Share

F O U R

Maraming luha ang nabuhos matapos ang ika-pitong araw ni papa. My brother and I scattered the ashes of my father on the sea. Isa ito sa last will niya para daw mukha lang siyang naglalakbay, although he's not coming back anymore. 

Mahirap parin itong tanggapin ngunit wala naman nang magagawa ang mga luha namin. It can't bring him back to life, kahit sumigaw at ilang beses ko man siyang tawagin, wala na talaga ang tatay namin. Iniwan niya na kami. 

Nasa kalagitnaan kami ng malaking karagatan sakay ang isang malaking yatch. Naupo ako sa balcony ng yate at saka napatingala sa kalangitan. "Pa, kamusta d'yan sa langit?" tanong ko sa hangin.

"Hey, sis!" my brother greeted me after sitting beside me. Lumingon ako sa kanya then gave him a thin smile. 

"Yow," tipid kong bati sa kanya. Naramdaman ko ang pag-akbay niya sa aking balikat. "Oh, ano?" pahabol kong tanong sa kanya.

"Okay ka lang ba?" tanong niya pabalik.

I rolled my eyes. "Ano ba sa tingin mo?" I sarcastically asked.

"Cheer up! Mas papangit ka niyan, sige ka!" pangtatakot niya sa akin.

Mahina akong napatawa. "Matagal na akong pangit."

Masama siyang napatingin sa akin. "What did you say?" nanggagalait niyang tanong. Hindi niya na inantay ang sagot ko at saka nagsalita ulit, "Ikaw pangit? No way!" 

I was moved because of what he said. Ang sweet naman ng kapatid ko sa akin. 

"Hindi ako payag, dahil madadamay ako kung ganun. I'm sorry but I'm not ugly, no way!" nandidiri nitong saad.

Nalaglag ang panga ko sa aking narinig. Buong akala ko'y pinagtatanggol niya ako or should I say, ayaw niyang maliitin ko ang sarili ko, ayaw niya lang palang madamay. "Pangit kaya tayong dalawa, tanggapin mo na." Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa akin at saka umupo paharap sa direksyon niya. "It's the truth."

He shook his head. "I don't believe you," he said then stood up. "You know what? Just keep on telling lies, baka magkapera ka niyan." 

Naiwan na naman akong mag-isa. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na para bang niyayakap ako. Ipinikit ko ang mga mata ko at saka inisip na ang papa ko ang hangin na ito. "I love you, Papa. Rest in peace." 

Sumalampak ako pahiga sa malambot na kama sa guestroom kung saan ako nagstay. "Izel, ano na ang susunod na mangyayare?" tanong ko sa aking sarili.

Napatingin ako sa gilid nang marinig ko ang pagkatumba ng bag ko. Kung isa ako sa mga matatakutin na tao ay baka inisip ko nang nagpaparamdam ang tatay ko but nope! Hindi ako takot kaya-

"BOOO!"

"Ay leche!" sigaw ko sa sobrang gulat.

Tinapunan ko ng masamang tingin ang kakambal kong halos mangiyak-ngiyak na sa kakatawa. "Malagutan ka sana ng hininga kakatawa," inis kong sambit sa kanya na naging rason ng mas paglakas ng tawa nito.  

Inabot ko ang isang unan at saka tinapon ito sa kanya. "Tumigil ka nga!" Nasalo niya naman ito.

"Fast hand 'no?" pagmamalaki niya sa kanyang sarili sabay itinaas baba ang kanyang dalawang kilay. "Alagang jak-

Bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin ay kasing bilis ako ni The Flash na tumakbo sa kinaroroonan niya at tinakpan ang kanyang bibig. "Shut up!" pagpigil ko sa kanya.

Tumango siya kaya binitawan ko na rin siya. Naupo ako sa dulo ng kama at ganun rin naman ang ginawa niya. "Aalis na daw kayo, sabi ni mama." 

"It's time?" tanong ko sa kanya na sinagutan niya lang ng tango. 

Nilabas niya ang dala-dala niyang mga kasuotan ko. Meron itong isang damit, pantalon, sapatos at syempre bra, para naman magka-foam ng kaunti ang dibdib niya. Siya na ang nagprovide sa sarili niya ng wig, yung katulad sa buhok ko para kuhang-kuha talaga ang anyo ko. 

"Pupunta na raw dito si mama, matapos siyang mag-ayos. Maghahanda na rin ako at ikaw naman, go to my room and wear anything you like. Make sure to use a band to cover your boobs," he said. "If you have."

Napatigil ako sa pagpihit ng pinto. Tumingin ako sa kanya at saka sinamaan siya ng tingin. "Nananad'ya ka ba?"

He shook his head then walked towards me. He opened the door for me then slowly pushed me out. "I love you, sis. Thank you for agreeing with me on having this switch," he said before closing the door.

Umirap nalang ako at saka naglakad na papunta sa kwarto ni Ivan. Pagkapasok ko ay bumungad agad sa akin ang mga damit niya. May wig naman sa mini table niya. Kinuha ko ito at saka ang napili kong susuotin ko sabay dumiretso na sa banyo. After changing, humarap ako sa salamin. "Woah!" namamangha kong wika habang ineeksamena ang sarili ko. "Ang pogi ko, shit!"

Abala ako sa pagpapa-pogi sa harap ng salamin nang biglang bumukas ang pinto. Kinabahan ako bigla ngunit nang makita kong si Ivan lang pala ito. I walked towards him then saka siya inakbayan. "Ganda mo, sis!" maangas kong wika.

"I know right!" he said then flipped his wig.

Tiningnan ko siya mula taas hanggang ibaba, nakuha ng atensyon ko ang pekeng boobs nito. Para akong wala sa sariling hinawakan ito at saka pinisil. "Ang lambot-

"Ivan, what are you doing?"

Taranta akong napabitaw at napatingin kay Mama na ngayon ay hindi maipinta ang kanyang mukha. "Nothing mom," Ivan said.

"Hindi ikaw ang kausap ko, Izel." 

Lumaki ang mata ko at saka diretsong napatingin kay Ivan. Mahuhuli kami sa kagagawan niya! "Wala po, ano lang, uhm. Yung damit niya kasi- may ano. May dumi!" Nakahinga ako ng maluwag nang makaisip na ako ng isasagot ko. "Oo, yung damit ni Izel may dumi. Tinanggal ko lang para sa kanya."

Nag-aalinlangang napatango si mama. "Ah, ganun ba?" wika nito. "Aalis na kami ng kapatid mo. Bibisitahin ka namin dito ulit, okay?" 

Tumango ako at saka lumapit kay mama. "Mag-iingat po kayo." I patted her shoulder. Tama ba itong ginagawa ko? 

"S-Sige salamat, Nak."

Sinamahan ko na sila Mama hanggang sa garahe. Pinahatid ko na sila kay Manong Omel, yung driver namin. Sumilip ako sa labas ng gate, sinundan ko gamit ang aking mga mata ang sasakyan na sinasakyan nila hanggang sa hindi ko na ito makita. Pagkapasok ko sa bahay ay bumuga ako ng hangin. "Ivan Sezin," bulong ko sa hangin. Mahirap paniwalaan na ganito ang nangyayari ngayon pero andito na ako, there's no backing out.

Tumunog ang cellphone ko na pag-aari ni Ivan. Hindi lang anyo ang pinagpalit namin pati na rin ang mga gamit namin, isa na rito ang aming telepono. I swiped it open at doon ko nakitang may natanggap akong mensahe mula sa kanya.

From: Sis

Good luck, sis! Alam kong kailangan mo ito.

7:00pm, 07-29-21

Hindi ko na itatangging napagaan nito ang loob ko. Kailangan ko nga talaga ito dahil hanggang ngayon ay kinakabahan parin ako at hindi alam ang gagawin pero siya? Ayun, parang nanalo ng beef stake sa sobrang tuwa at excited niya. 

Tumipa na ako ng mensahe para sa kanya saka...

To: Sis

Thank you! Good luck sa atin. Mag-ingat kayo ni mama!

7:01pm, 07-29-21

After hitting the send button, naglakad na ako papasok sa mansyon. "Mansyon." Nakakapanibago ang lahat ng bagay na ito pero kakayanin ko ito! 

"Senyorito, nakahanda na po ang hapunan." Lumingon ako at nakita kong si Manang Neneng pala ito. 

"Ah, opo." She bowed to me then exited.

Buti nalang at malakas ang memorya ko, kahit na sobrang laki ng bahay ay madali ko lang itong na memorize. Pagkarating ko sa dinning area ay andoon na lahat ng yaya nakatayo sa gilid ng lamesa. Nagtataka akong napatingin sa kanila pero binalewala ko rin naman sila at naupo na lamang. 

Calamares, fish fillet at tinolang manok ang ulam na nakahain sa hapag. Ako lang ba ang kakain nitong lahat? "Ah, kain po tayo? Sabayan niyo ako," pag-aaya ko sa kanila. 

Nagtinginan silang lahat bago sumagot ang isa sa kanila. "Nako, senyorito! 'Wag na po!" pagtanggi nila sa akin.

Tumayo ako at saka pinagbuksan sila ng bangko. "Umupo na po kayo," sabi ko sabay tumingin sa kanila.

"Sabayan na natin siya," sabi ni Manang Melva. 

"You are very kind. We are so the thankful to you!" pagpapasalamat naman ng isa.

Pinigilan ko ang sarili kong matawa dahil ang kwento ni Ivan sa akin ay may katulong daw talaga silang mahilig mag-ingles kahit na baruk-baruk ito. "W-Walang anuman po!" nakangiti kong wika bago umupo na.

Sa kalagitnaan ng paghahapunan namin, bigla na namang tumunog ang telepono ko. Hinugot ko ito mula sa bulsa ng aking pantalon at tiningnan ang screen nito. 

From: Pare

Pare, kita tayo bukas. IMY! Yieee HAHAHAAHA 

7:31pm, 07-29-21

"Pare? Sino si Pare?" tanong ko sa aking sarili.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Primo
so far so good <3
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status