Naningkit ang mga mata ni Nolan. “Anong kinakatakot mo? Alam ng lahat na akin ka.”Sinapubliko niya na iyon, kaya imposibleng hindi pa alam ng mga tao.Tinabig ni Maisie ang kamay ni Nolan at proud na sinabing, “Pwede mo ba akong pakitaan ng kaunting respeto, please?”Ayaw niyang maglakad-lakad bilang ‘girlfriend ni Mr. Goldman.’Nagdilim ang mga mata ni Nolan.Wala naman talaga siyang pakialam sa iniisip ng iba. Ayaw niya lang magpakita ng affection sa harapan ng lahat.Bakit siya kinahihiya ni Maisie?Napansin ni Maisie ang bigat ng braso ni Nolan at ang mapang-angkin nitong titig, kaya naman nagsimulang tumibok nang mabilis ang kaniyang puso.Sinong nakakaalam kung hahalikan siya ng lalaking ito sa harap ng maraming tao para lang ipakitang pagmamay-ari siya nito? Hindi iyon maganda.Binago niya ang pakikitungo niya, mula sa pagiging proud ay naging mahiyain siya, medyo mahinhin pa, at bumulong. “Nasa harap tayo ng maraming tao. Pwede bang pagmukhain mo naman akong
Pinagmasdan nang mabuti ni Maisie ang litrato at napagtanto na magkasunod na naglalakad ang nanay niya at si Erwin, nasa bandang likuran si Erwin. Gayunpaman, parang magkasunod sila dahil sa anggulo.Kung magka-relasyon sila, mas magiging intimate sila, pero walang pinakita na anumang senyales ng intimacy si Erwin at kaniyang ina. Parang ginagalang nga ni Erwin si Marina.Sino ang kaniyang ina para kay Erwin?Biglang sinara ang laptop.Lumingon si Maisie sa lalaking nasa tabi niya, medyo nagulat siya. “Iyan lang ang nalaman mo?”Iyon na ‘yun?Nakalapat ang mahabang braso ni Nolan sa likod ng couch kung saan siya nakaupo. Sumandal ito. “Halikan mo ako, sasabihin ko sa iyo.”“Hindi na bale. Ako na mismo ang aalam.”Tatayo na sana si Maisie nang bigla siyang hilain ni Nolan.Napaupo siya sa hita nito. Hindi iyon magandang posisyon.“Nolan, dahil lang opisina mo ito ay pwede mo nang—” Tinulak siya ni Maisie, pero mahigpit siyang iniipit ni Nolan sa kaniyang dibdib at mu
”Mga de Arma ang tinutukoy mo, tama?”Nang makitang alam na ni Maisie ang totoo, walang pag-aalinlangang tumango si Erwin. “Gusto kong maghintay ng ilang tagumpay mo sa buhay bago ko sabihin sa iyo ang tungkol sa kaniya.“Zee, kahit na mayroon ka pang malaman tungkol sa kaniya sa susunod, huwag mong sisihin ang nanay mo. Ang totoo, mahal na mahal ka ng nanay mo. Alam niyang hindi ka tatratuhin nang maganda ng mga Vanderbilt sa oras na pumanaw siya, kaya naman dumating ako.” Hinatid ni Erwin si Maisie sa pinto.Sumakay si Maisie sa kotse at umalis matapos magpaalam.Si Willow na kanina pa sinusundan si Maisie ay nakaupo ngayon sa loob ng sasakyan. Mahigpit ang hawak niya sa manibela at saka nilabas ang kaniyang cell phone nang makita niyang papalabas si Maisie sa bahay ng isang lalaki.Habang tinitingnan ang mga litrato sa kaniyang phone, ngumisi siya.‘Mayroon na rin akong magagamit laban sa iyo!’Sa Vanderbilt manor…Lumabas si Leila ng banyo habang nakasuot ng isang s
Hindi nakalimutan ni Willow na magdagdag pa ng sasabihin. “Huwag ka ng magpabihag pa sa mga kasinungalingan niya!”Magpabihag?Oo nga, para sa kaniya ay nabihag ni Maisie si Nolan. Si Maisie ay isang seductive vixen na inagaw ang lalaking para sa kaniya.Humalukipkip si Maisie, walang pagbabago sa kaniyang ekspresyon na para bang ang taong tinutukoy ni Willow ay hindi siya.Tinaas ni Nolan ang kamay at tinaas ang baba ni Maisie habang kumikibot ang kaniyang mga labi. “Totoo ba iyon?”Hindi sumagot si Maisie.Pero sa mga mata ng mga tao sa paligid, hindi pa nagagalit si Mr. Goldmann!Bumuntong-hininga si Maisie. “Oo, isang oras akong nanatili sa bahay ng lalaking iyon.”Hindi inaasahan ni Willow na aaminin iyon ni Maisie, kaya sinubukan niya itong gatungan. “Nolan, narinig mo ba iyon? Hindi ako nagsinungaling sa iyo. Isa siyang—-”“Anong ginawa mo sa isang oras na iyon?”“Ginawa ko ang lahat ng dapat gawin.” Ngumiti si Maisie.Napasinghap ang lahat ng tao.‘Gusto
‘Bumagsak na ako sa puntong ito!’Mahinahong bumalik si Maisie sa kaniyang opisina.‘Salamat sa diyos at umalis na ang dbag na iyon.’“Zee!” Pagkalingon ni Maisie, niyakap na siya ng mahigpit ni Ryleigh. “Hey, bakit hindi mo sinabi sa akin na hindi ka na nagtatrabaho sa Vaenna?!”Sandaling natulala si Ryleigh, bigla niyang binitawan si Maisie, at inamoy ang katawan nito. “Bakit amoy perfume ka ng lalaki?”Kinilabutan si Maisie, kalmado siyang umiwas ng tingin. “Talaga?”“Oo!” Suminghot ulit si Ryleigh at bahagyang kumunot ang noo. “Isa iyan sa mga Gucci colognes, at pamilyar ang amoy na iyan. Ah, hindi ba galing yan kay Mr. Goldmann—”Tinulak siya ni Maisie. “Aso ka ba? Bakit mo ako hinahanap?”“Matagal-tagal na tayong hindi nagkikita, at hindi mo man lang ako namiss? Hmph, ikaw talaga yung tipong inuuna ang boyfriend kaysa best friend.” Suminghal si Ryleigh at humalukipkip.Lumapit si Maisie sa kaniyang desk at naipo. “Hehe,hindi ba’t mayroon ka rin ka-date?”“Hind
Kahit na si Mr. Goldmann ay humaling na humaling sa kaniya, habang si Willie naman ay nagdusa nang malala dahil sa babaeng iyon!’Pinag-isipan niya itong mabuti at mayroon siyang kutob na mayroong tumutulong nang patago kay Maisie. Kung hindi, bakit ang lakas-lakas ng loob nito!?‘Kahit na si Mr. Goldmann ay naloko.’Ang mas ikinagulat pa niya ay si Erwin na makapangyarihan sa mga upper-class circle ay tinawag na pamangkin si Maisie!‘Posible bang si Erwin ang tumutulong kay Maisie? Pero nasa 40s na rin si Erwin. Magka-edad lang kami. Kung sinasabi niyang pamangkin niya si Maisie, posible bang… ang babaeng iyon, si Marina Gonzales!’Hindi mapigilan ni Leila na lumalim ang kaniyang iniisip. Kahit na hindi niya kailanman nakita si Marina, narinig niya na ang tungkol sa kaniya.‘Tinulungan ni Marina si Stephen na magkaroon ng pundasyon sa Bassburgh sa pamamagitan ng pagtatayo ng Vaenna Jewelry. Isa talaga siyang magaling na babae.’Sa kasamaang palad ay wala masiyadong alam s
Tumingala si Colton, tiningnan si Louis at sinabing, "Kung ganoon, bakit tinulungan niyo pa rin ako?"*Mayroon bang tumulong sa iyo?" Kumunot ang noo ni Louis. "Isa ka lang bata, pero ganyan mo kausapin ang isang professor?""Hindi ako bata lang." Nagalit si Colton.Ginalaw ni Louis ang kaniyang kamay at pinakita ang height ni Colton. "Ganito ka lang katangkad, hindi ba't bata ka lang?"Matapang na sumagot si Colton, "Tatangkad pa naman ako!""Pfft, pero isa ka lang bata ngayon."Pinagmasdan ni Louis ang bata.'Hindi lang siya matalino pero hindi rin siya takot sa akin. Maganda rin ang resultang nakuha niya sa rating selection ng academy. Pambihira ang batang ito.'Pero bakit pamilyar ang mukha niya?'"Magpa-practice na ako ng piano. See you around, Professor Lucas." Nagpamaywang si Colton at umalis.Pinanood ni Louis ang bata habang papaalis ito.'Saang pamilya kaya galing ang batang iyon? napukaw niya ang interes ko.'Pagkatapos ng school, nakaupo sina Waylon at
Bakit niya gugustuhin na magkaroon pa ng anak sa isang g*gong lalaking katulad niya? imposible!"Walang hiyang lalaki na walang ibang inisip kung hindi ang makasiping ako. Mangarap siya!" Bulong niya habang nagtutupi ng ilang damit, plano niyang matulog sa kwarto ni Daisie.Hindi napansin ni Maisie na ang lalaking nakasandal sa pinto habang nakahalukipkip ay pinaniningkitan na siya ng mata.Hindi galit si Nolan sa narinig na mga insulto sa kaniya dahil totoo namang gusto niyang mayroong mangyari sa kanila ni Maisie.Nang tumalikod si Maisie dala ang mga damit, napatalon niya sa gulat at nanigas ang kaniyang ekspresyon.Hindi, masiyado siyang naging pabaya!"Tapos ka na manermon?" Tinitigan siya ni Nolan. Masigla si Maisie sa tuwing nagagalit sa kaniya. Ang cute nitong panoorin.Hindi nagsalita si Maisie. Kalmado niyang sinabi habang dala-dala ang mga damit, "Kay Daisie ako matutulog ngayong gabi."Hindi siya pinigilan ni Nolan, nakangiti lang ito habang pinapanood na um