Malungkot na ngumiti si Waylon. “Wala namang ibang ibig sabihin ang pagtulong ko sayo. Sa sitwasyon na ‘yon, tutulungan ko pa rin naman kahit ibang babae ‘yon. At sa sinabi mong hinayaan kong sumama ka sa akin, sabi mo kasi gusto mong magpasalamat sa akin. Pumayag ba ako? Sunod ka lang nang sunod sa amin.” Sobrang bumaon sa puso ni Evelyn ang sinabi ni Waylon dahil parang naging lokohan lang ang pagkagusto niya dito. “Hindi… hindi pwede.”Hindi ito matatanggap ni Evelyn. “Nagsinungaling ka. Inisip mo na espesyal ako kaya iba ang trato mo sa akin. Bakit hindi mo ako pinigilan nang sinabi ako ni Morrison sa Night Banquet?” Paano naman siya makakapunta sa Night Banquet kung hindi siya espesyal kay Waylon?Kinamot ni Waylon ang ulo niya. “Dahil kaibigan ka ni Morrison, at gusto kong maging kayo. Syempre hindi ko naman siya pipigilan.” Kinabahan si Evelyn. Wala namang ginawa si Waylon para sa kaniya, at lahat ng iyon ay one-sided lang. Iniisip niya lang na espesyal siya para kay
Bawat hakbang, sumusunod si Waylon kay Evelyn habang may ngiti pero walang ekspresyon. “Hindi ka kasi marunong umarte at ayun ang pinaka-rason kaya ka bumagsak. Sa tingin mo ba talaga hahayaan ng isang kriminal na tumawag ka at manghingi ng tulong?”Natumba si Evelyn sa sahig. Tiningnan niya si Waylon at hinawakan niya ito sa kamay. “Sorry, Willy. Hindi ko dapat ‘yon ginawa. Please patawarin mo ako…”Binawi ni Waylon ang kamay niya at inalis sa pagkakahawam ni Evelyn, malamig ang kaniyang tingin. “Simula ngayon ay hindi ka na makakapunta sa Night Banquet. Pag narinig ko na may ginagawa kang kwento sa kahit na anong bagay, hahanapin kita.”Matapos iyon, tumingin si Waylon kay Cameron, inakbayan niya ito at pumasok na ulit sila sa bahay. Tumingin ang mga member ng Night Banquet kay Evelyn at napailing sila. Tila mali ang kanilang pagkakakilala kay Evelyn.Hindi nila pinansin si Evelyn na nakaupo sa sahig, at umalis na lang din sila.Sa loob ng villa…Dinala ni Waylon si Cameron
Nang may sasabihin na sana si Leah, tinaas ni Morrison ang kamay niya para pigilan si Leah at nagpatuloy na magsalita. “Sige na, hindi mo kailangan na magsabi ng kahit ano. Isang beses ka lang mabubuhay, kaya kailangan pahalagahan mo ang buhay mo.“Pwede naman ako magpakilala ng ilang lalaki para sayo. Lahat sila ay may magandang family background at mga gwapo rin. Sigurado ako na makakahanap ka ng gusto mo. At syempre, kung ayaw mo ng mga lalaking mula sa Stoslo, pwede naman ako maghanap ng para sayo mula sa Bassburgh.”Nahihiyang ngumiti si Leah. “Umm… Salamat sa advice mo.”“Wala ‘yon. Magkaibigan din naman tayo. Bigyan mo lang ako ng dalawang araw. Pagsasamahin ko lahat ng magagandang lalaki sa Bassburgh para pagpilian mo.” Dalawang araw ang nakalipas, binigyan ni Morrison si Leah ng profile ng ilang mga mayayaman na lalaki sa Bassburgh na wala pang asawa.Gumalaw ang labi ni Leah nang tingnan niya si Morrison nakaupo sa couch sa kaniyang harap. “Saan mo ito nakuha?”“Dating
Sadyang wala talagang umaasa na hahayaan ni Donny si Freyja ba siya ang pumili sino gaganap sa protagonist roles. Bahagyang na-stress si Freyja at ayaw niyang mapahiya kay Donny sa mga mapipili niyang candidates. Hindi naman siya magaling sa pagpili ng mga character kaya naisip niyang kailangan niya ng tulong ni Daisie.Pumunta si Freyja sa Blue Valley Manor at binigay kay Daisie ang script. “Daisie, kailangan mo ako tulungan ngayon. Natatakot ako na baka pumangit ang movie ni Mr. Winslow dahil sa maling desisyon ko. Kailangan ko ito matapos agad para hindi maapektuhan ang shooting time.”Tiningnan siya ni Daisie at tumawa siya. “May audition session pa naman, ‘di ba? At saka, may halos anim na buwan ka pang natitira. Sigurado akong sapat na ‘yon.” “Oo, sapat na ‘yon, pero hindi naman laging free ang lahat. Natatakot akong baka hindi kaya mag-commit ng actor sa project pag may nangyari na hindi inaasahan. Tapos, kailangan ko na bumalik sa bansa namin para sa audition sa susunod n
Nakita ng mga netizens si James sa cast list pero hindi nila na-realize na siya pala si “Simon.”Agad na nanabik ang mga fans ni James nang makita nila ang pangalan niya.#Oh gosh! Nagkaroon na rin siya ng magandang drama para sa sarili niya!# #Salamat kay Daisie, nagkaroon na ng tamang character si James para sa sarili niya, hahaha.##Nang mapanood ang video, narealize ko na sobrang nag-improve ang acting skills niya. Dati, laging isang mayaman na binata ang role niya, at walang nagbago sa sarili niya kahit anong klaseng role pa ang kaniyang gawin. Sana hindi niya tayo paasahin pag na-release na itong series.# #Tulad ng inaasahan sa isang serie na may double male leads. Hindi ko alam sa inyo guys pero gusto ko sila i-ship ni Helios.#Samantala, sa Tenet…Nang makita ni Charlie ang trailer at mga comment ng netizens, natuwa siya at sinabi, “Hmph! Magaling siya ngayon. Bibigyan ko siya ng 90.”Nagulat ang assistant niya. “90 lang? Hindi ba parang mas deserve niya ang mas mataa
Hindi inaasahan ni Morrison na tatanggihan ni Isaac si Leah. Ilang sandali siyang nagulat bago sabihin, “Pero laging sinasabi ng mga tao na ang asawang mas matanda ng tatlong taon sa kaniyang asawang lalaki ay nagpapakita ng mayaman na buhay. Baka nga mukha lang siyang mature sa photo pero mas mukha siyang bata sa totoong buhay…”“Pasensya ka na. Hindi ko kaya na mas matanda ang asawa ko sa akin kaya kahit na gaano siya kagaling, hindi ko siya matatanggap.”Matapos magsalita ni Isaac, tumayo siya at umalis. “Mr. Portman…”Pinatunog ni Morrison ang kaniyang dila nang makaalis si Isaac. Sumandal siya sa kaniyang upuan at bumulong, “Hindi niya matanggap si Leah kasi mas matanda sa kaniya? Pero tatanggapin niya kung 18 pa lang siya? Nakakatawa naman ‘yon.”Nakatayo lang si Leah sa likod at umupo na siya sa harap ni Morrison. Habang may ngiti sa kaniyang mukha, “Ibig sabihin, hindi ka nagtagumpay?” Humalukipkip si Morrison at sinabi, “Hindi naman ito para sa akin. Para sayo ito. Tin
Lumagpas ang kotse kay Zephir.Nanghingi ng tawad si Leah kay Morrison habang nakasandal siya sa upuan at hindi nagsasalita ng kahit na ano.Hindi niya alam bakit siya nakialam sa nangyayari kanina. Siguro ay dahil nasanay na siyang tumulong kay Leah nitong mga nakaraan. Matapos ang ilang sandaling katahimikan, biglang tinanong ni Morrison, “Saang bansa ka pupunta?”Napahinto ng ilang sandali si Leah, napangiti siya. “Wala akong ideya. Siguro Yaramoor? O baka Drenai?”Pinatunog ni Morrison ang kaniyang dila at tumingin siya sa labas ng kotse. “Edi mas maganda kung mag-travel ka papuntang Stoslo. Pag pumunta ka doon, pwede kita ipakilala sa mga kakilala ko, mas mabilis kang makakapag settle down. Pero, tinutulungan lang kita kasi kilala natin ang isa't isa. “Okay.” Agad na sinagot ni Leah, “Kung pupunta ako ng Stoslo, aasa ako sa tulong mo at ibibigay ko na sayo ang lahat ng pwede kong isipin, Mr. Shaw.”Ilang araw ang nakalipas…Na-publish sa Stoslo ang balita tungkol sa pagk
Paglipas ng kalahating buwan, bumalik si Waylon at Cameron mula sa Stoslo, at inabot ni Waylon ang will ni Hernandez kay Maisie.Kinuha ni Maisie ang will at bahagyang nagulat.“Sinabihan ni Great-grandpa si Tito Louis na iabot ito sa akin. Sinabi rin ni Tito Louis na hinihiling ni Great-grandpa na patuloy na umusbong ang de Armas.Hinaplos ni Maisie ang will sa kaniyang kamay at ngumiti. “Ganoon ba. Salamat, Waylon.”“Mom, pinag-usapan namin ito ni Cam. Kapag nagkaroon kami ng anak sa hinaharap, babae man o lalaki, handa kaming ibigay ang responsibilidad na ito sa bata.”Tinitigan ni Maisie si Waylon at inilagay ang kaniyang kamay sa balikat nito. “Alam ko na ikaw ang panganak na anak ng Goldmann, at pasan mo ang responsibilidad para sa mga Goldmann, kaya kahit ano pa ang piliin mong gagawin, susuportahan kita lagi.”Ngumiti si Waylon.Sa kabilang banda ng siyudad…Nagpaunlak ng bagong registration cycle ang martial arts training center kasama ang dagsang bilang ng freshmen, k
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa