Naniniwala ang lahat na ang ginawang itonni Pearl ang simula ng paghihiganti ni Maisie.Kumibot ang sulok ng bibig ni Maisie habang kinukuha niyang kaniyang phone para tawagan si Mrs. Santiago.Mga alas-dies nang umaga, nag-post si Mrs. Santiago ng isnag video gamit ang social media accounts ni Pearl.Kaawa-awa ang kondisyon ni Pearl sa video, ang kaniyang mga mata ay malalim. Para bang ang laki ng nabawas sa timbang niya sa loob lang ng magdamag, at ang laki ng pinagkaiba ng itsura niya ngayon sa mga magagandang selfies na madalas niyang i-post sa kaniyang Instagram, Facebook, at Twitter accounts.Ang video na ito ang kaniyang unang online appearance pagkatapos ng insidente."Mayroon kaming naging hindi pagkaka-unawaan ni Ms. Vanderbilt, pero hindi si Ms. Vanderbilt ang naglagay sa akin sa kapahamakan. Pinagsamantalahan ako nang gabing iyon dahilan para madali akong maniwala sa sinasabi ng iba. Wala na akong gusto pang itago, kaya nilabas ko ang video na ito para humingi ng
Para kay Madam Vanderbilt, palaging una ang mga benepisyo. Mamanahin ng mga lalaki sa pamilya ang negosyo, at magpapakasal ang mga babae sa mga makapangyarihan at mataas ang estado para tulungan ang pamilya.That was why she would protect Willow—because she had ‘usage’.Kaya naman poprotektahan niya si Willow—dahil mayroon itong 'silbi'.Nakakuyom ang kamao ni Stephen. "Mom, hindi ba't apo mo rin si Maisie?""Si Maisie?" Uminit ang ulo ni Madam Vanderbilt. "Katulad din siya ng nanay niya, palaging outsider sa pamilya. Bakit ko siya dapat asahan?""Hindi ba't pinakasalan mo si Marina dahil sa galing niya? siya ang nagpatibay ng posisyon mo sa Bassburgh, pero nirespeto niya ba ako? isa siyang imoral na nag-iisip pa ng ibang lalaki ngayong kasal na siya sa iyo. Hindi talaga nalalayo ang bunga sa puno.""Tama na!"Natigilan ang lahat sa biglaang pagsigaw ni Stephen. Kahit si Madam Vanderbilt ay pinagmasdan siya na para bang wala na siya sa sarili. Hindi siya kailanman sinigawan
Nilapag ni Maisie ang phone sa desk at ni-loudspeaker ito. Narinig ang boses ni Leila. "Maisie, gusto kang makita ng lola mo…"Nang matapos ang tawag, nag-alala si Kennedy. "Sa tingin mo ba ay gusto kang makita ni Madam Vanderbilt dahil mayroon silang plano? gusto mo bang samahan kita?"Ngumiti si Maisie. "Hindi, tito Kennedy. Maraming kailangan gawin sa studio. Hindi naman malaking problema si Madam Vanderbilt at Leila.Dumating si Maisie sa Sunrise Restaurant. Nakapagtataka na hindi siya pinabalik ni Madam Vanderbilt at Leila sa Vanderbilt manor. Ano kayang dahilan nito?Nakita niya si Madam Vanderbilt at Leila na nakaupo sa likod ng mesa nang pumasok siya sa kwarto."Lola, gusto niyo raw akong makita?"Hindi masaya si Madam Vanderbilt nang makitang hindi siya pinapakitaan ng respeto ni Maisie. "Nabalitaan kong pinasa ng tatay mo ang ownership ng Vaenna sa iyo?"Natigilan si Maisie, nagtataka. 'Bakit hindi ko alam iyan? Hindi ba't kay Willow na ang Vaenna ngayon?"Tin
"Itatrato ko ang nakakatanda sa akin katulad ng pagtrato nila sa akin. Hindi mo ako tinratong apo simula noong bata ako. Bakit sa tingin mo dapat akong maging magalang sa iyo?"Hindi siya kailanman binisita o binuhat ni Madam Vanderbilt simula nang pinanganak siya dahil lang isa siyang babae.Bata pa siya noon at hindi pa naiintindihan ang nangyayari. Umuuwi pa rin siya para sa Thanksgiving kasama ang kaniyang magulang. Gayunpaman, nakita niya at naaalala niya kung paano tratuhin ni Madam Vanderbilt ang nanay niya.Mahinahon lang si Marina at wala masiyadong pakialam sa mga sinasabi ni Madam Vanderbilt. Iyon siguro ang dahilan kung bakit naisip ni Madam Vanderbilt na katulad din siya ng kaniyang ina.Akala noon ni Maisie na ang kawalang-pakialam ng nanay niya sa mga Vanderbilt ay dahil sa pangangaliwa ng tatay niya at relasyon nito kay Leila."Zee, paano mo nagagawang sagutin nang ganiyan ang lola mo?" Sinusubukan pa rin ni Leila na magpanggap na mabuting manugang kay Madam V
Naningkit ang mga mata ni Nolan. “Anong kinakatakot mo? Alam ng lahat na akin ka.”Sinapubliko niya na iyon, kaya imposibleng hindi pa alam ng mga tao.Tinabig ni Maisie ang kamay ni Nolan at proud na sinabing, “Pwede mo ba akong pakitaan ng kaunting respeto, please?”Ayaw niyang maglakad-lakad bilang ‘girlfriend ni Mr. Goldman.’Nagdilim ang mga mata ni Nolan.Wala naman talaga siyang pakialam sa iniisip ng iba. Ayaw niya lang magpakita ng affection sa harapan ng lahat.Bakit siya kinahihiya ni Maisie?Napansin ni Maisie ang bigat ng braso ni Nolan at ang mapang-angkin nitong titig, kaya naman nagsimulang tumibok nang mabilis ang kaniyang puso.Sinong nakakaalam kung hahalikan siya ng lalaking ito sa harap ng maraming tao para lang ipakitang pagmamay-ari siya nito? Hindi iyon maganda.Binago niya ang pakikitungo niya, mula sa pagiging proud ay naging mahiyain siya, medyo mahinhin pa, at bumulong. “Nasa harap tayo ng maraming tao. Pwede bang pagmukhain mo naman akong
Pinagmasdan nang mabuti ni Maisie ang litrato at napagtanto na magkasunod na naglalakad ang nanay niya at si Erwin, nasa bandang likuran si Erwin. Gayunpaman, parang magkasunod sila dahil sa anggulo.Kung magka-relasyon sila, mas magiging intimate sila, pero walang pinakita na anumang senyales ng intimacy si Erwin at kaniyang ina. Parang ginagalang nga ni Erwin si Marina.Sino ang kaniyang ina para kay Erwin?Biglang sinara ang laptop.Lumingon si Maisie sa lalaking nasa tabi niya, medyo nagulat siya. “Iyan lang ang nalaman mo?”Iyon na ‘yun?Nakalapat ang mahabang braso ni Nolan sa likod ng couch kung saan siya nakaupo. Sumandal ito. “Halikan mo ako, sasabihin ko sa iyo.”“Hindi na bale. Ako na mismo ang aalam.”Tatayo na sana si Maisie nang bigla siyang hilain ni Nolan.Napaupo siya sa hita nito. Hindi iyon magandang posisyon.“Nolan, dahil lang opisina mo ito ay pwede mo nang—” Tinulak siya ni Maisie, pero mahigpit siyang iniipit ni Nolan sa kaniyang dibdib at mu
”Mga de Arma ang tinutukoy mo, tama?”Nang makitang alam na ni Maisie ang totoo, walang pag-aalinlangang tumango si Erwin. “Gusto kong maghintay ng ilang tagumpay mo sa buhay bago ko sabihin sa iyo ang tungkol sa kaniya.“Zee, kahit na mayroon ka pang malaman tungkol sa kaniya sa susunod, huwag mong sisihin ang nanay mo. Ang totoo, mahal na mahal ka ng nanay mo. Alam niyang hindi ka tatratuhin nang maganda ng mga Vanderbilt sa oras na pumanaw siya, kaya naman dumating ako.” Hinatid ni Erwin si Maisie sa pinto.Sumakay si Maisie sa kotse at umalis matapos magpaalam.Si Willow na kanina pa sinusundan si Maisie ay nakaupo ngayon sa loob ng sasakyan. Mahigpit ang hawak niya sa manibela at saka nilabas ang kaniyang cell phone nang makita niyang papalabas si Maisie sa bahay ng isang lalaki.Habang tinitingnan ang mga litrato sa kaniyang phone, ngumisi siya.‘Mayroon na rin akong magagamit laban sa iyo!’Sa Vanderbilt manor…Lumabas si Leila ng banyo habang nakasuot ng isang s
Hindi nakalimutan ni Willow na magdagdag pa ng sasabihin. “Huwag ka ng magpabihag pa sa mga kasinungalingan niya!”Magpabihag?Oo nga, para sa kaniya ay nabihag ni Maisie si Nolan. Si Maisie ay isang seductive vixen na inagaw ang lalaking para sa kaniya.Humalukipkip si Maisie, walang pagbabago sa kaniyang ekspresyon na para bang ang taong tinutukoy ni Willow ay hindi siya.Tinaas ni Nolan ang kamay at tinaas ang baba ni Maisie habang kumikibot ang kaniyang mga labi. “Totoo ba iyon?”Hindi sumagot si Maisie.Pero sa mga mata ng mga tao sa paligid, hindi pa nagagalit si Mr. Goldmann!Bumuntong-hininga si Maisie. “Oo, isang oras akong nanatili sa bahay ng lalaking iyon.”Hindi inaasahan ni Willow na aaminin iyon ni Maisie, kaya sinubukan niya itong gatungan. “Nolan, narinig mo ba iyon? Hindi ako nagsinungaling sa iyo. Isa siyang—-”“Anong ginawa mo sa isang oras na iyon?”“Ginawa ko ang lahat ng dapat gawin.” Ngumiti si Maisie.Napasinghap ang lahat ng tao.‘Gusto