Nagulat si Tiffany at nanginginig ang kamay niya habang hawak ang phone.‘Paano naging ganito ang mga pangyayari? Ganito na lang ba? Tapos na ba ako?’May bigla siyang naalala at agad na nahanap ang number sa kaniyang phone at tinawagan. Pagkatapos ng ilang sandali, sinagot ang tawag. “Zep— Mr. Gosling, nasa problema ako at ikaw lang ang makakatulong sa akin. Pwede bang…”Malamig na tinanong ni Zephir. “Sinong nagsabi sa'yo na atakihin mo si Daisie?”Saglit siyang nagulat. “I…”“Tiffany, tinulungan kita nang isang beses at binigyan ng maraming oportunidad. Kaya tanungin mo ang sarili mo, anong ginawa mo?”Parang tinatanong ang tunog nito sa kaniya.Kinagat ni Tiffany ang labi niya. “H… Hindi ko sinasadya. Sadyang nawalan lang ako ng ideya. Pinalitan ako ng team ng variety show na “24 Hours in an Inn” nang wala man lang paliwanag. Kaya naman—”Pinutol niya ang sinasabi niyo at tinanong, “Hindi mo ba alam ang relasyon sa pagitan ni Mr. Tanner Hannigan at ang sikat na si Mr. Nolan
“Huwag kang mag-alala. Panigurado na maraming pagkakataon ang darating sa future.”Tumingin si Daisie kay Shannon. “Kung ganoon paki bantayan na lang si James para sa akin.”Pinatunog ni James ang dila niya. “Anong ibig mong sabihin? Hindi ako 3-year-old na bata. Mukha ba akong hindi marunong alagaan ang sarili niya?”Tumawa si Shannon. “Okay, babantayan ko nang maayos ang pasaway na ‘to at ililigtas si Charlie sa maraming nakakabahalang balita.”Pumasok si Daisie at Nollace sa sasakyan at umalis sa crew.Sa daan, sumandal si Daisie sa likod ng upuan. “Akala ko ilalaglag ni Tiffany si Zephir para protektahan ang sarili niya, pero hindi ko inakala na…”‘Hindi lang basta nawala si Tiffany sa Internet, kundi pinili rin niyang manahimik.’Minasahe ni Nollace ang balikat ni Daisie. “Baka pinili niyang manahimik dahil alam niya na kahit gusto niyang ilaglag si Zephir, wala siyang halaga dito.”Saglit na nagulat si Daisie. “Kapag lahat ng sinabi niya sa babaeng influencer ay utos ni Z
‘Mabait at maasahan na kuya ang tingin ko kay Zephir at uunahin ang iba kaysa sa sarili niya. Pero pagkatapos malaman ang mga pangyayari na ito, ngayon ko lang napagtanto kung gaano siya ka-praning at makasarili.’‘Sa insidente ni Lisa, ginawa niya ang lahat para sa akin pero hindi niya sinabi sa akin ang tungkol doon. Kahit na gusto kong tumigil na maging kaibigan ni Lisa, hindi ko inisip na pilitin si Lisa na mag drop out sa school.’‘Sa ngayon, gusto niyang gamitin si Tiffany dahil ako ang target nito. Kahit ang una niyang intensyon ay hindi ako saktan kundi gawing target si Nollace, nasaktan pa rin ako sa makasarili niyang ugali, hindi ba?’Niyakap siya ni Nollace at pinatong ang baba nito sa tuktok ng ulo ni Daisie. “Ang rason kaya hindi ko siya nilalabanan ay hindi ka niya sinasaktan. Kaya hinahayaan ko siya hanggang ngayon. Pero kapag may nangyari ulit na ganito, sisiguraduhin ko na ayusin ang bago at lumang problema sa kaniya.”Nagulat si Daisie at kinagat ang labi niya. “G
Tiningnan ni Colton ang baby sa bisih niya. “Babaeng anak ko siya, si Charm, pinaikling Charmaine.”Nilapit ni Titus ang leeg niya at nilapit ang kamay niya. “Ipakita mo sa akin ang great-great-granddaughter ko.”Binuhat ni Titus si Charm. Hindi tulog si Charm at sinisipsip ang thumb niya habang nakatitig kay Titus gamit ang malaki niyang bilog na mata, hindi siya nag iingay.“Oh my, bakit sinusubo pa rin ng batang ito ang daliri niya? Madumi ‘yan. Ilabas mo.”Kinuha ni Titus ang maliit na daliri ni Charmaine sa bibig nito. Ngumuso siya sandali bago nagsimulang umiyak.Nagulat si Titus at hindi alam ang gagawin.Nilagay ni Freyja ang pacifier sa bibig ni Charm, at huminto agad sa pag iyak ang maliit na sanggol at nagsimulang sipsipin ang pacifier.Tiningnan ni Titus ang maliwanag na mata ng bata at ang matigas niyang puso ay hindi mapigilan na matunaw.Lumapit si Colton sa couch at umupo. “Dad, Lolo, hindi pa dumarating si Waylon?”Inabot ni Titus ang bata kay Freyja at humar
“Bakit hindi ako pwedeng mainis dahil sa kaniya?” Mukhang hindi masaya si Titus. “Narinig mo ba ang sinabi niya? Ayaw niyang ikasal sa Goldmann! Alam ba niya ang sinasabi niya? Magaling na lalaki si Wayne. Hindi nga magawa ng ibang babae na hawakan siya, at nandidiri ang babae na ‘to nang mabigyan siya ng pagkakataon na pinag aagawan ng ibang mga babae?”‘Nagyayabang na lang ang matandang lalaki na ito.’Humalukipkip si Cameron. “Kailan ko ba sinabi na nandidiri ako sa kaniya? Hindi ba't inisip mo na masyado akong mahina para suportahan ang Goldmann bilang future matriarch? Kung ganoon patutunayan ko na lang na tama ka.”“Ikaw—”“Anong ako? Hindi pa ako napahiya nang ganito mula nang ipanganak ako. Ipinaparating mo na sinusubukan kong kunin ang pabor ng mga Goldmann. Kung alam ko lang na makikita kita rito, hindi na sana ako pumunta.”Pagkatapos niyang sabihin yon, nag iwas siya ng tingin at suminghal.‘Kahit ano pa, ako ang ginawan ng mali dito, at hindi ko plano na umakto na pa
“Hindi, sa pagitan nating dalawa ito kaya huwag mong idamay ang dad ko.”‘Gusto niyang magreklamo sa Dad ko tungkol sa akin? Hindi pwede!”Ngumiti si Nicholas. “Dad, bakit ba pinapahirapan mo ang young lady?”“Pinapahirapan ko siya? Siya ang nagpapahirap sa akin. Pinapahiya niya ako na parang wala lang ako sa kaniya. Pwede bang tapak-tapakan ang reputasyon ko sa pamilya?”Mukhang galit si Titus.Sumagot si Cameron, “May halaga rin ang reputasyon ko.”Nagulat si Titus nang marinig ang sagot niya. “Tingnan niyo, sumasagot na naman siya ulit. Walang hiyang babae. Kailangan kong kausapin ang dad niya tungkol sa ugali niya.”Nanlaki ang mata ni Cameron. “Isa ka pa lang hindi makatwirang matanda!”Tumango si Titus. “Oo, ganoon na talaga ako, at hindi ako makatwiran lagi. Anong plano mong gawin doon.”Huminga nang malalim si Cameron at pilit na ngumiti. “Ang totoong mabuting tao ay marunong magpakumbaba. Humihingi ako ng tawad sa ginawa ko, pasensya na.”Nag-iwas ng tingin si Titus.
Matapos ang dinner, sinabi ni Waylon kay Cameron na bumalik muna siya sa Emperon. Hinatid siya nila Daisie at Nollace dahil madadaanan naman nila iyon pauwi. Sa loob ng sasakyan, nakita ni Daisie na nakatingin lang si Cameron sa labas at hindi siya nagsasalita. Tinikom niya ang kaniyang labi at tinanong, “Cameron, anong pakiramdam mo sa kapatid ko?” Huminto si Cameron at tumingin kay Daisie. “Ayos lang siya. Bakit?” “Hindi mo ba siya gusto?” “Hindi… hindi ko naman sinabi yan.” Yumuko si Cameron. “Hindi ba dapat pareho na magdedesisyon ang dalawang tao sa pagpapakasal? Hindi ko pa gusto magpakasal.” Naloko siya na i-register ang pagpapakasal nila at ngayon namamadali na siyang magpakasal. Hindi pa naman talaga niya iyon naisip at hindi pa rin gusto ni Cameron na magpakasal. Huminto si Daisie sa pagsasalita. Huminto ang kotse sa harap ng Emperon, lumabas si Cameron ng sasakyan. Nang pumasok si Cameron sa bahay, sumandal si Daisie sa kaniyang upuan. “Nolly, sa tingin mo
Kinagat ni Cameron ang labi niya. “Nasaang restaurant siya?” Sinabi ni Daisie kay Cameron ang address niya. Pinatay ni Cameron ang tawag at umalis matapos kunin ang kaniyang coat. Nagtago si Daisie sa likod ng pader at tiningnan si Nollace. “Nolly, sa tingin mo ba gagana ito?” Binaba ni Nollace ang sombrero ni Daisie pababa. “Ayusin mo ang suot. Huwag mo hayaan na makita ka ng kahit na sino.” Mabilis na nagpakita si Waylon sa restaurant pero hindi niya nakita si Daisie. Tinawag siya ng isang babae. “Mr. Goldman?” Kumunot ang noo ni Waylon nang lumingon siya sa babaeng nakaupo malapit sa bintana. Si Minzy iyon.Lumapit si Waylon sa kaniya at huminto sa mesa. “Ms. Holland, bakit ka nagpunta dito?”Nagulat si Minzy. “‘Di ba gusto mo akong makita?” Naningkit ang mata ni Waylon. “Ako?” Napansin ng mata ni Waylon na may nakatago sa likod ng pinto, inisip niya ang lahat ng mga nangyari nang maalala ang text ni Daisie sa kaniya. Hinila ni Waylon ang upuan at umupo sa hara