Ginamit ni Donald ang mga tao bilang panangga sa bala. Si Chunky at dalawang lalaki na nakaitim ang bumabaril din habang tinatakpan siya para makatakas.Nang makarating sila sa kanilang sasakyan, sumakay sila doon at pinaandar ang makina. Lumabas ang grupo ng mga pulis at binaril ang sasakyan pero hindi epektibo ‘yon. Habang may pagkakataon, nagmaneho sila palayo at iniwan ang grupo ng pulis.Mas lumalakas ang ulan sa bawat segundo habang mabilis ang andar ng sasakyan sa ulan.Nang mapansin ng lalaki na may harang sa harap, inikot niya ang manibela at nag U-turn para umalis gamit ang ibang kalsada.Habang nagngangalit ang ngipin, sinabi ni Donald, “Bw*sit! Minaliit ko si Fabio. Kailangan na natin makaalis sa East Island ngayon din!”Sigurado siya na nandoon ang mga international police para sa kaniya. Dahil nabunyag na siya, hindi na siya pwedeng manatili sa East Island.Lumabo paningin nila dahil sa malakas na ulan. Wala silang makita sa paligid bukod sa kalsada. Biglang, nakita
“Sa tingin mo ba madaling hulihin ako?”Inatake ulit ni Donald si Nollace. “Hindi ako aamin sa pagkatalo. Kahit na mamatay ako, isasama kita sa impyerno!”Samantala…Pumunta si Mahina sa courtyard na may dalang payong. Nilagay niya sa tabi ang payong at pumasok sa living room. “Mr. Southern Sr.”Tiningnan siya ni Sunny at tinanong, “Kumusta ang sitwasyon ngayon?”“Nakatakas si Donald.” Tumigil siya nang dalawang segundo bago nagpatuloy. “Pero mag-isang pumunta sa kaniya si Mr. Knowles. Sa tingin ko kaya niyang pigilan si Donald hanggang sa makarating sila.”Tumayo si Daisie sa upuan niya. “Mag-isa niyang hinarap si Donald?”Tumango si Mahina.Madiin na kinagat ni Daisie ang dila niya na parang hindi siya makapaniwala na mag-isang haharapin ni Nollace si Donald.Nang tatalikod na siya, sinabi ni Sunny, “Kapag pumunta ka doon ngayon, mas magiging magulo lang ang sitwasyon.”Sumagot si Daisie, “Paano kung may nakahanda pang pakana si Donald? Hindi ko pwedeng hayaan na mag-isa ni
"Lagi ka namang maingat pero lahat ng tao ay nagkakamali, natural lang na hindi mo napansin na nag-iba ang bilang ng mga tao. May pakialam ka pa ba kung napalitan ng ibang baril ang baril mo?"Nasira na ang plano niya ng dumating ang mga pulis. Hinding-hindi niya malalaman na nakakuha na ng oportunidad si Jake na palitan ang sarili niyang baril dahil hindi naman niya pinapansin ang sarili niya buong pangyayari.Tumawa si Donald. “Nollace Knowles, napakasama mo nga talaga. Alam mo talaga na pareho ang sasakyan niya sa amin pero binangga mo pa rin kami para pahintuin. Hindi ka ba natatakot na baka mamatay din siya?”Walang ekspresyon si Nollace. “Hindi ko naman intensyon na patayin ka pero kung hindi ako gumawa ng paraan para pahintuin ang kotse mo, hindi pa rin naman siya makakaligtas ng buhay pag mapansin ng mga tauhan mo na may kakaiba sa ginagawa niya.”Magiging ligtas lang si Jake pag nagkaroon ng gulo at panganib.Kung hindi gumawa ng paraan si Jake at nag maneho papunta sa pu
Kahit na nakatago si Jake sa mga tauhan ni Donald bilang isang saksi, kahit na siya ang nag papunta kay Donald sa dock, sinong makaka-isip na si Donald bilang isang maingat na tao ay hahayaang mabuhay si Nollace?Kaya kahit konting pagbabago lang sa plano ay makukuha na ang atensyon ni Donald sa sitwasyon na iyon. Sobrang galit si Donald kay Nollace kaya paano niya nakayang pigilan ang sarili niyang patayin si Nollace kahit nakatayo ito sa harap niya?Nag hot bath si Nollace, nagsuot siya ng malinis na damit at lumabas na ng banyo. Pinatayo niya ang buhok niya gamit ang towel at tumalikod tapos nakita na nilalagay ni Daisie ang tasa ng ginger and lemon tea sa mesa.Nilagay ni Nollace ang towel sa mesa, lumapit siya kay Daisie, tinawag niya ito at niyakap mula sa likod.Tumalikod si Daisie para tingnan siya. “Anong problema?”Nilubog ni Nollace ang mukha niya sa balikat ni Daisie at leeg, inamoy niya ang scent ng shampoo sa buhok ni Daisie, ngumiti siya. “Masaya lang ako.”Tinulak
Umupo si Cameron sa front passenger seat.Habang nagmamaneho, sumandal si Cameron sa bintana at pinatong ang noo niya sa kaniyang kamay. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.”Nakahawak si Waylon sa manibela at huminto sa gilid ng kalsada. “Tapos na lahat ngayon.”Huminto si Cameron nang ilang sandali at tumingin siya kay Waylon. “Ibig sabihin, nahuli na si Donald?”Mahinang hum ang sagot ni Waylon at pinunta ang kotse sa parking space.Yumuko si Cameron.‘Ibig sabihin ng pagkahuli kay Donald ay tapos na ang lahat ngayon, at oras na para bumalik na sila sa Zlokova.’Nakabukas ang pinto ng front passenger seat at nakatayo na si Waylon sa labas ng kotse. “Oras na para lumabas ka na ng kotse.”Tinanggal ni Cameron ang seatbelt niya at lumabas ng kotse hawak ang Coke. Pero agad na kinuha yun ni Waylon kay Cameron bago pa siya makainom ulit. “Dapat kumain ka muna.”“Wala ka ng pakialam.”Inabot iyon ni Cameron pero agar na hinagis ni Waylon para itapon sa basurahan sa gilid ng kal
Hindi na nagsalita si Cameron.Kinulot ni Waylon ang buhok ni Cameron gamit ang daliri niya, nilaro iyon at kaswal na sinabi, “Lalo na't, baka hindi na rin natin makita ang isa't isa sa susunod.”“Lahat naman ay matatapos.” Tumingin si Cameron kay Waylon. “Ganun ng buhay.”Tinaas ni Waylon ang tingin niya at tinitigan si Cameron.Parang nakalaan na kay Cameron ang tingin niya, at nakakatakot iyon. Namumula ang pisngi niya dahil nakatitig sa kaniya si Waylon kaya umiwas siya ng tingin. “Wala ng kwenta kung titingnan mo ako ng ganyan…”Agad na dagdag ni Cameron, “Hindi naman kita babayaran para sa pagkain na ito.”May sayang bakas sa mata ni Waylon. “Hindi mo kailangan magbayad.”Kinuha ni Cameron ang water glass sa mesa. “Hindi ko rin naman plano magbayad.”Ngumiti lang si Waylon pero wala siyang sinabi.Matapos kumain, dinala na siya ulit ni Waulon sa ospital at nag park siya malapit sa convenience store. Matapos ang ilang minuto, bumalik siya sa kotse at inabot kay Cameron an
Hindi nakagalaw si Cameron. Sobrang nahihiya siya nang tiningnan niya ang teacup na hawak niya.‘Ginamit ko ba ang cup ng iba tapos uminom ng tsaa?’ Buti na lang, walang nakatingin sa kaniya kaya pinigilan niya ang bakas ng kaniyang ekspresyon, nilagay niya an teacup sa mesa, binalik malapit kay Waylon, at mahinang sinabi, “Anyway, hindi naman ako ang nawalan.”Pinunasan ni Waylon ang ibabaw ng teacup, yumuko siya at ngumisi. “Laging yan ang sinasabi ng mga taong ginagamit ang iba.”Kaswal na sumagot si Cameron, “Oo, tama ka tungkol dyan.”Dahan-dahang naglagay ng tsaa si Waylon sa cup niya, kinuha niya iyon at nilagay sa kaniyang labi. Nagulat ng ilang sandali si Cameron at hindi niya kayang kumalma sa nangyayari.Dahan-dahan niyang ininom ang tea, nasa ibabaw na ng tasa ang mga labi niya na may lipstick mark pa ni Cameron. Nakakaakit para kay Cameron kung paano uminom ng tea si Waylon at paano niya pinunasan ang sulok ng kaniyang labi.Parang sinasadya ni Waylon iyon pero par
Kinuha ni Maisie ang prutas at lumapit. “Anong tinitingnan mo?” Tumingin si Nolan at binaba ang phone niya. “Natapos ang nangyayari sa East Island.”Nilapag ni Maisie ang plato sa mesa at ngumiti. “Sa tingin ko ligtas na ang mga bata ngayon.” Kinuha ni Maisie ang slice ng orange at inabot kay Nolan.Sinara ni Nolan ang magazine, kinain niya ang orange at niyakap si Maisie. “Mas sweet ang orange pag ikaw nagbigay sa akin.”Kinuha ni Maisie ang cherry. “Kung katulad mo ang mga anak natin pag dating sa paglalambing, hindi ako masyadong mag-aalala.”Ngumiti si Nolan. “May pinagdadaanan sila, normal lang yun. Lumaki sila Colton at Daisie kasama tayo ay hindi sila mag-isa tulad ni Waylon na mas mature. Hindi magaling si Colton na ipakita ng nararamdaman niya, masyado siyang straightforward. Alam mo yan.”Hinaplos ni Maisie ang ulo niya. “Kaya ako nag-aalala.”Hindi si Maisie masyadong nangingialam sa relasyon ng mga anak nila dahl sila dapat ang magdesisyon para sa sarili nila at wal
Hinaplos ni Xyla ang buhok nito. “Oo, magiging pamangkin muna sila mula ngayon.”Tinagilid ni Xena ang ulo niya. “Ano ang pamangkin? Pwede ko ba kainin yung pamangkin?”Tumawa nang malakas si Xyla. “Bakit gusto mo lagi kainin ang lahat ng nakalagay sa harapan mo? Hindi mo pwedeng kainin ang pamangkin mo.”Habang tinitingnan ang inosenteng bata, naiinggit na sinabi ni Daisie, “Kung mayroon lang din akong babae na anak.”Ngumiti si Xyla at nagpatuloy. “Cute din naman ang anak na lalaki. Mula ngayon, magiging little knight mo sila, poprotektahan ka mula sa panganib. Pangarap ko ang magkaroon ng asawa at tatlong anak na lalaki.”Sa oras na yon, pumasok si Yorrick at Nollace sa kwarto mula sa likod ng garden.Nang makita ang dad niya, tumawa si Xena. “Daddy! Nakikipaglaro ako sa mga pamangkin ko!”Huminto si Yorrick sa tabi niya at hinaplos ang ulo nito gamit ang palad niya. “Oh talaga? Masaya ka ba na kalaro sila?”Tumango siya. “Opo!”Hinaplos ni Xyla ang pisngi niya. “Kung ganoo
Kumunot si Morrison. “Bakit ang komportable mo sa akin?”Pinasok ni Leah ang mga gamit sa living room at tiningnan si Morrison. “Hindi mo ako type, hindi ba?”Natahimik si Morrison.Kinuha ni Leah ang shower gel at nagulat siya.‘Orchid-scented talaga ito? Mahilig ang mga batang babae sa ganitong amoy, hindi ba?”“Bakit ito ang binili mo?”Lumapit siya sa couch at umupo. “Paano ko malalaman ang ginagamit mo? Kinuha ko na lang kung ano ang nasa rack.”‘Pipiliin ko na lang mamatay kaysa sabihin sa kaniya na tinanong ko pa sa cashier na sabihin sa akin ang mga toiletries na gusto ng mga babae.’Nang makita na hindi lang toothbrush at mouthwash cup ang pambabae kundi pati ang towel, gusto ni Leah tumawa.‘Hayaan mo na. Pumunta siya sa supermarket para ibili sa akin ang mga ito.’“Anong gusto mong inumin?”Inayos ni Morrison ang upo niya. “Kahit anong mayroon ka sa fridge.”Binuksan ni Leah ang refrigerator. Mabuti naman at may dalawa pa siyang can ng kape.Inabot sa kaniya ni
Tiningnan ni Leah ang babae at hindi mapigilan na kumunot.Natauhan siya nang lumabas si Dennis sa lounge at nakasalubong siya.Bahagyang nataranta ang mga mata nito. “Bakit ka nandito?” “Napadaan lang ako Kayong dalawa ba ay…”Biglang tumawa si Dennis. “Oh, girlfriend ko siya at nag-away lang kami dahil niloko niya ako. Naubos ang pasensya ko kaya nagkaroon ng kaunting problema. Please, huwag mo sana masamain.”Bahagyang nagulat si Leah at pilit na ngumiti. “Problema mo ‘yon sa kaniya kaya wala kang dapat ipag-alala na baka masamain ko. May kailangan akong puntahan kaya mauuna na ako.”“Nakahanap ka na ba ng titirahan?” nanggaling sa likod ang boses ni Dennis.Huminto si Leah at tiningnan siya. “Paano mo nalaman na naghahanap ako ng matitirahan?”“Dahil nanatili ka sa hotel nitong mga nakaraan kaya sa tingin ko ay wala ka pang nahahanap na lugar.” Lumapit sa kaniya si Dennis. “May bakante akong apartment, kaya bakit hindi mo tirahan? Kalahati lang ang sisingilin ko kaysa sa
Hinila ni Leah ang luggage niya at pinasok sa trunk ng sasakyan niya, lumingon siya sa manager. “Salamat pero sa tingin ko ay hindi ko na kailangan.”“Ms. Younge…”“May nangyari ba?”Nang marinig ang ibang boses, lumingon si Leah at nakita si Dennis na palabas mg sasakyan at papalapit sa kanilang dalawa.Bahagyang tumangonang manager. “Mr. Clarke.”Naningkit ang mata ni Leah. “Magkakilala kayo?”Nakangiting nagpaliwanag si Dennis, “Ako ang may-ari ng hotel na ito pero hindi ko inakala na nandito ka.”Nagulat si Leah. “Ganoon ba?”“Anong nangyari?” Tinanong ni Dennis ang manager para magpaliwanag at tapat na sumagot ang manager.Kumunot si Dennis. “Kapag may nangyari na ganoon, dapat tanggalin ang empleyado.”“P-Pero kulang na ng tao ang hotel ngayon at mukhang mahihirapan na tayo mag-recruit ng panibago kapag tinanggal natin siya.” Hindi mapigilan ng manager na makaramdam na parang sumusobra naman si Dennis sa desisyon niya.Malamig siyang tiningnan ni Dennis. “Kung nakagaw
Nagulat si Leah.‘Posible kaya na si Morrison ‘yon?’Pumunta si Leah sa pinto at bubuksan na sana ‘yon nang bigla niyang narinig ang boses ni Morrison. “Sino ka ba?”Hindi nagtagal pagkatapos non ay may kaguluhan na nagmula sa kabilang banda ng pinto sa corridor.Agad na binuksan ni Leah ang pinto at lumabas, nakita niya si Morrison na parang may hinahabol pero mabilis ang paa ng tao na ‘yon.“Morrison!” sigaw ni Leah.Lumingon siya sa dulo ng corridor at galit na sumigaw, “Hindi mo na naman binasa ang text na sinend ko sa'yo, ano!?”Natigil ang nasigawab na si Leah at nagtataka ang ekspresyon, “Anong text message ang sinasabi mo?”Huminga nang malalim si Morrison at suminghal sa inis. “Pwede mong itapon ang cell phone mo kung wala kang plano na gamitin. Nag-text ako sa'yo, sinabihan kita na huwag bubuksan ang pinto kahit na may marinig ka na katok sa pinto. Sa tingin ko hindi ka naman takot mamatay, huh?”‘Kung hindi ko siya binantayan para sa ganoong insidente, sa tingin ko
Nililinis ni Leah ang damit niya at bahagya siyang nagulat nang marinig kung ano ang sinabi ng lalaki. Inangat niya ang kaniyang ulo para tingnan siya at ngumiti. “Hindi na ‘yon kailangan. Salamat.”Pagkatapos non, umalis siya.Tiningnan ni Dennis ang direksyon kung saan pumunta si Leah nang may pilyo na ngiti sa kaniyang mukha.Pagkatapos ni Leah pumunta sa banyo, hinubad niya ang kaniyang jacket. Sinubukan niyang linisin ang mantsa ng kape sa kaniyang jacket pero walang nangyari. Kaya naman, wala siyang ibang magawa kundi maghintay na makauwi bago niya malabhan ang jacket.Pero, mukhang masyadong masigla para sa kaniya ang lalaki na Dennis ang pangalan.‘Kasing sigla ba niya lahat ng lalaki sa Stoslo?’ naiisip niyang tanong.Nang tanghali, sinabit ni Leah ang jacket sa kaniyang braso. Isang sasakyan ang huminto sa harap niya nang lumabas siya ng building. Ibinaba ng driver ang bintana at ang nandoon ay walang iba kundi si Dennis.“Pasensya na talaga at namantsahan ko ng kape a
Binalik ni Diana si Tic sa stroller at sinabing, “Hindi ako magaling magbigay ng pangalan. Tanungin mo ang dad mo. Mas magaling siya sa akin dito.”Tumango si Nollace. “Kung ganoon, Dad, kailangan ko ng tulong mo na alagaan mula sila sandali.”Nagulat si Rick. “Ano? Ako?”“Ang tagal na nang huling pagkakataon namin ni Daisie na maglaan ng oras para sa isa't isa,” galit na sinabi ni Nollace.Matagal na nang huling nagkaroon sila nang intimate activity at mas imposible pa ‘yon na mangyari ngayon lalo na’t kasama nila ang tatlong bata.Sa sobrang kahihiyan ni Daisie ay gusto niyang humanap ng butas at ilibing ang sarili niya. Hindi niya alam kung bakit nagagawa ni Nollace na magsabi nang bagay na nakakahiya sa magulang nila.Hindi nagtagal, tinanggap ni Rick ang tungkulin sa pag-aalaga ng tatlong bata. At para kay Daisie at Nollace, kung wala ang mga bata sa paligid nila, nakadikit lang si Nollace kay Daisie mula umaga hanggang gabi. Pareho nilang sinamantala ang mga araw at parang
“Kung tutuusin, kadalasan na iniisip ng mga lalaki na responsibilidad ng babae na alagaan ang anak nila at dapat matuwa ang babae kapag handa silang tumulong paminsan-minsan. Ang iba sa mga lalaki ay ayaw pa na alagaan ang anak nila. Naiintindihan ng asawa mo na naghirap ka sa panganganak kaya naniniwala ako na magiging mabuting ama siya,” sabi ng nanny.Nagulat si Daisie.Ang totoo niyan ay pakiramdam niya na tama ang nanny. Swerte talaga siya. Kung tutuusin, kadalasan ay si Nollace ang nag-aalaga sa mga bata.Kapag umiiyak ang anak nila sa kalaliman ng gabi, siya ang maghahanda ng gatas at pagagaanin ang loob ng mga ito.Tumingin siya sa tatlong baby at malaki ang mga ngiti, “Mabuti nga siyang ama.”Nang gabi, umakyat si Nollace sa taas para hanapin si Daisie pagkauwi niya.Nang hindi niya makita si Daisie sa kwarto, pumunta siya sa baby room at nakita na natutulog ito kasama ang mga anak nila.Inilagay ni Nollace ang jacket sa likod ng upuan at lumapit sa kama.Nakakatuwa an
Ngumiti si Estelle at sinabing, “Masaya kami na nandito ka. Hindi ka na dapat nagdala pa ng regalo.”Dinala siya ni Gordon at Estelle sa living room. Hindi madali kay James na umalis sa kaniyang shooting at pumunta rito kaya naman sinabihan nila ang kanilang mga katulong na maghanda nang masasarap na pagkain.Maraming tanong sa kaniya si Estelle katulad kung ano ang pelikula na sinu-shoot niya ngayon at handa niya itong sinagot lahat. Masaya siya sa katapatan nito at mapagkumbabang ugali.“Nakakapagod siguro maging aktor, ano?”Pinagkrus ni James ang mga daliri niya at nakangiting sumagot, “Oo, nakakapagod nga. Pero wala namang madaling trabaho sa mundo.”“Ayos lang lang yon. Naiintindihan naming lahat kung gaano kahirap at nakakapagod ang pagiging aktor. Pero sana alagaan mo ang kalusugan mo kahit na gaano ka pa ka abala,” mahinahon na sinabi ni Estelle.Hindi alam ni James kung bakit siya na-konsensya sa maayos na trato ng mga ito sa kaniya. Kung tutuusin, hindi sila totoong ma