Huminto ang kotse sa harap ng pinto. “Tumayo si Daisie at sinabi, “Baka ibang mga guest ‘yon. Titingnan ko muna.”Pumunta si Daisie sa pinto at tiningnan sila. Tinanggal ng babaeng unang lumabas sa sasakyan ang kaniyang sunglasses at sinabi, “Iniisip ko kung sino ‘yon. Si Daisie pala.”Lumapit si Daisie sa kaniya habang nakangiti at niyakap siya. “Ang tagal nating hindi nagkita.”Suminghal si Hannah at sumagot, “Akala ko nakalimutan mo na ako.”“Ikaw pa ba. Hindi kita makakalimutan.”Matapos magsalita ni Daisie, tiningnan niya ang dalawang guest na lumabas din sa sasakyan. Si Denzel Norris ang isa sa kanila, isang sikat na male artist at si Zoey naman ang isa.Bahagyang nagulat si Daisie nang makita niya si Zoey. Inimbitahan ng show si Hannah, usap-usapan na may hidwaan sa pagitan nila ni Zoey pero ang katotohanan ay magkaibigan pala sila.Pero nakipag-away dati si Zoey sa kaniya para sa isang role. ‘Totoo ba sila? Hindi ba nila alam ang naging usapan dati?’ Bakit siya inimbit
[Ito ang unang beses na makakita ako ng celebrity na dadalhin ang family member niya da isang show, ROFL. Tama si Zoey. Anong kakaiba kung mag imbita sila ng ordinaryong tao na hindi kilala sa entertainment industry sa show nila? Magiging boring ang palabas.][Hayaan niyo akong paliwanagan ka, t*nga. Ang pinakamatandang kapatid ni Daisie na si Wayne Goldmann, ay nag-shoot dati ng patalastas kasama ang pinakamagaling na actor sa industriya. Sikat siyang child actor dati. Kung nag debut siya katulad ni Daisie, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon na maging mayabang.]Kalmado lang si Daisie at ngumiti siya. “Pwede mo ring dalhin ang pamilya mo.”Nagdilim ang ekspresyon ni Zoey habang dinadala ni Waylon at Helios ang pagkain, at nilagay ni Denzel ang dessert sa mesa.Nakakatakam ang mga pagkain, may snack at dessert, at kapag isinabay ito sa tsaa at ibang inumin, nakakabusog ito.Nagulat si Hannah. “Hindi ba't pang mayaman itong afternoon tea na ‘to? Ginawa mo ba ito, Mr. Boucher?”“S
‘Hindi takot sa eels ang babaeng takot sa dpickingaga.’[Halos umiyak na si Den sa takot, hahaha.][Matapang talaga ang babae na ‘yan, huh? Hinahawakan niya mismo yung eels!][Hahaha, anong gagawin ko kung para sa akin ay cute siya?][Mali ba ang nakikita ko? O malambing ang tingin ni Wayne?]Halos dalawang oras silang naglakad sa palengke at bumili ng maraming sangkap. Si Waylon lang ang tanging tao na pumipili ng sangkap habang si Cameron at Denzel naman ay sumusunod sa kaniya na para bang hindi nila alam pumili ng magandang sangkap.Hindi sila tumulong, ginugulo pa nila ang ginagawa ni Waylon sa palengke. Masaya ang mga fans na asarin si Waylon sa pagdadala ng dalawang walang kwentang mga kasama.7:00 p.m. na nang makarating sila pagkatapos bumili ng mga sangkap.Hinihintay sila ni Daisie at Helios sa pinto at tumulong sila sa pagdala ng ilang sangkap sa kusina.Mabagal na tinaas ni Waylon ang manggas niya. “Huhugasan ni Daisie ang mga sangkap, at si Tito Helios ang magigin
“Wala talagang awa ang crew sa likod ng show na ‘to, huh?” Kinamot ni Denzel ang ulo niya, bumalik sa upuan niya at inabot ang mission card kay Hannah.Tiningnan yon ni Hannah at nagulat din siya.Lumapit si Daisie. “Ano ‘yon?”Agad siyang nagulat sa salitang “Sugarcane Harvesting”.Sinabi ng director, “So, pagkatapos ng lahat na kumain at uminom, magpahinga kayo nang mabuti. Kailangan niyong magising nang 8:00 a.m. bukas ng umaga at magsama-sama sa doorstep ng inn. Kailangan niyong mapuno ang limang cart bago mag 1:00 p.m.”Nagsimulang mag-alala si Hannah at Denzel nang makuha nila ang task.‘Paano namin magagawa na makakolekta ng limang cart ng sugarcane?’Inangat ni Daisie ang kamay niya at tinanong, “Kailangan ba kami mismo ang gumawa?”Nagpalitan ng tingin ang mga tauhan sa crew at hindi nagsalita.Ipinaliwanag ng director, “Hindi kayo pwedeng humingi ng tulong sa iba at kailangan niyong anim na makahanap ng paraan para magawa ang task.”Nagulat si Daisie at may bakas ng
Hinila ni Waylon si Cameron patayo. Kinuha niya ang coat nito at tahimik silang dalawa na lumabas sa kwarto.Habang naglalakad sa backyard, inaantok si Cameron at nilalamig. “Saan mo ako dadalhin?”Hinawakan niya ang kamay ni Cameron at naglakad sa harap nito, ginagabayan siya. “Malapit na tayo.”Humikab si Cameron at sinundan si Waylon. “Dude, kailangan natin magising nang maaga bukas.”Pero, nang makita niya ang mga alitaptap sa hardin, agad siyang nagising. Nasa isang pwesto ang mga alitaptap at mukhang mga bituin sa langit, binibigyang liwanag ang dilim sa hardin.Lumapit si Cameron. “Bakit ang daming alitaptap?”Tumingin siya kay Cameron. “Hindi mo naman ito madalas makita, hindi ba?”Nilapit ni Cameron ang kamay niya, balak na hawakan sila at ang maliwanag na ilaw ay agad na kumalat. Pumalibot sa kaniya ang ilaw, at tumawa siya. “Sobrang ganda nito.”Tumigil si Waylon sa tabi niya. “Hindi ako nagsinungaling sa'yo, ano?”Lumingon si Cameron, tiningnan siya at tumawa. “Ga
Bukod pa doon, nandoon din ang kapatid ni Daisie at si Helios.Hindi nagustuhan ng mga nanonood ang ugali ni Zoey, at lahat sila ay nagsimulang mag-comment sa comment section.[Ginagawa talaga ni Zoey the clown ang lahat para sumikat, huh?]Kumunot ang director. Plano niyang itigil ang recording pero sa hindi inaasahan, biglang dumami ang nanonood sa broadcast room.‘Gustong gusto ba ng mga netizen ang drama ni Zoey?’Kalmadong sinuot ni Hannah ang gloves niya, tinagilid ang ulo niya at sinabi sa mga tao sa tabi niya habang nakangiti, “Siguro ay nakapatay si Daisie ng tatay ng isang tao sa dati niyang buhay. Nakakailang yon.”Naiilang na ngumiti si Denzel.Lahat ng nandito ay senior niya sa industriya, kaya wala siyang lakas ng loob na magsalita.Magaling mag kontrol si Helios at Waylon ng pasensya nila kaya hindi nila pinakita ang emosyon nila. Hindi rin nila plano na sumagot sa mga sinasabi ni Zoey at nakatutok lang sa kailangan nilang gawin.Inaasar ng mga nanonood si Zoe
Kahit ang director at ang buong crew ay nagulat.Isang crew member ang biglang nag abot ng tablet sa kaniya. “Kailangan mong makita ‘to!”Mayroong 1,000,000 viewers sa live broadcast, at patuloy pa itong tumataas. Sobrang sumisikat ito. Patuloy na nila-like ng mga manonood ang video at pinapalakpakan ang pag unlad at paggamit ng technology sa agriculture.Pagkatapos ng kalahating oras, maganda ang pagkaka-ani ng sugarcane. Mas mabagal at nakakapagod ang paggamit ng tao para mag ani. Makikita naman na nagawa ng technology na palitan ‘yon.Pagkatapos ng harvest, pumalakpak ang mga tao sa village at pinuri si Daisie. “Madali siyang matuto.”Magalang na yumuko si Daisie sa kanila. “Para ito lahat sa paghihirap ninyo. Salamat sa pagbibigay sa amin ng pagkakataon para maipakita sa amin ang pagbabago ng technology. Marami pa kaming kailangan matutuhan.”Lumapit si Cameron kay Waylon at bumulong, “Hindi ako makapaniwala sa kapatid mo.”Tinaas ni Daisie ang productivity ng agriculture sa
Pero, hindi nila pwedeng itigil ang broadcast.Nang makabalik sila sa lumang mansion, masayang nag-uusap si Hannah at Cameron. Naging malapit sila nang tinanong ni Cameron na, “Anong mayroon kay Zoey at Daisie?”Pinatunog ni Hannah ang dila at sumagot, “Ano pa ba? Naglalaban sila para sa parehong role pero hindi niya yon nakuha dahil mas gusto ng director si Daisie.”Madalas mangyari sa industriya na ito ang pagpili ng parehong character.Maraming artista ang ‘naglalaban’ dahil dito pero hindi nila ito harap-harapang ginagawa na parang si Zoey. Patago lang nila ‘yong gagawin.Hinawakan ni Cameron ang baba niya. “Sobrang galit siya. Role lang naman ‘yon.”“Ibig sabihin ng pag-aagawan ng role sa industriya ay pag-aagawan ng trabaho. Para bang magtrabaho ka nang matindi para makuha ang role, at inisip ng lahat na mapupunta yon sa'yo, pero hindi mo lang basta nakuha ‘yon, kundi napunta ka pa sa supporting role.“Gusto ng lahat ng nasa industriya na ang susunod nilang role ay mapupu