Naglakad si Cameron papunta sa kusina at binaba ang mga itlog. Marahil dahil nandoon si Waylon, matagal na nakatayo lang si Cameron at hindi alam ang gagawin.Huminto si Waylon sa likod ni Cameron at lumapit sa tainga niya. “Painitin mo ang kawali.”Nakiliti ang tainga ni Cameron at ang isip niya ay puno ng mga senaryo na hindi niya makalimutan. Nakakahiya iyon.Tumalikod si Cameron at tinulak si Waylon palabas ng kusina. “Matulog ka na. Iwan mo na ako dito.”Inunat ni Waylon ang kamay niya para hilain si Cameron. “Natatakot ako na baka masunog mo ang kusina ko at kailangan ko pa iyon linisin mamaya.”Kumunot ang noo ni Cameron. “Sa tingin mo ba hindi ko kaya magluto?”Kaya naman niya mag prito ng itlog.Hinaplos ng daliri ni Waylon ang labi ni Cameron. “Iniiwasan mo ba ako dahil sa nangyari kanina?”Namula ang mukha ni Cameron pero dahil ma-pride siya, sinabi niya, “Hindi kita iniiwasan. Ayoko lang na makita ka kasi baka maging awkward.” Ngumiti si Waylon. “Bakit naman magig
At least hindi na nag-iisa si Freyja. Habang nasa Seaview Villa si Daisie, nakatanggap siya ng tawag mula kay Charlie. Pumunta siya sa courtyard para sagutin ang tawag. “Chuck?”“Bumalik ka sa opisina ngayon. Importante ito,” sabi ni Charlie.Pinatay ni Daisie ang tawag at mabilis na pumunta sa Tenet.Naghihintay si Charlie sa kaniya sa opisina. Nang makita niya si Daisie, nilagay niya sa mesa ang variety show notice na hawak niya. “Ito ang variety show 24 hours sa Inn. Interesado ka ba?”Nagulat si Daisie. ‘Di ba ayun ang variety show na sinalihan ni Tiffany?Iyon ang variety show na nagpapakita ng buhay ng mga artista. Noong nakaraan ay na-ere iyon at sobrang sumikat at nagkaroon ng mataas na ratings. Bumalik si Daisie sa katotohanan at tinanong, “Gusto mong sumali ako sa variety show na ito?” Habang nakasandal sa upuan, sumagot si Charlie, “Si Mr. Hannigan ang investor sa variety show na ito. Gusto niyang magkaroon ng kakaibang experience ang mga audience sa show na ito.
Hinawakan ni Cameron ang mukha ni Waylon at hinalikan siya. Naningkit ang mata ni Waylon at nilagay niya ang kaniyang kamay sa likod ng ulo ni Cameron para mas laliman ang halik kaya sobrang nagulat ang puso ni Cameron. Magulo ang buhok at damit ng taong nasa ilalim ni Waylon. Para siyang broken beauty, hindi na kayang pigilan ni Waylon ang sarili niya na gustuhin si Cameron. Puno ng pagnanasa ang mata ni Waylon. Hindi niya na mapigilan ang sarili niya. Hinawakan niya ang kamay ni Cameron at hinalikan ito. “Cam. It’s about time…” Puno ng kaguluhan ang isip ni Cameron. Hindi siya makapag-isip ng maayos ngayon kaya tinanong niya, “Anong sinabi mo?”“Sabi ko gusto ko—”Nang biglang, nag-ring ang bell kaya napahinto sa pagsasalita si Waylon. Pareho nilang binuksan ang mga mata nila at tiningnan ang isa’t isa. Sa wakas ay bumalik na sa katotohanan si Cameron at agad niyang tinulak palayo si Waylon. Umupo si Cameron sa kama at sinabi, “Sa tingin ko ikaw dapat ang sumagot sa kung
Sa dressing room, ilang artista ang pumalibot kay Hannah nang marinig nila na tinanggap nito ang invitation sa 24 Hours sa Inn at pinag-usapan nila ito.Inanunsyo ng show staff ang trailer para sa susunod na season. Si Daisie ang main guest. Marami siyang natatanggap na atensyon sa entertainment industry dahil kay Tiffany. Noong last season, natanggal si Tiffany sa variety show, gumawa rin siya ng gulo sa buong entertainment industry. May usapan na kumakalat na sinasabi na si Daisie ang nagpaalis kay Tiffany sa variety show gamit ang kaniyang strong family background. Kahit na nabunyag na ang pagiging masamang tao ni Tiffany at naka-blacklist na rin siya sa entertainment industry, marami pa ring usapan tungkol kay Daisie sa buong Internet.Ngayon, ang nangyayari sa entertainment industry, halos lahat ng female celebrities ay takot na magkaroon ng interaksyon kay Daisie. Natatakot sila na baka matulad sila kay Tiffany kung mamali sila ng trato kay Daisie. Three years ago, usap-u
Nagshoot sila sa scenic spots at kumain ng mga masasarap na pagkain sa bawat city. Naglalaro din sila ng iba't ibang games. Mas naging interesting ang show. Ang iba't ibang lifestyle, ang pagiging komportable at tawanan, at ang companionship ang hinahangad ng mga tao, natural na nataasan nila ang ratings ng ibang show.Tiningnan siya ni Daisie. “Talagang kakaiba nga. Lalo na't, may dalawang special guest tayo na hindi galing sa entertainment industry.”Naningkit ang mata ni Helios. “Dalawang special guest?”Sa oras na iyon, huminto sa harap ng courtyard ang isang black luxury car. Tumingin si Daisie at sinabi, “Nandito na sila.”Bumaba sila Waylon at Cameron sa sasakyan. Nang makita sila ni Helios, tumawa siya, “Parang child star din dati ang kapatid mo. Sadyang hindi niya lang piniling maging artista.” Tinaas ni Daisie ang kilay niya at tinanong, “Ibig sabihin, outstanding ba masyado ang mga special guest na inimbita ko?”Lumapit si Waylon kay Helios at binati siya, “Uncle Heli
Huminto ang kotse sa harap ng pinto. “Tumayo si Daisie at sinabi, “Baka ibang mga guest ‘yon. Titingnan ko muna.”Pumunta si Daisie sa pinto at tiningnan sila. Tinanggal ng babaeng unang lumabas sa sasakyan ang kaniyang sunglasses at sinabi, “Iniisip ko kung sino ‘yon. Si Daisie pala.”Lumapit si Daisie sa kaniya habang nakangiti at niyakap siya. “Ang tagal nating hindi nagkita.”Suminghal si Hannah at sumagot, “Akala ko nakalimutan mo na ako.”“Ikaw pa ba. Hindi kita makakalimutan.”Matapos magsalita ni Daisie, tiningnan niya ang dalawang guest na lumabas din sa sasakyan. Si Denzel Norris ang isa sa kanila, isang sikat na male artist at si Zoey naman ang isa.Bahagyang nagulat si Daisie nang makita niya si Zoey. Inimbitahan ng show si Hannah, usap-usapan na may hidwaan sa pagitan nila ni Zoey pero ang katotohanan ay magkaibigan pala sila.Pero nakipag-away dati si Zoey sa kaniya para sa isang role. ‘Totoo ba sila? Hindi ba nila alam ang naging usapan dati?’ Bakit siya inimbit
[Ito ang unang beses na makakita ako ng celebrity na dadalhin ang family member niya da isang show, ROFL. Tama si Zoey. Anong kakaiba kung mag imbita sila ng ordinaryong tao na hindi kilala sa entertainment industry sa show nila? Magiging boring ang palabas.][Hayaan niyo akong paliwanagan ka, t*nga. Ang pinakamatandang kapatid ni Daisie na si Wayne Goldmann, ay nag-shoot dati ng patalastas kasama ang pinakamagaling na actor sa industriya. Sikat siyang child actor dati. Kung nag debut siya katulad ni Daisie, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon na maging mayabang.]Kalmado lang si Daisie at ngumiti siya. “Pwede mo ring dalhin ang pamilya mo.”Nagdilim ang ekspresyon ni Zoey habang dinadala ni Waylon at Helios ang pagkain, at nilagay ni Denzel ang dessert sa mesa.Nakakatakam ang mga pagkain, may snack at dessert, at kapag isinabay ito sa tsaa at ibang inumin, nakakabusog ito.Nagulat si Hannah. “Hindi ba't pang mayaman itong afternoon tea na ‘to? Ginawa mo ba ito, Mr. Boucher?”“S
‘Hindi takot sa eels ang babaeng takot sa dpickingaga.’[Halos umiyak na si Den sa takot, hahaha.][Matapang talaga ang babae na ‘yan, huh? Hinahawakan niya mismo yung eels!][Hahaha, anong gagawin ko kung para sa akin ay cute siya?][Mali ba ang nakikita ko? O malambing ang tingin ni Wayne?]Halos dalawang oras silang naglakad sa palengke at bumili ng maraming sangkap. Si Waylon lang ang tanging tao na pumipili ng sangkap habang si Cameron at Denzel naman ay sumusunod sa kaniya na para bang hindi nila alam pumili ng magandang sangkap.Hindi sila tumulong, ginugulo pa nila ang ginagawa ni Waylon sa palengke. Masaya ang mga fans na asarin si Waylon sa pagdadala ng dalawang walang kwentang mga kasama.7:00 p.m. na nang makarating sila pagkatapos bumili ng mga sangkap.Hinihintay sila ni Daisie at Helios sa pinto at tumulong sila sa pagdala ng ilang sangkap sa kusina.Mabagal na tinaas ni Waylon ang manggas niya. “Huhugasan ni Daisie ang mga sangkap, at si Tito Helios ang magigin