Naka-live-stream ang interview. Lahat ay kayang makapasok sa live, at naging isa itong gulo. Tumakas si William at ang mga tauhan niya at sumakay ng sasakyan, naiwan nila si Hector.Ilang sandali, dumating na ang mga pulis sa pinangyarihan.#Lumabas na ang scandal ng Zestar Media Corporation##Nag protest en masse ang mga empleyado ng Zestar##Ang katotohanan sa likod ng pagpapatahimik sa mga lalaking artist#Napunta sa Google Trends itong tatlong istorya. Dahil sa kaguluhan na dulot nito, naglabas din ng update ang mga pulis sa imbestigasyon sa Zestar.“Oh gosh, hindi ko inaasahan na ganito kalala ang Zestar.”“Hindi nakakapagtaka bakit kaunti ang artista sa Zestar, lalo na’t lahat sila ay may koneksyon sa gobyerno. Nakakatakot na mukhang hindi na makakaligtas sa pagkakataon ngayon ang Zestar.”“Hey! Tinapos na ni Howard ang kontrata niya sa Zestar! Mukhang totoo na ito ngayon!”Nag-post si Howard sa kaniyang facebook account na nagsasabi ng kaniyang pagtatapos ng kontrata sa
Nakaramdam si Hector na may tumulak sa kaniya ng matumba siya sa sahig.Si Sean yun. Tinulak niya palayo si Hector nang may dumating na sasakyan sa harapan nila.Nang ilang sandali, napupuno ang paligid ng tunog ng preno at ang kiskis na maririnig. Nanliit ang mga mata ni Hector nang mawala sa paningin niya si Sean, naiwan na lamang ang isang sapatos sa sahig.Bumalik lang sa katotohanan si Hector nang marinig ang mga sigaw ng tao sa paligid nila at ang pag-alis ng sasakyan. Tiningnan niya ang direksyon ng lalaki na nalunod sa sarili nitong dugo sa sahig.Sa police station…Pumunta agad ng police station sila Maisie at Nolan nang makatanggap ng tawag. Nang makapasok si Maisie sa police station, nakita niya si Hector na nakaupo sa upuan habang nakayuko.Binaba ng pulis ang baso ng tubig at tumayo. “Mr. Goldmann?” Lumapit sa pulis si Nilan at tinanong niya ito tungkol sa sitwasyon. Naglakad sa gilid ang pulis kasama si Nolan at sinabi sa kaniya ang lahat ng nangyari.Tiningnan n
Para kay Hector, magagamot ng ngiti ni Lucy ang lahat ng problema sa mundo.“Lucy,” tinawag ni Hector ang pangalan niya.“Yeah?” Tumalikod si Lucy at sumagot habang nakangiti.Hindi napigilan ni Hector mapatawa. “Kakaiba ka talagang babae.”Inangat ni Lucy ang ulo niya at sumagot, “Ako ba?” Tumawa si Hector.Hindi alam ni Lucy ano ang tinatawanan ni Hector. Lalo na’t, seryoso siyang nakikipagusap sa kaniya. Tinalikod ni Lucy ang ulo niya at nananabik na sinigaw nang may makita siyang ilang shooting star sa langit, “Tingnan mo, mga shooting star!” Tiningnan ni Hector ang direksyon na tinuro ni Lucy.Kahit na pareho silang nakatayo sa sari-sarili nilang balkonahe sa ilalim ng langit, pakiramdam nila ay malapit sila sa isa’t isa.Matapos ang ilang araw, sa Zestar…Puno ng bouquet ng puting bulaklak ang upuan ni Sean. Halos lahat ng empleyado sa department ay nakasuot ng itim na damit. Walang ngiti sa mga mata nila, at sobrang lungkot ng paligid.Inaabuso ng mga nakatataas ang
Sobrang natakot ang ilang babae sa department at naiyak sila. Madilim ang mata ng mga staff na parang hindi na nila makita ang pag-asa.Ilang sasakyan ang huminto sa harap ng Zestar. Isang dosenang lalaki na naka-itim ang lumabas sa sasakyan at tumayo sa dalawang hanay.Binuksan ni Quincy ang pinto sa back seat, at lumabas ng sasakyan si Hector. Tinaas niya ang ulo niya para tingnan ng building, at mas naging determinado siya nang maalala ang nangyari kay Sean. Tiningnan siya ni Quincy at sinabi, “Tara, Hector. Sabi ni Mr. Goldmann pwede mo gawin lahat ng gusto mo.”Huminga nang malalim si Hector at pumasok sa building. Sumunod si Quincy kasama ang grupo ng mga abogado at mga bodyguard.Dumiretso sila sa administration department at pumunta sa opisina ng director. Pinababa nila ang mga bodyguards na nagbabantay sa labas, at tinulak niya para binuksan ang pinto sa opisina. Nasa kalagitnaan ng pagpupulong ang director ng Zestar pati ang ibang nakatataas ang posisyon.Nang makita n
Nagulat ang mga nakakataas ang posisyon. Tinanggal ni Hector ang jacket niya at hinagis ito sa sahig. Kinuha niya ang vase sa gilid at lumapit sa deputy director.Sobrang nagulat ang deputy director at namutla ang mukha niya. Nang humakbang siya palayo, sinasabi niya, “A-Anong balak mong gawin? Sobrang dami ng tao dito. Gumagawa ka ng krimen kung malakas ang loob mong saktan ko!” Tinaas ni Hector ang vase, at sumigaw ang director. “Stop!” Bumagsak ang vase sa sahig at nabasag. Pero, sa likod lang ng deputy director tumama ang vase, hawak niya ang ulo niya gamit ang kaniyang palad. Sumigaw siya na parang babae dahil sa takot, at biglang nabasa ang sahig.Nang makita ni Hector na naihian niya ang sarili niya, suminghal siya. “Hah, duwag ka rin pala.” Tiningnan ni Quincy ang director, na madilim ng mukha, at sinabi, “Wala ka ng pagpipilian ngayon.”Inabot niya ang transfer agreement sa director at nagpatuloy. “Pirmahan mo itong agreement, ibenta mo na ang Zestar sa Blackgold
Kinaway nila ang party crackers sa kanilang kamay, sumipol at sumigaw para i-welcome ang tagapagligtas nila.Bahagyang nagulat si Hector at hindi napigilan na ngumiti. Yumuko siya at namula ang mata niya nang kaunti. “Ang tao na dapat pasalamatan ng lahat ay si Mr. Lewis. Kung hindi dahil sa kaniya, paniguro na…”Nang mabanggit ang pangalan ni Sean, natahimik ang lahat panandalian.Walang makakalimot sa nangyari kay Sean.Isang lalaking empleyado ang lumitaw mula sa mga tao at nilagay ang braso niya sa balikat ni Hector. “Hector, hindi ka namin sinisisi sa nangyari kay Mr. Lewis. Hindi mo yun kasalanan kundi sa kanila.”“Oo, kasalanan yun ng mga t*rantado na yun!”Tumawa si Hector at mukhang nakasabay na sa atmosphere at sa iba pa.…Dumaan si Lucy sa isang corridor ng department at biglang narinig sa ilang babaeng staff member ang tungkol sa Zestar. Hindi niya pinansin yun nang una pero binanggit nila si Hector.“Totoo ba yun? Ibig sabihin ang cousin-in-law ni Mr. Goldmann an
Hindi na nagpatuloy ang usapan kaya nagpaalam na si Jenna kay Lucy at umalis.Nakasalubong ni Jenna si Maisie sa corridor habang palabas si Maisie sa elevator. “Mrs. Goldmann.”Ngumiti si Maisie sa kaniya at lumapit. “Mrs. Xavier, nandito ka ba para kay Lucy?”“Oo, pumunta ako para kausapin siya pero mukhang mahirap na makipag-usap sa kaniya habang tumatanda siya.” Napangiwi si Jenna habang hindi niya mapigilan na malungkot sa loob-loob niya.‘Mukhang mahirap na matanggal ang harang sa relasyon namin.’“Matanda na si Lucy. At may sarili ng pag-iisip at plano ang mga matanda. Kahit na mahalaga ang pag aalala ng magulang minsan, kailangan mabuhay mag-isa ang anak kapag tumanda na. Masyado kang nag-aalala, Mrs. Xavier.”Nagulat si Jenna sa payo ni Maisie at sandaling nagulat pero bahagyan siyang nahiya pagkatapos bumalik sa katinuan. “Mrs. Goldmann, may tatlo kang anak, hindi ba?”“Oo, pero huwag ka papalinlang sa edad nila dahil lagi ako nakikinig sa ideya nila. Kahit na ano pa an
Pagkatapos umalis ng trabaho, pumunta si Lucy sa mall para pumili ng regalo pero hindi talaga niya alam kung ano ang bibilhin niya. Kaya kinuha niya ang cell phone niya, nag type ng message at pinadala yun kay Elaine.Pero, ang sagot na nakuha niya ay puro mamahalin na luxury item na hindi niya kayang bilhin.‘Maling tao ang nilapitan ko para sa payo.’Tumingin si Lucy sa mall at natigil ang paningin niya sa isang souvenir store.Bigla niyang naalala ang mecha figure collection ni Hector sa bahay niya.‘Interesado naman siguro siya dito, ano?’Pumasok si Lucy sa store para maghanap ng regalo, lumapit ang salesperson sa kaniya at masayang pinakita ang ilang model sa kaniya. Sinabi niya na pang regalo, at agad naintindihan ng salesperson ang kailangan niya. “Para po ba sa boyfriend niyo?”Nasamid si Lucy sa sagot niya at hindi makapagsalita sa kaba. “Syempre hindi. Kaibigan ko lang siya.”Parang hindi niya narinig ang paliwanag ni Lucy, dinala siya ng salesperson sa shelf sa kabi
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa