Lumagpas ang kotse kay Zephir.Nanghingi ng tawad si Leah kay Morrison habang nakasandal siya sa upuan at hindi nagsasalita ng kahit na ano.Hindi niya alam bakit siya nakialam sa nangyayari kanina. Siguro ay dahil nasanay na siyang tumulong kay Leah nitong mga nakaraan. Matapos ang ilang sandaling katahimikan, biglang tinanong ni Morrison, “Saang bansa ka pupunta?”Napahinto ng ilang sandali si Leah, napangiti siya. “Wala akong ideya. Siguro Yaramoor? O baka Drenai?”Pinatunog ni Morrison ang kaniyang dila at tumingin siya sa labas ng kotse. “Edi mas maganda kung mag-travel ka papuntang Stoslo. Pag pumunta ka doon, pwede kita ipakilala sa mga kakilala ko, mas mabilis kang makakapag settle down. Pero, tinutulungan lang kita kasi kilala natin ang isa't isa. “Okay.” Agad na sinagot ni Leah, “Kung pupunta ako ng Stoslo, aasa ako sa tulong mo at ibibigay ko na sayo ang lahat ng pwede kong isipin, Mr. Shaw.”Ilang araw ang nakalipas…Na-publish sa Stoslo ang balita tungkol sa pagk
Paglipas ng kalahating buwan, bumalik si Waylon at Cameron mula sa Stoslo, at inabot ni Waylon ang will ni Hernandez kay Maisie.Kinuha ni Maisie ang will at bahagyang nagulat.“Sinabihan ni Great-grandpa si Tito Louis na iabot ito sa akin. Sinabi rin ni Tito Louis na hinihiling ni Great-grandpa na patuloy na umusbong ang de Armas.Hinaplos ni Maisie ang will sa kaniyang kamay at ngumiti. “Ganoon ba. Salamat, Waylon.”“Mom, pinag-usapan namin ito ni Cam. Kapag nagkaroon kami ng anak sa hinaharap, babae man o lalaki, handa kaming ibigay ang responsibilidad na ito sa bata.”Tinitigan ni Maisie si Waylon at inilagay ang kaniyang kamay sa balikat nito. “Alam ko na ikaw ang panganak na anak ng Goldmann, at pasan mo ang responsibilidad para sa mga Goldmann, kaya kahit ano pa ang piliin mong gagawin, susuportahan kita lagi.”Ngumiti si Waylon.Sa kabilang banda ng siyudad…Nagpaunlak ng bagong registration cycle ang martial arts training center kasama ang dagsang bilang ng freshmen, k
Tumango si Kennedy. “Mabuti. Dahil nakapag desisyon ka na, doon ka sa may kumpiyansa ka at payapa ang isip mo. Susuportahan ka namin lagi ng mom mo.”Pinulupot ni Sapphire ang braso niya kay Kennedy. “Salamat, Dad.”Pagkatapos ng isang buwan…Dumating na ang flight ni Freyja sa Bassburgh Airport. Lumabas siya sa airport dala ang kaniyang luggage at tumawag ng cab para ihatid siya sa Goldmann mansion.Hindi niya sinabihan si Colton tungkol sa pagdating niya para sorpresahin ito.Nang makarating ang sasakyan sa gate mg Goldmann mansion, pumasok si Freyja dala ang kaniyang luggage.Nang makapasok siya sa mansion, ang una niyang narinig ay ang pag iyak ni Charm at ang nanny na pinapatahan ito.Nang makita ng nanny si Freyja, nagulat siya. “Young Mrs. Goldmann?”Inabot ni Freyja ang luggage niya sa katulong na lumapit sa kaniya at naglakad papunta sa nanny. “Bubuhatin ko siya.”Inabot ng nanny si Charm kay Freyja, at nang mayakap ni Freyja si Charm sa bisig niya, natunaw ang kaniya
‘Wala namang pakialam si Daisie sa kasikatan at pera. Wala siyang pakialam kung gaano ka-competitive ang industriya at kung ano ang role na makuha niya. Gagawin niya ‘yon basta maganda ang script.‘Bukod pa doon, may naka-reserve na role si Director Winslow na akma sa edad ni Daisie.‘Para sa dalawang role na kailangan kong piliin, naghahanap si Director Winslow ng 20-year-old para sa female role.’Kinuha ni Charlie ang tasa niya at mabagal na uminom. “Ano ang requirement ni Director Winslow?”“Gusto niya na ang ilan sa kanila ay mula sa local port region at ilang local na extra. Pinagpipilian pa ang apat na lead actors. Para naman sa dalawang major role, isa sa kanila ay babae at lalaki naman ang isa, at nakatalaga sa akin ang mga role na ito. Dapat ang actor ay hindi lalagpas sa 30 ang edad para umayon sa role ng “Mr. Weiss”, at nasa 20s naman ang sa female role.”Hinaplos ni Charlie ang baba niya at pinag-isipan. “Maghahanap ako ng mga pagpipilian simula bukas. At isasama kita
Nang marinig ang sagot niya, hindi mapigilan ni Freyja ang mapangiti.‘Mukhang ginagawa nang maayos ni Tito Coleman ang gampanin niya.’Hindi nagtagal, nakarating si Colton sa Seaview Villa. Nang pumasok siya sa living room, ang una niyang nakita ay ang masayang eksena kung saan nakikipaglaro si Deedee kay Charm sa living room.Lumabas si Freyja mula sa kusina dala ang plato ng pagkain sa kamay niya at inangat ang kaniyang ulo. “Nakauwi ka na agad? Ang bilis naman.”Galit na tumawa si Colton, niluwagan ang kaniyang tie at lumapit kay Freyja. “Ito ba ang sorpresa? At kukunin mo pa ang anak ko sa akin?”Kinuha niya ang tinidor, tumusok ng steak sa steak salad, at inilapit sa bibig ni Colton. “Gusto mo?”Kinain niya ‘yon. “Kailan ka pa dumating dito?”Masaya siyang sumagot, “Nang tanghali, sinamahan ko muna ang anak natin, pagkatapos ay pumunta ako sa Tenet Media pagkatapos siyang patulugin at tumakas na kami rito kasama ang anak ko.”Nagsimulang umiyak si Charm.Binuhat siya ni
Sumagot si Charlie, “Iba si Donny pumili ng mga aktor kumpara sa kung paano ito gawin ng ibang direktor. May parehong karanasan ang aktor sa character. Kahit na walang karanasan ang 20-year-old na babae sa acting, mayroon siyang natural na acting skills.”Nagulat si Freyja nang malaman ‘yon.Sa anim na suspect, ang dalawang may komplikadong nakaraan ay ang magkapatid na Westley.Ang kapatid ni ‘Mr. Westley’ ang may kakaibang past. Misogynistic ang pamilya nila. Nabuhay lang siya para tulungan ang kapatid niya gamit ang umbilical cord niya.Napilitan siyang mag drop out sa school sa muramg edad at mag trabaho sa market. Pagkatapos makakilala ng mga tao sa iba't ibang buhay, may mababa siyang self-esteem pero proud din siya.Tinanong ni Donny ang ilang tao na natira, “Mayroon ba sa inyo ang nagmula sa pamilya na may mas pakialam sa lalaki?”Napaalis ang ilang tao tao sa huling tanong at dalawa na lang ang natira.Tiningnan ni Freyja ang impormasyon ng dalawa— si Yvonne Hammond at
Maririnig ang boses ni Yvonne. “Hindi ba sinabi sa'yo ni Mom at Dad?”“Sabihin sa akin ang ano?”Suminghal si Yvonne. “Nanghingi sila ng pera para ipasok ako sa film academy at sa kasamaang palad, nakapasok ako.”Agad na tumayo si Amy. “Ano!? Pinadala ka nila sa film academy? Bakit hindi mo sinabi sa akin?”“Para saan? Sinusunod mo ang lahat ng gusto nila. Nagbibigay ka ng pera kapag nanghihingi sila. Nahuhulog lang ba sa langit ang pera mo? Magbabayad ka sa buong buhay niya na parang anak mo siya. Sana may pakialam pa siya sa'yo sa hinaharap.”“Evie—”Pinatay ni Yvonne ang tawag pagkatapos niya.Kinabukasan, nakuha ni Yvonne ang role ng kapatid ni Westley. Sinabihan siya ni Donny na kunin ang script at sinabi sa kaniya na kabisaduhin ang script sa loob ng dalawang buwan para maintindihan niya ang character.Nagulat siya na napili siya dahil hindi niya ito inaakala. Nagulat siya sa biglaang pagkatanggap sa kaniya.Tinanong siya ni Donny, “May tanong ka ba?”Nagulat si Yvonne
Kinuha ni Charlie ang phone niya pagkatapos sabihin ‘yon.Tumayo si James. “Sige. Susubukan ko para hindi sabihin ng mga tao na walang talento ang Tenet.”Dinala ni Charlie si James sa restaurant kasmaa si Donny. Nakasuot ng salamin si James tulad ng sinabi ni Charlie.Gusto ni Donny ang image ni James. Saktong sakto siya para kay ‘Mr. Westley’.“Umakto ka na ba bilang masamang tao noon?”Tapat na sumagot si James, “Hindi pa.”Pinagkrus ni Donny ang daliri niya at pinatong ang kamay niya sa mesa. “Ayos lang. Pinanood ko ang ‘The Fog’ at sinabi sa akin ni Charlie na ayos naman ang acting mo. Pero sa pelikula ko, hindi ako naghahanap ng pormal na acting kundi para sa tao.”Natigil ng ilang sandali si James. “Pero malayo sa akin ang character na ito. Gusto mo akong umakto bilang mapagpanggap na lalaki. Baka—”“Simple lang. Gagana yan basta kaya mong magsinungaling at magpanggap na ibang tao ka. Lahat ay may mapagpanggap na parte, tulad kung paano ka humarap bilang mabuting tao sa
Sumang-ayon ang iba.Nang maihain ang pagkain, tiningnan ni Daisie ang puting pagkain na mukhang pamaypay at tinanong ang may-ari. “Ano ‘to?”Ngumiti si ang lalaki at ipinaliwanag, “Mylotic cheese ‘yan. Gawa yan mula sa gatas ng baka. Lokal na pagkain.”Tinikman ni Cameron. “Oh, ang sarap.”Tumikim din si Freyja at Colton at masarap nga iyon.Inihain ang susunod na pagkain. Dinala ito ng lalaki. “Manok ito. Gawa ito sa homemade na marinade, spicy oil, paminta at roasted walnuts. Specialty namin ito dito at gustong gusto ito ng mga turista.”Sinubukan yon ni Daisie at tinanong ni Cameron, “Kumusta?”Tumango siya at sumubo pa nang mas malaki. Sinubukan din yon ng iba.Nagdala ng soup dish ang lalaki. “Ito ang cream nv seaweed. Malambot ito at crunchy naman ang seaweed. Kapag idinagdag ang yam, mas masarap.”“Mukhang masarap. Ako muna ang titikim.” sumubo si Waylon.Tiningnan siya ni Cameron. “Ang bango.”Pagkatapos ng ilang pagkain ay inihain na ang sikat sa lugar. Mayroong bu
Nang gabing ‘yon, sa Taylorton…Nagi-impake si Daisie ng bag niya, para sa plano nilang road trip at iniisip kung ano pa ang kailangan nila.Nang lumabas si Nollace sa shower at nakita na seryoso itong nagpaplano, tumawa siya. “Magbabakasyon lang tayo, hindi lilipat.”“Maraming kailangan dalhin ang mga babae. Skincare, pagkain, at ang camera. Kailangan natin yung drone. Nagdala rin ako ng payong.”Naningkit siya. “Pati payong?”Tiningnan siya ni Daisie at seryosong sinabi, “Paano kung umulan?”Hindi alam ni Nollace ang sasabihin.May dalawa silang malaking suitcase at isang maliit. Tumayo si Daisie, tiningnan ang bag niya at pakiramdam niya ay sumobra siya. Kinamot niya ang kaniyang pisngi. “Parang lilipat ako.”Lumapit si Nollace sa kaniya at niyakap niya si Daisie. “Mabuti na lang at road trip ‘yon o kakailanganin natin ng U-haul.”Ngumiti si Daisie at niyakap siya. “Excited na ako para bukas.”Kinabukasan, nagmaneho si Colton papunta sa Taylorton. Nasa ibang sasakyan si Wa
Hinawakan ni Waylon ang kamay ni Cameron. “Pag-uusapan natin ‘yan sa susunod.”Tiningnan ni Maisie si Daisie at Nollace. “Kinasal na ang dalawa mong kapatid. Kailan ang sa'yo?”Sagot ni Daisie, “Sabi ni Nolly at magandang araw ang September 9 dahil hindi sobrang lamig sa Yaramoor sa oras na ‘yon. Mainit sa umaga pero malamig sa gabi.”Nagulat si Cameron. “Mainit pa rin dito sa September. Parang summer sa East Island kapag September.”Ngumiti si Daisie. “Ang winter ng East Island ay parang summer namin. Pwedeng pumunta doon ang taong ayaw sa winter.”Ibinaba ni Nicholas ang tasa niya at pinag-isipan. “13 na araw na lang bago mag September 9. Ang bilis non.”Ngumiti si Maisie at tumango. “Oo nga.”Tumingin si Waylon kay Nollace. “Panigurado na magarbo ang isang royal wedding.”Inakbayan ni Nollace si Daisie. “Syempre. Bukas ‘yon sa publiko at gaganapin sa palasyo namin.”Lumapit si Cameron kay Waylon. “Hindi pa ako nakakapunta sa isang royal wedding. Isang karanasan ‘yon.” Tini
Tumango si Nick. “I will.”Pagkatapos non, umalis ang tatlo sa airport.Samantala, sa Coralia Airport…Hinatid ni Yale at Ursule si Zephir sa gate. Inabot ni Yale ang luggage sa kaniya. “Bumalik ka at bisitahin mo kami.”Kinuha ni Zephir ang bag, tumango siya at pumasok sa airport.Si Ursule na buhay si Kisses ay tinikom ang labi niya at tiningnan ang pusa. “Baka hindi mo na siya makita ulit.”Tiningnan siya ni Yale. “Oh? Ayaw mo ba siya na umalis?”“Ayaw siya paalisin ni Kisses.”“Sa tingin ko ay ikaw ‘yon.” Ngumiti si Yale at tumalikod para pumunta sa sasakyan habang sumunod naman si Ursule. “Bata ka pa. Tapusin mo ang pag-aaral mo. Pagkatapos, pwede ka mag-apply para makapunta sa Bassburgh.”Umupo si Ursule sa passenger seat. Lumingon siya nang marinig ‘yon. “Pwede ako mag-apply para pumunta doon?”“Pwede. Nasa art school ka. Pwede kang mag-apply sa Royal Academy of Music.”Sinimulan ni Yale ang sasakyan at nagmaneho palayo.Sumandal si Ursule sa upuan at bumulong, “Kap
Katulad ito ng sinasabi ng ibang mga tao, “Kailangan mo na magbigay kung gusto mo na may makuha.” Kumikita ang pier na ‘yon sa mga barko ng mga Dragoneers na dumadaong doon.Nabali ni Noel ang hita ng anak ni Python pero walang ginawa ang mga Wickam para ipakita na humihingi sila ng tawad, kaya nagalit si Python.Ititigil nila ang negosyo nila rito at magiging kalaban ng dragoneers ang Wickam mula ngayon. Kahit na hindi sila dumaong sa pier nito, makakahanap pa rin sila ng ibang routa. Nagawa lang nitong paliitin ang client base ng Wickam.Humarap si Nick kay Mahina. “Umalis na tayo.”“Nick, anong ibig sabihin nito? Tutulong ka ba?” sumigaw sa kaniya si Martha.Hindi lumingon si Nick. “Malalaman mo na lang.” At umalis na siya.Hindi inakala ni Arthur na ito ang huling pagkakataon na magpapakita si Nick sa bahay nila.Pinalaya ni Python si Noel pagkatapos ng tatlong araw pero matindi ang natamo ako at dinala sa hospital.Pumunta si Martha at Arthur at nakita ang anak nila na na
Sa oras na ‘yon, biglang pumasok ang butler sa loob bahay. “Sir, may nagsabi na nakita nila si Master Nick sa bayan.”Tumayo si Arthur. “Sigurado ka ba?” Nakabalik na si Nick.“Oo, nasa Winslet Manor.”Galit na hinaplos ni Arthur ang mesa nang marinig na pumunta si Nick sa Winslet Manor. “Pumunta siya doon pagbalik niya mismo. Hindi ba niya kinikilala bilang Wickam ang sarili niya?”Kinakabahan si Martha at gusto lang na makauwi ang anak niya. “Honey, dahil nakabalik na siya, gagamitin natin siya para ipalit kay Noel. Siya ang pinakamatanda sa pamilya, hindi ba? Importante ang buhay Noel!”Kumunot si Arthur at nagkuyom ang kamao.Hindi nagtagal pagkatapos non, dumating si Nick at Mahina sa garden. Nang makita ni Arthur na nakabalik na sila, nagulat siya. “Akala ko wala kang plano na bumalik?”Mukhang kalmado si Nick. “Kung hindi ako babalik, sisisihin mo ako kapag walang naiwan na tagapagmana ang Wickam. Hindi ko pwedeng akuin ang responsibilidad na ‘yon.”Natigil si Arthur at
Hindi masaya si Cooper sa ideya na ‘yon.Ngumiti si Sunny. “Sino ang nagsabi sa'yo na dapat natin ipalit ang binti ni Nick kay Noel? Sa halip si Python ang babali sa binti ni Python, bakit hindi si Nick ang gumawa non?”Nagulat si Cooper. “Gagawin mismo ‘yon ni Nick?”Lumapit si Sunny at seryosong minungkahi, “"Nabali ang binti ni Travis, ngunit ligtas siya. Bukod pa doon ay makakabangon pa siya sa kama at makakalakad pagkatapos nang kalahating taon ng pagpapagaling. Nabalitaan kong malupit na tao si Python, pero hinuli lang niya si Noel para pilitin ang mga Wickam na makipagkompromiso. Kaya bakit nila pinapatagal nila ang plano nila na saktan si Noel?”Nagulat si Cooper. “Sinasabi niyo ba na may ibang plano si Python?”Uminom si Sunny ng tsaa mula sa tasa. “Si Python ang pinuno ng isang lokal na mafia sa Madripur. Lahat ng negosyong kinasasangkutan niya ay ilegal at hindi alam ang pinanggalingan. Bukod dito, ang kanilang mga produkto ay kadalasang naglalakbay sa pamamagitan ng da
Masyadong makapangyarihan at agresibo ang pamilya ni Amelia na pinipigilan si Arthur na itaas ang kanyang ulo sa harap ng iba. Kaya naman nag-asawa siyang muli isang taon pagkatapos ng kamatayan ni Amelia at tiniis pa niya ang lahat ng mga pagsaway na ibinato sa kanya ng mga Winslet dahil sa pagiging walang utang na loob na asawa. Iyon ay hanggang sa pinilit siya ni Cooper na hayaan si Nick na mamana nang buo ang Wickam, at habang mas pinipilit siya ng mga Winslet, mas ayaw niyang pumayag.‘Gusto ko lang patunayan kay Cooper na kahit walang tulong mula sa pamilya niya at kay Nick, kaya pa rin tumayo ng Wickam.‘Pero malaki talaga ang nagawang gulo ni Noel ngayon. Bakit ako pupunta kay Nick kung hindi dahil sa kaniya?’Hinawakan ni Martha ang braso niya. “Kung ganoon, pumayag ba si Nick sa plano mo? Anak mo rin siya, kaya kahit anong mangyari, hindi siya tatanggi na tulungan ka, hindi ba? Ipabalik mo lang kay Nick si Noel.”“Pumayag ba siya?” Pinalayo siya ni Arthur at galit na suma
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng