Share

Kabanata 2331

Author: Ginger Bud
last update Last Updated: 2024-08-18 16:00:01
Tiningnan ni Daisie si Nollace sa salamin. “Bakit ko naman itatanong sa'yo ang tungkol don?”

Inangat ni Nollace ang kilay niya. “Ganito ba kalaki ang tiwala mo sa akin?”

Suminghal siya nang bahagya. “May lakas ng loob ka ba para pagtaksilan ako?”

Gumalaw ang gilid ng labi ni Nollace. “May maliit na kong demonyo sa bahay. Paano pa ako magkakaroon ng lakas ng loob na gumawa ng mga bagay para sirain ang tiwala ng baby ko?”

Sa kabilang banda ng siyudad, sa private club…

Tumayo si Tiffany sa labas ng private room, naglalagay ng lip balm sa salamin. Puno ng investor at director ng iba't ibang variety show ang private room.

‘Binigyan ako ng maraming pagkakataon ni Mr. Gosling na sumali sa mga variety show, at gusto niyang kunin ko mismo ‘yon. Kung maibabalik ko naman ang kasikatan ko o hindi, depende na yon sa akin.

“Kilala ang background at pagkatao ng mga investor sa local na entertainment industry, kaya kailangan kong sulitin ang pagkakataon na ito. Basta malibang ko sila at makabuo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2332

    ‘Bukod pa doon, si Mr. Tanner Hannigan na nandito ay may business connection kay Mr. Nolan Goldmann. Plano niya bang galitin ang Goldmann sa sinasabi niya?’Nang makita na hindi sila naniniwala sa kaniya, kinuha ni Tiffany ang phone niya at nakita ang photos sa photo album ng phone niya. “Kuha to ng isang member ng crew. Pwede niyo tingnan ang nga ito.”Sa larawan, mukhang malambing ang kilos ni James kay Daisie. Mahirap para sa ibang tao na hindi alam ang nangyayari na hindi sila pagdudahan.“May kakaiba bang relasyon si Daisie at James?”“Pero, narinig ko na malapit sa isa't isa si James at Daisie. Mukhang malinaw na lahat.”Walang sinabi si Tanner mula simula hanggang dulo dahil nakita na ng lahat ang larawan. Pagkatapos ng ilang sandali, binaba niya ang kaniyang baso, tinapik niya sa balikat ang director at tumayo. “Mauuna na ako. Sasabihan ko kayo sa desisyon ko.”Nakangiti silang hinatid ng director. “Okay, salamat sa pagpunta.”Malakas ang loob ni Tiffany.“Kung may laka

    Last Updated : 2024-08-18
  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2333

    Pinadapa sa sahig ang babaeng fan na nagbuhos ng sulfuric acid ng isa sa mga security guard pero ayaw niyang aminin ang pagkakamali niya. “Daisie Goldmann, dapat ‘yan sa'yo! Bakit hindi ikaw ang nabuhusan!?”Nalaman ng crew ang tungkol sa sitwasyon at lumapit.Humarap si Daisie at sumigaw, “Bigyan niyo ako ng bote ng tubig ngayon. Dali!”Isa sa mga crew member ang nagdala ng tubig kay Daisie. Agad niyang kinuha ‘yon mula sa empleyado at nilinisan ang braso ni James gamit ‘yon.Samantala, tumawag ng pulis at ambulansya ang staff na nasa likod nila.Tiningnan ni Daisie si James at sumigaw habang namumula ang mata, “Ano bang ginagawa mo? Tanga ka ba!?”Huminga nang malalim si James, nagngalit ang ngipin niya at pilit na ngumiti. “Kung hindi ko hinarangan ang acid para sa'yo, nasira sana ang mukha mo. Binabantayan lang kita para sa asawa mo.”Tinulak ni Daisie palayo ang tao na nasa tabi niya, lumapit siya sa babaeng fan na hawak ng security at sinampal siya sa harap ng lahat.Agad

    Last Updated : 2024-08-19
  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2334

    “Pfft, masasaktan lang braso ko. At saka, anong klaseng lalaki ako kung wala akong peklat sa katawan?”Umiling ang assistant ni James. “Kung mukha mo ang tinamaan, umiiyak ka ngayon.”Mahigpit na kinagat ni Daisie ang labi niya at bumaba ang tingin niya. “Ako ang nagdala sa'yo sa gulo na ito.”Sumandal si James sa unan. “Magkapatid tayo, kaya hindi na kailangan magturuan kung sino ang nasa problema. At saka, lalaki ako. Hindi ba dapat ako ang haharap kapag nangyari ang ganoong bagay?”Dumating si Shannon at Nollace sa labas ng ward at tumayo si Daisie mula sa upuan niya.Lumapit si Shannon at tinitigan si James. “Kumusta ang injury?”Ngumiti si James. “Ayos lang, huwag kayong mag-alala, kaya ko pang galawin ang kamay ko kaya hindi ‘to makakaapekto sa shooting.”Bumuntong hininga si Shannon at mahinahon na sinabing, “Hindi ko inakala na maraming bagay ang mangyayari sa buong filming.”‘Humarap kami sa malaking blizzard, pagkatapos ay nagkasakit si Daisie at halos malunod, at nga

    Last Updated : 2024-08-19
  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2335

    Nagulat si Tiffany at nanginginig ang kamay niya habang hawak ang phone.‘Paano naging ganito ang mga pangyayari? Ganito na lang ba? Tapos na ba ako?’May bigla siyang naalala at agad na nahanap ang number sa kaniyang phone at tinawagan. Pagkatapos ng ilang sandali, sinagot ang tawag. “Zep— Mr. Gosling, nasa problema ako at ikaw lang ang makakatulong sa akin. Pwede bang…”Malamig na tinanong ni Zephir. “Sinong nagsabi sa'yo na atakihin mo si Daisie?”Saglit siyang nagulat. “I…”“Tiffany, tinulungan kita nang isang beses at binigyan ng maraming oportunidad. Kaya tanungin mo ang sarili mo, anong ginawa mo?”Parang tinatanong ang tunog nito sa kaniya.Kinagat ni Tiffany ang labi niya. “H… Hindi ko sinasadya. Sadyang nawalan lang ako ng ideya. Pinalitan ako ng team ng variety show na “24 Hours in an Inn” nang wala man lang paliwanag. Kaya naman—”Pinutol niya ang sinasabi niyo at tinanong, “Hindi mo ba alam ang relasyon sa pagitan ni Mr. Tanner Hannigan at ang sikat na si Mr. Nolan

    Last Updated : 2024-08-19
  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2336

    “Huwag kang mag-alala. Panigurado na maraming pagkakataon ang darating sa future.”Tumingin si Daisie kay Shannon. “Kung ganoon paki bantayan na lang si James para sa akin.”Pinatunog ni James ang dila niya. “Anong ibig mong sabihin? Hindi ako 3-year-old na bata. Mukha ba akong hindi marunong alagaan ang sarili niya?”Tumawa si Shannon. “Okay, babantayan ko nang maayos ang pasaway na ‘to at ililigtas si Charlie sa maraming nakakabahalang balita.”Pumasok si Daisie at Nollace sa sasakyan at umalis sa crew.Sa daan, sumandal si Daisie sa likod ng upuan. “Akala ko ilalaglag ni Tiffany si Zephir para protektahan ang sarili niya, pero hindi ko inakala na…”‘Hindi lang basta nawala si Tiffany sa Internet, kundi pinili rin niyang manahimik.’Minasahe ni Nollace ang balikat ni Daisie. “Baka pinili niyang manahimik dahil alam niya na kahit gusto niyang ilaglag si Zephir, wala siyang halaga dito.”Saglit na nagulat si Daisie. “Kapag lahat ng sinabi niya sa babaeng influencer ay utos ni Z

    Last Updated : 2024-08-19
  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2337

    ‘Mabait at maasahan na kuya ang tingin ko kay Zephir at uunahin ang iba kaysa sa sarili niya. Pero pagkatapos malaman ang mga pangyayari na ito, ngayon ko lang napagtanto kung gaano siya ka-praning at makasarili.’‘Sa insidente ni Lisa, ginawa niya ang lahat para sa akin pero hindi niya sinabi sa akin ang tungkol doon. Kahit na gusto kong tumigil na maging kaibigan ni Lisa, hindi ko inisip na pilitin si Lisa na mag drop out sa school.’‘Sa ngayon, gusto niyang gamitin si Tiffany dahil ako ang target nito. Kahit ang una niyang intensyon ay hindi ako saktan kundi gawing target si Nollace, nasaktan pa rin ako sa makasarili niyang ugali, hindi ba?’Niyakap siya ni Nollace at pinatong ang baba nito sa tuktok ng ulo ni Daisie. “Ang rason kaya hindi ko siya nilalabanan ay hindi ka niya sinasaktan. Kaya hinahayaan ko siya hanggang ngayon. Pero kapag may nangyari ulit na ganito, sisiguraduhin ko na ayusin ang bago at lumang problema sa kaniya.”Nagulat si Daisie at kinagat ang labi niya. “G

    Last Updated : 2024-08-20
  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2338

    Tiningnan ni Colton ang baby sa bisih niya. “Babaeng anak ko siya, si Charm, pinaikling Charmaine.”Nilapit ni Titus ang leeg niya at nilapit ang kamay niya. “Ipakita mo sa akin ang great-great-granddaughter ko.”Binuhat ni Titus si Charm. Hindi tulog si Charm at sinisipsip ang thumb niya habang nakatitig kay Titus gamit ang malaki niyang bilog na mata, hindi siya nag iingay.“Oh my, bakit sinusubo pa rin ng batang ito ang daliri niya? Madumi ‘yan. Ilabas mo.”Kinuha ni Titus ang maliit na daliri ni Charmaine sa bibig nito. Ngumuso siya sandali bago nagsimulang umiyak.Nagulat si Titus at hindi alam ang gagawin.Nilagay ni Freyja ang pacifier sa bibig ni Charm, at huminto agad sa pag iyak ang maliit na sanggol at nagsimulang sipsipin ang pacifier.Tiningnan ni Titus ang maliwanag na mata ng bata at ang matigas niyang puso ay hindi mapigilan na matunaw.Lumapit si Colton sa couch at umupo. “Dad, Lolo, hindi pa dumarating si Waylon?”Inabot ni Titus ang bata kay Freyja at humar

    Last Updated : 2024-08-20
  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2339

    “Bakit hindi ako pwedeng mainis dahil sa kaniya?” Mukhang hindi masaya si Titus. “Narinig mo ba ang sinabi niya? Ayaw niyang ikasal sa Goldmann! Alam ba niya ang sinasabi niya? Magaling na lalaki si Wayne. Hindi nga magawa ng ibang babae na hawakan siya, at nandidiri ang babae na ‘to nang mabigyan siya ng pagkakataon na pinag aagawan ng ibang mga babae?”‘Nagyayabang na lang ang matandang lalaki na ito.’Humalukipkip si Cameron. “Kailan ko ba sinabi na nandidiri ako sa kaniya? Hindi ba't inisip mo na masyado akong mahina para suportahan ang Goldmann bilang future matriarch? Kung ganoon patutunayan ko na lang na tama ka.”“Ikaw—”“Anong ako? Hindi pa ako napahiya nang ganito mula nang ipanganak ako. Ipinaparating mo na sinusubukan kong kunin ang pabor ng mga Goldmann. Kung alam ko lang na makikita kita rito, hindi na sana ako pumunta.”Pagkatapos niyang sabihin yon, nag iwas siya ng tingin at suminghal.‘Kahit ano pa, ako ang ginawan ng mali dito, at hindi ko plano na umakto na pa

    Last Updated : 2024-08-20

Latest chapter

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2751

    Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2750

    Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2749

    Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2748

    Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2747

    “James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2746

    Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2745

    Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2744

    Naningkit ang mata ni James. “Yung mga lalaking pinipili mo ay yung mga magagaling?”Hindi sumagot si Giselle.Pinatunog ni James ang dila niya at umiling. “Hindi naman ‘yon mali, pero ang importante, dapat piliin mo yung taong mahal ka. Kung hindi ka niya mahal, hindi siya mapupunta sayo, kahit na gaano siya kagaling. Isang commodity ba ang tingin mo sa isang relasyon?”Huminga nang malalim si Giselle at tumingin siya kay James. “Pinangangaralan mo ba ako?”“Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado kang self-centered at gusto mong ikaw lagi ang nasusunod. Gusto mo kontrol mo ang lahat. Na-realize ko ito nang pinirmahan natin ang kontrata. “Hindi mo gusto ng blind dates pero hindi mo naman gusto na i-reject sila, kaya gusto mo ng tulong ko at gusto mo na mag-set ako ng rules. Kailangan ko magpanggap na isa akong perfect boyfriend nang makipagkita ako sa magulang mo. Hindi mo naman sinusubukan na magpanggap na girlfriend ko. Baka isipin ng mga tao na boss kita.”Nainis si Giselle. “Ik

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2743

    Bumalik si Giselle sa sarili niya at natawa. “Sa tingin mo ba kailangan mo akong turuan niyan?”“Hindi. So, dapat mas maging self-aware ka pag nagpapanggap ka na girlfriend ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “Halimbawa…” Biglang naglakad si James, kaya napaatras si Giselle. Ngumiti siya. “Tulungan mo akong ayusin ang gamit ko.” Walang masabi si Giselle. Umupo si James sa tabi ng luggage at nagpatuloy na mag-ayos. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? ‘Di ba dapat tumutulong ang girlfriend?”Hindi alam ni Giselle ang sasabihin niya.Matapos maayos ang mga bag ni James, tinulungan siya ni Giselle sa isang bag. Inabot niya iyon sa assistant nang makita niya ito. “Hawakan mo.”Huminto ang assistant at tiningnan si James na naglalakad palapit.Naningkit ang mata ni James. “Ms. Peterson, sa tingin mo ba mabigat ang mga bag ko para sayo?”“Lalabas tayo? Hindi ka ba natatakot—”“Alam na ng media na may relasyon tayo. Hindi na natin kailangan magtago kaya bakit hindi na lang tayo maging

DMCA.com Protection Status