Lumingon ang lahat at tumingin kay James. Kahit si James ay nagulat mismo.“Dahil isu-surprise natin siya, nag-desisyon kami na ilagay ang pangalan niya sa dulo ng listahan. Tara at bigyan natin nang masigabong palakpakan si Mr. Tell para batiin siya sa pagkapanalo niya ng Best Actor Award sa una niyang pelikula, ang The Fog!”Hindi makapaniwalang tumayo si James habang nagpapalakpakan ang lahat. Tinulak siya ni Hannah at sinabing, “Ano pa ang hinihintay mo? Bilisan mo!”Blangko ang isip ni James habang palapit siya sa stage. Pagkatapos niyang kunin ang award, magbibigay siya ng speech. Pero, matagal siyang nanahimik at bilang sinabi, “Hindi ako nananaginip, hindi ba?”Tumawa ang lahat ng nanonood.Tumawa ang host at sinabing, “Totoong aktor ka na ngayon, Mr. Tell. Dahil natanggap mo ang award na ito, ibig sabihin ay kilala ka na ng lahat. Hindi ito panaginip.”“Hindi… Hindi ko alam kung ano ang sasabihin,” sabi ni James, namaos ang boses niya sa gulat. “Parang sumikat ang araw m
Walang nakakaalam kung ano ang nangyayari sa delivery room. Nag-aalala si Maisie at Nolan kay Daisie habang si Freyja naman at Colton ay naghihintay habang nahihirapang huminga.Naglalakad si Nollace pabalik-balik sa corridor.Alam niya na delikadong proseso ang labor. Kahit na advanced na ang medical technology ngayon, magdudusa pa rin ang babaeng nanganganak.Pagkatapos ng dalawang oras, lumabas ang doktor sa delivery room. Lahat sila ay nagtipon sa paligid nito at tinanong, “Kumusta siya ngayon?”Nagulat nang bahagya ang doktor pero natauhan siya bigla at tinanong, “Pamilya ba niya kayong lahat?”“Oo.”Agad na nagtanong muli si Nollace. “Kumusta ang misis ko?”“Masyadong malaki ang baby para sa vaginal delivery, kaya wala kaming ibang magawa kundi ang mag-perform nv cesarean section. Kailangan pumirma ng isa sa inyo ng consent form.”Biglang kinwelyohan ni Nollace ang doctor. Bakas ang ugat sa noo niya habang sinasabi, “Gusto kong pumasok sa loob. Gusto kong manatili sa tabi
Inilagay ni Nollace ang kamay ni Daisie sa labi niya at tumawa. “Oo. Ang dami mong pinaghirapan para ipanganak sila. Kung hindi ka nila gagalangin sa hinaharap, bubugbugin ko sila.”Tumawa si Daisie. “Kasing gwapo at talino mo sila. Sa tingin ko ay hindi ko sila masasaktan.”Pagkatapos ng isang linggo, kumalat sa Bassburgh ang panganganak ng triplets ni Daisie sa. Lahat ng fans nita ay masaya at binati siya. Kahit si Cameron at Waylon ay bumalik sa Bassburgh para makita si Daisie.Sa loob ng ward, tumingin si Cameron sa tatlong baby na nasa crib. Hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili at pinisil ang kaniyang mga mukha. “Hindi talaga ako makapaniwala na nanganak ka ng triplets, Daisie. Ang galing mo.”Mapait na ngumiti si Daisie at sinabing, “Mas maganda sana kung babae ang isa sa kanila tulad ng mom ko. Ang dami kong biniling dress at manika pero sayang na ngayon ang lahat ng ‘yon.”Kahit na lagi niyang sinasabi na gusto niya ng babaeng anak, mahal niya pa rin ang tatlo niyang l
Kung hindi si Diana ang reyna, nakaalis na sana siya para makita ang daughter-in-law niya ngayon.Napangiti na lang si Rick habang nakaupo sa tabi niya at sinara ang pinto. “Kung gusto mo talaga sila makita, pwede mo naman i-video call si Nollace.”Tumayo si Diana at sinabing, “Kung ganoon ano pa ang hinihintay mo?”Samantala, sa Taylorton…Nag-aaral si Nollace ng diaper ng baby sa tulong ng nanny nang bigla siyang makatanggap ng tawad mula sa kaniyang mom. Tumabi siya para sagutin ang tawag. “Mom?”“Gusto kong makita ang daughter-in-law ko at mga apo ngayon na!” Sigaw ni Diana dahilan para ilayo ni Nollace ang phone sa kaniyang tainga para makaligtas siya sa mga sigaw.Kumunot siya at wala siyang nagawa. “Sige na, sige na.”Nasa kabilang kwarto si Daisie at narinig ang boses ni Diana. Lumabas siya at sinabing, “Si Mom ba yan?”Nang makita ni Diana si Daisie sa video call, kabado siyang tumayo at sinabing, “Daisie, bakit ka tumayo sa higaan mo? Kaka-opera mo lang. Kailangan mo
Dinala sila ni Daisie sa taas at ang unang bagay na nakita ni Colton ay ang pagpapalit ni Nollace ng diaper ng baby.Ngumisi siya. “Kakaibang bagay para makita.”Pabalik siyang inasar si Freyja, “Mas mukhang maaasahan siya kumpara sa'yo nang magsimula ka gawin ‘yan.”Walang masabi si Colton.Lumapit si Cameron sa mga baby kasama si Waylon. Malaki na ang tiyan niya ngayon at hindi na siya makayuko, kaya naman nag-squat siya nang bahagya sa gilid ng kama at hinawakan ang maliit na kamay ng baby. “Ang lambot, ang liit naman ng kamay. Ang sarap sa pakiramdam!”Tinitigan ni Daisie ang tiyan niya. “Cameron, ilang buwan ka na?”Hinaplos siya ang tiyan niya. “22 weeks na.”“Kuya, ilan ang inaasahan mo?”Tumawa si Waylon. “Hulaan mo.”Tatlo ang hula ni Freyja at ganoon din ang naiisip ni Daisie.Sinabi ni Colton, “Parang ang dali namang magkaroon ng triplets sa sinasabi niyo. Bakit ang dami namang triplets? Baka kambal.”Tumango si Nollace.Naguluhan si Daisie. “Paano kung triplets
Hindi nakapagsalita si Nollace.“O Alpha, Bravo, at Charlie? Mas systematic pakinggan.”Hindi makapagsalita si Nollace.Matapos ang ilang sandali, huminga siya nang malalim at hinaplos ang bridge ng kaniyang ilong. “Siguro huwag muna natin pag-usapan ang pangalan ngayon. Balikan na lang natin sa susunod.”…Isang linggo pa bago mag 20th kung kailan ang wedding date nila Colton at Freyja. Noong una ay iniisip ni Daisie na manganganak siya pagkatapos ng kasal pero hindi niya inaasahan na mas mauuna pala ang due date. Pero, matapos niyang manganak, mas naging madali ang lahat. Outdoor ang wedding ceremony nila Colton at Freyja, nakalagay sa weather forecast na ang panahon sa araw na ‘yon ay maaliwalas at maganda, na bagay para sa mga outdoor ceremony. Sinabi nila na Moroccan ang style ng kanilang ceremony. 20,000 square feet ang lawak ng lugar, natural lang na maging grande ang event. Matapos magpahinga ng ilang araw, sumama si Daisie kay Nollace para samahan nila sila Colt
Ilang sandaling napahinto si Daisie at nakangiti niyang tinanggap ang pagbati ni Zephir. “Salamat.”“Daisie, sorry talaga sa lahat ng nangyari dati.” Gumalaw ang mata ni Zephir. “Siguro ay na-disappoint ka na sa akin sa lahat ng nagdaang taon, kahit dati o ngayon. Hindi ko alam kung anong gusto ko nitong mga nakaraan at hindi ko rin alam ang mga ginagawa ko para malaman ano ba talaga ang gusto ko.”Tinitigan ni Daisie si Zephir. “Zephir, lahat ng nangyari ay tapos na. Pwede ka pa rin naman pumili ngayon, ‘di ba?” Huminto ng ilang sandali si Zephir, walang ekspresyon ang kaniyang ngiti. “Oo, tama ka. Pero, maraming bagay na rin ang nagbago, at hindi na ako makakabalik.”Parang may gusto siyang ipahiwatig.May naisip si Daisie. “Si Leah ba?” Hindi sumagot si Zephir sa tanong niya. “Zephir, sana magkaroon ka ng masayang buhay. Kahit na nagbago ang ibang bagay, patuloy pa rin ang buhay. Kahit sino pa sa inyo ni Leah, hinihiling ko na sana maging maayos kayong dalawa at mahanap ni
Seryoso ang ekspresyon ni Jefferson pero wala na siyang sinabi na kahit ano dahil pumayag naman ang anak niya sa ginawa niyang arrangement. “Bukas ng 3:00 p.m., aasikasuhin ko ang pagkikita niyo.”Kinabukasan, sa isang high-end restaurant…Pumasok si James sa private room at nakasuot siya ng sunglasses. Nang makita na walang tao sa loob, tinanggal niya ang kaniyang salamin. “Anong nangyayari? Pinagloloko ba niya ako?”‘Dahil hindi naman siya punctual, hindi ko na kailangan na maghintay pa.’Tumalikod si James at aalis na sana pero may babaeng nasa likod niya, nagulat siya.”May maayos na shoulder-length na haircut ang babae at nakasuot siya ng low-necked silk gown, printed blue scarf, at straight-fit na jeans. Sobrang simple at malinis ng kaniyang suot at wala siya masyadong jewelry, maliban sa relo at crocodile leather bag.Nagulat ng ilang sandali si James. “Ikaw…”‘Parang kilala ko siya.’“Hindi ka ba papasok.” Naglakad ang babae at pumasok sa private room.Bumalik si James
Inangat ni Cameron ang ulo niya at kinagat ang kaniyang tinidor. “So, ako ba ang special?”Kinuhanan siya ni Waylon ng sabaw. “Matakaw ka lang din talaga. Kakain ka nang kahit ano kung walang pipigil sa'yo.”Kinagat niya ang kaniyang labi at walang sinabi.Tumawa si Nicholas. “Mabuti sa buntis na kumain nang marami. Nang buntis ang lola niyo sa dad niyo, mahilig din siya kumain tulad ni Cam. Kakainin niya ang lahat ng makikita niya. Nagtago pa nga siya ng ibang pagkain mula sa'kin.”Sa pagtatago ng pagkain, na-guilty bigla si Cameron.Napansin ni Waylob ang pagbabago sa ekspresyon niya at naningkit. “Sinasabi mo ba sa akin na nagtago ka rin?”Mabilis siyang tumanggi. “Hindi! Mukha ba akong magtatago ng pagkain? Imposible talaga ‘yon!”Tumawa ang lahat ng nasa dining table.…Sa isang iglap, nagsisimula na ang July. Nang summer break ni Deedee, dinala siya ni Brandon sa Yaramoor, at pumunta rin doon si Freyja para bisitahin si Leia at Norman.Naka-graduate na rin sila at inasi
Lumapit si Waylon sa ice cream cart at nang kukunin na niya ang wallet niya, ilang bata ang tumingin sa kaniya nang masama. “Sir, may pila dito. Hindi ka pwedeng sumingit.”Natigil siya sandali, lumapit siya at tiningnan ang mga bata. “Paano kung ganito? Bibilhan ko pa kayo ng tig-iisang ice cream at ang kailangan niyo lang gawin ay pasingitin ako, okay?”Nagpalitan ng tingin ang mga bata.‘Mukhang magandang kasunduan ito!’Lahat sila ay pumayag sa sinabi ni Waylon sa huli.Bumili si Waylon ng ice cream at bumili pa ng tig-iisa sa mga bata habang nandoon. Pagkatapos magbayad sa lahat ng ice cream, kinuha niya ang isa at lumapit kay Cameron.Hindi mapigilan ni Cameron na matawa nang malakas. “Nakaisip ka talaga nang ganoong paraan para sumingit sa pila?”Inabot ni Waylon ang ice cream sa kaniya. “Ang problema na kayang ayusin ng ice cream ay hindi problema sa akin.”Binuksan ni Cameron ang ice cream at tinikman.Kapag nagsabay ang mainit na panahon at malamig na ice cream, naka
Nang sabihin yon ni Morrison, pumasok si Leah suot ang champagne-colored na low-necked ling gown.Sa ilalim nang makinang na ilaw, mas naging malinaw ang papalapit na tao, may maganda itong makeup at eleganteng kilos.Nakatitig si Morrison sa kaniya at hindi mapigilan ng mata niya na sundan si Leah.“Pasensya na at pinaghintay ko kayo.” Tumayo si Leah sa harap nila nang may ngiti sa kaniyang mukha.Biglang bumalik si Morrison sa kaniyang ulirat, tumikhim sita at agad niya hinubad ang jacket niya at isinabit sa balikat ni Leah.Nagulat si Leah sa biglang kilos ni Leah.Seryosong sinabi ni Morrison, “Nakabukas ang air conditioner. Nag-aalala lang aki na baja sipunin ka.”Gusto ni Leah na hubarin ang jacket nito. “Pero hindi naman malamig dito.”“Hindi, nilalamig ka siguro.” Hinawakan ni Morrison ang kamay niya, hindi niya hinayaan na alisin ni Leah ang jacket.Nagpalitan ng tingin si Waylon at Cameron at hindi napigilan na ngumiti.“Lay.” Lumapit si Benjamin at nakita si Waylon
Inangat ni Zephir ang ulo niya, pakiramdam niya ay napuspos siya ng pusa.Kinagat mi Ursule ang straw sa baso niya at tumawa. “Nagiging masyado lang masigla si Kisses, kaya huwag niyo na lang pansinin, sir.”Inilayo ni Zephir ang makulit na pusa sa kaniyang mukha at kumunot. “Sir?”“Kahit na mukha kang bata, kasing edad mo si Mr. Quigg, hindi ba?”Natahimik si Zephir.‘May mali ba siyang naiisip tungkol sa edad ko?’Tumingin siya sa pusa sa kaniyang braso at mahinahon na hinaplos ang balahibo nito. “Apat na taon ang tanda sa akin ni Yale.”“Okay, gawin natin ang basic math. Apat na taon ang tanda sa'yo ni Mr. Quigg kaya 30 years old ka na at 11 na taon ang tanda mo sa akin, kaya hindi ba dapat sir ang tawag ko sa'yo?”‘Hindi pa nga ako pinapanganak nang 11 na taong gulang siya.’Tiningnan siya ni Zephir.‘Isa na talaga siyang young adult.’“Meow!” Hinila ni Kisses ang damit ni Zephir gamit ang paw nito at natusok pa nang bahagya ang braso ni Zephir.Nagulat si Ursule kaya a
Dahil may nakalaan na dinner ang homestay, pumupunta lang ang mga waiter sa trabaho nang 5:00 p.m hanggang 2:00 a.m.Si Ursule lang ang part-time na empleyado doon, pumupunta lang siya doon para kumanta sa mga customer sa gabi at tumulong sa homestay kapag wala siyang klase sa umaga. At dahil bata pa siya, maalaga sa kaniya ang ibang empleyado.Kapag gabing gabi na natapos ang performance niya at mahihirapan siya na sumakay ng bus, papayagan siya na manatili sa homestay para magpahinga.Lahat ng nakatira at nagtatrabaho doon ay naging malapit na sa isa't isa habang mas tumatagal, pinapahalagahan nila ang bawat isa.At gagawa si Yale ng party, staff meals, palitan ng regalo at kung ano pa para sa empleyado.Kaya naman, sa halip na sabihin na nananatili at nagtatrabaho sila sa isang homestay, parang maihahanlintulad na rin ito na isang pamilya kung saan komportable ang lahat ay pinapahalagahan.Lumabas si Zephir sa courtyard, kung saan inaayos ni Yale ang mga bulaklak at bonsai na
Masayang kumain si Kisses.“Urs, hindi ba dapat nasa school ka ngayon?”“Mukhang may nangyari sa bahay ng professor ko at sinabi niya na wala siya nang isang araw.” Tiningnan ni Ursule kay Yale. “Pumupunta lang ako dito kapag wala akong klase, hindi ba?”Tumawa si Yale. “Ang sarap maging bata.”Doon lang napansin ni Ursule si Zephir at bahagyang nagulat. “Hey, hindi ba't ikaw… Oh, ikaw yung lalaki sa kabilang bahay, hindi ba?”Tiningnan ni Yale si Zephir. “Magkakilala ba kayo?”“Hindi, hindi, pumunta si Kisses sa balkonahe niya kagabi kaya baka na-istorbo siya nito.” Naiilang na ngumiti si Ursule at may naisip. “Nga pala, Mr. Quigg, mukhang matagal na siyang nananatili dito.”Ngumiti si Yale. “Oo, nandito siya nitong mga nakaraan. Pumunta dito ang kaibigan ko mula sa Bassburgh para magbakasyon.”“Bassburgh?” Umupo si Ursule sa couch at nagtatakaMalamig na sumagot si Zephir. “Ayos lang ‘yon.”“Pumunta na sa Bassburgh ang ilan kong coursemate at nakuha sa ikang academy. Narin
Nang makita na pumunta ang pusa niya sa balkonahe ng iba at nahuli, nagulat si Ursule, pinagdikit ang kamay niya at humingi ng tawad habang may nahihiyang ekspresyon. “Pasensya na! Inabala ka pa siguro ni Kisses. Kukunin ko mismo sa'yo ngayon. Um… Pwede bang paabot dito?”5 feet lang ang layo ng mga balkonahe kaya inunat ni Ursule ang kamay niya at gustong kunin ang pusa mula kay Zephir.Walang sinabi si Zephir, kinuha niya ang pusa at inabot.Kinuha ito ni Ursule mula sa kaniya at agad niya niyakap. “Salamat. Pasensya na talaga sa abala.”Tumalikod siya at tinapik ang pusa sa likod. “Kapag tumakbo ka ulit, dadalhin kita sa vet at ipapa-sterilize.”Nag-meow si Kisses na para bang lumalaban ito.Pinagpas ni Zephir ang sleeves niya, inalis ang mga buhok ng pusa na napunta sa pajama niya, tumalikod siya at pumasok sa kwarto.Kinabukasan, bumaba si Zephir na may suot na maluwag na silk na pajama dahit maghahanda ng buffet-style na almusal ang homestay sa mga bisita nila.Nakaupo sa
”Hindi siguro ako naging gentleman kung matagal mo na itong ginawa.”Matapos niya iyon sabihin, hinalikan ni Morrison ang labi ni Leah.Lumapit si Leah at niyakap siya.Biglang nag-init ang temperature ng buong kwarto at patuloy na tumataas—lahat ay naging hot and passionate hanggang sa huminto ang kanilang mga kaluluwa. Sa parehong oras sa Coralia…Operating pa rin ang tavern na nasa Homestay ng Hohman town, at ang night market, mga tahimik na kalsada, at mga alley ay may liwanag sa ilalim ng dilim. Madaling-araw na pero sobrang marami pa ring tao sa lugar.Nakaupo mag-isa si Zephir sa attic at nag-order ng cocktail. Sobrang nagkaroon ng malaking pagkakaiba ang ingay na ginagawa ng kabilang table kumpara sa katahimikan ni Zephir.Bigla lang nanahinik nang tumunog na ang piano sa tavern, nagkalat sa buong paligid ang melody nito. Isa iyong female singer, siya ang tumutugtog ng piano at kumakanta, at ang slightly smoky voice niya ay parang melodious. “Hello, it's me, your exI
Hindi nakapagsalita si Morrison. Sa parehong oras, isa sa kanila ang nagsalita, “Akala naming lahat si Zephir na ang papakasalan mo. At saka, sabay kayong lumaking dalawa…”May biglang dumating at napatigil ang babae sa pagsasalita. Alam nilang lahat na gusto lagi ni Leah na sundan si Zephir dati. Pero, hindi naman magandang banggitin pa ‘yon sa harap ng bago niyang boyfriend.Napansin ng babae na may nasabi siyang mali at agad na nagsalita, “Ah, sorry talaga sa sinabi ko. Hindi ko sinasadya na sabihin pa. Dapat hayaan na natin ang nakaraan at magpatuloy na lang tayo sa hinaharap.”Ngumiti si Leah at hindi niya alam ang kaniyang sasabihin.Nang umalis na ang mga kapit-bahay nila, nilagay ni Morrison ang kaniyang kamay sa loob ng bulsa niya at tinanong, “So, anong gagawin mo sa childhood friend mo?”“Anong ibig mong sabihin?” Dahan-dahang lumapit si Leah sa tabi niya. “Gusto mo bang makipaghiwalay ako sayo at balikan ko siya?”Huminto si Morrison at tumalikod siya para tingnan s