”Mga de Arma ang tinutukoy mo, tama?”Nang makitang alam na ni Maisie ang totoo, walang pag-aalinlangang tumango si Erwin. “Gusto kong maghintay ng ilang tagumpay mo sa buhay bago ko sabihin sa iyo ang tungkol sa kaniya.“Zee, kahit na mayroon ka pang malaman tungkol sa kaniya sa susunod, huwag mong sisihin ang nanay mo. Ang totoo, mahal na mahal ka ng nanay mo. Alam niyang hindi ka tatratuhin nang maganda ng mga Vanderbilt sa oras na pumanaw siya, kaya naman dumating ako.” Hinatid ni Erwin si Maisie sa pinto.Sumakay si Maisie sa kotse at umalis matapos magpaalam.Si Willow na kanina pa sinusundan si Maisie ay nakaupo ngayon sa loob ng sasakyan. Mahigpit ang hawak niya sa manibela at saka nilabas ang kaniyang cell phone nang makita niyang papalabas si Maisie sa bahay ng isang lalaki.Habang tinitingnan ang mga litrato sa kaniyang phone, ngumisi siya.‘Mayroon na rin akong magagamit laban sa iyo!’Sa Vanderbilt manor…Lumabas si Leila ng banyo habang nakasuot ng isang s
Hindi nakalimutan ni Willow na magdagdag pa ng sasabihin. “Huwag ka ng magpabihag pa sa mga kasinungalingan niya!”Magpabihag?Oo nga, para sa kaniya ay nabihag ni Maisie si Nolan. Si Maisie ay isang seductive vixen na inagaw ang lalaking para sa kaniya.Humalukipkip si Maisie, walang pagbabago sa kaniyang ekspresyon na para bang ang taong tinutukoy ni Willow ay hindi siya.Tinaas ni Nolan ang kamay at tinaas ang baba ni Maisie habang kumikibot ang kaniyang mga labi. “Totoo ba iyon?”Hindi sumagot si Maisie.Pero sa mga mata ng mga tao sa paligid, hindi pa nagagalit si Mr. Goldmann!Bumuntong-hininga si Maisie. “Oo, isang oras akong nanatili sa bahay ng lalaking iyon.”Hindi inaasahan ni Willow na aaminin iyon ni Maisie, kaya sinubukan niya itong gatungan. “Nolan, narinig mo ba iyon? Hindi ako nagsinungaling sa iyo. Isa siyang—-”“Anong ginawa mo sa isang oras na iyon?”“Ginawa ko ang lahat ng dapat gawin.” Ngumiti si Maisie.Napasinghap ang lahat ng tao.‘Gusto
‘Bumagsak na ako sa puntong ito!’Mahinahong bumalik si Maisie sa kaniyang opisina.‘Salamat sa diyos at umalis na ang dbag na iyon.’“Zee!” Pagkalingon ni Maisie, niyakap na siya ng mahigpit ni Ryleigh. “Hey, bakit hindi mo sinabi sa akin na hindi ka na nagtatrabaho sa Vaenna?!”Sandaling natulala si Ryleigh, bigla niyang binitawan si Maisie, at inamoy ang katawan nito. “Bakit amoy perfume ka ng lalaki?”Kinilabutan si Maisie, kalmado siyang umiwas ng tingin. “Talaga?”“Oo!” Suminghot ulit si Ryleigh at bahagyang kumunot ang noo. “Isa iyan sa mga Gucci colognes, at pamilyar ang amoy na iyan. Ah, hindi ba galing yan kay Mr. Goldmann—”Tinulak siya ni Maisie. “Aso ka ba? Bakit mo ako hinahanap?”“Matagal-tagal na tayong hindi nagkikita, at hindi mo man lang ako namiss? Hmph, ikaw talaga yung tipong inuuna ang boyfriend kaysa best friend.” Suminghal si Ryleigh at humalukipkip.Lumapit si Maisie sa kaniyang desk at naipo. “Hehe,hindi ba’t mayroon ka rin ka-date?”“Hind
Kahit na si Mr. Goldmann ay humaling na humaling sa kaniya, habang si Willie naman ay nagdusa nang malala dahil sa babaeng iyon!’Pinag-isipan niya itong mabuti at mayroon siyang kutob na mayroong tumutulong nang patago kay Maisie. Kung hindi, bakit ang lakas-lakas ng loob nito!?‘Kahit na si Mr. Goldmann ay naloko.’Ang mas ikinagulat pa niya ay si Erwin na makapangyarihan sa mga upper-class circle ay tinawag na pamangkin si Maisie!‘Posible bang si Erwin ang tumutulong kay Maisie? Pero nasa 40s na rin si Erwin. Magka-edad lang kami. Kung sinasabi niyang pamangkin niya si Maisie, posible bang… ang babaeng iyon, si Marina Gonzales!’Hindi mapigilan ni Leila na lumalim ang kaniyang iniisip. Kahit na hindi niya kailanman nakita si Marina, narinig niya na ang tungkol sa kaniya.‘Tinulungan ni Marina si Stephen na magkaroon ng pundasyon sa Bassburgh sa pamamagitan ng pagtatayo ng Vaenna Jewelry. Isa talaga siyang magaling na babae.’Sa kasamaang palad ay wala masiyadong alam s
Tumingala si Colton, tiningnan si Louis at sinabing, "Kung ganoon, bakit tinulungan niyo pa rin ako?"*Mayroon bang tumulong sa iyo?" Kumunot ang noo ni Louis. "Isa ka lang bata, pero ganyan mo kausapin ang isang professor?""Hindi ako bata lang." Nagalit si Colton.Ginalaw ni Louis ang kaniyang kamay at pinakita ang height ni Colton. "Ganito ka lang katangkad, hindi ba't bata ka lang?"Matapang na sumagot si Colton, "Tatangkad pa naman ako!""Pfft, pero isa ka lang bata ngayon."Pinagmasdan ni Louis ang bata.'Hindi lang siya matalino pero hindi rin siya takot sa akin. Maganda rin ang resultang nakuha niya sa rating selection ng academy. Pambihira ang batang ito.'Pero bakit pamilyar ang mukha niya?'"Magpa-practice na ako ng piano. See you around, Professor Lucas." Nagpamaywang si Colton at umalis.Pinanood ni Louis ang bata habang papaalis ito.'Saang pamilya kaya galing ang batang iyon? napukaw niya ang interes ko.'Pagkatapos ng school, nakaupo sina Waylon at
Bakit niya gugustuhin na magkaroon pa ng anak sa isang g*gong lalaking katulad niya? imposible!"Walang hiyang lalaki na walang ibang inisip kung hindi ang makasiping ako. Mangarap siya!" Bulong niya habang nagtutupi ng ilang damit, plano niyang matulog sa kwarto ni Daisie.Hindi napansin ni Maisie na ang lalaking nakasandal sa pinto habang nakahalukipkip ay pinaniningkitan na siya ng mata.Hindi galit si Nolan sa narinig na mga insulto sa kaniya dahil totoo namang gusto niyang mayroong mangyari sa kanila ni Maisie.Nang tumalikod si Maisie dala ang mga damit, napatalon niya sa gulat at nanigas ang kaniyang ekspresyon.Hindi, masiyado siyang naging pabaya!"Tapos ka na manermon?" Tinitigan siya ni Nolan. Masigla si Maisie sa tuwing nagagalit sa kaniya. Ang cute nitong panoorin.Hindi nagsalita si Maisie. Kalmado niyang sinabi habang dala-dala ang mga damit, "Kay Daisie ako matutulog ngayong gabi."Hindi siya pinigilan ni Nolan, nakangiti lang ito habang pinapanood na um
Gagawin ng tatay niya ang lahat kapag nagdadabog siya noon, pero ngayon ay hindi siya pinapansin nito.Dahil itong lahat kay Maisie!Hindi nagsalita si Leila, pero nag-iisip siya.Pagkatapos mag-almusal ni Willow, nagpunta si Leila sa study ni Stephen.Gusto niyang malaman kung anong ginagawa ng lalaking iyon.Hindi niya alam kung anong dapat niyang asahan bago siya magsimulang mag-imbestiga, pero nang malaman niya ay nagulat siya. Lahat ng ito ay mga naiwang gamit ni Marina!Namula ang mga mata ni Leila. Ilang araw na nagtago si Stephen sa study para ayusin ang lahat ng gamit na iniwan ni Marina!Namimiss pa nga ng lalaking iyon ang patay na babaeng iyon!Tiningnan ni Leila ang mga gamit. Ang ikinagulat niya ay wala ni isang litrato ni Marina. Lahat ay sari-sari at walang halagang mga gamit. Hindi niya alam kung bakit ito tinatago ni Stephen.Bigla naman niyang nakita ang isang kulay pulang wooden box sa ilalim.Binuksan ni Leila ang box. Mayroon isang delicate vin
Natigilan si Maisie at napayuko siya."Bakit bigla mong gustong sabihin sa akin ngayon?"Ayaw ni Stephen na pinag-uusapan ang nanay niya, at akala ni Maisie ay kinalimutan niya na iyo. Nalulungkot siya sa tuwing nakikita niya si Willow at Leila.Nakita ni Stephen ang pagkadismaya sa kaniyang mga mata, mabigat ang kaniyang puso. "Ayaw kong pag-usapan dahil ayaw kong maalala.""Gustong-gusto kong malaman, ganoon ka ba kagalit sa nanay ko?"Binigyan siya nito ng anak pero mas higit pa rin si Leila?Nagngalit ang mga ipin ni Stephen. "Hindi mo alam ang nangyari sa amin ng nanay mo, at inisip mo kaagad na galit ako sa kaniya?"Umiwas ng tingin si Maisie at walang sinabi."Zee, hindi mo siguro alam na noong pakasalan ako ng nanay mo, siya ang lumapit sa akin. Hindi kami nagpakasal dahil sa pag-ibig."Hindi dahil sa pag-ibig?Natigilan si Maisie dahil sa gulat.Malungkot ang itsura ni Stephen. "Bata pa ako at mataas ang pangarap, gusto kong magkaroon ng career sa Bassbur