“Ms. Woods, gusto mo pa rin bang manatili rito?” Tumingin si Cameron kay Evelyn na natigil sa kaniyang pwesto.“I…” Doon lang bumalik si Evelyn sa reyalidad at agad na tumakbo sa tabi ni Waylon. “Willy, takot na takot ako. Salamat sa pagligtas sa akin.”Malamig na sumagot si Waylon, “Si Cameron ang tao na nagligtas sa'yo. Sa kaniya ka dapat magpasalamat.”Nasamid si Evelyn at tumingin sa direksyon ni Cameron at labag sa loob na sinabing, “Salamat.”Lumapit si Cameron sa dalawang lalaki. “Walang anuman. At sa mga t*rantadong ‘to, ibibigay natin sila sa mga pulis.”“Huwag!” Agad na kinabahan si Evelyn.‘Kung ibibigay namin sila sa mga pulis, mahuhuli ako.’Nang makita na kakaiba ang tingin ni Cameron at Waylon, mabilis siyang nagpaliwanag, “I… Ibig kong sabihin, hindi nila ako nagawan nang masama at niligtas niyo na ako, kaya kalimutan na natin. At saka, hindi na nila ‘yan gagawin pa ulit.”Suminghal si Cameron. “Ikaw bahala.”Bumalik na siya sa sasakyan.Aalis na sana si Waylo
Hinalikan ni Waylon si Cameron sa pisngi. “Huwag kang mag-alala. Alam ko ang gagawin.”Kinabukasan, pumunta si Damon sa villa para hanapin si Waylon.Tinanong siya ni Waylon kung bakit hindi niya sinagot ang tawag nito kagabi at nagulat si Damon sa tanong niya. “Nawala ang phone ko kagabi.”Inangat ni Waylon ang tingin niya at tinitigan si Damon. “Nawala mo?”“Oo, inimbitahan ako ni Ms. Woods sa isang bar para uminom kagabi. At gabing gabi na nang matapos kaming uminom kaya hinatid ko siya at nakita na nawawala na ang phone ko pagkatapos non.”Uminom si Waylon ng kape. “Kung ikaw ang naghatid sa kaniya, siniguro mo ba na ligtas siyang nakauwi?”Tumango si Damon. “Oo. Umalis lang ako pagkatapos makita mismo ng mga mata ko na nakapasok na siya sa bahay. Anong problema?”Binaba ni Waylon ang kape at ngumiti. “Tinawagan niya ako kagabi at sinabi na hawak siya ng mga masasamang tao sa 6th alley.”Nagulat si Damon. “Paano nangyari ‘yon? Hinatid ko na siya pauwi. Posible kaya na luma
Nagulat ang mga staff member at tinanong, “Bakit hindi sa Dorywood ang filming? Pwede tayo kumuha ng kilalang actor sa Zlokova, tulad ng ginawa ni Mr. Boucher.”Umiling si Donny. “Iba ito. Gusto kong mag-shoot sa Kong Ports dahil malakas ang vintage look nito at misteryoso ang dating. Iyon ang gusto kong makuha na effect, at ang main focus ng misteryo ng suicide ng NPC at Ng memorya na babalik sa ibang character kapag hindi na sila lasing.”Nagbulungan ang crew at mukhang tinatanggap na ang ideya niya.Pinagkrus ni Norman ang daliri niya, pinatong sa kaniyang baba at ngumiti. “Sa tingin ko ay maganda ang sinasabi mo dahil maraming vintage style, printing press, hanging calendar sa bahay ng biktima, radyo, at kung ano pa ang laman ng script. Kung hindi natin gagamitin ‘yon bilang background ng eksena, mawawala ang misteryosong dating ng kwento.”Pagkatapos non, tumingin siya kay Freyja. “Gusto rin ni Ms. Pruitt na perpekto ang pagka-translate ng script niya sa bid screen, hindi ba?”
Tiningnan ni Freyja nang maigi ang screen. “Sasabihin ko sa kaniya na tandaan ang mukha na ito.”“Maaalala niya ‘yon pag nandito ka na.” Tiningnan ni Colton si Charm. “‘Di ba? Baby ko? Huwag ka makinig sa mom mo na niloloko lang tayo.”Ngumiti si Freyja. “Huwag ka mag-alala. Makakasama mo rin ako agad bago mag isang taon.” Tiningnan siya ni Colton. “Maghihintay lang kami dito.”“Siya nga pala, kumusta si Deedee?” “Ayos lang siya. Simula nang magising kasama niya si Beatrice, mas naging masayahin na siya at marami na ring kaibigan. Kasama pa nga niya si Beatrice sa dance class.”Ngumiti si Freyja. “Sa tingin ko ang laki ng tulong ni Beatrice sa pagbabago niya. Kailangan ko sila bigyan ng regalo pag bumalik ako.”“Paano ang regalo ko?”“Ako ang regalo mo.”Tinakpan ni Colton ang tainga ni Charm at nilapit ang mukha sa screen. “Mabubuksan din ba kita?” “Wish mo lang.”Pagkatapos iyon sabihin ni Freyja, pinatay niya na ang tawag. Naiwan si Colton nang walang paalam.Tumingi
Napatahimik ang lahat sa mga sinabi ni Cameron. Hindi nila inaasahan na mayabang siya.Tumawa si Waylon at tinaas niya ang kamay niya para hawakan ang buhok ni Cameron. “Galit ka ba?” “May nakaaway ako dahil lang sa isang babae. Paano ako hindi magagalit?”Inalis ni Cameron ang kamay ni Waylon at tinuro ang mga lalaki. “Sabihin mo sa akin, ano pang sinabi sa inyo ni Ms. Woods? Ano ang ginawa ko sa kaniya? Babasagin ko mga labi niyo pag hindi niyo ginawa.”“Bakit… bakit naman sobrang galit ka?”Sa wakas at nalaman na nilang mayabang si Cameron.“Lagi naman akong galit, at mas gusto ko pang hayaan na lang ang kamao ko magpaliwanag. Gusto niyo bang subukan?”Pinahalata pa niya sa mga lalaki na hinahamon niya ang mga ito. Tiningnan ng mga lalaki si Waylon. Asawa niyo ito kaya hindi pwede na saktan na lang nila ito bigla.Kalmadong sinabi ni Waylon, “Bakit hindi na lang kayo sumunod sa sinabi kung may mga opinyon naman kayo tungkol sa kaniya?”“Anong ginagawa mo…”Sinasabi ba n
Nagulat si Evelyn. ‘P-Paano ‘yon nangyari?’Hinaplos ni Cameron ang kaniyang kamay. “Simula noong bata ako ay nag-train na ako sa martial arts. Marami akong physical training sa school at sa army at marami na akong nakalaban, marami ring magagaling. Natuto ako sa kanila at ginagamit ko ang mga skills nila sa tuwing nakikipaglaban, kaya imposible na manalo kayo dahil lang malakas kayo. Magagawa niyo lang iyon kung mabilis kayo at may cooperation.”Tumayo ang ilang lalaki. Nakayanan ni Cameron na labanan ang mga atake ng ilang tao nang mag-isa, at mas mabilis pa sa mata nila ang mga galaw ni Cameron, kaya lagi silang nahuhuli. Nagulat sila sa kakayahan ni Cameron. Kaya pumayag si Waylon na maglaban sila. Alam naman na niya na hindi nila kayang talunin si Cameron. Nanghingi ng tawad ang leader ng mga lalaki at sumunod din ang iba.“Ms. Woods, hindi mo na kailangan magtago. Nakita na kita,” sigaw ni Cameron. Tumalikod ang lahat.Nanginginig si Evelyn. ‘Paano niya ako nakita?’N
Malungkot na ngumiti si Waylon. “Wala namang ibang ibig sabihin ang pagtulong ko sayo. Sa sitwasyon na ‘yon, tutulungan ko pa rin naman kahit ibang babae ‘yon. At sa sinabi mong hinayaan kong sumama ka sa akin, sabi mo kasi gusto mong magpasalamat sa akin. Pumayag ba ako? Sunod ka lang nang sunod sa amin.” Sobrang bumaon sa puso ni Evelyn ang sinabi ni Waylon dahil parang naging lokohan lang ang pagkagusto niya dito. “Hindi… hindi pwede.”Hindi ito matatanggap ni Evelyn. “Nagsinungaling ka. Inisip mo na espesyal ako kaya iba ang trato mo sa akin. Bakit hindi mo ako pinigilan nang sinabi ako ni Morrison sa Night Banquet?” Paano naman siya makakapunta sa Night Banquet kung hindi siya espesyal kay Waylon?Kinamot ni Waylon ang ulo niya. “Dahil kaibigan ka ni Morrison, at gusto kong maging kayo. Syempre hindi ko naman siya pipigilan.” Kinabahan si Evelyn. Wala namang ginawa si Waylon para sa kaniya, at lahat ng iyon ay one-sided lang. Iniisip niya lang na espesyal siya para kay
Bawat hakbang, sumusunod si Waylon kay Evelyn habang may ngiti pero walang ekspresyon. “Hindi ka kasi marunong umarte at ayun ang pinaka-rason kaya ka bumagsak. Sa tingin mo ba talaga hahayaan ng isang kriminal na tumawag ka at manghingi ng tulong?”Natumba si Evelyn sa sahig. Tiningnan niya si Waylon at hinawakan niya ito sa kamay. “Sorry, Willy. Hindi ko dapat ‘yon ginawa. Please patawarin mo ako…”Binawi ni Waylon ang kamay niya at inalis sa pagkakahawam ni Evelyn, malamig ang kaniyang tingin. “Simula ngayon ay hindi ka na makakapunta sa Night Banquet. Pag narinig ko na may ginagawa kang kwento sa kahit na anong bagay, hahanapin kita.”Matapos iyon, tumingin si Waylon kay Cameron, inakbayan niya ito at pumasok na ulit sila sa bahay. Tumingin ang mga member ng Night Banquet kay Evelyn at napailing sila. Tila mali ang kanilang pagkakakilala kay Evelyn.Hindi nila pinansin si Evelyn na nakaupo sa sahig, at umalis na lang din sila.Sa loob ng villa…Dinala ni Waylon si Cameron
Sumang-ayon ang iba.Nang maihain ang pagkain, tiningnan ni Daisie ang puting pagkain na mukhang pamaypay at tinanong ang may-ari. “Ano ‘to?”Ngumiti si ang lalaki at ipinaliwanag, “Mylotic cheese ‘yan. Gawa yan mula sa gatas ng baka. Lokal na pagkain.”Tinikman ni Cameron. “Oh, ang sarap.”Tumikim din si Freyja at Colton at masarap nga iyon.Inihain ang susunod na pagkain. Dinala ito ng lalaki. “Manok ito. Gawa ito sa homemade na marinade, spicy oil, paminta at roasted walnuts. Specialty namin ito dito at gustong gusto ito ng mga turista.”Sinubukan yon ni Daisie at tinanong ni Cameron, “Kumusta?”Tumango siya at sumubo pa nang mas malaki. Sinubukan din yon ng iba.Nagdala ng soup dish ang lalaki. “Ito ang cream nv seaweed. Malambot ito at crunchy naman ang seaweed. Kapag idinagdag ang yam, mas masarap.”“Mukhang masarap. Ako muna ang titikim.” sumubo si Waylon.Tiningnan siya ni Cameron. “Ang bango.”Pagkatapos ng ilang pagkain ay inihain na ang sikat sa lugar. Mayroong bu
Nang gabing ‘yon, sa Taylorton…Nagi-impake si Daisie ng bag niya, para sa plano nilang road trip at iniisip kung ano pa ang kailangan nila.Nang lumabas si Nollace sa shower at nakita na seryoso itong nagpaplano, tumawa siya. “Magbabakasyon lang tayo, hindi lilipat.”“Maraming kailangan dalhin ang mga babae. Skincare, pagkain, at ang camera. Kailangan natin yung drone. Nagdala rin ako ng payong.”Naningkit siya. “Pati payong?”Tiningnan siya ni Daisie at seryosong sinabi, “Paano kung umulan?”Hindi alam ni Nollace ang sasabihin.May dalawa silang malaking suitcase at isang maliit. Tumayo si Daisie, tiningnan ang bag niya at pakiramdam niya ay sumobra siya. Kinamot niya ang kaniyang pisngi. “Parang lilipat ako.”Lumapit si Nollace sa kaniya at niyakap niya si Daisie. “Mabuti na lang at road trip ‘yon o kakailanganin natin ng U-haul.”Ngumiti si Daisie at niyakap siya. “Excited na ako para bukas.”Kinabukasan, nagmaneho si Colton papunta sa Taylorton. Nasa ibang sasakyan si Wa
Hinawakan ni Waylon ang kamay ni Cameron. “Pag-uusapan natin ‘yan sa susunod.”Tiningnan ni Maisie si Daisie at Nollace. “Kinasal na ang dalawa mong kapatid. Kailan ang sa'yo?”Sagot ni Daisie, “Sabi ni Nolly at magandang araw ang September 9 dahil hindi sobrang lamig sa Yaramoor sa oras na ‘yon. Mainit sa umaga pero malamig sa gabi.”Nagulat si Cameron. “Mainit pa rin dito sa September. Parang summer sa East Island kapag September.”Ngumiti si Daisie. “Ang winter ng East Island ay parang summer namin. Pwedeng pumunta doon ang taong ayaw sa winter.”Ibinaba ni Nicholas ang tasa niya at pinag-isipan. “13 na araw na lang bago mag September 9. Ang bilis non.”Ngumiti si Maisie at tumango. “Oo nga.”Tumingin si Waylon kay Nollace. “Panigurado na magarbo ang isang royal wedding.”Inakbayan ni Nollace si Daisie. “Syempre. Bukas ‘yon sa publiko at gaganapin sa palasyo namin.”Lumapit si Cameron kay Waylon. “Hindi pa ako nakakapunta sa isang royal wedding. Isang karanasan ‘yon.” Tini
Tumango si Nick. “I will.”Pagkatapos non, umalis ang tatlo sa airport.Samantala, sa Coralia Airport…Hinatid ni Yale at Ursule si Zephir sa gate. Inabot ni Yale ang luggage sa kaniya. “Bumalik ka at bisitahin mo kami.”Kinuha ni Zephir ang bag, tumango siya at pumasok sa airport.Si Ursule na buhay si Kisses ay tinikom ang labi niya at tiningnan ang pusa. “Baka hindi mo na siya makita ulit.”Tiningnan siya ni Yale. “Oh? Ayaw mo ba siya na umalis?”“Ayaw siya paalisin ni Kisses.”“Sa tingin ko ay ikaw ‘yon.” Ngumiti si Yale at tumalikod para pumunta sa sasakyan habang sumunod naman si Ursule. “Bata ka pa. Tapusin mo ang pag-aaral mo. Pagkatapos, pwede ka mag-apply para makapunta sa Bassburgh.”Umupo si Ursule sa passenger seat. Lumingon siya nang marinig ‘yon. “Pwede ako mag-apply para pumunta doon?”“Pwede. Nasa art school ka. Pwede kang mag-apply sa Royal Academy of Music.”Sinimulan ni Yale ang sasakyan at nagmaneho palayo.Sumandal si Ursule sa upuan at bumulong, “Kap
Katulad ito ng sinasabi ng ibang mga tao, “Kailangan mo na magbigay kung gusto mo na may makuha.” Kumikita ang pier na ‘yon sa mga barko ng mga Dragoneers na dumadaong doon.Nabali ni Noel ang hita ng anak ni Python pero walang ginawa ang mga Wickam para ipakita na humihingi sila ng tawad, kaya nagalit si Python.Ititigil nila ang negosyo nila rito at magiging kalaban ng dragoneers ang Wickam mula ngayon. Kahit na hindi sila dumaong sa pier nito, makakahanap pa rin sila ng ibang routa. Nagawa lang nitong paliitin ang client base ng Wickam.Humarap si Nick kay Mahina. “Umalis na tayo.”“Nick, anong ibig sabihin nito? Tutulong ka ba?” sumigaw sa kaniya si Martha.Hindi lumingon si Nick. “Malalaman mo na lang.” At umalis na siya.Hindi inakala ni Arthur na ito ang huling pagkakataon na magpapakita si Nick sa bahay nila.Pinalaya ni Python si Noel pagkatapos ng tatlong araw pero matindi ang natamo ako at dinala sa hospital.Pumunta si Martha at Arthur at nakita ang anak nila na na
Sa oras na ‘yon, biglang pumasok ang butler sa loob bahay. “Sir, may nagsabi na nakita nila si Master Nick sa bayan.”Tumayo si Arthur. “Sigurado ka ba?” Nakabalik na si Nick.“Oo, nasa Winslet Manor.”Galit na hinaplos ni Arthur ang mesa nang marinig na pumunta si Nick sa Winslet Manor. “Pumunta siya doon pagbalik niya mismo. Hindi ba niya kinikilala bilang Wickam ang sarili niya?”Kinakabahan si Martha at gusto lang na makauwi ang anak niya. “Honey, dahil nakabalik na siya, gagamitin natin siya para ipalit kay Noel. Siya ang pinakamatanda sa pamilya, hindi ba? Importante ang buhay Noel!”Kumunot si Arthur at nagkuyom ang kamao.Hindi nagtagal pagkatapos non, dumating si Nick at Mahina sa garden. Nang makita ni Arthur na nakabalik na sila, nagulat siya. “Akala ko wala kang plano na bumalik?”Mukhang kalmado si Nick. “Kung hindi ako babalik, sisisihin mo ako kapag walang naiwan na tagapagmana ang Wickam. Hindi ko pwedeng akuin ang responsibilidad na ‘yon.”Natigil si Arthur at
Hindi masaya si Cooper sa ideya na ‘yon.Ngumiti si Sunny. “Sino ang nagsabi sa'yo na dapat natin ipalit ang binti ni Nick kay Noel? Sa halip si Python ang babali sa binti ni Python, bakit hindi si Nick ang gumawa non?”Nagulat si Cooper. “Gagawin mismo ‘yon ni Nick?”Lumapit si Sunny at seryosong minungkahi, “"Nabali ang binti ni Travis, ngunit ligtas siya. Bukod pa doon ay makakabangon pa siya sa kama at makakalakad pagkatapos nang kalahating taon ng pagpapagaling. Nabalitaan kong malupit na tao si Python, pero hinuli lang niya si Noel para pilitin ang mga Wickam na makipagkompromiso. Kaya bakit nila pinapatagal nila ang plano nila na saktan si Noel?”Nagulat si Cooper. “Sinasabi niyo ba na may ibang plano si Python?”Uminom si Sunny ng tsaa mula sa tasa. “Si Python ang pinuno ng isang lokal na mafia sa Madripur. Lahat ng negosyong kinasasangkutan niya ay ilegal at hindi alam ang pinanggalingan. Bukod dito, ang kanilang mga produkto ay kadalasang naglalakbay sa pamamagitan ng da
Masyadong makapangyarihan at agresibo ang pamilya ni Amelia na pinipigilan si Arthur na itaas ang kanyang ulo sa harap ng iba. Kaya naman nag-asawa siyang muli isang taon pagkatapos ng kamatayan ni Amelia at tiniis pa niya ang lahat ng mga pagsaway na ibinato sa kanya ng mga Winslet dahil sa pagiging walang utang na loob na asawa. Iyon ay hanggang sa pinilit siya ni Cooper na hayaan si Nick na mamana nang buo ang Wickam, at habang mas pinipilit siya ng mga Winslet, mas ayaw niyang pumayag.‘Gusto ko lang patunayan kay Cooper na kahit walang tulong mula sa pamilya niya at kay Nick, kaya pa rin tumayo ng Wickam.‘Pero malaki talaga ang nagawang gulo ni Noel ngayon. Bakit ako pupunta kay Nick kung hindi dahil sa kaniya?’Hinawakan ni Martha ang braso niya. “Kung ganoon, pumayag ba si Nick sa plano mo? Anak mo rin siya, kaya kahit anong mangyari, hindi siya tatanggi na tulungan ka, hindi ba? Ipabalik mo lang kay Nick si Noel.”“Pumayag ba siya?” Pinalayo siya ni Arthur at galit na suma
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng