anong move ang susunod.”Ngumiti si Waylon. “Masyado kang mapagkumbaba. Kaunti lang ang tao na kaya akong tapatan.”Humalukipkip si Cameron. Kailangan niyang aminin na pangit ang laro niya.Lumapit si Mahina at bumulong, “Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Sino ang nanalo?”Bumulong si Cameron, “Hindi ko gaano ala
Habang kinukuha ang tasa niya, tumawa si Sunny, “Pinalaki ko si Cam bilang anak na lalaki nang lagpas 20 taon. Maiksi ang pasensya niya bago ko siya pinadala sa military school.”Walang sinabi na kahit ano si Nick.Pagkatapos ng ilang sandali, tiningnan siya ni Sunny at nagpatuloy. “Nick, kahit na estudyante kita, matagal nang anak ang trato ko sa'yo. Maagang namatay ang asawa ko at kasal na ngayon si Cam. Sa tingin ko ay nagawa ko na ang lahat sa buhay ko. Ngayon, kailangan ko na lang maghintay na dumating ang kamatayan at kunin ako.Gumalaw ang mata ni Nick, at sinabi niyang, “Maayos ang kalusugan mo at malayo ka pa sa dulo ng buhay mo.”Tumawa si Sunny. “Mayroon pa akong 20 o 30 years na natitira pero darating din ‘yan.”Uminom ng tsaa si Nick.“Kailan ka mag-aasawa kung ganoon?”Natigil si Nick nang marinig ang tanong ni Sunny. Pero, natauhan siya at sumagot, “Hindi pa ito ang tamang oras. Sasabay lang ako sa agos at maghihintay na dumating ang tamang tao.”Uminom ng tsaa s
Lumingon ang lahat at tumingin kay James. Kahit si James ay nagulat mismo.“Dahil isu-surprise natin siya, nag-desisyon kami na ilagay ang pangalan niya sa dulo ng listahan. Tara at bigyan natin nang masigabong palakpakan si Mr. Tell para batiin siya sa pagkapanalo niya ng Best Actor Award sa una niyang pelikula, ang The Fog!”Hindi makapaniwalang tumayo si James habang nagpapalakpakan ang lahat. Tinulak siya ni Hannah at sinabing, “Ano pa ang hinihintay mo? Bilisan mo!”Blangko ang isip ni James habang palapit siya sa stage. Pagkatapos niyang kunin ang award, magbibigay siya ng speech. Pero, matagal siyang nanahimik at bilang sinabi, “Hindi ako nananaginip, hindi ba?”Tumawa ang lahat ng nanonood.Tumawa ang host at sinabing, “Totoong aktor ka na ngayon, Mr. Tell. Dahil natanggap mo ang award na ito, ibig sabihin ay kilala ka na ng lahat. Hindi ito panaginip.”“Hindi… Hindi ko alam kung ano ang sasabihin,” sabi ni James, namaos ang boses niya sa gulat. “Parang sumikat ang araw m
Walang nakakaalam kung ano ang nangyayari sa delivery room. Nag-aalala si Maisie at Nolan kay Daisie habang si Freyja naman at Colton ay naghihintay habang nahihirapang huminga.Naglalakad si Nollace pabalik-balik sa corridor.Alam niya na delikadong proseso ang labor. Kahit na advanced na ang medical technology ngayon, magdudusa pa rin ang babaeng nanganganak.Pagkatapos ng dalawang oras, lumabas ang doktor sa delivery room. Lahat sila ay nagtipon sa paligid nito at tinanong, “Kumusta siya ngayon?”Nagulat nang bahagya ang doktor pero natauhan siya bigla at tinanong, “Pamilya ba niya kayong lahat?”“Oo.”Agad na nagtanong muli si Nollace. “Kumusta ang misis ko?”“Masyadong malaki ang baby para sa vaginal delivery, kaya wala kaming ibang magawa kundi ang mag-perform nv cesarean section. Kailangan pumirma ng isa sa inyo ng consent form.”Biglang kinwelyohan ni Nollace ang doctor. Bakas ang ugat sa noo niya habang sinasabi, “Gusto kong pumasok sa loob. Gusto kong manatili sa tabi
Inilagay ni Nollace ang kamay ni Daisie sa labi niya at tumawa. “Oo. Ang dami mong pinaghirapan para ipanganak sila. Kung hindi ka nila gagalangin sa hinaharap, bubugbugin ko sila.”Tumawa si Daisie. “Kasing gwapo at talino mo sila. Sa tingin ko ay hindi ko sila masasaktan.”Pagkatapos ng isang linggo, kumalat sa Bassburgh ang panganganak ng triplets ni Daisie sa. Lahat ng fans nita ay masaya at binati siya. Kahit si Cameron at Waylon ay bumalik sa Bassburgh para makita si Daisie.Sa loob ng ward, tumingin si Cameron sa tatlong baby na nasa crib. Hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili at pinisil ang kaniyang mga mukha. “Hindi talaga ako makapaniwala na nanganak ka ng triplets, Daisie. Ang galing mo.”Mapait na ngumiti si Daisie at sinabing, “Mas maganda sana kung babae ang isa sa kanila tulad ng mom ko. Ang dami kong biniling dress at manika pero sayang na ngayon ang lahat ng ‘yon.”Kahit na lagi niyang sinasabi na gusto niya ng babaeng anak, mahal niya pa rin ang tatlo niyang l
Kung hindi si Diana ang reyna, nakaalis na sana siya para makita ang daughter-in-law niya ngayon.Napangiti na lang si Rick habang nakaupo sa tabi niya at sinara ang pinto. “Kung gusto mo talaga sila makita, pwede mo naman i-video call si Nollace.”Tumayo si Diana at sinabing, “Kung ganoon ano pa ang hinihintay mo?”Samantala, sa Taylorton…Nag-aaral si Nollace ng diaper ng baby sa tulong ng nanny nang bigla siyang makatanggap ng tawad mula sa kaniyang mom. Tumabi siya para sagutin ang tawag. “Mom?”“Gusto kong makita ang daughter-in-law ko at mga apo ngayon na!” Sigaw ni Diana dahilan para ilayo ni Nollace ang phone sa kaniyang tainga para makaligtas siya sa mga sigaw.Kumunot siya at wala siyang nagawa. “Sige na, sige na.”Nasa kabilang kwarto si Daisie at narinig ang boses ni Diana. Lumabas siya at sinabing, “Si Mom ba yan?”Nang makita ni Diana si Daisie sa video call, kabado siyang tumayo at sinabing, “Daisie, bakit ka tumayo sa higaan mo? Kaka-opera mo lang. Kailangan mo
Dinala sila ni Daisie sa taas at ang unang bagay na nakita ni Colton ay ang pagpapalit ni Nollace ng diaper ng baby.Ngumisi siya. “Kakaibang bagay para makita.”Pabalik siyang inasar si Freyja, “Mas mukhang maaasahan siya kumpara sa'yo nang magsimula ka gawin ‘yan.”Walang masabi si Colton.Lumapit si Cameron sa mga baby kasama si Waylon. Malaki na ang tiyan niya ngayon at hindi na siya makayuko, kaya naman nag-squat siya nang bahagya sa gilid ng kama at hinawakan ang maliit na kamay ng baby. “Ang lambot, ang liit naman ng kamay. Ang sarap sa pakiramdam!”Tinitigan ni Daisie ang tiyan niya. “Cameron, ilang buwan ka na?”Hinaplos siya ang tiyan niya. “22 weeks na.”“Kuya, ilan ang inaasahan mo?”Tumawa si Waylon. “Hulaan mo.”Tatlo ang hula ni Freyja at ganoon din ang naiisip ni Daisie.Sinabi ni Colton, “Parang ang dali namang magkaroon ng triplets sa sinasabi niyo. Bakit ang dami namang triplets? Baka kambal.”Tumango si Nollace.Naguluhan si Daisie. “Paano kung triplets
Hindi nakapagsalita si Nollace.“O Alpha, Bravo, at Charlie? Mas systematic pakinggan.”Hindi makapagsalita si Nollace.Matapos ang ilang sandali, huminga siya nang malalim at hinaplos ang bridge ng kaniyang ilong. “Siguro huwag muna natin pag-usapan ang pangalan ngayon. Balikan na lang natin sa susunod.”…Isang linggo pa bago mag 20th kung kailan ang wedding date nila Colton at Freyja. Noong una ay iniisip ni Daisie na manganganak siya pagkatapos ng kasal pero hindi niya inaasahan na mas mauuna pala ang due date. Pero, matapos niyang manganak, mas naging madali ang lahat. Outdoor ang wedding ceremony nila Colton at Freyja, nakalagay sa weather forecast na ang panahon sa araw na ‘yon ay maaliwalas at maganda, na bagay para sa mga outdoor ceremony. Sinabi nila na Moroccan ang style ng kanilang ceremony. 20,000 square feet ang lawak ng lugar, natural lang na maging grande ang event. Matapos magpahinga ng ilang araw, sumama si Daisie kay Nollace para samahan nila sila Colt
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa