Sumandal si Cameron sa bintana at nagulat siya. Puno ng malalamig na pawis ang likod niya, at nakaramdam siya nglamig nang dumampi ang hangin sa kaniya. ‘Bakit ako nagkaroon ng ganoong panaginip? Lalo na’t, sa lahat ng lalaki, bakit si Wayne ang groom? At may nangyari…’Nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo at humihiling na sana mawalan siya ng memorya ngayon. ‘Paano ako makikipagkita kay Wayne ngayon?’Hindi bumaba si Cameron para mag almusa. Gusto niyang maghintay na matapos muna ang lahat na mag-almusal bago siya bumaba. Nang 9:30 a.m. na inisip niya na siguro ay wala na sila doon kaya bumaba na siya. Pero, hindi niya inaasahan na pag labas mismo niya ng pinto ay nakita niya sila Waylon at Sunny sa sala, nagulat si Cameron. Nang makasalubong ng tingin niya ang mata ni Waylon, lumitaw ulit sa isip niya ang kaniyang panaginip. Huminga siya nang malalim, tumalikod, at bumalik ulit sa kwarto niya.“Cam, saan ka pupunta?” Tanong ni Sunny.Napahinto si Cameron sa kaniyan
Lumingon si Waylon kay Cameron. “Isang magandang plano ng iyon. Minaliit ni Fabio si Donald kaya mas gusto niya pang mapatay si Donald matapos siyang ma-corner nito. Ang tanging bagay na mag-uudyok kay Fabio na gumanti sa kaniya ay kung maiisip niya na isang balakid si Donald sa posisyon niya sa isla.”Natahimik si Sunny nang ilang sandali at sinabi, “Sa madaling salita, kailangan natin gumawa ng sitwasyon at pilitin natin si Fabio na patayin siya?”Tumango si Waylon. “Una, kailangan natin tanggalin lahat ng moles sa teritoryo ng Southern Clan. Pag napansin ni Donald na natanggal na ang mga moles niya, matatakot siya. Kailangan niyang mag-ingat sa atin mula sa likod at kalabanin si Fabio sa kaniyang harap. Para protektahan ang sarili niya, sino sa tingin mo ang aatakihin niya?”Aatakihin niya ang sino mang mas malapit sa kaniya. Maliban sa ilang moles, wala ng ibang tao mula sa teritoryo ng Southern Clan na makakatulong sa kaniya. At saka, walang laban ang mga moles na iyon sa Sou
“Pero kung matatalo si Fabio, ang kalalabasan ng laban na ito ay sobrang magbabago. Ang pakikisama lang sa Southern Clan ang mapipili niya para sa kaniyang estado at kapangyarihan, lahat ng iyon ay dapat maging mabilis. At pag natanggal na si Donald sa problema, mawawalan ng oportunidad si Fabio na lumaban sa Southern Clan. Sa kabaliktaran, madali na siyang kalabanin ng Southern Clan.”Biglang nagkaroon ng realization si Jake. “I see.”Matapos ang ilang sandali, umalis na ng opisina si Jake, at lumabas si Daisie mula sa likod ng pader sa corridor. Halata naman na narinig niya ang lahat.Tinulak ni Daisie ang pinto para mabuksan, nakita niya si Nollace na nakasandal sa upuan at nakapikit habang hinihilot ng kaniyang daliri ang sarili niyang noo na parang masakit sobra ang ulo niya.Tinikom ni Daisie ng labi niya at dahan-dahang naglakad papunta sa likod ni Nollace. Nang hahawakan na sana niya si Nollace, hinawakan ni Nollace ang payat niyang kamay at hinila siya. “Plano mo bang taku
Parang hindi mawala sa isip ni Minzy ng nangyari noong nakaraang araw. Nalaman ni Damian ang nangyari mula kay Minzy at nagulat siya. “Sinasabi mo ba na naghalikan talaga silang dalawa!?”“Oo, nakita ng dalawang mata ko iyon.” Hindi makapaniwala si Minzy.‘Sa wakas ay nakakita na ako ng taong napukaw ang atensyon ko pero sinong nakakaalam na may ganun pala siyang relasyon?’Ilang sandaling nag-isip si Damian.‘Parang hindi mali ang mga sinasabi ng iba. Siya lang nag-iisang tagapagmana ni Sunny. Sobrang malulungkot si Sunny kung malalaman niya ito.”Matapos ang mahabang paghihintay, malakas ang loob niyang sinabi. “Huwag mo muna ito isipin. Hindi ko pa nakikita ang parte na iyon ni Cameron kaya masisisi mo rin ako. At para sayo naman, itago mo muna ito sa kanila sa ngayon. Huwag mo muna hayaan na malaman ito ni Sunny.”‘Hindi ko kayang malaman ito ng best friend ko at ipapatay siya.’Kinagat ni Minzy ang labi niya at wala na siyang sinabi.Umalis na siya sa private room, mabigat
Biglang nagliwanag ang madilim na mukha ni Sunny. Lahat ng galit na nakapalibot sa kaniya ay agad na nawala, at malapit na siya sumabog sa tawa. “Pumunta siya dito para sabihin ang balita na iyon. Paano naman naging peke yun?”‘Nanalo ako sa pustahan namin ng batang si Daisie.’Nang makita na hindi naman nagulat si Sunny at nakangiti pa nga siya, naguluhan ang butler. “Mr. Southern, ‘di ba dapat…”Tumawa si Sunny nang malakas. “Matanda na rin si Cam. ‘Di ba normal lang naman sa kaniya magmahal?”Hindi makapaniwala ang butler sa narinig niya. “Pero sa panganay na anak ng mga Goldmann?”Inamoy ni Sunny ang tsaa at masaya siya. “Siya lang ang binatang gusto ko.”‘Salamat kay Minzy, magandang surpresa ito.‘Pero alam ko ano ang iniisip ng babaeng iyon. Sinabi niya sa akin ito dahil gusto niyang gumawa ako ng paraan at paghiwalayin sila Cameron at Wayne para mapunta na sa kaniya si Wayne.‘Pero, bakit ko hahayaan na mapunta ang ganun kabuting son-in-law sa mga Hollands? Ang son-in-l
Buong umaga, nanatili lang si Cameron sa martial arts training. Matagal na siyang hindi nag-unat ng katawan at gawin ang mga skills niya kaya halos kunin niya ang lahat papunta sa arena. Nagsimula sila ng deathmatch, kalaban ni Cameron ang lahat mag-isa.Matapos ang ilang rounds, natalo ang lahat ng miyembro ng Southern Clan.Isang tao ang hinaplos ang masakit niyang kamay habang umaalis siya sa ring. “Masama ba ang mood ni young master nitong nakaraang dalawang araw? Tingnan mo kung paano siya lumaban. Wala siyang awa. Akala ko mamamatay na ako doon.”Isang lalaki ang tinapik siya sa balikat at ngumiti. “Sige na, tama na ang reklamo mo. Gawin na lang natin itong oportunidad para mapaunlad pa ang sarili natin.”Nakatayo si Cameron sa ring habang nakahalukipkip at tinanong, “Meron pa ba sa inyo ang may kaya ng isa pang round?”Kinaway ng ilang tao na nakatayo sa baba ng arena ang kamay nila, ang iba naman ay umiling habang halos lahat sa kanila ay lumalabas na sa ring. Napabuntong
Ang orihinal na plano ni Andrei ay gamitin ang pagkakakilanlan ni Cameron para bantaan si Sunny pero hindi niya inaasahan ang naging reaksyon ni Sunny. Nag-igting ang ngipin ni Andrei. “Hindi ka ba natatakot na baka hindi siya tanggapin ng mga tauhan mo?”Hindi nahulog si Sunny sa patibong niya. “Hindi nakasalalay sayo kung dapat bang tanggapin si Cam o hindi. Makikita ng lahat ang abilidad niya at kapasidad. At sa tanong mo naman kung may problema ba sila kung ang susunod na leader ng clan ay lalaki o babae, may problema ba kayo doon?”Bumalik na sa katotohanan ang mga bodyguards at miyembro ng Southern Clan at sabay-sabay silang sumigaw. “Hindi yun problema sa amin!”Bakit naman magkakaroon ng isyu sa kanila ang pagiging lalaki o babae? And pinapahalagahan lang naman nila ay ang lakas kaya kahit babae si Cameron, kinilala na siya ng lahat bilang young master nila ng ilang taon. Pinakita naman ni Cameron sa kanilang lahat na may potensyal siya at abilidad na makuha ang titulo. Ka
Tumingin si Waylon sa kaniya at ngumiti.Samantala, sa Southwest Villas…“Ano? Babae si Cameron?”Nagulat din si Fabio nang marinig din ‘yon.Nag-iisang anak na lalaki ni Sunny si Cameron at alam ng lahat nang nasa isla ‘yon. Pero, ang ‘lalaking anak’ na ‘yon ay babae pala.Tumingin sa kaniya ang bodyguard na nagsabi sa kaniya ‘non. “Tinanggap ‘yon ng lahat sa Southern Clan. Sinubukan ni Andrei na gawin yon para makaangat pero walang pakialam si Mr. Southern Sr.”Nagdilim ang mukha ni Fabio. “Naging aso na talaga ni Donald si Andrei. Hindi masyadong kilala ni Donald si Sunny. Nakakatawa na inisip niya na magpapakumbaba si Sunny dahil sa ginawa niya.”Hindi siya nag ingat kay Donald.Kung alam niya lang hindi niya sana hinayaan na manatili siya sa isla. Hindi lang siya sinamantala ni Donald kundi sinubukan din na agawin ang lugar niya.Kaya pumunta sa Southern Clan ang mga killer na kinuha ni Manuel sa Skull Club para patayin si Cameron. Dahil ‘yon sa may nakuha si Donald sa ka
Hinawakan ni Waylon ang kamay ni Cameron. “Pag-uusapan natin ‘yan sa susunod.”Tiningnan ni Maisie si Daisie at Nollace. “Kinasal na ang dalawa mong kapatid. Kailan ang sa'yo?”Sagot ni Daisie, “Sabi ni Nolly at magandang araw ang September 9 dahil hindi sobrang lamig sa Yaramoor sa oras na ‘yon. Mainit sa umaga pero malamig sa gabi.”Nagulat si Cameron. “Mainit pa rin dito sa September. Parang summer sa East Island kapag September.”Ngumiti si Daisie. “Ang winter ng East Island ay parang summer namin. Pwedeng pumunta doon ang taong ayaw sa winter.”Ibinaba ni Nicholas ang tasa niya at pinag-isipan. “13 na araw na lang bago mag September 9. Ang bilis non.”Ngumiti si Maisie at tumango. “Oo nga.”Tumingin si Waylon kay Nollace. “Panigurado na magarbo ang isang royal wedding.”Inakbayan ni Nollace si Daisie. “Syempre. Bukas ‘yon sa publiko at gaganapin sa palasyo namin.”Lumapit si Cameron kay Waylon. “Hindi pa ako nakakapunta sa isang royal wedding. Isang karanasan ‘yon.” Tini
Tumango si Nick. “I will.”Pagkatapos non, umalis ang tatlo sa airport.Samantala, sa Coralia Airport…Hinatid ni Yale at Ursule si Zephir sa gate. Inabot ni Yale ang luggage sa kaniya. “Bumalik ka at bisitahin mo kami.”Kinuha ni Zephir ang bag, tumango siya at pumasok sa airport.Si Ursule na buhay si Kisses ay tinikom ang labi niya at tiningnan ang pusa. “Baka hindi mo na siya makita ulit.”Tiningnan siya ni Yale. “Oh? Ayaw mo ba siya na umalis?”“Ayaw siya paalisin ni Kisses.”“Sa tingin ko ay ikaw ‘yon.” Ngumiti si Yale at tumalikod para pumunta sa sasakyan habang sumunod naman si Ursule. “Bata ka pa. Tapusin mo ang pag-aaral mo. Pagkatapos, pwede ka mag-apply para makapunta sa Bassburgh.”Umupo si Ursule sa passenger seat. Lumingon siya nang marinig ‘yon. “Pwede ako mag-apply para pumunta doon?”“Pwede. Nasa art school ka. Pwede kang mag-apply sa Royal Academy of Music.”Sinimulan ni Yale ang sasakyan at nagmaneho palayo.Sumandal si Ursule sa upuan at bumulong, “Kap
Katulad ito ng sinasabi ng ibang mga tao, “Kailangan mo na magbigay kung gusto mo na may makuha.” Kumikita ang pier na ‘yon sa mga barko ng mga Dragoneers na dumadaong doon.Nabali ni Noel ang hita ng anak ni Python pero walang ginawa ang mga Wickam para ipakita na humihingi sila ng tawad, kaya nagalit si Python.Ititigil nila ang negosyo nila rito at magiging kalaban ng dragoneers ang Wickam mula ngayon. Kahit na hindi sila dumaong sa pier nito, makakahanap pa rin sila ng ibang routa. Nagawa lang nitong paliitin ang client base ng Wickam.Humarap si Nick kay Mahina. “Umalis na tayo.”“Nick, anong ibig sabihin nito? Tutulong ka ba?” sumigaw sa kaniya si Martha.Hindi lumingon si Nick. “Malalaman mo na lang.” At umalis na siya.Hindi inakala ni Arthur na ito ang huling pagkakataon na magpapakita si Nick sa bahay nila.Pinalaya ni Python si Noel pagkatapos ng tatlong araw pero matindi ang natamo ako at dinala sa hospital.Pumunta si Martha at Arthur at nakita ang anak nila na na
Sa oras na ‘yon, biglang pumasok ang butler sa loob bahay. “Sir, may nagsabi na nakita nila si Master Nick sa bayan.”Tumayo si Arthur. “Sigurado ka ba?” Nakabalik na si Nick.“Oo, nasa Winslet Manor.”Galit na hinaplos ni Arthur ang mesa nang marinig na pumunta si Nick sa Winslet Manor. “Pumunta siya doon pagbalik niya mismo. Hindi ba niya kinikilala bilang Wickam ang sarili niya?”Kinakabahan si Martha at gusto lang na makauwi ang anak niya. “Honey, dahil nakabalik na siya, gagamitin natin siya para ipalit kay Noel. Siya ang pinakamatanda sa pamilya, hindi ba? Importante ang buhay Noel!”Kumunot si Arthur at nagkuyom ang kamao.Hindi nagtagal pagkatapos non, dumating si Nick at Mahina sa garden. Nang makita ni Arthur na nakabalik na sila, nagulat siya. “Akala ko wala kang plano na bumalik?”Mukhang kalmado si Nick. “Kung hindi ako babalik, sisisihin mo ako kapag walang naiwan na tagapagmana ang Wickam. Hindi ko pwedeng akuin ang responsibilidad na ‘yon.”Natigil si Arthur at
Hindi masaya si Cooper sa ideya na ‘yon.Ngumiti si Sunny. “Sino ang nagsabi sa'yo na dapat natin ipalit ang binti ni Nick kay Noel? Sa halip si Python ang babali sa binti ni Python, bakit hindi si Nick ang gumawa non?”Nagulat si Cooper. “Gagawin mismo ‘yon ni Nick?”Lumapit si Sunny at seryosong minungkahi, “"Nabali ang binti ni Travis, ngunit ligtas siya. Bukod pa doon ay makakabangon pa siya sa kama at makakalakad pagkatapos nang kalahating taon ng pagpapagaling. Nabalitaan kong malupit na tao si Python, pero hinuli lang niya si Noel para pilitin ang mga Wickam na makipagkompromiso. Kaya bakit nila pinapatagal nila ang plano nila na saktan si Noel?”Nagulat si Cooper. “Sinasabi niyo ba na may ibang plano si Python?”Uminom si Sunny ng tsaa mula sa tasa. “Si Python ang pinuno ng isang lokal na mafia sa Madripur. Lahat ng negosyong kinasasangkutan niya ay ilegal at hindi alam ang pinanggalingan. Bukod dito, ang kanilang mga produkto ay kadalasang naglalakbay sa pamamagitan ng da
Masyadong makapangyarihan at agresibo ang pamilya ni Amelia na pinipigilan si Arthur na itaas ang kanyang ulo sa harap ng iba. Kaya naman nag-asawa siyang muli isang taon pagkatapos ng kamatayan ni Amelia at tiniis pa niya ang lahat ng mga pagsaway na ibinato sa kanya ng mga Winslet dahil sa pagiging walang utang na loob na asawa. Iyon ay hanggang sa pinilit siya ni Cooper na hayaan si Nick na mamana nang buo ang Wickam, at habang mas pinipilit siya ng mga Winslet, mas ayaw niyang pumayag.‘Gusto ko lang patunayan kay Cooper na kahit walang tulong mula sa pamilya niya at kay Nick, kaya pa rin tumayo ng Wickam.‘Pero malaki talaga ang nagawang gulo ni Noel ngayon. Bakit ako pupunta kay Nick kung hindi dahil sa kaniya?’Hinawakan ni Martha ang braso niya. “Kung ganoon, pumayag ba si Nick sa plano mo? Anak mo rin siya, kaya kahit anong mangyari, hindi siya tatanggi na tulungan ka, hindi ba? Ipabalik mo lang kay Nick si Noel.”“Pumayag ba siya?” Pinalayo siya ni Arthur at galit na suma
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng
Tumawa si Nick. “Hindi sapat na salita ang galit para gamitin.”“Kung gusto mong sumama sa amin o hindi, hindi ikaw ang magde-desisyon, Nick. Basta isa ka sa mga tagapagmana ng mga Wickam, kailangan mo bumalik sa akin!”Inilinaw ni Arthur ang sarili niya. Kahit na kailangan niyang itali ang anak niya at hilain pauwi, hindi siya tatanggap nang pagtanggi sa ganitong panahon.Kinabahan si Dylan at nagsimulang kabahan, natatakot siya na baka pilit na kunin si Nick ng mga lalaki na ‘yon.Sa oras na ‘yon, pumasok si Sunny sa training center gamit ang tungkod niya at sa suporta mi Mahina habang nakalagay ang kamay sa likod. “Yo, nag-iisip ako kung bakit maingay ang training center nang ganito kaaga. Nandito ka pala, Mr. Wickam.”Mukhang naiinis si Arthur. “Mr. Southern, bakit nasa Bassburgh ka rin?”“Nandito si Cam sa Bassburgh kaya natural lang para sa akin na pumunta dito. Ngayon, nag desisyon ako na pumunta at bisitahin ang estudyante ko. Hindi ko inaasahan na makikita kita.”Habang
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo