Ang alaala ni Louis kay Ryleigh ay noong pinabilib niya ang mga tao sa baba ng stage noong high school.Inamin niyang may ginawang ganoon nga si Ryleigh sa restaurant. Pero, dahil hindi pa sinasabi ni Willow sa lahat kung sino siya, hindi niya pwedeng hayaang mawala sa kontrol ang sitwasyon, kaya sinabi niya, “Pareho silang may kasalanan. Pwede kaming mag-usap-usap para makahanap ng solusyon. Hindi na kailangan pang gumawa ng eksena.”Tiningnan sia ni Ryleigh at nagtanong, “Bulag ka ba? Paano mo—”Hindi na siya pinatapos magsalita ni Russell, “Manahimik ka, Ryleigh! Kapag may narinig pa ako mula sa bibig mo, lagot ka sa akin pagkauwi natin mamaya!”Lumapit si Willow para humingi ng pasensya sa kaniya, pero hindi niya ito pinansin. Tiningnan niya si Ryleigh na inis na inis. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay talunan talaga si Ryleigh kahit na mukha siyang tigre.Nang dumating sina Maisie at Nolan, lumapit si Ryleigh kay Maisie at nagsumbong, nakasimangot ang mukha, “Zee, nandi
Gayunpaman, hindi nakatulog magdamag si Louis. Lalo na at paminsan-minsang nahuhulog si Ryleigh sa kama sa tuwing nawawala ang tingin niya dito.Tinabihan niya ito buong magdamag hanggang sa magising ito. “Gising ka na?”Kahit na pagod siya, kailangan niyang magpanggap na hindi. Tumingin siya sa kaniyang relo at sinabing, “Alam mo bang ang galing mong matulog?”“Louis? Anong ginagawa mo sa bahay ko?” Nagulat si Ryleigh. “I-ikaw ba ang nagpalit ng damit ko?”Habang nakatingin sa natatakot na ekspresyon sa mukha ni Ryleigh, hindi mapigilan ni Louis na mapatawa. Nagdesisyon siyang asarin ito at sinabing, “Ano naman dapat kong makita sa katawan mo?”“Walang hiya ka!” Sigaw ni Ryleigh sabay bato ng unan sa kaniya.Nasalo niya yun at nagpatuloy sa pagsasalita. “Sinukahan mo ako kagabi. Kung hindi kita fiancee, iniwan na kita sa kalsada.”Pagkatapos nito, binato niya ang unan pabalik kay Ryleigh. Ayaw niyang malaman nito na kanina niya pa itong hinihintay na magising, kaya nagtanong si
Ginulat ni Nolan si Maisie. Lumingon siya at sinabing, “Nagluluto ako.”Tumawa si Nolan at sinabing, “Oo, alam ko. Naaamoy ko sa taas.”“Talaga? Mukhang medyon sumarap na ang luto ko.” Kumuha si Maisie ng kaunti gamit ang kutsara para tikman ang lasa bago ilapit ang kutsara sa mga labi ni Nolan. “Subukan mo.”Lumapit si Nolan at dinikit ang mga labi sa mga labi ni Maisie. Saka siya tumawa. “Matamis.”“Ikaw talaga….” Namula sa hiya ang mukha ni Maisie saka niya tinulak palayo si Nolan. “Hindi ka na nahiya.”Tumawa si Nolan. Pinaharap niya sa kaniya si Maisie at nagtanong, “Matagal mo na akong kilala pero ngayon mo lang nalaman na walang hiya ako?”Pinatay niya ang apoy at yumuko para halikan si Maisie. Muli na namang bumigay si Maisie sa lambing ni Nolan. Sinagot niya ang mainit nitong mga halik, pabulong siyang nagreklamo, “Hindi magtatagal, mamamatay ako sa mga kamay mo.”Mahinang tumawa si Nolan at bumulong sa mga tainga niya, “Huwag ka mag-alala. Sisiguraduhin kong hahaba ang
Inakbayan ni Louis si Ryleigh at sinabing, “Umalis na sila.”“Kung ganoon–” Napakurap ng mga mata si Ryleigh at bago pa niya matapos ang sasabihin, binuhat na siya ni Louis at nginitian.“Siyempre, uuwi na tayo para simulan na ang paghahanda sa kasal natin.”Niyakap ni Ryleigh ang leeg ni Louis at sinabing, “Gusto ko ng sobrang romantic na kasal!”“At?” Tumawa si Louis.Nag-isip sandali si Ryleigh at sumagot, “At isang magarang karwahe!”Tumango si Louis.Pagkatapos nito, nagsimulang magbilang si Ryleigh sa daliri at nagpatuloy, “Pagkatapos nating magpakasal, hindi mo ako pwedeng asarin, hahayaan mo akong manalo kapag nag-aaway tayo at hindi ka dapat makipaglandian sa ibang babae.”Huminto si Louis at tiningnan ang babae sa mga braso niya. “Kailan pa ako lumandi ng ibang babae?”Natahimik si Ryleigh. Tiningnan niya si Louis at sinabing, “Ibig kong sabihin, pagkatapos nating maikasal.”Pagkatapos, dinagdag niya, “Ang sabi sa akin ng ibang tao ay nagiging ibang tao ang isang la
Sumagot si Ryleigh, “Mukhang patapos na siya. Tapos na ang makeup niya.”Dumating si Larissa at sinabing, “Magsisimula na ang kasal. Nasaan si Zee?”“Nandito ako.”Lumabas ng dressing room si Maisie suot ang kaniyang wedding gown. Ang dark-colored wedding dress ay napakaganda ng pagkakagawa at pagkakatahi, mayroon itong layer ng gradient-colored tulle sa labas ng gown na abot hanggang sa sahig.Naghihintay ang mga groom sa tapat ng mga karwahe. Makalipas ang ilang sandali, nakita nila ang kanilang mga bride na naglalakad papunta sa kanila.Nakasuot ng double-breasted black tuxedo na may gold lines sa manggas, bagay ito sa suot na itim na belo ni Maisie.Nilahad ni Nolan ang kamay niya kay Maisie.Hinawakan yun ni Maisie at niyakap naman siya ni Nolan. Binuhat siya nito papunta sa karwahe at bumulong sa kaniya, “Napakaganda mo ngayon, Zee.”Mahinang tumawa si Maisie at sumagot, “Napakagwapo mo rin.”Pinulupot ni Nolan ang mga braso sa baywang ni Maisie at saka hinaplos ang pisn
Tiningnan siya ni Louis. “Mali ka ng narinig. Wala akong sinabi.”Natahimik sina Robbin at Blake.Kumunot ang noo ni Ryleigh. “Talaga?”Tumango si Louis bilang sagot, at saka kumuha ng isang piraso ng cake at sinubuan si Ryleigh. “Ang sarap, di’ ba?”“Hindi na masama.” Tumango si Ryleigh, nakalimutan na ang tinatanong niya, tumalikod at nagsimulang kumain ng cake.Lumingon si Louis sa nakatulalang sina Robbin at Blake at saka ngumiti.Nag-thumbs up sa kaniya ang dlawa.‘Grabe, bro. Ikaw talaga ang nasa kontrol.”Samantala, dahil buntis si Barbara, tinatanggap niya ang mga toast at blessings mula sa lahat gamit ang tubig imbes na wine. Si Nina at ang manager ni Helios na si Morgan ay lumapit sa kanila at nag-alok ng toast, habang ang mga entertainer at directors na malapit sa kanila ay dumating din.Tumawa si Morgan nang makita niya sina Daisie at Waylo. “Hindi ba’t kayo yung dalawa naming batang celebrity dati?”Naalala siya ni Daisie. Nakasuot siya ng magandang princess dres
Tumulong si Robbin sa grilling station habang si Blake naman ay bartender para sa mga bisita.Naupo si Maisie sa bench at napatitig sa malayo, hawak niya ang isang baso ng red wine.Nahanap siya ni Nolan matapos makipag-usap sa mga bisita. Lumakad siya palapit at naupo sa tabi ni Maisie.Sumandal si Maisie sa balikat niya at napangiti na parang lasing na. “Sobrang saya rin siguro nina Cherie at Dad kung nandito rin sila, ano?”Niyakap siya ni Nolan sa mga balikat, yumuko at hinalikan siya sa ulo. “Oo, sigurado yan.”“Nolan Goldmann, sobrang saya ko.” Hinawakan niya ang kamay ni Nolan at naghawak-kamay sila. “Hindi ako nagsisisi na nakilala kita.”Pinagmasdan ni Nolan ang babae sa mga bisig niya na namumula na ang mga pisngi. Tumawa siya. “Zee, lasing ka na.”Naupo si Maisie at kumunot ang noo. “Kailan pa ako nalasing? Hindi ako lasing.”Habang mahinang tumatawa, niyakap siya ulit ni Nolan. “Sige, hindi ka na lasing.”Tumingala si Maisie kay Nolan at saka hinaplos ang tungki ng
Pinaikot siya ni Nolan, mapang-akit na hinaplos ang mga labi niya at ngumisi. “Naging lalaki mo na ako simula kagabi, kaya masaya akong pasiyahin ka katulad nang ginawa mo kagabi.”Tinakpan ni Maisie ang mukha niya. “Pinagtatawanan mo ako, walang hiya ka!”Binuhat siya ni Nolan mula sa kama, at napakapit naman si Maisie sa mga leeg niya. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”“Ligo.”Sinubukan siyang itulak palayo ni Maisie nang dalawang beses. “Bakit mo ako sinasama kung gusto mong maligo?”Wala ng magawa pa si Nolan. “Sinukahan mo ako kagabi, at nilinisan kita magdamag, kaya ang baho ng amoy ko ngayon.”Dinala siya ni Nolan sa banyo at binuksan ang gripo, nagsimulang umagos ang tubig sa bathtub. “Hinaplos at inakit mo ako kagabi, pero sinukahan mo ako bago pa tayo umabot sa main show. Ganoon ang nangyari sa gabi ko.”Nahiya si Maisie.‘Hindi pala nangyari ang naisip ko. Gusto ko lang lambingin siya pero nabigo ako.;Niyakap siya ni Nolan. “So, paano mo ako balak bayaran?”Napa
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa
Ngumiti si Waylon at sinabi, “Oo, pero maaga pa naman.” Humiga si Daisie sa hita ni Nollace at tumingin siya sa langit. Matapos ang ilang sandali, sabi niya, “Ulan ba yung naramdaman ko?” Tumingin ang lahat sa kaniya.Huminga nang malalim si Colton. “Huwag mong i-jinx.” Tumingin si Freyja sa langit, kahit na maliwanag ang langit na nakikita nila, may maiitim na ulap malapit sa mga bundok. “Baka makulimlim lang ngayon.” Malapit na mag tanghali pero wala pa ring araw. Baka nga makulimlim lang pero walang ulan. Nagsalita si Cameron, “Wala namang sinabi sa weather report na uulan ngayon. Sa tingin ko hindi naman uulan.”Depende na lang kung mali pala ang weather report! Matapos ang ilang sandali, naramdaman ni Nollace na may tumulo sa mukha niya. Hinawakan niya iyon. “Umuulan nga.” Umupo si Cameron. “Ano?”Nahihiyang ngumiti si Daisie. “Naisip ko lang naman na uulan pero ngayon…” ‘Jinxing!’Lahat sila ay nagsimula ng mag-pack ng mga pagkain pati ang grill at mga mats ay
Sumang-ayon ang iba.Nang maihain ang pagkain, tiningnan ni Daisie ang puting pagkain na mukhang pamaypay at tinanong ang may-ari. “Ano ‘to?”Ngumiti si ang lalaki at ipinaliwanag, “Mylotic cheese ‘yan. Gawa yan mula sa gatas ng baka. Lokal na pagkain.”Tinikman ni Cameron. “Oh, ang sarap.”Tumikim din si Freyja at Colton at masarap nga iyon.Inihain ang susunod na pagkain. Dinala ito ng lalaki. “Manok ito. Gawa ito sa homemade na marinade, spicy oil, paminta at roasted walnuts. Specialty namin ito dito at gustong gusto ito ng mga turista.”Sinubukan yon ni Daisie at tinanong ni Cameron, “Kumusta?”Tumango siya at sumubo pa nang mas malaki. Sinubukan din yon ng iba.Nagdala ng soup dish ang lalaki. “Ito ang cream nv seaweed. Malambot ito at crunchy naman ang seaweed. Kapag idinagdag ang yam, mas masarap.”“Mukhang masarap. Ako muna ang titikim.” sumubo si Waylon.Tiningnan siya ni Cameron. “Ang bango.”Pagkatapos ng ilang pagkain ay inihain na ang sikat sa lugar. Mayroong bu
Nang gabing ‘yon, sa Taylorton…Nagi-impake si Daisie ng bag niya, para sa plano nilang road trip at iniisip kung ano pa ang kailangan nila.Nang lumabas si Nollace sa shower at nakita na seryoso itong nagpaplano, tumawa siya. “Magbabakasyon lang tayo, hindi lilipat.”“Maraming kailangan dalhin ang mga babae. Skincare, pagkain, at ang camera. Kailangan natin yung drone. Nagdala rin ako ng payong.”Naningkit siya. “Pati payong?”Tiningnan siya ni Daisie at seryosong sinabi, “Paano kung umulan?”Hindi alam ni Nollace ang sasabihin.May dalawa silang malaking suitcase at isang maliit. Tumayo si Daisie, tiningnan ang bag niya at pakiramdam niya ay sumobra siya. Kinamot niya ang kaniyang pisngi. “Parang lilipat ako.”Lumapit si Nollace sa kaniya at niyakap niya si Daisie. “Mabuti na lang at road trip ‘yon o kakailanganin natin ng U-haul.”Ngumiti si Daisie at niyakap siya. “Excited na ako para bukas.”Kinabukasan, nagmaneho si Colton papunta sa Taylorton. Nasa ibang sasakyan si Wa
Hinawakan ni Waylon ang kamay ni Cameron. “Pag-uusapan natin ‘yan sa susunod.”Tiningnan ni Maisie si Daisie at Nollace. “Kinasal na ang dalawa mong kapatid. Kailan ang sa'yo?”Sagot ni Daisie, “Sabi ni Nolly at magandang araw ang September 9 dahil hindi sobrang lamig sa Yaramoor sa oras na ‘yon. Mainit sa umaga pero malamig sa gabi.”Nagulat si Cameron. “Mainit pa rin dito sa September. Parang summer sa East Island kapag September.”Ngumiti si Daisie. “Ang winter ng East Island ay parang summer namin. Pwedeng pumunta doon ang taong ayaw sa winter.”Ibinaba ni Nicholas ang tasa niya at pinag-isipan. “13 na araw na lang bago mag September 9. Ang bilis non.”Ngumiti si Maisie at tumango. “Oo nga.”Tumingin si Waylon kay Nollace. “Panigurado na magarbo ang isang royal wedding.”Inakbayan ni Nollace si Daisie. “Syempre. Bukas ‘yon sa publiko at gaganapin sa palasyo namin.”Lumapit si Cameron kay Waylon. “Hindi pa ako nakakapunta sa isang royal wedding. Isang karanasan ‘yon.” Tini