Share

T W O

Pinunasan ko ang pawis ko sa noo gamit ang aking braso. Nakakapagod maglinis pero heto ako't hindi parin tumitigil. Kung pwede lang buhayin ng paglilinis ko ang tatay at kambal ko ay baka hindi na nga talaga ako titigil dito. 

Nang mailabas ko na ang dumi sa kwartong kinalalagyan nina papa ay napag-isipan ko nang magpahinga at hanapin kung nasaan si mama. Kanina ko pa siya hindi nakikita, malapit na rin magsidatingan ang mga bisita. 

Habang naglalakad ako papuntang sala ay napansin ko ang sobrang katahimikan ng mansyon na ito. Hindi ko tuloy napigilang mapaisip kung ano ang buhay nina Papa sa ganito ka laking mansyon. Masaya kaya sila dito? 

"Ma'am Izel, nakapag-umagahan na po ba kayo?" tanong sa akin ng isang katulong. Nakakagulat naman ang mga tao dito, bigla- bigla nalang sumusulpot. 

"Hindi pa po pero busog pa naman ako," sagot ko habang nakangiti. 

"Ganun po ba? Kapag gusto niyo na pong kumain, nakahanda na po ang pagkain." 

"Sige, salamat po," wika ko. Tumango lang siya at saka iniwan na ako.

Habang naka-upo ako ay may napansin akong malaking frame. Tumayo ako at lumapit sa kinaroroonan nito at dun ko lang napansin na isa pala itong mirror. 

Wait, why am I seeing myself as a guy? 

I side viewed then it did the same. I touched my face and it did the same. I smile then it frowned. I make a face then- wait it frowned so...

"WAAAAAAAAAAA!" sigaw ko sabay tumakbo papunta sa upuan. Umupo ako doon nang may posisyon na nakayakap sa tuhod ko. Minumulto ako ng kapatid ko! Sigurado ako dun! Siya yun! 

Sa sobrang takot ay hindi ko na napigilang manalangin sa Panginoon. "Angel of God, my Guardian dear, to whom His love commits me here, ever this day-

"Ma'am Izel, okay ka lang po ba?" tarantang tanong ng mga yaya sa akin. 

Tumingala ako sa kanila at saka tinuro ang frame. "Y-Yung k-kapatid ko n-nagpapakita s-sakin." Nang tumingin ako sa kinaroroonan ng frame ay nakita ko ang kapatid kong nakatayo na malapit sa amin. "WAAAAAAAAAA!" sigaw ko ulit sabay tinakpan ang mata ko gamit ang aking palad.

"M-Ma'am, kalma lang po. Your brother will see because he is not dead po," barok-barok na wika sa akin ng isa sa mga yaya. 

"Buhay pa po si Sir Ivan kaya makikita niyo po talaga siya, yun po ang gustong sabihin ni Marites," pagklaro naman ni Manang Neneng. 

Buhay si Ivan? Yung kambal ko buhay?! "Pano siya nabuhay?" 

Isang boses ang umalingaw-ngaw sa sala. "Sino ka?" tanong ng kambal ko.

"Sinuka? Hindi ako sinuka, inire ako. Okay?" seryoso kong saad. Nanlalait pa talaga siya, sinuka daw, psh!

"Pinagsasabi mo?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay. Aba mataray! "Kayo," turo niya sa mga katulong. "What are you doing here?" 

Hindi na sila sumagot at saka iniwan kaming dalawa sa sala. "Long time no see, twin sis," he said then sat down on the chair beside me.

"Bakit buhay ka?" pagbabalewala ko sa tinuran niya.

"Do you wish me dead?" may bahid ng pagkairita niyang tanong.

"Hindi pero ang alam ko patay ka na. Kayo ni-' nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba ang sasabihin ko pero siya naman ang tumapos nito.

"Papa. We'll, sana nga ganun nalang." 

Napatingin ako sa kanya. Nasasaktan rin siya katulad ko. Kung titingnan mas may karapatan siyang masaktan dahil nakasama niya si Papa ng matagal. Eh ako? Baka nga hindi na niya ako natatandaan. 

"Are you okay?" I asked while trying to be cautious, ayaw ko kasing may masabi akong mali sa harapan niya.

He shook his head. "No. Hanggang sa namatay si Papa, ikaw ang lagi niyang binabanggit," may bahid na hinanakit sa kanyang boses habang sinasabi ito sa akin. 

Hindi ko rin alam kung ikakatuwa ko ba ito o ikakalungkot ko. Knowing that my father never forget about me makes me feel important to him pero kung naaalala niya ako, bakit hindi siya nagpapakita sakin? I mean, kahit pagbisita man lang sa bahay hindi niya ginawa. 

"He always tells me that he loves you, he misses you, and a lot more things that can hurt me," he said then continued. "Naiinis ako kasi tingin ko, hindi naman ako minahal ni papa." 

"Don't say that. Mahal ka ni papa-

"Don't lie to my face, sis. Just don't," he said then walked out.

I couldn't help myself but sigh because of frustration. Naguguluhan talaga ako, lahat ng hinanakit ko kay papa ay tuluyan nang nawawala at napapalitan ng mga sari-saring tanong. But I rather not think about it, for now, kailangan kong ayusin ang relasyon ko sa kapatid ko. He needs someone to talk to right now and I want to tell him that I can be that person.

I knocked at his door then I heard him shout. "Leave me alone!" 

"I won't. Andito na ako, hindi kita iiwan kambal ko."

"Umalis ka na nga!" pangtataboy niya sa akin.

"Ayaw ko nga, 'di ba? Ang kulit mo, ah?" natatawa kong saad.

"'Wag kang tumawa, walang nakakatawa."

Kakatukin ko pa sana ang pinto nang marinig ko ang boses ni mama. "Nasaan si Izel?" tanong niya sa mga katulong.

"Ma, andito ako!" sigaw ko. Kasabay nito ay ang pagbukas ng pinto. Iniluwa nito ang kambal kong may magulong buhok. 

"Kasama mo si mama?" tanong niya.

Tumango ako sabay itinuro si mama. "Ayun si mama-'

Di pa man ako natatapos sa sasabihin ko ay dinaanan na lang ako ng kapatid ko, tumakbo siya palapit kay mama at saka niya ito niyakap ng mahigpit. "Mama," bulong niya habang nakayakap kay mama. 

Mom hugged him back then patted his back. "Anak, I-I missed you so much." Kasabay nito ay ang paghagulgol nilang dalawa.

Ngayon naiintindihan ko na. Kung bakit hindi ko gaanong maramdaman ang pagmamahal sa akin ni mama, he loves my brother more than she loves me. Wala akong ibang masabi kundi, this life sucks! 

Lumapit ako sa kanilang dalawa at saka niyakap silang dalawa. "I love you both," bulong ko.

"Sorry Izel, Anak," sabi ni mama bago ko maramdaman ang paghagod niya sa aking likod. 

"Sorry rin, Mama."

Alas dyes na ng umaga nang magsimulang magsidatingan ang mga bisita. Ang iba ay nagtagal para na rin tumulong sa pagbabantay kay papa habang ang iba ay dumaan lang at umalis agad dahil sa may mga trabaho. Ilan sa mga bisita ay nagtatakang tumingin sa akin but to the rescue naman ang kambal ko para ipaalam sa kanila kung sino ako. Maraming nagulat at ang iba naman ay kilala na ako.

Napangiti na lamang ako ng mapait. Grabe sila kung makatingin pero wala na rin naman ito sa akin, nasanay na rin siguro ako. Simula nung nag-aral ako ng high school, I always get bullied kaya ang mga masasamang tingin nila sa akin ay balewala na sa akin. 

Mag-aalas sais na ng hapon nang magsi-uwian na ang mga bisita ni Papa. "Condolence ulit," wika ng isa sa mga bisita bago siya tuluyang umalis. 

"Thank you," mom replied. Tumingin siya sa amin bago nagpaalam na kukuha ng kape para may maiinom siya. "May gusto ba kayong inumin or kainin?" tanong niya.

"Wala po," me and Ivan said in unison.

Our Mom nod as an answer then left. The silence is very deafening until I heard Ivan faked a cough. I looked on his way then saw him staring at me. 

"Ano?" tanong ko.

"Anong pakiramdam na kasama si mama?" he asked back.

I inhaled then exhaled before speaking. "Masaya na malungkot. Ewan ko," sagot ko saka pilit na tumawa. 

"So magkatulad tayo ng natanggap na treatment?" 

"You can say that but she never tells anything that can hurt me instead nasasaktan ako dahil sa sarili ko?" naguguluhan kong wika.

"How?" nagtataka niyang tanong.

"It's hard to explain. If you're on my shoe, you will get my point."

"Then let me try your shoe," he seriously said.

"Sus, babae ka ba ha? Kung babae ka lang sana, pwedeng-pwede! At saka, gusto ko rin kaya maranasan buhay mo. Yung mayaman- walang problema, ganun!" 

He nods his head then stood up. Nagtataka akong napatingin sa kanya. "Let's switch then." Inabot niya sa akin ang kamay niya para makipaghand shake. Tiningnan ko lang ito at saka napatanong sa kanya.

"Are you serious?"

He just nod. "So ano na? Deal ba?" 

"Ha?"

"You've been spacing out again, sis. Sabi ko, Deal na ba?"

Well at least once in my life, I deserve a break right?

"It's for a day. I wanted to experience how to live with mom, of course without her knowing," he stated. "C'mon sis, it will be fun."

I puffed then accepted his hand for a handshake and answered him. "Deal."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status