Hindi na nagpatuloy ang usapan kaya nagpaalam na si Jenna kay Lucy at umalis.Nakasalubong ni Jenna si Maisie sa corridor habang palabas si Maisie sa elevator. “Mrs. Goldmann.”Ngumiti si Maisie sa kaniya at lumapit. “Mrs. Xavier, nandito ka ba para kay Lucy?”“Oo, pumunta ako para kausapin siya pero mukhang mahirap na makipag-usap sa kaniya habang tumatanda siya.” Napangiwi si Jenna habang hindi niya mapigilan na malungkot sa loob-loob niya.‘Mukhang mahirap na matanggal ang harang sa relasyon namin.’“Matanda na si Lucy. At may sarili ng pag-iisip at plano ang mga matanda. Kahit na mahalaga ang pag aalala ng magulang minsan, kailangan mabuhay mag-isa ang anak kapag tumanda na. Masyado kang nag-aalala, Mrs. Xavier.”Nagulat si Jenna sa payo ni Maisie at sandaling nagulat pero bahagyan siyang nahiya pagkatapos bumalik sa katinuan. “Mrs. Goldmann, may tatlo kang anak, hindi ba?”“Oo, pero huwag ka papalinlang sa edad nila dahil lagi ako nakikinig sa ideya nila. Kahit na ano pa an
Pagkatapos umalis ng trabaho, pumunta si Lucy sa mall para pumili ng regalo pero hindi talaga niya alam kung ano ang bibilhin niya. Kaya kinuha niya ang cell phone niya, nag type ng message at pinadala yun kay Elaine.Pero, ang sagot na nakuha niya ay puro mamahalin na luxury item na hindi niya kayang bilhin.‘Maling tao ang nilapitan ko para sa payo.’Tumingin si Lucy sa mall at natigil ang paningin niya sa isang souvenir store.Bigla niyang naalala ang mecha figure collection ni Hector sa bahay niya.‘Interesado naman siguro siya dito, ano?’Pumasok si Lucy sa store para maghanap ng regalo, lumapit ang salesperson sa kaniya at masayang pinakita ang ilang model sa kaniya. Sinabi niya na pang regalo, at agad naintindihan ng salesperson ang kailangan niya. “Para po ba sa boyfriend niyo?”Nasamid si Lucy sa sagot niya at hindi makapagsalita sa kaba. “Syempre hindi. Kaibigan ko lang siya.”Parang hindi niya narinig ang paliwanag ni Lucy, dinala siya ng salesperson sa shelf sa kabi
Lumapit si Barbara at Pearl kay Maisie. “Pinsan mo ang bida ngayong gabi. Bakit hindi pa siya lumalabas?”Ngumiti si Maisie. “Baka naghahanda pa siya.”Pagkatapos niyang sabihin yun ay lumabas si Hector sa eksena at ang nasa tabi niya ay ang dating manager nf Zestar na si Tristan.Mag-partner si Tridem at Sean sa Zestar. May mga nalalaman sila tungkol sa pagkamatay ni Sean at ang dating aksyon ng mga ex-Zestar higher-ups. Si Hector ang nagbalik sa kaniya sa Zestar.May formal ang suot ni Hector ngayon. Nakasuot siya ng three-piece suit. Hindi lang siya basta nagmukhang grande sa suot niya, nagbigay din ito ng mature at malakas na dating.Pero medyo nahihirapan si Hector nang sinuot niya ang outfit na ito.Lumapit sa kaniya si Maisie at inayos ang tie niya. “Ito ang unang pagkakataon na magsuot ka ng ganito. Hindi ka sanay, ano?”“Oo, hindi talaga ako sanay.”Nahihiya si Hector at si Triden na nasa gilid niya ay pinatunog ang kaniyang dila. “Marami ka pang bagay na hindi kinasan
Nakuha ng kaguluhan ang atensyon ng mga tao at nataranta si Lucy. Natakot din siya na malaman ni Edward ang pagdating niya sa party. “Ayos lang. Ayos lang ako.”Pagkatapos ay umalis siya ng venue.Tinawag siya ng waiter pero hindi siya lumingon.Parang narinig ni Hector ang boses ni Lucy kaya lumingon siya para tumingin, nakita niya ang pamilyar na katawan na papalayo.At tanging ang waiter na lang ang natira at nilinis ang kalat.Pumunta si Lucy sa banyo at nilinis ang wine stain sa dress niya gamit ang tubig pero habang nililinisan niya ito ay mas lalo itong dumudumi.Bumigat ang loob niya bigla at gusto niyang umiyak.Sa oras na yun, tumunog ang phone na nasa clutch niya.Nilabas niya ang phone at tawag yun mula kay Hector.Nagdalawang-isip siya sandali bago sinagot.Tinanong ni Hector kung nasaan siya.Kinuha niya clutch, umalis ng banyo at pumunta kay Hector na lumabas para hanapin siya sa corridor.Tinagilid ni Hector ang ulo niya at mabagal na binaba ang phone niya h
Naglakad si Lucy sa hall kasama si Hector at nang bumukas ang pinto, yumuko siya para makaiwas sa tingin nila.Tumingin ang mga tao sa kanila at natigil ang buong eksena.Lumapit si Maisie sa kanila at ngumiti. “Saan kayo galing?”Kinakabahan na pinaglalaruan ni Lucy ang daliri niya. “Ms. Vanderbilt, sa… Sa tingin ko gumawa ako ng gulo.”“Walang gulo.” Iinom na sana si Maisie nang bigla niyang makita ang bulaklak sa ilalim ng dress ni Lucy. “Ang ganda ng bulaklak na ito.”“Ginawa ni Hector para takpan ang wine stain. Katatahi lang niya.” Namula ang mukha niya at mukhang mansanas sa ilalim ng ilaw.Tumawa si Maisie at tumingin kay Hector. “Matapang si Hecky pero maingat. Panigurado na i-spoil niya ang magiging girlfriend niya.”Tumigil sa pagtibok ang puso ni Lucy at ayaw niya mag angat ng tingin.Biglang lumapit si Barbara at nilagay ang kamay niya sa balikat ni Maisie. “Namimili ka na agad ng cousin-in-law?”Tumanggi si Maisie. “Gusto ko pumili ng mga daughter-in-law sa mga
“Gusto ko lang na mayroon siyang lugar na matutuluyan hanggang sa makatapos siya. Kawawa siya kaya kailangan kong maging responsable sa kaniya habang lumalaki siya. Sana ay makatulong ka. Paglaki niya at kaya na niya mabuhay mag-isa hindi na siya manghihingi ng kahit ano sa pamilya mo.”Nagulat si Edward nang marinig niya yun.Ang babae na ikakasal ulit ay gustong tanggapin ang anak nila pero iniisip niya ang tungkol doon sa pananaw niya.Hindi niya gusto ang ideya ni Jenna na dalhin ang anak niya. Businessman siya kaya nag aalala siya na ang babaeng magpapakasal sa kaniya na may anak ay mayroong masamang intensyon at bukod pa doon, may anak din siya.Pagkatapos sabihin ni Jenna ang lahat ng yun, tinanong niya kung ayos lang kay Jenna na hindi nila sasabihin ang relasyon nila sa mga Xaviers at pumayag siya.…Natauhan si Edward at tiningnan si Lucy. “Oras na para tawagin ako.”Nagulat si Lucy. Nang makitang nakatayo lang siya doon, siniko siya ni Elaine. “Bakit nakatayo ka lang
Tiningnan ni Hector si Lucy at binagalan ang paglalakad niya.Huminto si Lucy at tiningnan si Hector, maliwanag ang ngiti sa mukha niya, “Pero gusto kita pasalamatan ngayong gabi. Sa tingin ko ay ikaw ang lucky star ko.”Nagulat si Hector. “Lucky star?’“Oo, nagbibigay ka ng swerte sa akin, lucky star.” Lumaki ang ngiti ni Lucy.Tumawa si Hector. “Talaga.”Nag-iwas ng tingin si Hector. “Sana nga swerte ang mabigay ko.”Hindi niya nagawa na magbigay ng swerte kay Sean.Nang makita ni Lucy na natulala siya, lumapit siya kay Hector at kinaway ang kamay sa harap ng mukha niya. “Kung mabibigyan mo ng swerte ang lahat, pwede ka maging anghel.”Ngumiti si Hector.Biglang may naamoy si Lucy at tumingin sa pinto na pinanggagalingan nun. “Parang may naaamoy akong kebab.”Nilagay ni Hector ang kamay niya sa balikat ni Lucy at pinatayo siya nang maayos. “Nagtitinda sila ng street food doon.”“Oo, nagtitinda sila!” Parang gusto ni Lucy ng ganoon pero may bigla siyang naisip at biglang tu
‘Long-term…’Mabilis ang tibok ng puso ni Lucy kaya tumango siya agad.Hinalikan siya ulit ni Hector habang mabagal niyang ipinipikit ang mata niya at malakas na kuryente ang umabot sa puso niya dahilan para mamanhid siya.Paglipas ng ilang araw, sa Xavier residence… Pinindot ni Lucy ang doorbell at binuksan ng katulong ang pinto. Pagkatapos ay tinanong niya, “Nandyan ba ang mom ko?’Kinumpirma ng katulong na nadoon siya at pumunta si Lucy sa living room. Nang marinig ni Jenna na may tao sa baba, bumaba siya at nagulat nang makita na si Lucy yun, “Lucy?”Pinagdikit ni Lucy ang labi niya at ngumiti. “Mom.”Pumunta si Jenna sa couch, nagsalin ng tasa ng tsaa para sa kaniya at mabagal na sinabing, “Hindi maganda ang mood ko noong nakaraang araw at hindi ko napansin ang nararamdaman mo. Pasensya na, Lucy.”Nilagay niya ang teacup sa harap ni Lucy. “Alam ko na matanda ka na ngayon pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hindi kita masisisi kung iniisip mo na puro ako sermon. Gusto k
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa