Kung hindi si Diana ang reyna, nakaalis na sana siya para makita ang daughter-in-law niya ngayon.Napangiti na lang si Rick habang nakaupo sa tabi niya at sinara ang pinto. “Kung gusto mo talaga sila makita, pwede mo naman i-video call si Nollace.”Tumayo si Diana at sinabing, “Kung ganoon ano pa ang hinihintay mo?”Samantala, sa Taylorton…Nag-aaral si Nollace ng diaper ng baby sa tulong ng nanny nang bigla siyang makatanggap ng tawad mula sa kaniyang mom. Tumabi siya para sagutin ang tawag. “Mom?”“Gusto kong makita ang daughter-in-law ko at mga apo ngayon na!” Sigaw ni Diana dahilan para ilayo ni Nollace ang phone sa kaniyang tainga para makaligtas siya sa mga sigaw.Kumunot siya at wala siyang nagawa. “Sige na, sige na.”Nasa kabilang kwarto si Daisie at narinig ang boses ni Diana. Lumabas siya at sinabing, “Si Mom ba yan?”Nang makita ni Diana si Daisie sa video call, kabado siyang tumayo at sinabing, “Daisie, bakit ka tumayo sa higaan mo? Kaka-opera mo lang. Kailangan mo
Dinala sila ni Daisie sa taas at ang unang bagay na nakita ni Colton ay ang pagpapalit ni Nollace ng diaper ng baby.Ngumisi siya. “Kakaibang bagay para makita.”Pabalik siyang inasar si Freyja, “Mas mukhang maaasahan siya kumpara sa'yo nang magsimula ka gawin ‘yan.”Walang masabi si Colton.Lumapit si Cameron sa mga baby kasama si Waylon. Malaki na ang tiyan niya ngayon at hindi na siya makayuko, kaya naman nag-squat siya nang bahagya sa gilid ng kama at hinawakan ang maliit na kamay ng baby. “Ang lambot, ang liit naman ng kamay. Ang sarap sa pakiramdam!”Tinitigan ni Daisie ang tiyan niya. “Cameron, ilang buwan ka na?”Hinaplos siya ang tiyan niya. “22 weeks na.”“Kuya, ilan ang inaasahan mo?”Tumawa si Waylon. “Hulaan mo.”Tatlo ang hula ni Freyja at ganoon din ang naiisip ni Daisie.Sinabi ni Colton, “Parang ang dali namang magkaroon ng triplets sa sinasabi niyo. Bakit ang dami namang triplets? Baka kambal.”Tumango si Nollace.Naguluhan si Daisie. “Paano kung triplets
Hindi nakapagsalita si Nollace.“O Alpha, Bravo, at Charlie? Mas systematic pakinggan.”Hindi makapagsalita si Nollace.Matapos ang ilang sandali, huminga siya nang malalim at hinaplos ang bridge ng kaniyang ilong. “Siguro huwag muna natin pag-usapan ang pangalan ngayon. Balikan na lang natin sa susunod.”…Isang linggo pa bago mag 20th kung kailan ang wedding date nila Colton at Freyja. Noong una ay iniisip ni Daisie na manganganak siya pagkatapos ng kasal pero hindi niya inaasahan na mas mauuna pala ang due date. Pero, matapos niyang manganak, mas naging madali ang lahat. Outdoor ang wedding ceremony nila Colton at Freyja, nakalagay sa weather forecast na ang panahon sa araw na ‘yon ay maaliwalas at maganda, na bagay para sa mga outdoor ceremony. Sinabi nila na Moroccan ang style ng kanilang ceremony. 20,000 square feet ang lawak ng lugar, natural lang na maging grande ang event. Matapos magpahinga ng ilang araw, sumama si Daisie kay Nollace para samahan nila sila Colt
Ilang sandaling napahinto si Daisie at nakangiti niyang tinanggap ang pagbati ni Zephir. “Salamat.”“Daisie, sorry talaga sa lahat ng nangyari dati.” Gumalaw ang mata ni Zephir. “Siguro ay na-disappoint ka na sa akin sa lahat ng nagdaang taon, kahit dati o ngayon. Hindi ko alam kung anong gusto ko nitong mga nakaraan at hindi ko rin alam ang mga ginagawa ko para malaman ano ba talaga ang gusto ko.”Tinitigan ni Daisie si Zephir. “Zephir, lahat ng nangyari ay tapos na. Pwede ka pa rin naman pumili ngayon, ‘di ba?” Huminto ng ilang sandali si Zephir, walang ekspresyon ang kaniyang ngiti. “Oo, tama ka. Pero, maraming bagay na rin ang nagbago, at hindi na ako makakabalik.”Parang may gusto siyang ipahiwatig.May naisip si Daisie. “Si Leah ba?” Hindi sumagot si Zephir sa tanong niya. “Zephir, sana magkaroon ka ng masayang buhay. Kahit na nagbago ang ibang bagay, patuloy pa rin ang buhay. Kahit sino pa sa inyo ni Leah, hinihiling ko na sana maging maayos kayong dalawa at mahanap ni
Seryoso ang ekspresyon ni Jefferson pero wala na siyang sinabi na kahit ano dahil pumayag naman ang anak niya sa ginawa niyang arrangement. “Bukas ng 3:00 p.m., aasikasuhin ko ang pagkikita niyo.”Kinabukasan, sa isang high-end restaurant…Pumasok si James sa private room at nakasuot siya ng sunglasses. Nang makita na walang tao sa loob, tinanggal niya ang kaniyang salamin. “Anong nangyayari? Pinagloloko ba niya ako?”‘Dahil hindi naman siya punctual, hindi ko na kailangan na maghintay pa.’Tumalikod si James at aalis na sana pero may babaeng nasa likod niya, nagulat siya.”May maayos na shoulder-length na haircut ang babae at nakasuot siya ng low-necked silk gown, printed blue scarf, at straight-fit na jeans. Sobrang simple at malinis ng kaniyang suot at wala siya masyadong jewelry, maliban sa relo at crocodile leather bag.Nagulat ng ilang sandali si James. “Ikaw…”‘Parang kilala ko siya.’“Hindi ka ba papasok.” Naglakad ang babae at pumasok sa private room.Bumalik si James
Matapos ang ilang sandaling pag-iisip ni James sa contract, may katusuhan na bumakas sa kaniyang mga mata, lumapit siya kay Giselle. “Kung fake marriage lang ito, ibig sabihin… kailangan ko pa ba gawin ang mga obligasyon ko bilang asawa?”Napalunok si Giselle at pinigilan ang kaniyang ekspresyon. “Hindi mo naman kailangan gawin.”Ngumisi si James at kinuha ang pen. “Deal. Nag-aalala lang ako na baka hindi mo kayang mapigilan ang sarili mo at bigla ka na lang sumunggab sa akin sa susunod. Isa akong public figure kaya ano na lang gagawin ko pag nangyari ‘yon?”Hindi nakapagsalita si Giselle. ‘Overthinker pala siya?’Matapos sulatin ni James ang kaniyang pirma sa contract, pinirmahan na rin ni Giselle. Tiningnan ni James ang contract. “Wala pang official stamp dito. Baka ito ay—”Bago pa siya magsalita, nilabas ni Giselle ang lipstick sa kaniyang bag, nilagyan ang kaniyang thumb tip, at diniin sa papel, inabot naman niya kay James ang lipstick pagtapos. Huminga nang malalim si
May dekorasyon na flower arch ang entrance papunta sa passageway. May DIY oil painting din sa reception, na sobrang bagay sa color ng venue. Sobrang ganda tingnan.Gawa rin sa leather ang welcome card. Sobrang kakaiba at classy. Nagulat ang lahat ng bisitang pumunta. Nakatayo ang mga Goldmann at si Brandon sa reception para batiin ang mga bisita. Si Colton ang bida sa oras na iyon, siya ang groom. Nakasuot siya ng full white suit, kaya mas nagmukha siyang matangkad. “Sobrang gwapo ngayon ng kapatid natin, ng groom.” Lumapit sila Daisie at Nollace.Ngumisi si Colton at binigyan niya ito ng bag ng candy. “Sobrang sweet mo naman.”Kinuha ni Daisie ang bag ng candy, ngumiti siya, at itinabi ang bag. “Pupuntahan ko muna si Freyja.” Pumunta si Daisie sa tent.Nakaupo si Freyja sa tent habang inaayos ang outfit niya. Inaayos ng makeup artist ang kaniyang buhok.Sumilip sa loob si Daisie. “Freyja?” “Nandito ka na.” Ngumiti si Freyja.Lumapit si Daisie at umupo sa tabi ni Freyja
Tumawa si Ryleigh. “Gawin ulit natin. Si Wayne naman ngayon.”“Hindi ako naniniwalang matatalo ako ulit. Twins ulit ang pusta ko!”“Triplets pa rin sa akin!” Sabi ni Barbara, “$2,000!”Nagliwanag ang mata ni Ryleigh. “Ganun kalaki? Sumandal siya kay Helios. “Pinsan, hindi mo ba pipigilan ang asawa mo?”Tumawa si Helios. “$20,000 ang pusta ko.”Hindi nakapagsalita si Ryleigh dahil sa gulat. Tumingin si Louis kay Helios. “Kakampi ako sa asawa ko kaya papantayan ko ang $20,000.”Sumagot si Helios, “Well, kung ganyan kalaki ang pusta natin, dapat pati gender ay isama na natin.”Huminto sila Louis at Ryleigh, at pumayag din sila. “Deal.”Matapos nilang mag-usap, nagdesisyon sila Louis at Ryleigh na dalawang lalaki iyon at isang babae, habang sila Helios naman ay nagsabi na magiging twin boys ang anak ni Walon.Pinanood nila Waylon at Cameron ang pustahan nila, tiningnan niya ang tiyan ni Cameron, at tumawa. “Kailangan patago kang manganak.”Sumandal si Cameron sa balikat ni Wa
Yumuko si Leah at binaon niya ang kaniyang mukha sa balikat ni Morrison. Ilang araw ang lumipas, sa mga ebidensya na dala ni Aina pati ang mga pulis na naging witness, nasangkot si Dennis sa isang iskandong problema.Habang kumakalat ang iskandalo, naglakas-loob na rin ang mga babaeng inabuso niya para magsalita. Kahit ang hotel na ni-register sa pangalan ni Dennis ay iniimbistigahan. Nang marinig ng mga staff sa hotel na hinuli si Dennis, sinabi nila na matagal na silang binabalaan nito. Ginamit ni Dennis ang kaniyang pagkakakilanlan bilang isabsa mga top management ng hotel para tulungan siya ng mga staff. At saka, mayroon siyang suite sa hotel na “privately reserved” para lang sa kaniya. Base sa mga staff members doon, lagi raw nagdadala ng iba’t ibang babae si Dennis sa kwartong iyon para pagsamantalahan. Walang pwedeng pumasok sa kwartong iyon nang walang permiso niya. At saka, kakaiba ang pagkakagawa sa card key para makapasok sa kwarto. Isa lang ‘yon, at siya lang ang m
Natulak ni Dennis palayo si Leah dahil sa sakit. Habang nakatingin sa pen na hawak ni Leah, galit na tumawa si Dennis at sinabi, “Hindi ako makapaniwala na may pen kang dala, pero wala na akong pakialam.”Binuksan niya ang drawer at kinuha ang handcuffs. “Dahil gusto mo naman na mahirapan, ibibigay ko ang gusto mo.”Nagulat si Leah. ‘Hindi pwedeng lagyan niya ako ng posas!’ Kinuha ni Leah ang lamp at ashtray sa mesa at hinagis niya kay Dennis, sobrang nagalit ito. Lumapit sa kaniya si Dennis at hiniga siya sa kama bago ilagay ang posas sa kaniyang kamay. Malakas na sumigaw si Leah para manghingi ng tulong at tingin siya nang tingin sa pinto.‘Bakit hindi pa sila pumupunta? Iniwan na ba ako ni Aina?’Nanginig si Leah nang nakalantad na ang kaniyang balat, may takot na bakas sa kaniyang mata. Puno ng galit ang mata ni Dennis na nakatingin sa nakailalim sa kaniya na parang isang lion na nakatitig sa kaniyang biktima, naghahandang kainin nang buo.Puno ng pandidiri si Leah, at h
Nagulat si Aina.Hindi niya inaasahan na may isang taong hindi niya kaano-ano ang totoong tutulong sa kaniya sa huli.“Ms. Younge, mas matalino siya sa inaasahan mo…”“Alam ko,” Mabilis na sagot ni Leah. “Ibig sabihin, kailangan ko na makipag-cooperate ka rin sa akin. Dahil ako ang next niyang target, ako ang magiging batibong. Kailangan mo lang siyang paniwalain na nagtagumpay siya sa plano niya.”Matapos iyon, inabot ni Leah ang phone niya kay Aina at sinabi sa kaniya ang password. “Matapos iyon, kailangan kong tawagan mo dyan yung may pangalan na Morrison. Tawagan mo rin ng pulis. Gagawin ko ang best ko para mabigyan ka ng oras.”“Bakit ka nagtitiwala sa akin?” Tanong ni Aina, hindi makapaniwala ang tono ng kaniyang boses.Hindi ba siya nag-aalala na baka iwan siya ni Aina pagkatapos niya gawin kay Dennis ang sinabi niya?“Kung gusto mo talaga akong saktan, hindi mo na sana sinabi sa akin bakit ka pumunta dito. Pwede mo namang ilagay na lang yung pill sa drinks ko nung hindi
“Anong ibig mong sabihin?” Bahagyang nagulat si Leah, “May iba pang babae?”“Hindi ako ang una. Naloko niya rin ako.” Yumuko si Aina. Nagsimula siyang ikwento kay Leah kung paano siya niloko ni Dennis at pati ang tungkol sa malalang pang-aabuso sa kaniya.Nagulat si Leah at nahirapan siyang paniwalaan ang mga narinig niyang sinabi ni Aina. Ang trick na ginamit ni Dennis kay Aina at kapareho ng ginamit niya para mapalapit kay Leah.Una ay gagawa siya ng senaryo kung saan makakasalubong niya ang kaniyang target. Matapos iyon, ipapakita niya na isa siyang gentleman para hindi matakot sa kaniya ang kaniyang target at magkaroon sila ng pagkakaibigan. Napanalo na ni Dennis ang puso ng maraming babae dahil sa kaniyang itsura, background, at ang kaniyang palabiro, at palakaibigan na personlidad.Sa huli, sasabihin niya sa target niya na maging girlfriend niya at para makapag-sex siya sa kanila.Pag na-in love na ang target niya at pag naisip na nila na nakakuha na sila ng perfect na boy
Kinabukasan, pumunta si Leah sa meeting kasama ang Secretary-General. May meeting sila kasama ang ilang officials mula sa ibang bansa. Nagsusulat siya ng notes sa session habang nag-iinterpret para sa Secretary-General. Matapos ang dalawang oras na meeting, lumabas na siya ng building kasama ang Secretary-General na tumalikod sa gilid ng sasakyan. “May pupuntahan ako. Pwede ka na magpahinga ngayong araw.”Tumango si Leah. “Sige. See you soon.”Nang makaalis na ang sasakyan, nilabas ni Leah ang kaniyang phone na naka-silent mode, at nakita niya na may message sa kaniya si Morrison. Ngumiti siya at tinawagan ito. “Nasa meeting ako kanina. Nakapagdesisyon ka na ba, Mr. Shaw?”Tumikhim si Morrison at sobrang seryoso ang boses niya nang sinabi, “Anong oras matatapos ang trabaho ng girlfriend?” “Anong gustong kainin ng girlfriend ngayon?”“I…” Nakatikom ng labi si Leah. “Kahit ano. Kakainin ko lahat ng ibibigay sa akin, kahit yung boyfriend pa.”Umiinom si Morrison kaya bigla siyang
“Miss ko na siya.”Alam ni Morrison sino ang tinutukoy ni Leah, hindi nagbago ang kaniyang ekspresyon. “Ikaw ang gumagawa nito sa sarili mo. Iba na lang ang isipin mo!”May luha ang mata ni Leah pero hindi masabi ni Morrison kung malungkot ba siya o masaya. “Ikaw na lang ma-miss ko?”Napahinto si Morrison. Matapos ang ilang sandali, umupo siya sa sahig. “Sigurado ka bang hindi ka lasing?”“Mukha ba akong lasing?”“Medyo.”Yumuko si Leah. Hindi siya nag-isip nang sinabi niya ‘yon. Mas matanda siya ng tatlong taon kay Morrison, kaya hindi sila magkakasundo. Nagsayang siya ng sampung taon sa pagmamahal niya kay Zephir, kaya ngayon ayaw na niyang maghangad ng kung anu-ano. Matapos ang ilang sandali, ngumiti siya.Yumuko si Leah para itago ang kaniyang mga mata. “Nagbibiro lang ako, huwag mo masyadong isipin.”Nagsimula na siyang magligpit. “Alright, tapos na ako, at magpapahinga na rin. Huwag mo kalimutan na i-lock ang pinto pag umalis ka.”Tumawa si Morrison. Nang makita niyang t
Napahinto si Leah. “Hindi niya girlfriend si Aina?”‘Eh bakit sabi niya… Saglit lang! Sabi ng interpreter single raw si Dennis. Wala siyang girlfriend at hindi rin siya kasal, bakit hindi niya sinabi sa publiko kung si Aina naman pala ang girlfriend niya?‘Wala sa department ang nakakaalam tungkol doon?’Tumawa si Morrison. “Marami siyang babae sa contacts niya. Sinong nakakaalam sino ang tinutukoy mo? Pero sa kung ano ang nakikita ko, ikaw ang plano niyang gawing susunod na target.”Nagulat si Leah at tumingin siya kay Morrison. “Kilalang kilala mo siya?”“Walang lihim sa Night Banquet na nananatiling lihim. Wala naman talagang mga labing nakatikom.”Suminag ang ilaw sa bintana, nakasunod ito sa sasakyan.Ilang sandaling tahimik si Leah bago sabihin, “May nakita akong ligature marks sa kamay ni Aina, at mukhang sobrang takot siya kay Dennis. Sabi niya sa akin huwag raw ako magtiwala sa kaniya.”Hindi naman plano ni Leah. Kahit na sinabi ni Dennis sa kaniya na niloko siya ni Ai
Tumayo si Leah. “Pupunta ako sa banyo.” Nang naglakad na siya palayo, nakatingin lang si Dennis sa kaniya. Nang pumunta siya sa banyo, napansin ni Leah na nandoon ang babae. Nagulat siya pero pumunta pa rin siya sa sink area.Nagtanong si Leah sa babae bilang colleague, “Marami ka bang nainom?”Umiling ang babae.“Mabuti naman. Hindi magandang uminom nang marami sa ganitong mga event.” Kumuha ng napkin si Leah at pinunasan ang lipstick niya. Matapos ang ilang sandali, nakita niya ang peklat sa kamay ng babae. “Anong nangyari sa kamay mo?”Kinabahan ang babae at binaba niya ang sleeve niya para takpan ng kaniyang kamay. “Wala.” Mabilis siyang naglakad palabas ng pinto pero huminto siya bago lumabas, tumalikod siya para tingnan si Leah. “Huwag ka magtiwala kay Dennis.”Mabilis na umalis ang babae.Kumunot ang noo ni Leah. ‘Huwag magtiwala kay Dennis…‘May nangyari ba sa kaniya? Yung peklat niya, dahil ba ‘yon sa tali?’ Nanatili lang si Leah doon ng ilang sandali pero bigla
“Gusto ng mga matatanda nang ganoon pero basta masaya sila.”Pagkalipas ng ilang araw, sa Stoslo…Nagkaroon ng party ang Ministry of Foreign Affair at imbitado si Leah.Walang plano si Leah na pumunta pero pinilit siya ng mga ka-trabaho niya kaya pumayag siya.Pagkatapos ng trabaho, pumunta sila sa restaurant para sa party.Nang pumasok si Leah, napansin niya na nandoon si Dennis. Nakasuot siya ng blue sports jacket at mukhang fashionable.Umupo siya kasama ang dalawang babaeng interpreter.Pinaikot ni Dennis ang wine glass habang may kinakausap at nahagip ng mata niya si Leah. “Ms. Younge, ito ba ang unang beses mong sumama sa party?”Inasar siya ng isang babae. “Masyado mo siyang binibigyan ng atensyon. May namamagitan ba sa inyong dalawa?”Ngumiti si Dennis. “Ayos lang sa akin ‘yon.” Halata naman kung ano ang ibig niyang sabihin. Napakabukas niya tungkol doon.Kumunot si Leah at magalang na ngumiti. “Napaka prangka mo.”“Palagi naman.”Lumapit ang babae na katabi ni Leah