Plano ‘to ni Donald mula nang pumunta siya sa East Island two years ago.Si Manuel ang unang hakbang sa plano niya.Pagkatapos makuha ang tiwala ni Manuel, sinabihan niya ito na ilipat sa kaniya ang pera na nakuha niya mula sa The Commune.Mapapaliwanag nito kung paano niya nagawang kontrolin ang lahat nang dumating siya sa East Island, isang lugar na hindi siya pamilyar, isang tao na walang kahit ano.Matatali din niya ang Skull Club.Nanginginig sa galit ang katawan ni Fabio. “G*go ka! Anong kasunduan ang ginawa mo sa kanila?”Tumingin si Donald sa kaniya na may mapagmalaking ngiti sa kaniyang mukha. “Sinabi ko sa kanila na bibigyan ko sila ng hati pagkatapos kang palitan.”Pagkatapos non, tumayo siya nang tuwid at naglakad papunta sa gilid. “Inaamin ko na ambisyoso ka. Gusto mong palawakin ang impluwensya mo sa Ora. Kaya kumakapit ka sa mga organisasyon sa ibang lugar.“Gusto mong kunin ang organisasyon nila at payukuin sila sa'yo pero nakalimutan mo na kasing halaga ng kap
Ginamit ni Donald ang mga tao bilang panangga sa bala. Si Chunky at dalawang lalaki na nakaitim ang bumabaril din habang tinatakpan siya para makatakas.Nang makarating sila sa kanilang sasakyan, sumakay sila doon at pinaandar ang makina. Lumabas ang grupo ng mga pulis at binaril ang sasakyan pero hindi epektibo ‘yon. Habang may pagkakataon, nagmaneho sila palayo at iniwan ang grupo ng pulis.Mas lumalakas ang ulan sa bawat segundo habang mabilis ang andar ng sasakyan sa ulan.Nang mapansin ng lalaki na may harang sa harap, inikot niya ang manibela at nag U-turn para umalis gamit ang ibang kalsada.Habang nagngangalit ang ngipin, sinabi ni Donald, “Bw*sit! Minaliit ko si Fabio. Kailangan na natin makaalis sa East Island ngayon din!”Sigurado siya na nandoon ang mga international police para sa kaniya. Dahil nabunyag na siya, hindi na siya pwedeng manatili sa East Island.Lumabo paningin nila dahil sa malakas na ulan. Wala silang makita sa paligid bukod sa kalsada. Biglang, nakita
“Sa tingin mo ba madaling hulihin ako?”Inatake ulit ni Donald si Nollace. “Hindi ako aamin sa pagkatalo. Kahit na mamatay ako, isasama kita sa impyerno!”Samantala…Pumunta si Mahina sa courtyard na may dalang payong. Nilagay niya sa tabi ang payong at pumasok sa living room. “Mr. Southern Sr.”Tiningnan siya ni Sunny at tinanong, “Kumusta ang sitwasyon ngayon?”“Nakatakas si Donald.” Tumigil siya nang dalawang segundo bago nagpatuloy. “Pero mag-isang pumunta sa kaniya si Mr. Knowles. Sa tingin ko kaya niyang pigilan si Donald hanggang sa makarating sila.”Tumayo si Daisie sa upuan niya. “Mag-isa niyang hinarap si Donald?”Tumango si Mahina.Madiin na kinagat ni Daisie ang dila niya na parang hindi siya makapaniwala na mag-isang haharapin ni Nollace si Donald.Nang tatalikod na siya, sinabi ni Sunny, “Kapag pumunta ka doon ngayon, mas magiging magulo lang ang sitwasyon.”Sumagot si Daisie, “Paano kung may nakahanda pang pakana si Donald? Hindi ko pwedeng hayaan na mag-isa ni
"Lagi ka namang maingat pero lahat ng tao ay nagkakamali, natural lang na hindi mo napansin na nag-iba ang bilang ng mga tao. May pakialam ka pa ba kung napalitan ng ibang baril ang baril mo?"Nasira na ang plano niya ng dumating ang mga pulis. Hinding-hindi niya malalaman na nakakuha na ng oportunidad si Jake na palitan ang sarili niyang baril dahil hindi naman niya pinapansin ang sarili niya buong pangyayari.Tumawa si Donald. “Nollace Knowles, napakasama mo nga talaga. Alam mo talaga na pareho ang sasakyan niya sa amin pero binangga mo pa rin kami para pahintuin. Hindi ka ba natatakot na baka mamatay din siya?”Walang ekspresyon si Nollace. “Hindi ko naman intensyon na patayin ka pero kung hindi ako gumawa ng paraan para pahintuin ang kotse mo, hindi pa rin naman siya makakaligtas ng buhay pag mapansin ng mga tauhan mo na may kakaiba sa ginagawa niya.”Magiging ligtas lang si Jake pag nagkaroon ng gulo at panganib.Kung hindi gumawa ng paraan si Jake at nag maneho papunta sa pu
Kahit na nakatago si Jake sa mga tauhan ni Donald bilang isang saksi, kahit na siya ang nag papunta kay Donald sa dock, sinong makaka-isip na si Donald bilang isang maingat na tao ay hahayaang mabuhay si Nollace?Kaya kahit konting pagbabago lang sa plano ay makukuha na ang atensyon ni Donald sa sitwasyon na iyon. Sobrang galit si Donald kay Nollace kaya paano niya nakayang pigilan ang sarili niyang patayin si Nollace kahit nakatayo ito sa harap niya?Nag hot bath si Nollace, nagsuot siya ng malinis na damit at lumabas na ng banyo. Pinatayo niya ang buhok niya gamit ang towel at tumalikod tapos nakita na nilalagay ni Daisie ang tasa ng ginger and lemon tea sa mesa.Nilagay ni Nollace ang towel sa mesa, lumapit siya kay Daisie, tinawag niya ito at niyakap mula sa likod.Tumalikod si Daisie para tingnan siya. “Anong problema?”Nilubog ni Nollace ang mukha niya sa balikat ni Daisie at leeg, inamoy niya ang scent ng shampoo sa buhok ni Daisie, ngumiti siya. “Masaya lang ako.”Tinulak
Umupo si Cameron sa front passenger seat.Habang nagmamaneho, sumandal si Cameron sa bintana at pinatong ang noo niya sa kaniyang kamay. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.”Nakahawak si Waylon sa manibela at huminto sa gilid ng kalsada. “Tapos na lahat ngayon.”Huminto si Cameron nang ilang sandali at tumingin siya kay Waylon. “Ibig sabihin, nahuli na si Donald?”Mahinang hum ang sagot ni Waylon at pinunta ang kotse sa parking space.Yumuko si Cameron.‘Ibig sabihin ng pagkahuli kay Donald ay tapos na ang lahat ngayon, at oras na para bumalik na sila sa Zlokova.’Nakabukas ang pinto ng front passenger seat at nakatayo na si Waylon sa labas ng kotse. “Oras na para lumabas ka na ng kotse.”Tinanggal ni Cameron ang seatbelt niya at lumabas ng kotse hawak ang Coke. Pero agad na kinuha yun ni Waylon kay Cameron bago pa siya makainom ulit. “Dapat kumain ka muna.”“Wala ka ng pakialam.”Inabot iyon ni Cameron pero agar na hinagis ni Waylon para itapon sa basurahan sa gilid ng kal
Hindi na nagsalita si Cameron.Kinulot ni Waylon ang buhok ni Cameron gamit ang daliri niya, nilaro iyon at kaswal na sinabi, “Lalo na't, baka hindi na rin natin makita ang isa't isa sa susunod.”“Lahat naman ay matatapos.” Tumingin si Cameron kay Waylon. “Ganun ng buhay.”Tinaas ni Waylon ang tingin niya at tinitigan si Cameron.Parang nakalaan na kay Cameron ang tingin niya, at nakakatakot iyon. Namumula ang pisngi niya dahil nakatitig sa kaniya si Waylon kaya umiwas siya ng tingin. “Wala ng kwenta kung titingnan mo ako ng ganyan…”Agad na dagdag ni Cameron, “Hindi naman kita babayaran para sa pagkain na ito.”May sayang bakas sa mata ni Waylon. “Hindi mo kailangan magbayad.”Kinuha ni Cameron ang water glass sa mesa. “Hindi ko rin naman plano magbayad.”Ngumiti lang si Waylon pero wala siyang sinabi.Matapos kumain, dinala na siya ulit ni Waulon sa ospital at nag park siya malapit sa convenience store. Matapos ang ilang minuto, bumalik siya sa kotse at inabot kay Cameron an
Hindi nakagalaw si Cameron. Sobrang nahihiya siya nang tiningnan niya ang teacup na hawak niya.‘Ginamit ko ba ang cup ng iba tapos uminom ng tsaa?’ Buti na lang, walang nakatingin sa kaniya kaya pinigilan niya ang bakas ng kaniyang ekspresyon, nilagay niya an teacup sa mesa, binalik malapit kay Waylon, at mahinang sinabi, “Anyway, hindi naman ako ang nawalan.”Pinunasan ni Waylon ang ibabaw ng teacup, yumuko siya at ngumisi. “Laging yan ang sinasabi ng mga taong ginagamit ang iba.”Kaswal na sumagot si Cameron, “Oo, tama ka tungkol dyan.”Dahan-dahang naglagay ng tsaa si Waylon sa cup niya, kinuha niya iyon at nilagay sa kaniyang labi. Nagulat ng ilang sandali si Cameron at hindi niya kayang kumalma sa nangyayari.Dahan-dahan niyang ininom ang tea, nasa ibabaw na ng tasa ang mga labi niya na may lipstick mark pa ni Cameron. Nakakaakit para kay Cameron kung paano uminom ng tea si Waylon at paano niya pinunasan ang sulok ng kaniyang labi.Parang sinasadya ni Waylon iyon pero par
Yumuko si Leah at binaon niya ang kaniyang mukha sa balikat ni Morrison. Ilang araw ang lumipas, sa mga ebidensya na dala ni Aina pati ang mga pulis na naging witness, nasangkot si Dennis sa isang iskandong problema.Habang kumakalat ang iskandalo, naglakas-loob na rin ang mga babaeng inabuso niya para magsalita. Kahit ang hotel na ni-register sa pangalan ni Dennis ay iniimbistigahan. Nang marinig ng mga staff sa hotel na hinuli si Dennis, sinabi nila na matagal na silang binabalaan nito. Ginamit ni Dennis ang kaniyang pagkakakilanlan bilang isabsa mga top management ng hotel para tulungan siya ng mga staff. At saka, mayroon siyang suite sa hotel na “privately reserved” para lang sa kaniya. Base sa mga staff members doon, lagi raw nagdadala ng iba’t ibang babae si Dennis sa kwartong iyon para pagsamantalahan. Walang pwedeng pumasok sa kwartong iyon nang walang permiso niya. At saka, kakaiba ang pagkakagawa sa card key para makapasok sa kwarto. Isa lang ‘yon, at siya lang ang m
Natulak ni Dennis palayo si Leah dahil sa sakit. Habang nakatingin sa pen na hawak ni Leah, galit na tumawa si Dennis at sinabi, “Hindi ako makapaniwala na may pen kang dala, pero wala na akong pakialam.”Binuksan niya ang drawer at kinuha ang handcuffs. “Dahil gusto mo naman na mahirapan, ibibigay ko ang gusto mo.”Nagulat si Leah. ‘Hindi pwedeng lagyan niya ako ng posas!’ Kinuha ni Leah ang lamp at ashtray sa mesa at hinagis niya kay Dennis, sobrang nagalit ito. Lumapit sa kaniya si Dennis at hiniga siya sa kama bago ilagay ang posas sa kaniyang kamay. Malakas na sumigaw si Leah para manghingi ng tulong at tingin siya nang tingin sa pinto.‘Bakit hindi pa sila pumupunta? Iniwan na ba ako ni Aina?’Nanginig si Leah nang nakalantad na ang kaniyang balat, may takot na bakas sa kaniyang mata. Puno ng galit ang mata ni Dennis na nakatingin sa nakailalim sa kaniya na parang isang lion na nakatitig sa kaniyang biktima, naghahandang kainin nang buo.Puno ng pandidiri si Leah, at h
Nagulat si Aina.Hindi niya inaasahan na may isang taong hindi niya kaano-ano ang totoong tutulong sa kaniya sa huli.“Ms. Younge, mas matalino siya sa inaasahan mo…”“Alam ko,” Mabilis na sagot ni Leah. “Ibig sabihin, kailangan ko na makipag-cooperate ka rin sa akin. Dahil ako ang next niyang target, ako ang magiging batibong. Kailangan mo lang siyang paniwalain na nagtagumpay siya sa plano niya.”Matapos iyon, inabot ni Leah ang phone niya kay Aina at sinabi sa kaniya ang password. “Matapos iyon, kailangan kong tawagan mo dyan yung may pangalan na Morrison. Tawagan mo rin ng pulis. Gagawin ko ang best ko para mabigyan ka ng oras.”“Bakit ka nagtitiwala sa akin?” Tanong ni Aina, hindi makapaniwala ang tono ng kaniyang boses.Hindi ba siya nag-aalala na baka iwan siya ni Aina pagkatapos niya gawin kay Dennis ang sinabi niya?“Kung gusto mo talaga akong saktan, hindi mo na sana sinabi sa akin bakit ka pumunta dito. Pwede mo namang ilagay na lang yung pill sa drinks ko nung hindi
“Anong ibig mong sabihin?” Bahagyang nagulat si Leah, “May iba pang babae?”“Hindi ako ang una. Naloko niya rin ako.” Yumuko si Aina. Nagsimula siyang ikwento kay Leah kung paano siya niloko ni Dennis at pati ang tungkol sa malalang pang-aabuso sa kaniya.Nagulat si Leah at nahirapan siyang paniwalaan ang mga narinig niyang sinabi ni Aina. Ang trick na ginamit ni Dennis kay Aina at kapareho ng ginamit niya para mapalapit kay Leah.Una ay gagawa siya ng senaryo kung saan makakasalubong niya ang kaniyang target. Matapos iyon, ipapakita niya na isa siyang gentleman para hindi matakot sa kaniya ang kaniyang target at magkaroon sila ng pagkakaibigan. Napanalo na ni Dennis ang puso ng maraming babae dahil sa kaniyang itsura, background, at ang kaniyang palabiro, at palakaibigan na personlidad.Sa huli, sasabihin niya sa target niya na maging girlfriend niya at para makapag-sex siya sa kanila.Pag na-in love na ang target niya at pag naisip na nila na nakakuha na sila ng perfect na boy
Kinabukasan, pumunta si Leah sa meeting kasama ang Secretary-General. May meeting sila kasama ang ilang officials mula sa ibang bansa. Nagsusulat siya ng notes sa session habang nag-iinterpret para sa Secretary-General. Matapos ang dalawang oras na meeting, lumabas na siya ng building kasama ang Secretary-General na tumalikod sa gilid ng sasakyan. “May pupuntahan ako. Pwede ka na magpahinga ngayong araw.”Tumango si Leah. “Sige. See you soon.”Nang makaalis na ang sasakyan, nilabas ni Leah ang kaniyang phone na naka-silent mode, at nakita niya na may message sa kaniya si Morrison. Ngumiti siya at tinawagan ito. “Nasa meeting ako kanina. Nakapagdesisyon ka na ba, Mr. Shaw?”Tumikhim si Morrison at sobrang seryoso ang boses niya nang sinabi, “Anong oras matatapos ang trabaho ng girlfriend?” “Anong gustong kainin ng girlfriend ngayon?”“I…” Nakatikom ng labi si Leah. “Kahit ano. Kakainin ko lahat ng ibibigay sa akin, kahit yung boyfriend pa.”Umiinom si Morrison kaya bigla siyang
“Miss ko na siya.”Alam ni Morrison sino ang tinutukoy ni Leah, hindi nagbago ang kaniyang ekspresyon. “Ikaw ang gumagawa nito sa sarili mo. Iba na lang ang isipin mo!”May luha ang mata ni Leah pero hindi masabi ni Morrison kung malungkot ba siya o masaya. “Ikaw na lang ma-miss ko?”Napahinto si Morrison. Matapos ang ilang sandali, umupo siya sa sahig. “Sigurado ka bang hindi ka lasing?”“Mukha ba akong lasing?”“Medyo.”Yumuko si Leah. Hindi siya nag-isip nang sinabi niya ‘yon. Mas matanda siya ng tatlong taon kay Morrison, kaya hindi sila magkakasundo. Nagsayang siya ng sampung taon sa pagmamahal niya kay Zephir, kaya ngayon ayaw na niyang maghangad ng kung anu-ano. Matapos ang ilang sandali, ngumiti siya.Yumuko si Leah para itago ang kaniyang mga mata. “Nagbibiro lang ako, huwag mo masyadong isipin.”Nagsimula na siyang magligpit. “Alright, tapos na ako, at magpapahinga na rin. Huwag mo kalimutan na i-lock ang pinto pag umalis ka.”Tumawa si Morrison. Nang makita niyang t
Napahinto si Leah. “Hindi niya girlfriend si Aina?”‘Eh bakit sabi niya… Saglit lang! Sabi ng interpreter single raw si Dennis. Wala siyang girlfriend at hindi rin siya kasal, bakit hindi niya sinabi sa publiko kung si Aina naman pala ang girlfriend niya?‘Wala sa department ang nakakaalam tungkol doon?’Tumawa si Morrison. “Marami siyang babae sa contacts niya. Sinong nakakaalam sino ang tinutukoy mo? Pero sa kung ano ang nakikita ko, ikaw ang plano niyang gawing susunod na target.”Nagulat si Leah at tumingin siya kay Morrison. “Kilalang kilala mo siya?”“Walang lihim sa Night Banquet na nananatiling lihim. Wala naman talagang mga labing nakatikom.”Suminag ang ilaw sa bintana, nakasunod ito sa sasakyan.Ilang sandaling tahimik si Leah bago sabihin, “May nakita akong ligature marks sa kamay ni Aina, at mukhang sobrang takot siya kay Dennis. Sabi niya sa akin huwag raw ako magtiwala sa kaniya.”Hindi naman plano ni Leah. Kahit na sinabi ni Dennis sa kaniya na niloko siya ni Ai
Tumayo si Leah. “Pupunta ako sa banyo.” Nang naglakad na siya palayo, nakatingin lang si Dennis sa kaniya. Nang pumunta siya sa banyo, napansin ni Leah na nandoon ang babae. Nagulat siya pero pumunta pa rin siya sa sink area.Nagtanong si Leah sa babae bilang colleague, “Marami ka bang nainom?”Umiling ang babae.“Mabuti naman. Hindi magandang uminom nang marami sa ganitong mga event.” Kumuha ng napkin si Leah at pinunasan ang lipstick niya. Matapos ang ilang sandali, nakita niya ang peklat sa kamay ng babae. “Anong nangyari sa kamay mo?”Kinabahan ang babae at binaba niya ang sleeve niya para takpan ng kaniyang kamay. “Wala.” Mabilis siyang naglakad palabas ng pinto pero huminto siya bago lumabas, tumalikod siya para tingnan si Leah. “Huwag ka magtiwala kay Dennis.”Mabilis na umalis ang babae.Kumunot ang noo ni Leah. ‘Huwag magtiwala kay Dennis…‘May nangyari ba sa kaniya? Yung peklat niya, dahil ba ‘yon sa tali?’ Nanatili lang si Leah doon ng ilang sandali pero bigla
“Gusto ng mga matatanda nang ganoon pero basta masaya sila.”Pagkalipas ng ilang araw, sa Stoslo…Nagkaroon ng party ang Ministry of Foreign Affair at imbitado si Leah.Walang plano si Leah na pumunta pero pinilit siya ng mga ka-trabaho niya kaya pumayag siya.Pagkatapos ng trabaho, pumunta sila sa restaurant para sa party.Nang pumasok si Leah, napansin niya na nandoon si Dennis. Nakasuot siya ng blue sports jacket at mukhang fashionable.Umupo siya kasama ang dalawang babaeng interpreter.Pinaikot ni Dennis ang wine glass habang may kinakausap at nahagip ng mata niya si Leah. “Ms. Younge, ito ba ang unang beses mong sumama sa party?”Inasar siya ng isang babae. “Masyado mo siyang binibigyan ng atensyon. May namamagitan ba sa inyong dalawa?”Ngumiti si Dennis. “Ayos lang sa akin ‘yon.” Halata naman kung ano ang ibig niyang sabihin. Napakabukas niya tungkol doon.Kumunot si Leah at magalang na ngumiti. “Napaka prangka mo.”“Palagi naman.”Lumapit ang babae na katabi ni Leah