Sa dressing room, ilang artista ang pumalibot kay Hannah nang marinig nila na tinanggap nito ang invitation sa 24 Hours sa Inn at pinag-usapan nila ito.Inanunsyo ng show staff ang trailer para sa susunod na season. Si Daisie ang main guest. Marami siyang natatanggap na atensyon sa entertainment industry dahil kay Tiffany. Noong last season, natanggal si Tiffany sa variety show, gumawa rin siya ng gulo sa buong entertainment industry. May usapan na kumakalat na sinasabi na si Daisie ang nagpaalis kay Tiffany sa variety show gamit ang kaniyang strong family background. Kahit na nabunyag na ang pagiging masamang tao ni Tiffany at naka-blacklist na rin siya sa entertainment industry, marami pa ring usapan tungkol kay Daisie sa buong Internet.Ngayon, ang nangyayari sa entertainment industry, halos lahat ng female celebrities ay takot na magkaroon ng interaksyon kay Daisie. Natatakot sila na baka matulad sila kay Tiffany kung mamali sila ng trato kay Daisie. Three years ago, usap-u
Nagshoot sila sa scenic spots at kumain ng mga masasarap na pagkain sa bawat city. Naglalaro din sila ng iba't ibang games. Mas naging interesting ang show. Ang iba't ibang lifestyle, ang pagiging komportable at tawanan, at ang companionship ang hinahangad ng mga tao, natural na nataasan nila ang ratings ng ibang show.Tiningnan siya ni Daisie. “Talagang kakaiba nga. Lalo na't, may dalawang special guest tayo na hindi galing sa entertainment industry.”Naningkit ang mata ni Helios. “Dalawang special guest?”Sa oras na iyon, huminto sa harap ng courtyard ang isang black luxury car. Tumingin si Daisie at sinabi, “Nandito na sila.”Bumaba sila Waylon at Cameron sa sasakyan. Nang makita sila ni Helios, tumawa siya, “Parang child star din dati ang kapatid mo. Sadyang hindi niya lang piniling maging artista.” Tinaas ni Daisie ang kilay niya at tinanong, “Ibig sabihin, outstanding ba masyado ang mga special guest na inimbita ko?”Lumapit si Waylon kay Helios at binati siya, “Uncle Heli
Huminto ang kotse sa harap ng pinto. “Tumayo si Daisie at sinabi, “Baka ibang mga guest ‘yon. Titingnan ko muna.”Pumunta si Daisie sa pinto at tiningnan sila. Tinanggal ng babaeng unang lumabas sa sasakyan ang kaniyang sunglasses at sinabi, “Iniisip ko kung sino ‘yon. Si Daisie pala.”Lumapit si Daisie sa kaniya habang nakangiti at niyakap siya. “Ang tagal nating hindi nagkita.”Suminghal si Hannah at sumagot, “Akala ko nakalimutan mo na ako.”“Ikaw pa ba. Hindi kita makakalimutan.”Matapos magsalita ni Daisie, tiningnan niya ang dalawang guest na lumabas din sa sasakyan. Si Denzel Norris ang isa sa kanila, isang sikat na male artist at si Zoey naman ang isa.Bahagyang nagulat si Daisie nang makita niya si Zoey. Inimbitahan ng show si Hannah, usap-usapan na may hidwaan sa pagitan nila ni Zoey pero ang katotohanan ay magkaibigan pala sila.Pero nakipag-away dati si Zoey sa kaniya para sa isang role. ‘Totoo ba sila? Hindi ba nila alam ang naging usapan dati?’ Bakit siya inimbit
[Ito ang unang beses na makakita ako ng celebrity na dadalhin ang family member niya da isang show, ROFL. Tama si Zoey. Anong kakaiba kung mag imbita sila ng ordinaryong tao na hindi kilala sa entertainment industry sa show nila? Magiging boring ang palabas.][Hayaan niyo akong paliwanagan ka, t*nga. Ang pinakamatandang kapatid ni Daisie na si Wayne Goldmann, ay nag-shoot dati ng patalastas kasama ang pinakamagaling na actor sa industriya. Sikat siyang child actor dati. Kung nag debut siya katulad ni Daisie, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon na maging mayabang.]Kalmado lang si Daisie at ngumiti siya. “Pwede mo ring dalhin ang pamilya mo.”Nagdilim ang ekspresyon ni Zoey habang dinadala ni Waylon at Helios ang pagkain, at nilagay ni Denzel ang dessert sa mesa.Nakakatakam ang mga pagkain, may snack at dessert, at kapag isinabay ito sa tsaa at ibang inumin, nakakabusog ito.Nagulat si Hannah. “Hindi ba't pang mayaman itong afternoon tea na ‘to? Ginawa mo ba ito, Mr. Boucher?”“S
‘Hindi takot sa eels ang babaeng takot sa dpickingaga.’[Halos umiyak na si Den sa takot, hahaha.][Matapang talaga ang babae na ‘yan, huh? Hinahawakan niya mismo yung eels!][Hahaha, anong gagawin ko kung para sa akin ay cute siya?][Mali ba ang nakikita ko? O malambing ang tingin ni Wayne?]Halos dalawang oras silang naglakad sa palengke at bumili ng maraming sangkap. Si Waylon lang ang tanging tao na pumipili ng sangkap habang si Cameron at Denzel naman ay sumusunod sa kaniya na para bang hindi nila alam pumili ng magandang sangkap.Hindi sila tumulong, ginugulo pa nila ang ginagawa ni Waylon sa palengke. Masaya ang mga fans na asarin si Waylon sa pagdadala ng dalawang walang kwentang mga kasama.7:00 p.m. na nang makarating sila pagkatapos bumili ng mga sangkap.Hinihintay sila ni Daisie at Helios sa pinto at tumulong sila sa pagdala ng ilang sangkap sa kusina.Mabagal na tinaas ni Waylon ang manggas niya. “Huhugasan ni Daisie ang mga sangkap, at si Tito Helios ang magigin
“Wala talagang awa ang crew sa likod ng show na ‘to, huh?” Kinamot ni Denzel ang ulo niya, bumalik sa upuan niya at inabot ang mission card kay Hannah.Tiningnan yon ni Hannah at nagulat din siya.Lumapit si Daisie. “Ano ‘yon?”Agad siyang nagulat sa salitang “Sugarcane Harvesting”.Sinabi ng director, “So, pagkatapos ng lahat na kumain at uminom, magpahinga kayo nang mabuti. Kailangan niyong magising nang 8:00 a.m. bukas ng umaga at magsama-sama sa doorstep ng inn. Kailangan niyong mapuno ang limang cart bago mag 1:00 p.m.”Nagsimulang mag-alala si Hannah at Denzel nang makuha nila ang task.‘Paano namin magagawa na makakolekta ng limang cart ng sugarcane?’Inangat ni Daisie ang kamay niya at tinanong, “Kailangan ba kami mismo ang gumawa?”Nagpalitan ng tingin ang mga tauhan sa crew at hindi nagsalita.Ipinaliwanag ng director, “Hindi kayo pwedeng humingi ng tulong sa iba at kailangan niyong anim na makahanap ng paraan para magawa ang task.”Nagulat si Daisie at may bakas ng
Hinila ni Waylon si Cameron patayo. Kinuha niya ang coat nito at tahimik silang dalawa na lumabas sa kwarto.Habang naglalakad sa backyard, inaantok si Cameron at nilalamig. “Saan mo ako dadalhin?”Hinawakan niya ang kamay ni Cameron at naglakad sa harap nito, ginagabayan siya. “Malapit na tayo.”Humikab si Cameron at sinundan si Waylon. “Dude, kailangan natin magising nang maaga bukas.”Pero, nang makita niya ang mga alitaptap sa hardin, agad siyang nagising. Nasa isang pwesto ang mga alitaptap at mukhang mga bituin sa langit, binibigyang liwanag ang dilim sa hardin.Lumapit si Cameron. “Bakit ang daming alitaptap?”Tumingin siya kay Cameron. “Hindi mo naman ito madalas makita, hindi ba?”Nilapit ni Cameron ang kamay niya, balak na hawakan sila at ang maliwanag na ilaw ay agad na kumalat. Pumalibot sa kaniya ang ilaw, at tumawa siya. “Sobrang ganda nito.”Tumigil si Waylon sa tabi niya. “Hindi ako nagsinungaling sa'yo, ano?”Lumingon si Cameron, tiningnan siya at tumawa. “Ga
Bukod pa doon, nandoon din ang kapatid ni Daisie at si Helios.Hindi nagustuhan ng mga nanonood ang ugali ni Zoey, at lahat sila ay nagsimulang mag-comment sa comment section.[Ginagawa talaga ni Zoey the clown ang lahat para sumikat, huh?]Kumunot ang director. Plano niyang itigil ang recording pero sa hindi inaasahan, biglang dumami ang nanonood sa broadcast room.‘Gustong gusto ba ng mga netizen ang drama ni Zoey?’Kalmadong sinuot ni Hannah ang gloves niya, tinagilid ang ulo niya at sinabi sa mga tao sa tabi niya habang nakangiti, “Siguro ay nakapatay si Daisie ng tatay ng isang tao sa dati niyang buhay. Nakakailang yon.”Naiilang na ngumiti si Denzel.Lahat ng nandito ay senior niya sa industriya, kaya wala siyang lakas ng loob na magsalita.Magaling mag kontrol si Helios at Waylon ng pasensya nila kaya hindi nila pinakita ang emosyon nila. Hindi rin nila plano na sumagot sa mga sinasabi ni Zoey at nakatutok lang sa kailangan nilang gawin.Inaasar ng mga nanonood si Zoe