"Your dad's dead."
Yan ang bungad sa akin ng aking inang lumuluha matapos akong magising sa pag-alog niya sakin para ako'y magising mula sa mahimbing kong tulog. At dahil bagong gising pa ako'y kinusot ko muna ang aking mga mata at saka naupo, tumabi naman siya sa akin at sabay niyakap ako ng mahigpit.
"Dead? What?" wala sa sarili kong tanong sa kanya.
She loosens up her hug then faced me. "Your dad's dead from a plane crash and I think, kasama yung kambal mo." Nagsimula nang mamuo ang luha sa aking mga mata nang maintindihan ko ang kanyang sinabi.
Bago pa man pumatak ang aking luha ay pinigilan ko na agad ito sa pamamagitan ng pagpunas ko nito gamit ang aking kaliwang palad. "Kailangan ko silang makita," wika ko bago tumayo at dumiretso sa aparador ko para maghanap ng aking susuotin sa pag-alis.
"Sasama ako," narinig kong wika ni mama at saka ko naramdaman ang paghawak niya sa aking kamay sabay marahan itong pinisil. "Sasamahan kita."
Tumungo ako sa kanya sabay ngumiti. "Salamat ma," sabi ko bago siya hinila para yakapin.
How did we end up like this? Ah, yes. Nagsimula ito nung na-adik sa pagsusugal ang nanay ko. I was 6 back then, we used to be rich. We used to have a happy family pero nasira ito dahil kay mama. Hindi siya mapigilan ni papa sa pagwawaldas ng pera kaya nahulog sa hiwalayan. Napakababaw ng rason na yun para maghiwalay pero nangyari talaga. I’m a daddy’s girl pero instead of taking me, he took my brother with him. Ang sakit dahil parang itinakwil niya rin ako kasama kay mama. I love my mom but-
“Anak?” Napukaw ako sa aking malalim nap ag-iisip nang marinig ko ang boses ni mama. Tumingin ako sa kanya at saka itinaas ang aking kilay para ipaalam na nakikinig ako sa kanya. “Let’s stay there for a while para na rin asikasuhin ang funeral ng tatay at kambal mo,” wika niya.
Kambal ko. “Ma, does my twin look like me?” di ko na napigilang tanong sa kanya.
She sadly smiled then nod before saying, “Yes, he looks like you. The way you smile and your eyes, magkatulad na magkatulad.” Marahan niyang hinawakan ang aking pisnge. She brushed it using her thumb. I closed my eyes to feel her tenderness.
I’m still lucky, even though we’re not rich, at least and’yan si mama para gabayan ako habang ako’y lumalaki. “Ma, maghahanda na po ako.” Tumango lang siya bilang sagot sa sinabi ko saka lumabas ng kwarto para maghanda na rin.
After an hour, I finished packing up my things. Nagdala ako ng malaking bag para sa pagpunta namin sa mansyon. We’ll be staying there more or less 1-week kaya okay na rin ‘to. Kinandado namin ang bahay bago tuluyang umalis at dumiretso sa kanto.
Pumara ako ng tricycle para may masasakyan kami. Isang oras rin ang tinagal ng byahe namin. Medyo malayo rin kasi sa kabihasnan ang mansyon namin dahil napili itong ipatayo nina Papa at Mama sa medyo mapunong lugar na malapit sa mga bundok. Well may signal naman dito kaya okay rin ang napiling pwesto nila. Niyakap ako ng malamig na hangin pagkababa na pagkababa ko sa tricycle at kasabay naman nito ay ang pagbungad sa amin ang isang napakalaking gate ng mansion. Mapait akong napangiti. We used to live here, with my dad ang my twin pero ngayon malabo na’ng mangyari iyon dahil patay na sila.
Biglang bumigat ang pakiramdam ko kaya I inhaled and exhaled before clicking the doorbell. Sa totoo lang, kanina ko pa nararamdaman ang pagbigat ng bawat hakbang ko. Hindi ko alam kung ito ba ay dahil natatakot akong makita ang kanilang katawan at tanggapin ang katotohanan na kailanman ay hindi ko na sila makakasama pa.
Naramdaman ko ang pag-akbay ni mama kaya napatingin ako sa kanya at nakitang katulad ko'y malungkot rin siya. She loves dad 'till now at alam ko yun. But hindi naging sapat ang pagmamahal ni mama para hindi sila maghiwalay. Hindi nalang kasi love ang rason para magsama ang dalawang tao ngayon, pera na rin.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napatungo ako dito at nakitang may isang guard na bumukas nito para sa amin. Mukhang gulat itong napatingin sa amin. Ibinaling niya ang kanyang tingin kay mama at saka nagsalita, "Ma'am Olivia?" tanong nito.
Ngumiti si mama at saka tumango. "Kamusta Jerick?"
"Okay naman po," sagot niya bago lumapit sa akin at kinuha ang mga dala-dala kong gamit. "Ma'am Izel, ang laki mo na," nakangiti niyang komento sa akin.
"Ah- opo," nahihiya kong sagot.
"Pumasok na po tayo. Nag-aantay na po si Sir Vince sa loob." Sumunod na kami ni mama sa loob hanggang sa dumating kami sa isang malawak na kwarto. Nang tumingin ako sa harap ay nakita ko ang isang burial jar.
Napalunok ako nang maramdaman ko ang panunuyo ng aking lalamunan. Nagsisimula na namang mamuo ang mga luha sa aking mga mata. Sinubukan kong ngumiti ngunit taksil ang aking labi dahil hindi ko ito makontrol. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumakbo sa harap saka niyakap ang burial jar. "Pa, andito na ako. Bakit mo'ko iniwan? Pangalawang beses na 'to," lumuluhang wika ko. "Pa, bakit pa kasi kailangang ganito? Hindi ko man lang nasabi sayo na, mahal kita. Mahal kita, pa. Kahit na ganito ang kinalalagyan natin. Hindi yun nawala."
"Anak." Naramdaman ko ang pagyakap sakin ni mama mula sa likod habang ako'y humahagulgol.
"Ma, si papa. Ang papa ko wala na."
"Tahan na, Anak."
"Hindi ko man lang siya nakasama bago 'to nangyari," nanghihina kong saad. Tumingin ako kay mama at sabay sabing, "Dahil sayo 'to. Hindi sana ganito kung- kung hindi ka-'
Slap!
Gulat akong napatingin sa kanya. Bahid sa kanyang mga mata ang sakit at galit. "How dare you say that to me," ang tangi niyang nasabi bago umalis.
Naiwan akong naguguluhan. Wala pang bisita na dumarating kaya mag-isa lang ako. Tumayo ako at saka naupo sa bakanteng upuan. Napatingin ako sa hawak- hawak kong burial jar. I talked to it as if it will reply to me, "Pa, bro, kamusta d'yan?" I asked before continuing. "Sorry, nasaktan ko si mama. Mali yun. I'll fix it pero- ano na'ng mangyayare?"
As if on a cue, I heard someone knocking to get my attention. Tumungo ako dito at nakitang may isang lalakeng nakasuot ng formal attire, I guess he's our family's lawyer. "Good morning Ma'am Izel, ako po ang-'
"Pwede bang 'wag muna ngayon?" Tumango siya bilang tugon.
Bago pa man siya umalis ay may inabot siya sa akin. Tinanggap ko ito, isang calling card. "I respect your decision, Ma'am. If you're ready please don't hesitate to call me. Condolence," he said then exited.
Pinatong ko na ulit ang burial jar nina papa sa harap at saka napag-isipang maghanap ng walis para linisin ang lugar. I need the area to be spotless para naman hindi maalikabukan sina papa, ito nalang ang tangi kong mailalahad para sa kanila ng kapatid ko.
Habang naghahanap ako ng walis ay may isang babaeng nakamasid sa akin. I looked back at her then went straight to where she is standing at. "Good morning po, saan po ba ako pwede makapanghiram ng walis?" magalang kong tanong sa kanya.
Nakasuot siya ng pang yaya na kasuotan, yung katulad sa mga mayayaman na maid uniforms but it's not an excuse para galangin ko siya. Katulad nga ng sabi ni papa, do unto others what you want others to do unto you.
"Nako! Ma'am Izel, ako na po ang magwawalis para sa inyo. Saan po ba ang wawalisan?" tanong niya.
Ngumiti lang ako sa kanya. "Salamat po pero ako nalang po ang magwawalis. Gusto ko po'ng pagsilbihan si Papa at ang kapatid ko kahit sa ganito kaliit na bagay."
"Sige po, kukuha po muna ako ng walis," pagpapaalam niya sa akin.
Umabot ako sa salas ng mansyon kaya nang makakita ako ng upuan ay umupo na ako para makapagpahinga bago maglinis. Hindi ko mapigilang mamangha habang ineeksamena ng aking mga mata ang mansyon na tinutungtungan ko ngayon. The whole place is shouting for wealth dahil sa mga kagamitan palang nito ay halata nang mamahalin at hindi ito basta-basta. The mansion was all concrete and tall glass windows that gave a view of the mountains, a chance to relax and take in the changing of the seasons from the comfort of an easy chair. Isa rin ang relaxation sa naging rason kung bakit itinayo nila mama dito ang bahay, my mom loves nature as well as my dad.
Abala ako sa pagmamasid-masid nang biglang makuha ng atensyon ko ang tunog ng pagkahulog ng isang gamit. Nanggagaling ito sa isang kwarto. Tumayo ako at saka naglakad patungo sa kwartong pinanggalingan ng tunog. Nahawakan ko na ang door knob ng pinto at pipihitin na sana ito ngunit ako'y napatigil nang marinig ko ang pagtawag sa akin ng yayang kausap ko kanina.
"Ma'am, sorry po natagalan." Inabot niya sa akin ang walis na hawak niya na tinanggap ko rin naman agad.
"Salamat po. Siya nga pala, sinong andito?" tanong ko sabay turo sa pinto ng kwartong papasukin ko sana.
"Ah si-
"Neneng!" rinig naming tawag ng isa pang katulong sa bahay.
"Ma'am alis na po muna ako." She bowed before leaving.
So her name is Neneng. "Oh, well! I need to clean, now."
Pinunasan ko ang pawis ko sa noo gamit ang aking braso. Nakakapagod maglinis pero heto ako't hindi parin tumitigil. Kung pwede lang buhayin ng paglilinis ko ang tatay at kambal ko ay baka hindi na nga talaga ako titigil dito. Nang mailabas ko na ang dumi sa kwartong kinalalagyan nina papa ay napag-isipan ko nang magpahinga at hanapin kung nasaan si mama. Kanina ko pa siya hindi nakikita, malapit na rin magsidatingan ang mga bisita. Habang naglalakad ako papuntang sala ay napansin ko ang sobrang katahimikan ng mansyon na ito. Hindi ko tuloy napigilang mapaisip kung ano ang buhay nina Papa sa ganito ka laking mansyon. Masaya kaya sila dito? "Ma'am Izel, nakapag-umagahan na po ba kayo?"tanong sa akin ng isang katulong. Nakakagulat naman ang mga tao dito, bigla- bigla nalang sumusulpot. "Hindi pa po pero busog pa naman ako,"sag
"Ito ang susuotin mo,"natatawa kong wika habang binibigay kay Ivan ang mga kasuotan ko. I heard him sigh."Pwede naman nating hindi nalang ituloy," sabi ko."No,"pagmamatigas niya.Itinaas baba ko lang ang balikat ko sabay sabing,"Okay, if that's what you want."Nasa kwarto niya kami ngayon at abala sa pag-uusap patungkol sa gagawin naming mission impossible. Buwis buhay 'to kung iisipin dahil sa oras na mahuli kami ni mama, paniguradong malilintikan kami."Sigurado ka na ba talaga?"tanong ko ulit."You've been asking that question over and over again. Para kang sirang plaka," wika nito na halatang naiinis na sa akin."Naninigurado ang tawag dun, hindi sirang plaka." I rolled my eyes then tinapunan siya ng damit.
Maraming luha ang nabuhos matapos ang ika-pitong araw ni papa. My brother and I scattered the ashes of my father on the sea. Isa ito sa last will niya para daw mukha lang siyang naglalakbay, although he's not coming back anymore.Mahirap parin itong tanggapin ngunit wala naman nang magagawa ang mga luha namin. It can't bring him back to life, kahit sumigaw at ilang beses ko man siyang tawagin, wala na talaga ang tatay namin. Iniwan niya na kami.Nasa kalagitnaan kami ng malaking karagatan sakay ang isang malaking yatch. Naupo ako sa balcony ng yate at saka napatingala sa kalangitan. "Pa, kamusta d'yan sa langit?" tanong ko sa hangin."Hey, sis!" my brother greeted me after sitting beside me. Lumingon ako sa kanya then gave him a thin smile."Yow,"tipid kong bati sa kanya. Naramdaman ko ang pag-akbay niya sa aking balikat. 
Izel!" isang pamilyar na boses ang umalingaw-ngaw sa madilim na kwartong kinaroroonan ko. Nagpalinga-linga ako at sinubukang humanap ng daan palabas at para na rin mahanap ko kung tama ba ang hinala kong nag-aari ng boses na iyon."Izel!"pangalawang tawag nito sa akin. Lumingon ako sa isang gilid at nakitang may sumisilip na liwanag mula dito. Tumayo ako at lumampit roon.Nagsimulang bumigat ang aking nararamdaman nang makita ko ang isang lalakeng nakatayo at nasa likod nito ay ang ilaw na kasing lakas ng araw. Niliitan ko ang pagbuka ng aking mga mata dahil nagsimula na atong sumakit."Papa, ikaw ba yan?"tanong ko.Tumalikod siya kaya nagsimula akong magpanic. Tumakbo ako papunta sa kanya at nasa aktong mahahawakan ko na ang kan'yang pulsuhan nang bigla siyang mawala na parang bula."Izel!"rinig kong tawag nito sa akin
"Pre, paliguan mo naman ako." 'Di ko na naiwasang mapairap habang nakatalikod kay Nathan na ngayon ay naka silip mula sa loob ng banyo. Ang lakas talaga ng tama ng kaibigan ni Ivan. Humarap na ako kay Nathan at sabay sabing,"I'll get some towel for you. Maligo ka na."After that I headed to the maids room then asked one of them to give a towel to Nathan and assist him with everything that he asks for. Dumiretso na ako sa kwarto at sakto naman na pagsarado ng pinto ko ay nagring ang aking telepono. Hindi ko na tiningnan kung sino ang tumawag dahil agad ko na itong sinagot at idinikit sa aking kaliwang tenga."Hello?"tanong ko sa kabilang linya. "Hey, twin! How are you?" My bro asked from the other line. A smile formed on my lips. Hindi ko inakalang darating sa puntong ganito kung saan maririni
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law. |©2021 Psychie ALL RIGHT RESERVED|
"Be grateful, always."Before my father left, he always reminded me to be grateful for what I have."Papa, sa inyo nalang po ako."Flashbacks began to appear as I drown myself with thoughts.I saw myself begging for my father to take me instead of my brother. Clear as crystals, like a bullet waiting to be triggered, he said 'no'.I remember how much I cried, throw tantrums just to get what I want but it always ends with my mom, delivering her life lessons.Growing up, I never got the chance to meet my twin brother, or maybe if I did, I'm too young to remember everything.One thing is for sure though.We look the same 'cause he's my twin.Life was pretty until that one day.When mom enrolled me to this new school."It will be fun," she said.