Nagpalitan ng tingin si Leia at Freyja.Nasa Yaramoor sila, at ang batas dito ay hindi kasing higpit ng batas ng Zlokovian. Kaya naman, kahit na maaresto ang may sala sa maliit na pagnanakaw, hindi nila kayang palakihin ang kaso. Kaya, maidadala lang sa custody ang babaeng pula ang buhok ng ilang araw.Kaya naman pala mukhang nahihiya ang police officer. Kung tutuusin, nasanay na sila sa ganoong ugali. At saka, isang habitual offender na ang babae na ilang beses na hindi sumunod sa batas at nahuli na rin, kaya natural lang sa mga pulis na wala silang magawa.Humalukipkip si Colton. “Wala akong pakialam sa pera pero kailangan kong kunin ang passport at ID ko.”Mabagal na tumayo ang police officer. “Okay, sasabihin ko sa inyo kung saan siya nakatira.”Nang lumabas silang tatlo sa presinto, naglalakad ng pabalik-balik si Norman sa harap ng sasakyan.Nang makita na lumabas sila sa front entrance, tinanong niya, “Anong nangyari? Nahanap niyo ba ang magnanakaw?”Mukhang dismayado at n
Saglit na natahimik ang babae na may pulang buhok bago ito nag iwas ng tingin sa kanilang lahat. “Nawala ko.”Mas naging madilim at seryoso ang ekspresyon ni Colton. “Anong sinabi mo?”“Sabi ko ay nawala ko. Anong problema? Sinasabi mo ba sa'kin na sasaktan mo ang mahinang babae? Sige, saktan mo ako.” Inilapit ng babae na pula ang buhok ang mukha niya kay Colton.Inangat ni Colton ang kamay niya.Agad siyang pinigilan ni Freyja. “Kumalma ka. Tumingin ka sa paligid mo.”Tumingin si Colton sa paligid—maraming tao mula sa lugar na yon ang nanonood.Inalis ng babaeng pula ang buhok ang kamay ni Norman at humalukipkip. “Kung may lakas kayo ng loob na saktan ako dito, sasabihin ko sa mga pulis na gumagawa kayo ng gulo sa nursing home. Tingnan natin kung kayo o ako ang maipapadala sa presinto?”“Ang kapal ng mukha mo!” Hindi mapigilan ni Leia na manood lang at lumabas siya mula sa apat. “Halata naman na ikaw ang nagnakaw ng wallet ng iba, kaya anong inaasahan mo sa amin bukod sa pagbaw
Pumunta rin si Freyja para maghanap.Gusto rin ni Leia na lumusong sa basurahan pero pinigilan siya ni Norman. “Anong ginagawa mo? Plano mo ba talagang samahan sila?”Tiningnan siya ni Leia. “Gaano katagal ang aabutin kapag dalawa lang sila na maghanap ng wallet? Kaya, syempre, tutulungan ko sila.”Pagkatapos sabihin yon, inalis niya ang kamay nito, pumunta doon at nagsimulang magkalkal sa basura.Niyakap ni Noeman ang coat ni Colton at gustong pumasok para tumulong pero hindi niya matagalan ang amoy ng basura. Pagkatapos ng pag-iisip, hinubad niya ang kaniyang coat, tinupi yon, nilagay sa sahig at pumunta sa bundok ng basura, habang hawak ang ilong niya. “Bwisit, tutulong ako!”Tiningnan ni Freyja ang bawat bag ng basura habang tinitiis ang baho, patuloy siyang naghahanap pagkatapos ng ilang pahinga. Tumingin siya kay Leia at Norman, nagpapasalamat siya sa loob niya.Matagal na naghanap si Colton. Sa sobrang kadiri ay namutla ang mukha niya at ang puting damit na suot niya ay p
Tumalon si Hal sa patong-patong na basura at nagsimulang magkalkal na para bang nahanap na niya ang target niya. Sinabi ng may-ari nito, “Malakas ang pang amoy ng aso. Siguro at nasa ilalim nito ang wallet.”Ilang beses siyang tumalon at nagsimulang tumulong ang dalawang taga roon sa pagkalkal.Hindi nagtagal, nahanap nila ang bagong bag sa ilalim ng basura. Kinuha ‘yon ng taga roon. “Ito ba?”Lumapit si Colton, kinuha ‘yon at tumawa. “Ito nga.”Binuksan niya ‘yon, at bukod sa pera, ang ID at passport ay nasa loob pa rin. May susi rin ng safe sa isang bank ang nakaipit sa likod ng passport.Ito ang namana ni Freyja sa lolo niya pagkatapos nitong mamatay. Sinabihan ni Freyja si Colton na itabi ‘yon, kaya lagi niya itong dinadala kasama niya. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag kung nawala niya ‘yon.Masaya siyang nahanap niya ito.Biglang nahilo si Colton at bumagsak sa sahig.“Colton!”“Mister!”Nang magising siya, gabi na. Nakita ni Freyja na nakaupo sa tabi ng kama na g
Umiwas ng tingin ni Freyja at hindi na siya nagsalita.‘Pero pag kinasal na tayo, share na tayo ng pera nating dalawa. Normal lang na gastusin mo ang pera ko, at normal lang na magtrabaho ako para may parang gagastusin ang asawa ko. Hindi mo kailangan isipin na baka bababa ang tingin ko sayo. Bakit pa ako magpapakasal kung hindi naman pala magagastos ng asawa ko ang sarili kong pera?“Nilagay ng asawa ko ang buhay niya sa panganib para bigyan ako ng anak, matutulog siya katabi ako, at habang buhay niya na akong kasama. Kung hindi ko gustong gastusin niya ang pera ko, sana naging single na lang ako.”Tumawa si Freyja dahil may punta nga naman ang sinabi ni Colton pero mas nalungkot si Freyje. “I…”“Sige na, huwag na natin pag-usapan ito. Ang baho ko at kailangan ko na maligo.” Pinandirian ni Colton ang sarili niya. “Hindi, hindi ko kayang tiisin ito.” Napahinto si Freyja at dahan-dahan na tumayo. “May shower room dito. Ihatid kita doon.” Hinatid ni Freyja si Colton sa shower roo
“Kapatid niya kaya yung bata na kasama niya?” Tanong ni Freyja. Tumingin si Freyja pero hindi siya nagsalita. Dinala ni Mia ang batang lalaki sa tabi ng mesa, inalalayan niya ito at pinaupo. May sinabi si Mia sa bata at umalis para kumuha ng pagkain habang naghihintay ang batang lalaki sa mesa.Napansin ni Freyja na may kakaiba sa mata ng bata. “Bulag ba siya?”Tumayo si Norman at lumapit.Bumulong si Leia, “Hoy, anong ginagawa mo…”Umupo si Norman sa harap ng batang lalaki, akala ng bata ay nakabalik na ang kapatid niya. “Anong kakainin natin ngayong gabi?”Umupo si Norman sa harap ng bata at kinaway ang kamay niya pero hindi nag-react ang bata. “Hindi ka talaga makakita.”Nagtaka ang bata. “Sino ka?”“Hoy, lumayo ka sa kapatid ko.” Nakita ni Mia so Norman nang lumapit siya at agad na nagalit. Binagsak niya ang kubyertos sa mesa. “Kung gusto mo gumanti, ako na lang harapin mo.”Agad na tumayo sila Freyja at Colton at lumapit sila. Humalukipkip si Norman at hindi siya natat
Tumingin ang lahat sa kaniya. “Pero hindi mabuting paraan ang magnakaw. Kahit ang target mo ay ang mga taong hindi naman kailangan ang pera kasi iniisip mo hindi naman nila iisipin masyado pag nawalan sila ng maliit na halaga ng pera, hindi lahat ng pera ay hindi magiging masaya pag ganun. “Magpasalamat ka na ang naging target mo ay wala masyadong pakialam sa nangyari pero hindi pwede na swerte ka na lang lagi. Baka makulong ka ng ilang araw. Pag may nakahuli na isa kang magnanakaw, baka saktan ka at ipahiya sa publiko. Baka kung ano pang gawin sayo. Naisip mo ba kung paano mabubuhay ang kapatid mo kung wala ka?”Walang masabi si Mia dahil hindi niya pa iyon naisip.“Kailan ang surgery niya?”“January 28th.”Dinukot ni Freyja ang bulsa niya, kinuha niya ang pen at sinulat ang phone number ng villa sa palad ni Mia. “Tawagan mo ako sa susunod na araw, ibibigay ko sayo ang address. Magkita na lang tayo.”Ilang sandling napahinto si Mia at nagtatakang tiningnan ang number sa kaniyan
Tiningnan sila ni Freyja at sinabi, “Dahil nagawang patulungin ng home manager ang mga villager para hanapin ang wallet, ibig sabihin nirerespeto nila ang home manager. Kahit si Mia na matigas ang ulo ay nirerespeto siya. Sa tingin ko mabuti siyang tao. Siguro nirerespeto siya ng mga villager dahil tinutulungan niya ang mga taong kailangan ng tulong.”Tumango si Norman. “Kaya isa na siyang santo.”Lumalim ang gabi, at tahimik na ang lugar.Nagpapahinga si Freyja sa harap ng binata at tiningnan ang madilim na gubat. Maliwanag ang buwan at nasa ibabaw ng mga hills, sobrang linaw at payapa.Lumapit si Colton, niyakap si Freyja mula sa likod at pinatong niya ang kaniyang baba sa ulo nito. “Anong iniisip mo?” Ngumiti si Freyja. “Iniisip ko magtayo ng foundation.”Napahinto si Colton at natawa siya. “Basta masaya ka, susuportahan kita kahit ano pa.”Tiningnan siya ni Freyja. “Talaga?”“Iyon ang pera na iniwan sayo ng grandpa mo. Hindi kita pipigilan na gamitin iyon. Maganda rin nama