Tumango si Cameron.“Magandang balita ‘yan. Kailangan kong sabihan si Mr. Southern!” Kinuha ni Mahina ang phone niya para tumawag.Masaya siyang malaman na buntis ang anak niya. Natigil siya sa paglalaro ng poker ar tiningnan siya ni Damian. “Buntis si Cam? Talaga?”Hindi mapigilan ni Sunny na mapangiti kahit na natalo siya sa pera. “Oo, pumunta siya sa hospital para doon. Lolo na ako!”Binati siya ng dalawa niyang kaibigan. “Mabuti, Sunny, magandang balita ‘yan. Aabangan namin ang baby shower.”Kinaway ni Sunny ang kamay niya. “Oo naman.”…Bumalik si Cameron sa Emperon at dumiretso sa study ni Waylon. Nagbabasa siya ng libro nang makita niya ang slip na nilagay ni Cameron sa mesa. “Tingnan mo!”Natigil siya, pagkatapos ay nakita niya ang ‘pregnancy’ at tumingin.Sinabi ni Cameron, “Buntis ako.”Binaba ni Waylon ang libro niya at lumapit kay Cameron. Bigla niya iyong binuhat at pinaupo sa desk nang nakangiti. “Double good news ito. Ang saya.”Tiningnan siya ni Cameron. “Do
Hindi ba dapat nagpapahinga ang mga buntis? Paano kung bumangga siya sa kung ano? Malaking problema yon.Tumayo si Nick doon. “Congratulations.”Ngumiti si Cameron. “Salamat.”“Cam!” Pumasok si Conroy kasama ang dalawang bodyguard na may hawak na gift bags. Puro ‘yon laruan—high-tech robot, building blocks, sasakyan, figurines at marami pang iba.“Narinig ko na buntis ka kaya nag-utos ako ng tao para pumunta sa malalaking mall. Naniniwala ako na lalaki ang anak mo, kaya binili ko ito lahat.”Gumalaw ang labi ni Cameron at binaba niya ang baso. “Mabuti kang estudyante.”Ngumiti siya. “Syempre. Hindi nga mabait sa dad ko pero hindi naman ito kailangan ng dad ko. Sa'yo na. Kapag pinanganak na siya, huwag mong kalimutan na galing sa'kin ang mga regalo na ito.”Tumango si Cameron. “Deal.”Sinabihan ni Conroy ang mga bodyguard na iwan ang mga regalo, at lumapit si Mahina kay Cameron. “May pagkukusa ang bago mong estudyante.”Naiilang na ngumiti si Cameron at bumulong, “Nakilala ko s
Masayang tumawa si Nollace at niyakap si Daisie. “Ayos lang. Kung tutuusin, sa summer pa ipapanganak ang mga baby natin.”Hinaplos ni Daisie ang malaki niyang tiyan habang nakangiti at sinabing, “Summer, huh? Iniisip ko kung Taurus ba sila o Gemini.”Hinalikan niya ang ulo nito at sinabing, “Kahit ano ay ayos lang.”Samantala, sa Kong Ports…Pinili ni Waylon na ganapin ang wedding photos nila sa lugar ni Cameron. Ang photography na sumunod sa kanila ay tumulong sa maraming celebrity sa pagkuha ng wedding photo. Mga professional pero mahal ang bayad.Ginanap ang wedding photos nila sa Monte Jade, Kulon, Mahogany Town, at Causebay. Ginawa nila ang outdoor shooting nila sa Crestmoon Bay, Lover Pond, at Bridgeport Island.Magpapalit sila ng suot kada lokasyon at lahat ‘yon ay branded at custom-made sa iba't ibang disenyo.Mula umaga ang tanghali, pumunta sila sa lahat ng site pagkatapos ng bawat isa at halos libo na ang wedding photos.Pagod na pagod si Cameron at agad siyang humig
Kinain ni Cameron ang flake at sinabi, “Masarap naman. Pwede ka na maging butler.” Naglakad sila nang makasama, sinusubuan nila ng popcorn flakes ang isa’t isa.Kahit hindi makain ni Cameron ang ibang pagkain, sobrang masaya pa rin siya. “Cameron?” Nang marinig ni Cameron na may tumawag sa kaniya, lumingon siya at nakita si Minzy na palabas sa isang restaurant.Ilang sandaling nagulat si Cameron at tumingin siya kay Waylon.Hindi inaasahan ni Minzy na makakasalubong niya sila Cameron at Waylon dito sa King Ports. Lumapit siya sa kanila at tinanong, “Bakit kayo napunta dito?”“Umm… Nandito kami para…”“Nandito kami para i-take ang wedding photos namin,” sabi ni Waylon habang nakaakbay kay Cameron. “Sa susunod na buwan na ang kasal namin. Kailangan namin mag-take ng wedding photos kaya itong lugar ang pinili namin.”Yumuko si Minzy at ngumiti, “Ah ganon ba. Congratulations.”Tumango si Waylon. “Salamat sa bati mo, Ms. Holland. Syempre, magiging masaya kami ni Cam kung makaka
Hinilot ni Morrison ang kaniyang temple. “Binibiro mo naman ata ako. Sinasabi ko na sayo na kalimutan mo na ‘yang naisip mo. Hindi ibebenta ni Madam Hera ang dress sayo. Nang kinasal ang princess sa Stoslo, kundi rentahan iyon ng $10,000,000 sa isang araw lang.”At saka, hindi naman ipaparenta ni Madam Hera ang wedding dress niya sa kahit na sino. Ilang artista na rin ang gustong i-rent ang dress sa kaniya pero hindi siya pumayag. Tumawa si Waylon ay sinabi, “Syempre, rerentahan ko lang naman sa kaniya. Pwede kong i-offer sa kaniya ang kahit anong presyo na gusto niya, at ipapangako ko na ibabalik ko ang dress niya nang maayos. Pinatunog ni Morrison ang ngipin niya. “Hindi ako makapaniwala na gagastos ka ng ganoong kalaking pera para masuot ng asawa mo ang dress na ‘yon.” “Kahit ang princess ng Stoslo ay gustong isuot ang dress kaya syempre ibibigay ko ang best sa asawa ko.”Tumango si Morrison. “Sige na nga. Lagi kong naririnig sa mga tao na sobrang irrational ng mga lalaking
Binaba ni Morrison ang kaniyang bintana at sinabi, “Huwag ka mag-alala Cam. Ilang araw lang naman mawawalan si Waylon. Cone, ihahatid na kita pauwi.” Bumalik si Cameron sa loob ng kotse at tiningnan niya si Morrison. “Meron ka bang kahit anong ideya bakit siya bumalik?” Tumingin si Morrison sa rear mirror para tingnan si Cameron. May bakas ng saya sa kaniyang mata habang sinasabi, “Hindi ako magsisinungaling sayo. Babalik si Wayne sa Stoslo para manghiram ng wedding dress.” Kahit na sinabihan siya ni Waylon na huwag sabihin kay Cameron ang secret, nagdesisyon si Morrison na sabihin na lang niya bilang ganti sa ginawa ni Waylon sa kaniya noong nakaraan sa restaurant. Nagulat si Cameron. “Manghiram ng wedding dress? Bakit hindi na lang siya bumili? Bakit kailangan pa niya manghiram?” “Nagustuhan na niya ang vintage-style wedding dress, at hindi ko rin mapapangako na makukuha niya ‘yon. Lalo na't, hindi madaling gawin na mapahiram sa kaniya ang dress. Noong kinasal ang prinsesa
Agad na may naisip si Damon at hinawakan ang lalaki. “Nasaan ang lalaking ‘yon?” “Nasa garage pa rin. Tinatanong pa namin siya.”Sinabi ni Damon sa kanila na manatili lang sila doon at mabilis siyang pumunta sa garage mag-isa.Nakatali ang lalaki sa upuan sa loob ng garage. Dalawang lalaki ang nagtatanong sa kaniya, pero wala itong sinasabi na kahit na ano. Pumasok si Damon at sinapak ang lalaki sa mukha, kaya gumulong ito pati ang upuan sa sahig.“Damon!” Mabilis na lumapit ang mga tao para pigilan si Damon.Tinulak sila ni Damon at sinipa niya ang lalaki na nasa sahig dahil sa galit na nararamdaman niya. Umiiyak sa sakit ang lalaking nasa sahig, at may dugo sa sulok ng kaniyang labi. Para pigilan si Damon sa pagpatay sa lalaki, lumapit ang dalawang lalaki at pinigilan siya. “Tama na! Mapapatay mo na siya!” Tinulak sila ni Damon at hinawakan ang lalaking nasa sahig, namumula ang mata niya sa galit. “Sino ang nang-utos sayo na gawin ‘yon?”Ilang beses na umubo ang lalaki
Matapos niya iyon sabihin, hindi mapigilan ni Morrison na sisihin ang kaniyang sarili. “Dapat hindi ko na siya pinilit na pumunta doon mag-isa.” Napa-atras si Maisie, sinuportahan ni Nolan ang kaniyang likod. Seryoso ang ekspresyon ni Nolan nang tumingin siya kay Morrison. “Kumusta ang kalagayan niya ngayon?” Sumagot si Morrison, “Nasa operation theater pa rin siya ngayon. Sabi nila masyadong Malala ang mga injury niya kaya kailangan niya ma-operahan.” “Anong nangyari kay Wayne?” Nakatayo si Colton sa entryway at bigla niyang narinig kung ano ang kanilang pinag-uusapan. Tumalikod si Morrison, nakita niya si Colton, at nagulat siya nang ilang sandali. ‘Siya ba ang nakababatang kapatid ni Wayne? Grabe nakakatakot na sobra silang magkamukha.’ Lumapit si Colton. “Dad, pupunta ako sa Stoslo. Naaksidente si Wayne. Hindi pwedeng umupo lang ako dito at walang gawin na kahit na ano.” Sumagot si Nolan, “Sasama ako sayo. Kailangan ko tingnan ko ano ang kondisyon ng Kapatid mo. Kah
Sumang-ayon ang iba.Nang maihain ang pagkain, tiningnan ni Daisie ang puting pagkain na mukhang pamaypay at tinanong ang may-ari. “Ano ‘to?”Ngumiti si ang lalaki at ipinaliwanag, “Mylotic cheese ‘yan. Gawa yan mula sa gatas ng baka. Lokal na pagkain.”Tinikman ni Cameron. “Oh, ang sarap.”Tumikim din si Freyja at Colton at masarap nga iyon.Inihain ang susunod na pagkain. Dinala ito ng lalaki. “Manok ito. Gawa ito sa homemade na marinade, spicy oil, paminta at roasted walnuts. Specialty namin ito dito at gustong gusto ito ng mga turista.”Sinubukan yon ni Daisie at tinanong ni Cameron, “Kumusta?”Tumango siya at sumubo pa nang mas malaki. Sinubukan din yon ng iba.Nagdala ng soup dish ang lalaki. “Ito ang cream nv seaweed. Malambot ito at crunchy naman ang seaweed. Kapag idinagdag ang yam, mas masarap.”“Mukhang masarap. Ako muna ang titikim.” sumubo si Waylon.Tiningnan siya ni Cameron. “Ang bango.”Pagkatapos ng ilang pagkain ay inihain na ang sikat sa lugar. Mayroong bu
Nang gabing ‘yon, sa Taylorton…Nagi-impake si Daisie ng bag niya, para sa plano nilang road trip at iniisip kung ano pa ang kailangan nila.Nang lumabas si Nollace sa shower at nakita na seryoso itong nagpaplano, tumawa siya. “Magbabakasyon lang tayo, hindi lilipat.”“Maraming kailangan dalhin ang mga babae. Skincare, pagkain, at ang camera. Kailangan natin yung drone. Nagdala rin ako ng payong.”Naningkit siya. “Pati payong?”Tiningnan siya ni Daisie at seryosong sinabi, “Paano kung umulan?”Hindi alam ni Nollace ang sasabihin.May dalawa silang malaking suitcase at isang maliit. Tumayo si Daisie, tiningnan ang bag niya at pakiramdam niya ay sumobra siya. Kinamot niya ang kaniyang pisngi. “Parang lilipat ako.”Lumapit si Nollace sa kaniya at niyakap niya si Daisie. “Mabuti na lang at road trip ‘yon o kakailanganin natin ng U-haul.”Ngumiti si Daisie at niyakap siya. “Excited na ako para bukas.”Kinabukasan, nagmaneho si Colton papunta sa Taylorton. Nasa ibang sasakyan si Wa
Hinawakan ni Waylon ang kamay ni Cameron. “Pag-uusapan natin ‘yan sa susunod.”Tiningnan ni Maisie si Daisie at Nollace. “Kinasal na ang dalawa mong kapatid. Kailan ang sa'yo?”Sagot ni Daisie, “Sabi ni Nolly at magandang araw ang September 9 dahil hindi sobrang lamig sa Yaramoor sa oras na ‘yon. Mainit sa umaga pero malamig sa gabi.”Nagulat si Cameron. “Mainit pa rin dito sa September. Parang summer sa East Island kapag September.”Ngumiti si Daisie. “Ang winter ng East Island ay parang summer namin. Pwedeng pumunta doon ang taong ayaw sa winter.”Ibinaba ni Nicholas ang tasa niya at pinag-isipan. “13 na araw na lang bago mag September 9. Ang bilis non.”Ngumiti si Maisie at tumango. “Oo nga.”Tumingin si Waylon kay Nollace. “Panigurado na magarbo ang isang royal wedding.”Inakbayan ni Nollace si Daisie. “Syempre. Bukas ‘yon sa publiko at gaganapin sa palasyo namin.”Lumapit si Cameron kay Waylon. “Hindi pa ako nakakapunta sa isang royal wedding. Isang karanasan ‘yon.” Tini
Tumango si Nick. “I will.”Pagkatapos non, umalis ang tatlo sa airport.Samantala, sa Coralia Airport…Hinatid ni Yale at Ursule si Zephir sa gate. Inabot ni Yale ang luggage sa kaniya. “Bumalik ka at bisitahin mo kami.”Kinuha ni Zephir ang bag, tumango siya at pumasok sa airport.Si Ursule na buhay si Kisses ay tinikom ang labi niya at tiningnan ang pusa. “Baka hindi mo na siya makita ulit.”Tiningnan siya ni Yale. “Oh? Ayaw mo ba siya na umalis?”“Ayaw siya paalisin ni Kisses.”“Sa tingin ko ay ikaw ‘yon.” Ngumiti si Yale at tumalikod para pumunta sa sasakyan habang sumunod naman si Ursule. “Bata ka pa. Tapusin mo ang pag-aaral mo. Pagkatapos, pwede ka mag-apply para makapunta sa Bassburgh.”Umupo si Ursule sa passenger seat. Lumingon siya nang marinig ‘yon. “Pwede ako mag-apply para pumunta doon?”“Pwede. Nasa art school ka. Pwede kang mag-apply sa Royal Academy of Music.”Sinimulan ni Yale ang sasakyan at nagmaneho palayo.Sumandal si Ursule sa upuan at bumulong, “Kap
Katulad ito ng sinasabi ng ibang mga tao, “Kailangan mo na magbigay kung gusto mo na may makuha.” Kumikita ang pier na ‘yon sa mga barko ng mga Dragoneers na dumadaong doon.Nabali ni Noel ang hita ng anak ni Python pero walang ginawa ang mga Wickam para ipakita na humihingi sila ng tawad, kaya nagalit si Python.Ititigil nila ang negosyo nila rito at magiging kalaban ng dragoneers ang Wickam mula ngayon. Kahit na hindi sila dumaong sa pier nito, makakahanap pa rin sila ng ibang routa. Nagawa lang nitong paliitin ang client base ng Wickam.Humarap si Nick kay Mahina. “Umalis na tayo.”“Nick, anong ibig sabihin nito? Tutulong ka ba?” sumigaw sa kaniya si Martha.Hindi lumingon si Nick. “Malalaman mo na lang.” At umalis na siya.Hindi inakala ni Arthur na ito ang huling pagkakataon na magpapakita si Nick sa bahay nila.Pinalaya ni Python si Noel pagkatapos ng tatlong araw pero matindi ang natamo ako at dinala sa hospital.Pumunta si Martha at Arthur at nakita ang anak nila na na
Sa oras na ‘yon, biglang pumasok ang butler sa loob bahay. “Sir, may nagsabi na nakita nila si Master Nick sa bayan.”Tumayo si Arthur. “Sigurado ka ba?” Nakabalik na si Nick.“Oo, nasa Winslet Manor.”Galit na hinaplos ni Arthur ang mesa nang marinig na pumunta si Nick sa Winslet Manor. “Pumunta siya doon pagbalik niya mismo. Hindi ba niya kinikilala bilang Wickam ang sarili niya?”Kinakabahan si Martha at gusto lang na makauwi ang anak niya. “Honey, dahil nakabalik na siya, gagamitin natin siya para ipalit kay Noel. Siya ang pinakamatanda sa pamilya, hindi ba? Importante ang buhay Noel!”Kumunot si Arthur at nagkuyom ang kamao.Hindi nagtagal pagkatapos non, dumating si Nick at Mahina sa garden. Nang makita ni Arthur na nakabalik na sila, nagulat siya. “Akala ko wala kang plano na bumalik?”Mukhang kalmado si Nick. “Kung hindi ako babalik, sisisihin mo ako kapag walang naiwan na tagapagmana ang Wickam. Hindi ko pwedeng akuin ang responsibilidad na ‘yon.”Natigil si Arthur at
Hindi masaya si Cooper sa ideya na ‘yon.Ngumiti si Sunny. “Sino ang nagsabi sa'yo na dapat natin ipalit ang binti ni Nick kay Noel? Sa halip si Python ang babali sa binti ni Python, bakit hindi si Nick ang gumawa non?”Nagulat si Cooper. “Gagawin mismo ‘yon ni Nick?”Lumapit si Sunny at seryosong minungkahi, “"Nabali ang binti ni Travis, ngunit ligtas siya. Bukod pa doon ay makakabangon pa siya sa kama at makakalakad pagkatapos nang kalahating taon ng pagpapagaling. Nabalitaan kong malupit na tao si Python, pero hinuli lang niya si Noel para pilitin ang mga Wickam na makipagkompromiso. Kaya bakit nila pinapatagal nila ang plano nila na saktan si Noel?”Nagulat si Cooper. “Sinasabi niyo ba na may ibang plano si Python?”Uminom si Sunny ng tsaa mula sa tasa. “Si Python ang pinuno ng isang lokal na mafia sa Madripur. Lahat ng negosyong kinasasangkutan niya ay ilegal at hindi alam ang pinanggalingan. Bukod dito, ang kanilang mga produkto ay kadalasang naglalakbay sa pamamagitan ng da
Masyadong makapangyarihan at agresibo ang pamilya ni Amelia na pinipigilan si Arthur na itaas ang kanyang ulo sa harap ng iba. Kaya naman nag-asawa siyang muli isang taon pagkatapos ng kamatayan ni Amelia at tiniis pa niya ang lahat ng mga pagsaway na ibinato sa kanya ng mga Winslet dahil sa pagiging walang utang na loob na asawa. Iyon ay hanggang sa pinilit siya ni Cooper na hayaan si Nick na mamana nang buo ang Wickam, at habang mas pinipilit siya ng mga Winslet, mas ayaw niyang pumayag.‘Gusto ko lang patunayan kay Cooper na kahit walang tulong mula sa pamilya niya at kay Nick, kaya pa rin tumayo ng Wickam.‘Pero malaki talaga ang nagawang gulo ni Noel ngayon. Bakit ako pupunta kay Nick kung hindi dahil sa kaniya?’Hinawakan ni Martha ang braso niya. “Kung ganoon, pumayag ba si Nick sa plano mo? Anak mo rin siya, kaya kahit anong mangyari, hindi siya tatanggi na tulungan ka, hindi ba? Ipabalik mo lang kay Nick si Noel.”“Pumayag ba siya?” Pinalayo siya ni Arthur at galit na suma
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng