Ngumiti si Mahina. “Alam kong mangyayari ‘yan.”…Dinilat ni Cameron ang mata niya at agad napagtanto na nakahiga siya sa hospital. Narinig niya ang boses ni Sunny at Mahina.Nang makita nila na gising na siya, agad lumapit si Sunny, mukhang nag-aalala. “Cam, gising ka na.”Ngumiti si Mahina. “Gising ka na rin sa wakas. Tatawagin ko ang doktor!”Pumasok ang doktor at tiningnan siya, pagkatapos ay kinausap si Sunny. “Ayos lang siya. Bukod sa tubig sa baga niya at sinat, ayos lang siya.”Tumango si Sunny. “Salamat.”Umupo si Mahina sa gilid ng kama at tinanong, “Kumusta ang pakiramdam mo?”Tumitig si Cameron sa kisame at hindi sumagot.Inayos ni Sunny ang hawak niya sa kaniyang tungkod. Nakahinga siya nang maluwag pero may naalala siya at bumalik ang galit niya. “Alam mong walang gagawin si Donald sa'yo kahit na kinuha ka niya. Ang kailangan mo lang gawin ay hintayin kaming iligtas ka pero pinili mong kalabanin sila. Kung hindi ka niligtas ni Willie, ililibing sana kita sa halip
Saglit na nagulat si Cameron at natahimik.Ang totoo niyan, hindi niya alam kung bakit gusto niyang tumalon.Hindi niya gusto ang dagat pero nakatira pa rin siya sa isla. Nagigising siya sa dagat bawat araw pero hindi niya magawang magustuhan ito.Pinili ni Cameron na manatili sa kwarto niya kapag pupunta siya sa dagat para sa negosyo. Hindi siya mananatili sa deck kung wala siyang gagawin. Nang makita niya si Nollace sa dagat, inutusan niya ang crew niya na kunin siya.Sa katotohanan, hindi talaga siya ang naglistas sa kaniya.Kung tutuusin, wala siyang pakialam kung buhay siya o patay. Pero naisip niya kung paano namatay ang mom niya sa malamig na dagat kaya nagbago ang isip niya.Bakit niya piniling tumalon nang oras na yon? Dahil ba ayaw niyang mapunta sa kamay ni Donald at magbigay ng problema sa Southern Clan? Hindi siya gaano sigurado doon.Tiningnan ni Cameron ang pink na pig plushie sa kamay ni Waylon habang makikita ang bakas ng pandidiri sa mata niya. “Ano ka ba? Bat
Kukunin ni Donald ang lahat nang kay Fabio sa isla ngayong araw. Ito lang ang tanging paraan para makatapat ang Southern Clan.Sumagot si Chunky. “Masusunod, sir.”…Nalaman ng Southern Clan na nakuha na ni Donald ng southwest district. Pero, dahil sa kalupitan sa Skull Club, maraming organisasyon sa southwest district ang tumatanggi na sundin ang mga utos ni Donald.Nakasara ang mga tindahan dahil sa kaguluhan doon. Kahit ang mga dumadaan at mga lokal na turista ay apektado at walang magawa kundi magtago sa mga hotel.Si Sunny, Waylon at ang iba pa ay nagsama sa private room sa Yuzu Villa para umisip ng paraan para ayusin ang problema na ito.Pagkatapos pakinggan ang report ni Mahina, galit na nagkomento si Quincy, “Nagiging masama lang reputasyon ng East Island dahil sa paraan ng paggawa ni Donald sa mga bagay. Makakaapekto rin ito sa negosyo ng Southern Clan. Kapag nakuha nga niya ang kontrol sa teritoryo ni Fabio, baka hindi tanggapin yun ng mga tao.”“Dahil ginagawa niya i
Plano ‘to ni Donald mula nang pumunta siya sa East Island two years ago.Si Manuel ang unang hakbang sa plano niya.Pagkatapos makuha ang tiwala ni Manuel, sinabihan niya ito na ilipat sa kaniya ang pera na nakuha niya mula sa The Commune.Mapapaliwanag nito kung paano niya nagawang kontrolin ang lahat nang dumating siya sa East Island, isang lugar na hindi siya pamilyar, isang tao na walang kahit ano.Matatali din niya ang Skull Club.Nanginginig sa galit ang katawan ni Fabio. “G*go ka! Anong kasunduan ang ginawa mo sa kanila?”Tumingin si Donald sa kaniya na may mapagmalaking ngiti sa kaniyang mukha. “Sinabi ko sa kanila na bibigyan ko sila ng hati pagkatapos kang palitan.”Pagkatapos non, tumayo siya nang tuwid at naglakad papunta sa gilid. “Inaamin ko na ambisyoso ka. Gusto mong palawakin ang impluwensya mo sa Ora. Kaya kumakapit ka sa mga organisasyon sa ibang lugar.“Gusto mong kunin ang organisasyon nila at payukuin sila sa'yo pero nakalimutan mo na kasing halaga ng kap
Ginamit ni Donald ang mga tao bilang panangga sa bala. Si Chunky at dalawang lalaki na nakaitim ang bumabaril din habang tinatakpan siya para makatakas.Nang makarating sila sa kanilang sasakyan, sumakay sila doon at pinaandar ang makina. Lumabas ang grupo ng mga pulis at binaril ang sasakyan pero hindi epektibo ‘yon. Habang may pagkakataon, nagmaneho sila palayo at iniwan ang grupo ng pulis.Mas lumalakas ang ulan sa bawat segundo habang mabilis ang andar ng sasakyan sa ulan.Nang mapansin ng lalaki na may harang sa harap, inikot niya ang manibela at nag U-turn para umalis gamit ang ibang kalsada.Habang nagngangalit ang ngipin, sinabi ni Donald, “Bw*sit! Minaliit ko si Fabio. Kailangan na natin makaalis sa East Island ngayon din!”Sigurado siya na nandoon ang mga international police para sa kaniya. Dahil nabunyag na siya, hindi na siya pwedeng manatili sa East Island.Lumabo paningin nila dahil sa malakas na ulan. Wala silang makita sa paligid bukod sa kalsada. Biglang, nakita
“Sa tingin mo ba madaling hulihin ako?”Inatake ulit ni Donald si Nollace. “Hindi ako aamin sa pagkatalo. Kahit na mamatay ako, isasama kita sa impyerno!”Samantala…Pumunta si Mahina sa courtyard na may dalang payong. Nilagay niya sa tabi ang payong at pumasok sa living room. “Mr. Southern Sr.”Tiningnan siya ni Sunny at tinanong, “Kumusta ang sitwasyon ngayon?”“Nakatakas si Donald.” Tumigil siya nang dalawang segundo bago nagpatuloy. “Pero mag-isang pumunta sa kaniya si Mr. Knowles. Sa tingin ko kaya niyang pigilan si Donald hanggang sa makarating sila.”Tumayo si Daisie sa upuan niya. “Mag-isa niyang hinarap si Donald?”Tumango si Mahina.Madiin na kinagat ni Daisie ang dila niya na parang hindi siya makapaniwala na mag-isang haharapin ni Nollace si Donald.Nang tatalikod na siya, sinabi ni Sunny, “Kapag pumunta ka doon ngayon, mas magiging magulo lang ang sitwasyon.”Sumagot si Daisie, “Paano kung may nakahanda pang pakana si Donald? Hindi ko pwedeng hayaan na mag-isa ni
"Lagi ka namang maingat pero lahat ng tao ay nagkakamali, natural lang na hindi mo napansin na nag-iba ang bilang ng mga tao. May pakialam ka pa ba kung napalitan ng ibang baril ang baril mo?"Nasira na ang plano niya ng dumating ang mga pulis. Hinding-hindi niya malalaman na nakakuha na ng oportunidad si Jake na palitan ang sarili niyang baril dahil hindi naman niya pinapansin ang sarili niya buong pangyayari.Tumawa si Donald. “Nollace Knowles, napakasama mo nga talaga. Alam mo talaga na pareho ang sasakyan niya sa amin pero binangga mo pa rin kami para pahintuin. Hindi ka ba natatakot na baka mamatay din siya?”Walang ekspresyon si Nollace. “Hindi ko naman intensyon na patayin ka pero kung hindi ako gumawa ng paraan para pahintuin ang kotse mo, hindi pa rin naman siya makakaligtas ng buhay pag mapansin ng mga tauhan mo na may kakaiba sa ginagawa niya.”Magiging ligtas lang si Jake pag nagkaroon ng gulo at panganib.Kung hindi gumawa ng paraan si Jake at nag maneho papunta sa pu
Kahit na nakatago si Jake sa mga tauhan ni Donald bilang isang saksi, kahit na siya ang nag papunta kay Donald sa dock, sinong makaka-isip na si Donald bilang isang maingat na tao ay hahayaang mabuhay si Nollace?Kaya kahit konting pagbabago lang sa plano ay makukuha na ang atensyon ni Donald sa sitwasyon na iyon. Sobrang galit si Donald kay Nollace kaya paano niya nakayang pigilan ang sarili niyang patayin si Nollace kahit nakatayo ito sa harap niya?Nag hot bath si Nollace, nagsuot siya ng malinis na damit at lumabas na ng banyo. Pinatayo niya ang buhok niya gamit ang towel at tumalikod tapos nakita na nilalagay ni Daisie ang tasa ng ginger and lemon tea sa mesa.Nilagay ni Nollace ang towel sa mesa, lumapit siya kay Daisie, tinawag niya ito at niyakap mula sa likod.Tumalikod si Daisie para tingnan siya. “Anong problema?”Nilubog ni Nollace ang mukha niya sa balikat ni Daisie at leeg, inamoy niya ang scent ng shampoo sa buhok ni Daisie, ngumiti siya. “Masaya lang ako.”Tinulak
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell
Naningkit ang mata ni James. “Yung mga lalaking pinipili mo ay yung mga magagaling?”Hindi sumagot si Giselle.Pinatunog ni James ang dila niya at umiling. “Hindi naman ‘yon mali, pero ang importante, dapat piliin mo yung taong mahal ka. Kung hindi ka niya mahal, hindi siya mapupunta sayo, kahit na gaano siya kagaling. Isang commodity ba ang tingin mo sa isang relasyon?”Huminga nang malalim si Giselle at tumingin siya kay James. “Pinangangaralan mo ba ako?”“Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado kang self-centered at gusto mong ikaw lagi ang nasusunod. Gusto mo kontrol mo ang lahat. Na-realize ko ito nang pinirmahan natin ang kontrata. “Hindi mo gusto ng blind dates pero hindi mo naman gusto na i-reject sila, kaya gusto mo ng tulong ko at gusto mo na mag-set ako ng rules. Kailangan ko magpanggap na isa akong perfect boyfriend nang makipagkita ako sa magulang mo. Hindi mo naman sinusubukan na magpanggap na girlfriend ko. Baka isipin ng mga tao na boss kita.”Nainis si Giselle. “Ik
Bumalik si Giselle sa sarili niya at natawa. “Sa tingin mo ba kailangan mo akong turuan niyan?”“Hindi. So, dapat mas maging self-aware ka pag nagpapanggap ka na girlfriend ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “Halimbawa…” Biglang naglakad si James, kaya napaatras si Giselle. Ngumiti siya. “Tulungan mo akong ayusin ang gamit ko.” Walang masabi si Giselle. Umupo si James sa tabi ng luggage at nagpatuloy na mag-ayos. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? ‘Di ba dapat tumutulong ang girlfriend?”Hindi alam ni Giselle ang sasabihin niya.Matapos maayos ang mga bag ni James, tinulungan siya ni Giselle sa isang bag. Inabot niya iyon sa assistant nang makita niya ito. “Hawakan mo.”Huminto ang assistant at tiningnan si James na naglalakad palapit.Naningkit ang mata ni James. “Ms. Peterson, sa tingin mo ba mabigat ang mga bag ko para sayo?”“Lalabas tayo? Hindi ka ba natatakot—”“Alam na ng media na may relasyon tayo. Hindi na natin kailangan magtago kaya bakit hindi na lang tayo maging
Nagpadala ang lahat sa online ng mga pagbati nila, pero iba pa rin ang ginagawa ng mga fans ni James.Hindi lang sa inaasar nila ang kanilang idol na hindi ito magaling sa lahat ng bagay—kaya hindi magiging madali sa kaniya ang magkaroon ng career-driven na girlfriend—pero sinabi rin nila na siguradong si James ang magiging sunod-sunuran.#Sa totoo lang, gustong-gusto kong makita siyang pinapalo ng asawa niya.##Binabayaran ba siya para i-date yung babae?##Narinig ko na sobrang mayaman ang mga Peterson. Kakaiba ang mga gusto niya.#…Ilang araw matapos lumabas ang balita, wala kala James o Giselle ang sumagot at mukhang tahimik na lang nila itong tinanggap.Ilang reporters ang pumunta sa Hewston Resort para makisapaw sa nangyayari at makausap si Giselle, pero hindi niya tinanggap ang kahit anong request ng mga ito. Ilan sa mga reporter ang binalik ang dating usap-usapan na sinubukan ni Giselle dati na paghiwalayin sila Colton at Freyja. Nagkaroon iyon ng malawakang usapan sa
Tiningnan ni Giselle si James. “Hindi ba't magaling ka umarte? Gawin mo ang lahat para magtago.”“Hindi ‘yan nakabase sa akin. Tingnan mo kung paano mo ako tinatrato. Normal ba ‘yon sa mga couple? Sa tingin ko ikaw ang magiging dahilan para mahuli tayo.”Natigil si Giselle nang sandali. “Sige, tatandaan ko ‘yan.”Tiningnan siya ni James. “Gagawin mo ba ang lahat ng sasabihin ko sa'yo?”“Huwag kang mag-alala. Makikisama ako.”Trinato ‘yon ni Giselle bilang trabaho. Ginawa niya yon nang maayos at binigay niya ang lahat.Tiningnan siya ni James habang nag-iisip.Pagdating sa acting, mas professional siya doon pero wala siya sa character. Sumusunod lang siya sa mga rule pero mas magaling pa ang ibang aktres na nakatrabaho niya noon.Pero ayos lang dahil ilang taon lang naman ito.Mas maganda kung wala siya gaano sa character dahil kapag nahulog siya, mahihirapan siyang tanggalin ito kalaunan.Nang 9:30 p.m., hinatis ni Giselle si James sa hotel malapit sa kaniyang filming locatio
“Salamat man, ang bait mo.”Nang sabihin niya ‘yon, nang makita ni Yvonne na sapat lang para sipsipin ang sabaw sa tasa niya, nawala ang ngiti sa kaniyang mukha. Hindi niya mapigilan na umirap.‘Nang sinabi niyang bibigyan niya ako nang kaunti, ganoon talaga ang ibig niyang sabihin, huh?’Nang makita ang ekspresyon niya, hindi mapigilan ng aktor na gumanap bilang pulis na tumawa at mahiwatig na sinabing, “Evie, sinabi niya lang na galing sa pamilya niya ang sabaw pero baka hindi ito galing sa mom niya.”Agad na naintindihan ni Yvonne ang ibig niyang sabihin. “Pfft, kaya pala. Kaya pala ang damot niya…”Pabulong na lang ang huli niyang sinabi.Pagkatapos uminom ni James ng sabaw, kumunot niya nang kakaiba ang titig sa kaniya ng dalawa. “Anong problema?”“Wala, ayos lang ang lahat. I-enjoy mo ang sabaw mo, hindi ka na namin guguluhin ni Evie.”Nagpalitan ng tingin ang aktor at si Yvonne, at bumalik silang dalawa sa ginagawa nila.Sa kabilang banda ng siyudad…Nang makabalik si
Sa Kong Ports…Si James na nagsh-shoot ng sunod niyang scene sa police station ay bumahing ng tatlong beses at ang actor na gumaganap bilang pulis na nasa harap miya ay inangat ang kaniyang ulo. “Nagkaroon ka ba ng sipon ngayong mainit naman ang panahon?”“Mukhang may naninira sa akin.”Inasar siya ng actor. “Baka may nag-iisip sa'yo.”‘Iniisip ako?’Nagulat si James at nanginig habang naaalala ang mukha ng babae sa isip niya.‘Imposible ‘yon.’Pagkatapos magbiruan ng dalawa, nagsimula na ang filming ay sumigaw si Ronny, “Action!”Ang aktor na gumanap bilang police officer ay agad na nakahanda sa kaniyang role at hinampas ang notebook sa mesa. “Nagpapanggap ka pa rin na inosente? May fingerprint mo ang tasa na ginamit ng namatay! So ikaw ang naglagay ng sleeping pills sa inumin niya? Sabihin mo na sa akin ang totoo!”Dahil hindi inakala ni James na nakahanda na agad ito sa eksena, bigla siyang tumawa. Nasira ng tawa ni James ang eksena pero nang mapansin niya na hindi tinapos
Inangat ni Cameron ang ulo niya at kinagat ang kaniyang tinidor. “So, ako ba ang special?”Kinuhanan siya ni Waylon ng sabaw. “Matakaw ka lang din talaga. Kakain ka nang kahit ano kung walang pipigil sa'yo.”Kinagat niya ang kaniyang labi at walang sinabi.Tumawa si Nicholas. “Mabuti sa buntis na kumain nang marami. Nang buntis ang lola niyo sa dad niyo, mahilig din siya kumain tulad ni Cam. Kakainin niya ang lahat ng makikita niya. Nagtago pa nga siya ng ibang pagkain mula sa'kin.”Sa pagtatago ng pagkain, na-guilty bigla si Cameron.Napansin ni Waylob ang pagbabago sa ekspresyon niya at naningkit. “Sinasabi mo ba sa akin na nagtago ka rin?”Mabilis siyang tumanggi. “Hindi! Mukha ba akong magtatago ng pagkain? Imposible talaga ‘yon!”Tumawa ang lahat ng nasa dining table.…Sa isang iglap, nagsisimula na ang July. Nang summer break ni Deedee, dinala siya ni Brandon sa Yaramoor, at pumunta rin doon si Freyja para bisitahin si Leia at Norman.Naka-graduate na rin sila at inasi
Lumapit si Waylon sa ice cream cart at nang kukunin na niya ang wallet niya, ilang bata ang tumingin sa kaniya nang masama. “Sir, may pila dito. Hindi ka pwedeng sumingit.”Natigil siya sandali, lumapit siya at tiningnan ang mga bata. “Paano kung ganito? Bibilhan ko pa kayo ng tig-iisang ice cream at ang kailangan niyo lang gawin ay pasingitin ako, okay?”Nagpalitan ng tingin ang mga bata.‘Mukhang magandang kasunduan ito!’Lahat sila ay pumayag sa sinabi ni Waylon sa huli.Bumili si Waylon ng ice cream at bumili pa ng tig-iisa sa mga bata habang nandoon. Pagkatapos magbayad sa lahat ng ice cream, kinuha niya ang isa at lumapit kay Cameron.Hindi mapigilan ni Cameron na matawa nang malakas. “Nakaisip ka talaga nang ganoong paraan para sumingit sa pila?”Inabot ni Waylon ang ice cream sa kaniya. “Ang problema na kayang ayusin ng ice cream ay hindi problema sa akin.”Binuksan ni Cameron ang ice cream at tinikman.Kapag nagsabay ang mainit na panahon at malamig na ice cream, naka