Huminto si Nollace, tumalikod siya at tiningnan si Roxy na naglalakad palapit sa kaniya. Kalmado ang ekspresyon niya at wala siyang pakialam. “Ikaw ang asawa ni Daisie, ‘di ba? Narinig ko na may mga usapan na kumakalat tungkol sa asawa mo at kay Mr. Zephir Gosling.”‘Lahat ng lalaki ay magagalit pag nalaman nilang may karelasyon na ibang lalaki ang kanilang asawa, kaya malakas ang loob ko na ganito rin ang magiging reaksyon ng lalaking ‘to.’Niluwagan ni Nollace ang strap sa kaniyang relo at nagpanggap na nagulat siya. “Anong klaseng usapan ang tinutukoy mo?”Malambing at bahagyang nang-aakit ang ngisi ni Roxy. “Narinig ko na niligawan ni Mr. Gosling si Daisie dati. Pero, hindi niya nagawang mapamahal si Daisie sa kaniya at ginawa pa niya akong pamalit. Narinig ko rin na nagkaroon sila ng relasyon…”“Alam mo ba ang tungkol da defamation?”Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Roxy. Walang ekspresyon na ngumisi si Nollace. “May mas marami akong alam kumpara sayo kung nagkaroon ba n
Nilagyan ni Zephir ng tea ang kaniyang cup. Pinag-interlock ni Nollace ang kaniyang mga daliri. “Ang lakas ng loob niyang sabihin sa harap ko ang relasyon niyo ni Daisie, gusto niya ata na magkaroon kami ng pagtatalo. Sa tingin ko ginagawa niya ‘yon dahil sayo, tama?”Napahinto si Zephir ng ilang sandali at hindi siya nagsalita.“Nagkaroon kayo ng relasyon kasi kamukha niya si Daisie, kaya ginawa mo siyang pamalit. Ngayon ay may galit na siya sayo, at para gantihan ka niya, sinadya niyang pumunta sa Tenet, gusto niyang si Charlie ang maging manager niya, at ginamit pa talaga niya ang kasikatan ni Daisie para sa kaniyang sariling marketing. “Lahat ng ginawa niya ay hindi tama, kaya kahit ikaw pa ang gusto niya galitin o si Daisie, siguradong may rason pa rin sa lahat ng kaniyang ginagawa.”Binaba ni Zephir ang teapot at tumingin kay Nollace. “Ano ba talaga ang gusto mo?”Suminghal si Nollace. “Buntis na ngayon si Daisie, kaya ayokong madamay siya sa gulong ito. At saka, ang prob
Matapos niya iyon sabihin, umalis ng opisina si Jaylon at hindi na siya lumingon. Kalalabas lang ni Roxy ng elevator at nakita niya si Roland. Nang makita na walang tao sa corridor, ginamit na ni Roxy ang pagkakataon kaya hinila ni Roland papunta sa gilid ng hagdan. “Mr. Goldwin, kailan mo ako ipapakilala sa production crew?”Hindi maganda ang mood ni Roland. Nang makita na wala pa ring pag-iingat si Roxy pag dating sa kompanya, agad niya itong tinulak. “Roxy, pinangako ko sayo na tutulungan kitang makapasok sa entertainment industry pero siguraduhin mo lang na hindi mo na ako bibigyan pa ng problema. Dapat huwag ka masyadong lumapit sa akin sa tuwing nasa kompanya.” Tumawa si Roxy at binalot niya ang kaniyang kamay sa leeg ni Roland. “Hindi ba ito exciting para sayo? Mr. Goldwin, please huwag mo naman ako pabayaan. Malulungkot ako pag ginawa niya ‘yan sa akin.” Nag-iinarte si Roxy at nang-aakit siya, iyon ang pinakagustong ugali ni Roland kaya hindi nagtagal ay nahulog na nama
Ilang araw ang nakalipas, dahil sa tulong ni Roland ay nakapasok si Roxy sa cast. Natanggal pa tuloy ang original female lead sa cast dahil sa pagdating njya, dahil si Roxy ang dapat ang umarte bilang bida dahil nakatanggap ng sponsorship ang crew mula sa benefactor niya. Nag-post si Roxy ng Twitter tungkol sa pagiging bahagi niya sa filming crew. Ilang magagandang picture niya ang nakalagay sa kaniyang post. Ginaya pa niya ang angle sa mga shot ni Daisie dati.Ito ang dahilan kaya ang pangalan ng dalawang artist ay pinagsama ulit sa Google Trends at Twitter. Dahil dito ay maraming fans ni Daisie ang nagalit.Marami sa kanila ang pumunta sa Twitter account ni Roxy at ni-retweet nila ang kaniyang tweet, at habang ginagawa nila iyon, binash nila si Roxy at sinabihan siyang tigilan na niya ang panggagaya kay Daisie para lang sumikat.Marami ang nag-isip na buburahin na niya ang kaniyang post matapos makuha ang atensyon ng mga netizens. Pero walang nag-aakala na tatawanan niya lang an
Nagulat si Roland at mabilis na tiningnan ang kaniyang call log. ‘Sh*t! Tinawagan ako ni Roxy!’Agad na nagpaliwanag si Roland, “Honey, hindi ito tulad ng iniisip—”Sinampal siya ni Mrs. Goldwin sa pisngi at sumigaw siya, “Roland Goldwin, walang kang puso. Nanganak ako para sayo, at ilang taon akong naging full-time housewife. Ang kapal naman ng mukha mong traydurin ako!?”“Wala akong relasyon sa kaniya!”“Oh talaga? Sige, pupunta ako sa crew ngayon para hanapin ang malanding ‘yon!” Galit na sinara ni Mrs. Goldwin ang pinto at umalis. Doon lang na-realize ni Roland na magkakaroon ng malaking gulo sa studio. Agad niyang tinawagan si Roxy, pero pinatay na ni Roxy ang kaniyang phone. Mabilis na lumabas si Roland pero nakaalis na ang asawa niya. …Agad na pumunta si Mrs. Goldwin sa studio. “Nasaan ang malanding babae na Roxy Van Damme ng pangalan!? Roxy Van Damme, lumabas ka dito! Ang kapal ng mukha mong landiin ng asawa!?” Lumapit ang director ng project. “Mrs. Goldwin, ika
Binugbog si Roxy at dinala siya sa ospital. Pero kahit ang mga kasama niyang pasyente sa ward ay hindi kayang magtiis kasama siya dahil nga sa kaniyang reputasyon. Sa kabila ng mga nangyari…Bumaba ng 13% ang stock ng Tenet ng wala pang isang araw. Pinilit si Roland na maglabas ng press release para linawin ang relasyon nila ni Roxy. Naglabas din ng post ang Tenet sa lahat ng kanilang social media platform na nagsasabing tinapos na nila ang kontrata ni Roxy sa kanila. Kinilala si Roxy bilang isang artistang natanggal sa isang kompanya kahit kauumpisa pa lang niya sa industry—ginawa siyang katatawanan sa Internet. Habang patuloy na kumakalat ang usapan sa Internet, talagang naging blacklist na si Roxy sa showbiz. Pansamantalang na-deactivate muna ang kaniyang Twitter para makaligtas ang Twitter sa dami ng kinakaharap nito simula nang siya ay bumagsak.Nang makita ito, wala na siyang ibang magagawa kundi gawin ang kaniyang final trick, ayun ay sa pamamagitan ng pagtawag niya sa
“Ikaw naman, alam mo ba kung bakit sinasabi ko sayo na mag-take ka ng birth control at gumamit ng skincare? Kakaiba ka kumpara sa ibang mga babae kasi hindi mo alam kailan ka makukuntento. Alam ko na darating ang araw na ‘to.”Tinulak ni Zephir si Roxy.Parang bulaklak na lanta si Roxy. “Sabi mo buntis ka? Bakit hindi ko na lang sabihin sa mga doktor na i-check ka kung pwede ka ba magkaanak?”Peke lang ang pagbubuntis niya kasi gusto lang niya makatakas. Pero bakit? Bakit sobrang sama ni Zephir?Tumawa si Roxy. “Kung alam mo, bakit mo pa ako pinanatili sa tabi mo? Dahil sa mukha na ‘to?”“Alam mo na pamalit ka lang pero nag-stay ka pa rin dahil sa pera at sa status ko. Sinabi ko sayo na hindi kita seseryosohin. Ginagawa lang natin kung ano ng gusto natin. Sa tingin mo ba magaling ka para mag-stay ako? Dahil lang sa mukha na ‘yan? Sobrang tanga mo naman.”Matagal ng alam ni Zephir pero nagpanggap lang siyang wala siyang pakialam. Iniisip kasi ni Roxy na hindi mapapagod si Zephir
Pero, nang makita ni Freyja na ang mga tao sa Thither ay nagsimulang pag-usapan ang gawa niya, masaya siya tungkol doon. Mabuti naman at nakakakuha siya nang kaunting pagkilala.Biglang, nakatanggap siya ng tawag mula kay Leia. “Freyja, narinig ko na sinabi ni Norman na ikaw at si Donny ay nakabalik na para maghanda para sa bagong pelikula. Kumusta naman?”Tumayo si Freyja, lumapit sa bintana at ngumiti at sumagot, “Inaayos ng crew ang set sa Kong Ports pero hindi pa kami magsisimulang mag-film. Kailangan pa naming i-train ang mga aktor.”“Nagsisimula ka ng maging sikat na screenwriter ngayon. Magiging malaki na sa sunod?” pang-aasar ni Leia.“Wala namang nagbago. Gusto mo bang pumunta dito?”Natigil si Leia nang makatanggap siya ng imbitasyon at ngumiti. “Huwag kang mag-alala. Pupunta ako diyan sa kasal mo.”Pagkatapos mamatay ng tawag, bumaba si Freyja at nakita na nakikipaglaro si Deedee kay Charm sa living room. Lumapit siya at hinaplos ang ulo nito.“Deedee, gusto mo bang b
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa