‘Mabait at maasahan na kuya ang tingin ko kay Zephir at uunahin ang iba kaysa sa sarili niya. Pero pagkatapos malaman ang mga pangyayari na ito, ngayon ko lang napagtanto kung gaano siya ka-praning at makasarili.’‘Sa insidente ni Lisa, ginawa niya ang lahat para sa akin pero hindi niya sinabi sa akin ang tungkol doon. Kahit na gusto kong tumigil na maging kaibigan ni Lisa, hindi ko inisip na pilitin si Lisa na mag drop out sa school.’‘Sa ngayon, gusto niyang gamitin si Tiffany dahil ako ang target nito. Kahit ang una niyang intensyon ay hindi ako saktan kundi gawing target si Nollace, nasaktan pa rin ako sa makasarili niyang ugali, hindi ba?’Niyakap siya ni Nollace at pinatong ang baba nito sa tuktok ng ulo ni Daisie. “Ang rason kaya hindi ko siya nilalabanan ay hindi ka niya sinasaktan. Kaya hinahayaan ko siya hanggang ngayon. Pero kapag may nangyari ulit na ganito, sisiguraduhin ko na ayusin ang bago at lumang problema sa kaniya.”Nagulat si Daisie at kinagat ang labi niya. “G
Tiningnan ni Colton ang baby sa bisih niya. “Babaeng anak ko siya, si Charm, pinaikling Charmaine.”Nilapit ni Titus ang leeg niya at nilapit ang kamay niya. “Ipakita mo sa akin ang great-great-granddaughter ko.”Binuhat ni Titus si Charm. Hindi tulog si Charm at sinisipsip ang thumb niya habang nakatitig kay Titus gamit ang malaki niyang bilog na mata, hindi siya nag iingay.“Oh my, bakit sinusubo pa rin ng batang ito ang daliri niya? Madumi ‘yan. Ilabas mo.”Kinuha ni Titus ang maliit na daliri ni Charmaine sa bibig nito. Ngumuso siya sandali bago nagsimulang umiyak.Nagulat si Titus at hindi alam ang gagawin.Nilagay ni Freyja ang pacifier sa bibig ni Charm, at huminto agad sa pag iyak ang maliit na sanggol at nagsimulang sipsipin ang pacifier.Tiningnan ni Titus ang maliwanag na mata ng bata at ang matigas niyang puso ay hindi mapigilan na matunaw.Lumapit si Colton sa couch at umupo. “Dad, Lolo, hindi pa dumarating si Waylon?”Inabot ni Titus ang bata kay Freyja at humar
“Bakit hindi ako pwedeng mainis dahil sa kaniya?” Mukhang hindi masaya si Titus. “Narinig mo ba ang sinabi niya? Ayaw niyang ikasal sa Goldmann! Alam ba niya ang sinasabi niya? Magaling na lalaki si Wayne. Hindi nga magawa ng ibang babae na hawakan siya, at nandidiri ang babae na ‘to nang mabigyan siya ng pagkakataon na pinag aagawan ng ibang mga babae?”‘Nagyayabang na lang ang matandang lalaki na ito.’Humalukipkip si Cameron. “Kailan ko ba sinabi na nandidiri ako sa kaniya? Hindi ba't inisip mo na masyado akong mahina para suportahan ang Goldmann bilang future matriarch? Kung ganoon patutunayan ko na lang na tama ka.”“Ikaw—”“Anong ako? Hindi pa ako napahiya nang ganito mula nang ipanganak ako. Ipinaparating mo na sinusubukan kong kunin ang pabor ng mga Goldmann. Kung alam ko lang na makikita kita rito, hindi na sana ako pumunta.”Pagkatapos niyang sabihin yon, nag iwas siya ng tingin at suminghal.‘Kahit ano pa, ako ang ginawan ng mali dito, at hindi ko plano na umakto na pa
“Hindi, sa pagitan nating dalawa ito kaya huwag mong idamay ang dad ko.”‘Gusto niyang magreklamo sa Dad ko tungkol sa akin? Hindi pwede!”Ngumiti si Nicholas. “Dad, bakit ba pinapahirapan mo ang young lady?”“Pinapahirapan ko siya? Siya ang nagpapahirap sa akin. Pinapahiya niya ako na parang wala lang ako sa kaniya. Pwede bang tapak-tapakan ang reputasyon ko sa pamilya?”Mukhang galit si Titus.Sumagot si Cameron, “May halaga rin ang reputasyon ko.”Nagulat si Titus nang marinig ang sagot niya. “Tingnan niyo, sumasagot na naman siya ulit. Walang hiyang babae. Kailangan kong kausapin ang dad niya tungkol sa ugali niya.”Nanlaki ang mata ni Cameron. “Isa ka pa lang hindi makatwirang matanda!”Tumango si Titus. “Oo, ganoon na talaga ako, at hindi ako makatwiran lagi. Anong plano mong gawin doon.”Huminga nang malalim si Cameron at pilit na ngumiti. “Ang totoong mabuting tao ay marunong magpakumbaba. Humihingi ako ng tawad sa ginawa ko, pasensya na.”Nag-iwas ng tingin si Titus.
Matapos ang dinner, sinabi ni Waylon kay Cameron na bumalik muna siya sa Emperon. Hinatid siya nila Daisie at Nollace dahil madadaanan naman nila iyon pauwi. Sa loob ng sasakyan, nakita ni Daisie na nakatingin lang si Cameron sa labas at hindi siya nagsasalita. Tinikom niya ang kaniyang labi at tinanong, “Cameron, anong pakiramdam mo sa kapatid ko?” Huminto si Cameron at tumingin kay Daisie. “Ayos lang siya. Bakit?” “Hindi mo ba siya gusto?” “Hindi… hindi ko naman sinabi yan.” Yumuko si Cameron. “Hindi ba dapat pareho na magdedesisyon ang dalawang tao sa pagpapakasal? Hindi ko pa gusto magpakasal.” Naloko siya na i-register ang pagpapakasal nila at ngayon namamadali na siyang magpakasal. Hindi pa naman talaga niya iyon naisip at hindi pa rin gusto ni Cameron na magpakasal. Huminto si Daisie sa pagsasalita. Huminto ang kotse sa harap ng Emperon, lumabas si Cameron ng sasakyan. Nang pumasok si Cameron sa bahay, sumandal si Daisie sa kaniyang upuan. “Nolly, sa tingin mo
Kinagat ni Cameron ang labi niya. “Nasaang restaurant siya?” Sinabi ni Daisie kay Cameron ang address niya. Pinatay ni Cameron ang tawag at umalis matapos kunin ang kaniyang coat. Nagtago si Daisie sa likod ng pader at tiningnan si Nollace. “Nolly, sa tingin mo ba gagana ito?” Binaba ni Nollace ang sombrero ni Daisie pababa. “Ayusin mo ang suot. Huwag mo hayaan na makita ka ng kahit na sino.” Mabilis na nagpakita si Waylon sa restaurant pero hindi niya nakita si Daisie. Tinawag siya ng isang babae. “Mr. Goldman?” Kumunot ang noo ni Waylon nang lumingon siya sa babaeng nakaupo malapit sa bintana. Si Minzy iyon.Lumapit si Waylon sa kaniya at huminto sa mesa. “Ms. Holland, bakit ka nagpunta dito?”Nagulat si Minzy. “‘Di ba gusto mo akong makita?” Naningkit ang mata ni Waylon. “Ako?” Napansin ng mata ni Waylon na may nakatago sa likod ng pinto, inisip niya ang lahat ng mga nangyari nang maalala ang text ni Daisie sa kaniya. Hinila ni Waylon ang upuan at umupo sa hara
Kumunot ang noo ni Cameron. “Anong magagawa niya?”Huminga nang malalim si Daisie. “Huwag mong maliitin ang babaeng may gusto sa isang lalaki. Kaya niyang gawin ang kahit ano para sa lalaking iyon.”Nagulat si Cameron. “Kahit ano?”Tumango si Daisie. “Oo. Paano kung hilain niya si Waylon at magawa niya ang gusto niya pag nawalan na siya ng malay? Kung mabuntis siya at pilitin ang kapatid kong magpakasal sa kaniya, mawawala siya sayo.”Huminga nang malalim si Cameron. “Ginagawa ng mga tao ‘yon?”Sinabi ni Daisie. “Hindi ako nagsisinungaling. Parang tupa si Waylon sa kaniya. Magtiwala ka sa akin. Sigurado akong mag-order siya ng wine para kay Waylon.”Hindi nakumbinsi si Cameron pero agad na hinawakan ni Daisie ang kamay ni Cameron. “Sumama ka sa akin kung ayaw mo maniwala.”“Hoy, Daisie, saglit lang—” Hinila siya ni Cameron lagi. Nakaupo sila sa mesa medyo may kalayuan kala Waylon, kumuha ng napkin si Daisie para takpan ang mukha niya. “Maghintay ka at makikita mo.”Tinakpan d
Ngumisi si Daisie. “Natatakot siya na baka mapunta sa ibang babae si Waylon.”Lumapit si Nollace. “Paano mo ako pasasalamatan?”Hinalikan siya ni Daisie sa labi.Ngumiti si Nollace at kinurot ang baba ni Daisir. “You're getting bolder.”Namumula ang pisngi ni Daisie pag hinahalikan siya ni Nollace, pero ngayon siya na ang nauuna.Tiningnan siya ni Daisie. “Hindi ka ba satisfied?”Lumapit si Nollace. “Hindi pa.”Namula ang pisngi ni Daisie. “Huwag ka naman maging greedy!”Samantala…Bumalik sila Waylon at Cameron sa villa. Tinatanggal ni Waylon ang coat niya sa gilid ng pinto nang biglang tumingin si Cameron. “Bakit mo tinatanggal ang coat mo?”Sabi ni Waylon, “Medyo naiinitan ako.”Nagulat si Cameron at naalala na uminom ng wine si Waylon. “Sinong nagsabi na pwede ka uminom ng wine?”Huminto si Waylon at tinaas ang kilay niya. “Anong problema doon?” “Hindi ka ba natatakot na baka may nilagay siya doon sa wine?” Lumapit si Cameron at tinusok ang balikat ni Waylon. “Pag bin
Inangat ni Cameron ang mata niya at sinabing, “Hindi na masama. Hindi pa ganoon katagal pero gumagaling ka na sa pag-amin ng mali mo. Mukhang natuto ka na ng leksyon mo.”Ngumiti si Conroy at sinabing, “Syempre, natutuhan ko na ang leksyon ko.”Ibinaba ni Cameron ang baso ng juice at agad na tinanong ni Conroy ang mga tauhan niya na punuin yon para sa kaniya. “Lahat kayo ay magkakaroon ng reward kapag trinato niyo siya nang tama.”Umirap si Cameron at tiningnan si Conroy.Hindi alam ni Conroy kung bakit ganoon ang tingin sa kaniya ni Cameron kaya tinanong niya, “Anong problema, Cam?”Habang nakangisi, sinabi ni Cameron, “Pamilyar ka ba sa lokasyon ng martial arts center?”Walang pagda-dalawang isip siyang sumagot, “Syempre.”Tumayo si Cameron at naglakad palapit para hilahin si Conroy patayo sa sahig. Pagkatapos, tinapik niya ang kaniyang balikat at sinabing, “Mabuti. Mr. Selfridge, kailangan ko ng tulong mo sa isang bagay.”Nagulat si Conroy.…Tiningnan ng landlord ang kont
Tiningnan ni Harold ang lalaki sa likod ni Cameron. Mabagal na tumatayo ang lalaki mula sa sahig. Inilabas nila ang butterfly knife sa kaniyang bulsa at tumakbo papunta kay Cameron.Nag-side kick si Cameron, tinamaan niya ang leeg ng lalaki at lumipad ito sa kabilang parte ng kwarto bago tumama sa isang paso.Nagulat si Harold.Humarap si Cameron para tingnan siya. Gumalaw ang gilid ng labi ni Harold habang gusto niyang umiyak sa mismong oras na ‘yon.“I… I…”Ngumiti si Cameron at nagdilim ang mukha niya. Tinapakan niya ang hita nito dahilan para mapasigaw ito sa sakit. “Pasensya na!”Lumapit siya habang nakatingin kay Harold habang may mala demonyong ngiti. “Narinig ko na si Mr. Selfridge ang taga suporta niyo, hindi ba?”Samantala, sa private swimming pool…“Mr. Selfridge, dito. Lumapit ka at hulihin mo akooo!”“Mr. Selfridge, dito!”Maraming bagay na nangyayari sa pool.Nakasuot ng blindfold si Conroy habang naglalaro ng tagu-taguan kasama ang ilang magagandang Internet c
“Miss—”Nang may sasabihin na si Sapphire, hinaplos ni Cameron ang ulo niya at sinabing, “Pumunta ka muna sa klase mo. Mahuhuli ka na.”Kinagat ni Sapphire ang labi niya at palingon-lingon siya habang papasok sa paaralan.Nang makapasok siya sa campus, inangat ni Cameron ang kamay niya tinapik ang mukha ng babaeng pula ang buhok. Habang nakangiti, sinabi niya, “Dalhin mo ako sa kapatid mo.”Nagulat ang grupo ng mga babae. Ito ang unang pagkakataon na may nakaharap sila na may death wish pero ito ang gusto nila.Dinala nila si Cameron sa billiard center. Puno ng usok ang center at lahat ng lalaki ay napalingon nang makita sila. Nang makita ng middle-aged na lalaki na naglalaro ng billiard na dinala nila ang babae, inayos niya ang kaniyang tindig at ibinaba ang tako.Lumapit ang babaeng pula ang buhok at sinabing, “Harold, siya ‘yon.”Tiningnan ni Cameron ang paligid. Napansin niya na naka-cast ang ilan sa mga binti nila. Mukhang hindi naging maganda ang nangyari sa kanila nang pu
Pakiramdam ni Dylan na hindi pa ‘yon sapat nang matapos siya magsalita at nagpatuloy. “Syempre, hindi mo kailangan na mag-alala dahil mayroong Goldmann na tutulong sa'yo pero iba ang boss namin. Ang martial arts center na ito na lang ang mayroon siya. Ginastos niya ang lahat ng ipon niya para sa center na ito.”“Sinabi mo na ginastos ni Nick ang lahat ng ipon niya sa martial art center na ito?”Sa memorya niya, mayaman ang Wickam sa Southeast Eurasia. Posible kaya na pinutol niya ang koneksyon niya sa kaniyang pamilya pagkatapos niyang umalis?Tumalikod si Dylan at sinabing, “Syempre. Itinayo ng boss namin ang martial arts center na ito nang sampung taon. Dito siya kumakain at natutulog. Ang may-ari ng lugar na ito ay ayaw ipa-renta sa iba ang lugar dahil ayaw niya ng kahit anong gulo. Kinausap siya ng boss namin ng isang linggo, at pumayag lang siya na iparenta ang lugar dahil sa sinseridad niya. Pinapirma pa niya ang boss namin ng kasunduan. Kapag gumawa ng gulo ang boss habang
Inikot ni Nick ang bote at uminom. Pagkatapos, sinabi niya, “Hindi kailanman gagawa ng gulo ang mga tao na nasa martial arts center ko.”“Wala akong pakialam. Gusto ko siya ngayon. Kung hindi, hindi ko alam kung anong magagawa ko mamaya.”Lumapit ang middle-aged na lalaki kay Nick at tinapik ito sa balikat. “Hinahamon kita na pumunta sa East Street at itanong kung sino si Harold. Ano naman kung magaling kayo sa pakikipaglaban? Wala itong saysay kung mawawala na bukas ang martial arts center niyo, hindi ba?”Nagalit si Dylan at lumapit pero pinigilan siya ni Nick.Tiningnan niya sa mata ang middle-aged na lalaki at sinabing, “Sampung taon na kaming nandito. Sa tingin mo ba ay posible na mawala kami bukas?”Humarap ang middle-aged na lalaki at nakipagpalitan ng tingin sa mga tao na nasa likod niya. Nang matanggap nila ang signal niya, lahat sila ay sumugod kay Nick.Binuhos ni Nick ang mainit na tsaa na nasa kamay niya at hinawakan ang braso ng lalaki.Pinaikot niya ang braso ng l
Hinawakan ni Colton ang pisngi nito at tiningnan sa kaniyang mga mata. “Hindi mo kailangan na may matupad. Kaya kitang alagaan. Ayos lang kahit na wala kang matupad. Kaya kitang alagaan.”“Yan ang iniisip mo,” naiiyak na sinabi ni Freyja. “Hindi ko kailangan na alagaan mo ako. Ayaw ko na maliitin ako ng ibang tao.”Niyakap siya ni Colton. “Sinong may pakialam sa sinasabi ng iba? Sa tingin ko ay magaling ka.”Pinatong ni Freyja ang baba niya sa balikat ni Colton at masayang ngumiti. “Sa tingin ko ay lahat ng ginawa ko ay naging sulit.”Hindi na madilim ang mundo niya kasama si Colton at si Charm sa tabi niya.Hinalikan ni Colton ang ulo ni Freyja at mahinang sinabi. “Alright. Kailangan natin ibalita ito sa mga kaibigan mo. Sinusuportahan ka nila hanggang ngayon.”“Oo, dapat ko na sabihin sa kanila.”Ngumiti si Freyja at umakyat, iniwan niya si Colton doon.Hindi na kailangan sabihin ni Colton ‘yon basta masaya siya.Sa Bassburgh, sa martial arts center…“Itong lugar na ‘to. S
Natuwa si Sallu Hathaway nang marinig ‘yon. “Napakalambing mo lagi.”Masaya si Titus. “Well, ang anak mo ang nag-alaga sa kaniya. Syempre malambing siya.”Tiningnan nang masama ni Sally si Titus at gusto na huwag pansinin. Tumingin siya kay Diana at Nollace na nakatayo at ngumiti. “Mas lalong nagiging gwapo si Nollace. Kamukha na siya ng Kamahalan ngayon.”Hinawakan ni Diana ang kamay niya at yumuko dahil mas maliit si Sally. “Salamat. Kamukha nga ako ni Nollace.”Hindi masaya si Nolan at Colton tungkol doon. Si Nollace lang ang sinabihan niya ng gwapo. Siya lang ba ang gwapo?Mas hindi natutuwa si Titus. Dati siyang kaakit-akit at gwapo noong bata pa siya. Bakit hindi siya pinuri nito?Nagtinginan si Maisie at Freyja habang ang mga lalaki na nakatayo sa tabi nila ay ‘hindi patas’ ang pagtrato.Nakahanda na ang dinner nang sumapit ang gabi.Nasa 25 feet ang haba ng mesa at puno ng pagkain—western, oriental, fruits, at dessert.Ibinigay ni Diana ang upuan sa dulo kay Sally na m
"Hindi ko alam kung ano ang isusuot para sa unang pakikipagkita ko sa mga biyenan ko. Kung poporma ako masyado, masyadong pormal. Pero kung masyadong simple naman, baka isipin nilang wala akong respeto sa kanila."Mahigit sampung damit na ang sinukat ni Diana, at ngayon ay nakakalat na ang mga ito sa kama, binubusisi ang bawat isa.Si Rick, na matagal nang nakahanda, ay walang magawa kundi pagmasdan siya. "Basta kasya, okay na yan. Maganda na ‘yung nauna.""Talaga?" Kinuha niya ang lilang bestida at tumingin sa salamin. "Oo nga. Sige, ito na lang ang isusuot ko."Nang makapagbihis na si Diana, pumasok na siya sa palace hall habang nakahawak sa braso ni Rick. Bigla niyang naalala ang isang bagay. "Paano ang regalo?"Alam ni Rick na tatanungin niya iyon, kaya binuksan na nito ang pinto ng kotse. "Nasa kotse na. Kinuha ko na."...Sa Blue Valley Manor, masaya at masigla ang paligid. Nandoon sina Brandon at Freyja, at dumating na rin sina Diana at Rick.Wala silang kasama na mga ba
Ang isa pang tinutukoy ni Madam Hathaway ay si Titus.Tiningnan ni Titus si Nolan. “Ikaw ang tinutukoy niya, pumupunta ka kahit hindi ka imbitado.”Tumawa si Nolan at tumingin sa matandang babae. “Gran, alam ko na ngayon kung bakit hindi mo pinakasalan ang lolo ko. Hindi ka magkakaroon ng kapayapaan.”“Nolan!”Nanginig ang kamay ni Titus sa galit. Napakasama niyang apo!Lumapit siya kay Madam Hathaway at uupo na sana sa tabi nito pero tiningnan niya ito nang masama. “Sinabi ko ba na pwede kang umupo?”Nainis si Titus pero hindi niya masabi.Kailangan niyang tumayo at bumuntong hininga. “Sal, huwag kang makinig sa pilyo na ‘yan.”“Pilyo?” Tumawa si Madam Hathaway at nilagay ang kamay niya sa kaniyang tungkod. “Lahat ng Goldmann ay pilyo.” Ang anak mo, ang batang ito, at lalong lalo na ikaw.”Tinaas niya ang kaniyang boses. “Oo, pilyo ako. Pwede na ba ako umupo.”Nag-iwas ng tingin si Yorrick, nanginginig ang balikat niya.Sanay na si Nolan doon. Walang hiya ang mga Goldmann s