Bukod pa doon, nandoon din ang kapatid ni Daisie at si Helios.Hindi nagustuhan ng mga nanonood ang ugali ni Zoey, at lahat sila ay nagsimulang mag-comment sa comment section.[Ginagawa talaga ni Zoey the clown ang lahat para sumikat, huh?]Kumunot ang director. Plano niyang itigil ang recording pero sa hindi inaasahan, biglang dumami ang nanonood sa broadcast room.‘Gustong gusto ba ng mga netizen ang drama ni Zoey?’Kalmadong sinuot ni Hannah ang gloves niya, tinagilid ang ulo niya at sinabi sa mga tao sa tabi niya habang nakangiti, “Siguro ay nakapatay si Daisie ng tatay ng isang tao sa dati niyang buhay. Nakakailang yon.”Naiilang na ngumiti si Denzel.Lahat ng nandito ay senior niya sa industriya, kaya wala siyang lakas ng loob na magsalita.Magaling mag kontrol si Helios at Waylon ng pasensya nila kaya hindi nila pinakita ang emosyon nila. Hindi rin nila plano na sumagot sa mga sinasabi ni Zoey at nakatutok lang sa kailangan nilang gawin.Inaasar ng mga nanonood si Zoe
Kahit ang director at ang buong crew ay nagulat.Isang crew member ang biglang nag abot ng tablet sa kaniya. “Kailangan mong makita ‘to!”Mayroong 1,000,000 viewers sa live broadcast, at patuloy pa itong tumataas. Sobrang sumisikat ito. Patuloy na nila-like ng mga manonood ang video at pinapalakpakan ang pag unlad at paggamit ng technology sa agriculture.Pagkatapos ng kalahating oras, maganda ang pagkaka-ani ng sugarcane. Mas mabagal at nakakapagod ang paggamit ng tao para mag ani. Makikita naman na nagawa ng technology na palitan ‘yon.Pagkatapos ng harvest, pumalakpak ang mga tao sa village at pinuri si Daisie. “Madali siyang matuto.”Magalang na yumuko si Daisie sa kanila. “Para ito lahat sa paghihirap ninyo. Salamat sa pagbibigay sa amin ng pagkakataon para maipakita sa amin ang pagbabago ng technology. Marami pa kaming kailangan matutuhan.”Lumapit si Cameron kay Waylon at bumulong, “Hindi ako makapaniwala sa kapatid mo.”Tinaas ni Daisie ang productivity ng agriculture sa
Pero, hindi nila pwedeng itigil ang broadcast.Nang makabalik sila sa lumang mansion, masayang nag-uusap si Hannah at Cameron. Naging malapit sila nang tinanong ni Cameron na, “Anong mayroon kay Zoey at Daisie?”Pinatunog ni Hannah ang dila at sumagot, “Ano pa ba? Naglalaban sila para sa parehong role pero hindi niya yon nakuha dahil mas gusto ng director si Daisie.”Madalas mangyari sa industriya na ito ang pagpili ng parehong character.Maraming artista ang ‘naglalaban’ dahil dito pero hindi nila ito harap-harapang ginagawa na parang si Zoey. Patago lang nila ‘yong gagawin.Hinawakan ni Cameron ang baba niya. “Sobrang galit siya. Role lang naman ‘yon.”“Ibig sabihin ng pag-aagawan ng role sa industriya ay pag-aagawan ng trabaho. Para bang magtrabaho ka nang matindi para makuha ang role, at inisip ng lahat na mapupunta yon sa'yo, pero hindi mo lang basta nakuha ‘yon, kundi napunta ka pa sa supporting role.“Gusto ng lahat ng nasa industriya na ang susunod nilang role ay mapupu
Binabati ni Nolan, Maisie at Nicholas ang mga bisita. Hawak ni Titus si Charm habang nakikipaglaro si Yael at Christina sa kaniya.“Tingnan mo yan. Nagsimula na ang pangalawang anak ng baby training.”Bumaba si Thomas Clifford sa hagdan kasama si Jackie at Violet.Ngumisi si Titus. “Dahil great-grandson ko siya.”Bumuntong hininga si Thomas. “Ang bilis ng oras. Nagulat nga ako at buhay ka pa.”Tiningnan siya nang masama ni Titus. “Sinusumpa mo ba ako, tanda?”Sanay na si Thomas sa alitan. “Buhay pa nga si Hernandez. Siguro hindi mo pa oras.”Lumapit si Maisie at Nolan. “Jackie, Violet.”Ngumiti si Violet at lumapit si Maisie. “It's been a while.”Nagsimulang mag-usap si Maisie at Violet habang nakatayo si Nolan at Jackie. “Wala rito ang anak mo?”Tumawa si Jackie. “Hindi ka kinakabahan na baka sirain niya ang party mo?”Masyadong makulit ang pinaka batang Clifford dahil spoiled kay Thomas. Habang ang ibang bata sa edad niya ay pinoprotektahan at naglalaro ng laruan, nasa pun
Mas higit pa ang Goldmann sa mayamang pamilya sa Bassburgh. Magtataka ang lahat tungkol sa tao na ikinasal sa pamilya. Bakit wala ang pamilya ni Freyja?Nagbago ng ekspresyon ng lahat.Malalaman ng iba kung nasa balita ang atensyon nila. Pag-uusapan lang ito ng mga hindi nakakaalam.Hindi napansin ni Mr. Weatherby ang pagbabago ng paligid at pinilit pa ang usapan nang makita na hindi sumagot si Freyja. “May importante bang nangyari at hindi makakapunta ang pamilya mo dahil doon? Bakit wala sila sa mahalagang party? Kahit na abala ang kamag-anak mo, nandito dapat ang magulang mo.”Kinagat ni Freyja ang labi niya at magsasalita na sana nang hawakan ni Colton ang kamay niya at kalmadong sinabi, “Masaya ako na nakapunta ang lahat sa party ng anak ko. Kasal ang asawa ko sa akin at Goldmann na siya. Kung hindi niyo siya kayang respetuhin, hindi na natin kailangan magkaroon ng kasunduan sa susunod. Ano sa tingin mo, Mr. Weatherby?”Hindi inaakala ni Mr. Weatherby na ipagtatanggol ni Colt
Walang nag akala na biglang hahawakan ni Mr. Weatherby ang kamay ni Freyja at hinaplos yon.Mabilis na binawi ni Freyja ang kamay niya, bumagsak ang baso sa sahig at nakuha ang atensyon ng lahat sa ingay.Kinuha ni Mr. Weatherby ang pagkakataon at nagpanggap na siya ang problema. “Mrs. Goldmann, humingi na ako ng tawad kaya kahit na ayaw mo akong patawarin, hindi mo kailangang gawin ‘to.Nag-igting ang panga ni Freyja. “Hindi ka humihingi ng tawad. Ikaw—”“Tingnan niyo ang babaeng to. Hindi pa nga siya kasal sa pamilya, pero nagwawala na siya agad. Nag sorry ako sa kaniya pero binato niya ang baso.”Hindi niya binigyan ng pagkakataon si Freyja na magsalita at patuloy na pinapalaki ang bagay. Ginigipit niya si Freyja.Nagkuyom si Freyja. Ayaw niyang gumawa ng gulo sa party ng anak niya pero bakit pinipilit siya nito?Nakita ni Mr. Weatherby na hindi siya lumalaban at inisip na wala siyang lakas ng loob na gawin yon. Kapag sinabi ni Freyja na binatos siya, sasabihin niya na inaaki
“Kailangan ko ba ulitin ang sinabi ko, Mr. Weatherby?” Nagulat si Royce at kinakabahan na sinabi, “Hindi…N… Nagsisinungaling ang babaeng ‘to!”Nang makita niya sila Nolan at Maisie, napuno ng pag-asa ang kaniyang mga mata. Lumapit siya sa kanila at nagpaliwanag, “Mr. at Mrs. Goldmann, kailangan niyo po ako paniwalaan. Lahat ng sinabi ko ay ang katotohanan!” Walang ekspresyon na tumingin si Nolan at wala siyang sinabi na kahit ano. Tumawa si Maisie at sinabi, “Sobrang linaw ng sinabi ng daughter-in-law ko. Sa tingin mo ba mas magaling ka kaysa sa sarili kong anak, Mr. Weatherby?” “Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin…” Lumapit si Colton kay Freyja at pinunta niyo ito sa kaniyang likod. “Gusto mo bang ipakita ko sayo ang footage mula sa security camera?” Alam ni Royce na wala na siyang pagkakataon na ipaliwanag ang sarili niya nang marinig niya na titingnan ni Colton ang security camera. Nagsimulang tumulo ang malalamig na pawis sa likod ni Royce. Pabagsak siyang lumuhod sa ha
Sila Deedee, Beatrice, at ang anak ni Francisco na si Chadwick ay umupo sa paligid ni Charm at mayroon din silang magandang kuha ng larawan.…Nilabas ni Cameron ang photo sa kotse at nakakunot ang noo nang tinanong si Waylon, “Bakit ko kailangan magkaroon ng family photo sa inyo?”Si Waylon na nagmamaneho ay nakahawak sa kaniyang labi at tumawa. “Congratulations dahil isa ka na sa mga Goldmann.”Tumingin si Cameron. “Hindi pa ako isa sa mga Goldmann.”Tiningnan siya ni Waylon at hinila siya palapit. Lumingon si Waylon para lumapit kay Cameron. “So, kailan ka magiging opisyal na isa sa mga Goldmann?”Hindi sumagot si Cameron.Hinaplos ni Waylon ang sulok ng mata ni Cameron gamit ang daliri niya at intensyonal na nakatingin sa labi nito. Ilang sandali na nawala sa sarili si Cameron, at isang mainit na labi ang dumampi sa kaniya.Gumalaw ang kaniyang pilikmata habang pinapatong ang kamay niya sa dibdib ni Waylon. Lalong nahuhulog si Cameron sa lalim ng halik ni Waylon.Nang bi
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng
Tumawa si Nick. “Hindi sapat na salita ang galit para gamitin.”“Kung gusto mong sumama sa amin o hindi, hindi ikaw ang magde-desisyon, Nick. Basta isa ka sa mga tagapagmana ng mga Wickam, kailangan mo bumalik sa akin!”Inilinaw ni Arthur ang sarili niya. Kahit na kailangan niyang itali ang anak niya at hilain pauwi, hindi siya tatanggap nang pagtanggi sa ganitong panahon.Kinabahan si Dylan at nagsimulang kabahan, natatakot siya na baka pilit na kunin si Nick ng mga lalaki na ‘yon.Sa oras na ‘yon, pumasok si Sunny sa training center gamit ang tungkod niya at sa suporta mi Mahina habang nakalagay ang kamay sa likod. “Yo, nag-iisip ako kung bakit maingay ang training center nang ganito kaaga. Nandito ka pala, Mr. Wickam.”Mukhang naiinis si Arthur. “Mr. Southern, bakit nasa Bassburgh ka rin?”“Nandito si Cam sa Bassburgh kaya natural lang para sa akin na pumunta dito. Ngayon, nag desisyon ako na pumunta at bisitahin ang estudyante ko. Hindi ko inaasahan na makikita kita.”Habang
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell