"Hola, welcome to our house na magiging bahay mo na rin," palakas na boses na pagsabi ni Mr. Arevalo habang dahan-dahan na bumaba sa hagdan.Ngumiti naman si Marcelo at sabay na hinawakan ang aking kamay."Magandang gabe po sa inyo Mr. Arevalo at gayon din po sa inyo Mrs. Consuelo," magandang bati ko sa kanilang dalawa."Oh no, no! Don't call us our names. Total ay magiging parte ka rin naman ng pamilyang ito so just call us like um_," sabay napapaisip si Mr. Arevalo. " Just call me papa and mama para maiba naman, it's sounds maganda kasi sa taenga," dugtong pa niya sabay ngumiti.Napangiti naman ako na may kahalong hiya. "Nako nakakahiya naman po subalit hindi pa naman kami kasal ni Marcelo, " wika ko pa sabay iwas ng tingin sa kanya."Huwag ka nang mahiya, bakit ka naman mahihiya?" Sambit ni senyora Consuelo sabay bumaba rin ng hagdan.Ito naman ay siyang ikinagulat ko."As what my husband's told you na mama at papa na lang ang itatawag mo sa amin. Magiging pamilya ka naman namin ba
Sa kwarto habang nag-uusap kaming dalawa ni Marcelo patungkol sa kaniyang pag-alis next week papuntang Bantangas para sa kaniyang gagawing pamamahala ng kanilang poultry business."One week na lang pala ang aking natitirang araw dito sa bahay. Napakalayo pa naman nang Batangas para sa ating dalawa at tiyak na ma mi-miss talaga kita mahal ko," sabi ni Marcelo habang may kunting lungkot ang tuno ng kaniyang pananalita."Ayos lang iyan mahal. Alam kong malaking pagsubok ito para sa ating dalawa ang mawalay sa isat-isa subalit tama naman sina mama at papa na para rin naman iyon sa iyo at sa ika-uunlad ng business niyo. Syempre ikaw talaga ang magmamana o mamahala sa huli dahil sa ikaw lamang ang nag-iisang anak nila. Hayaan mo tatawagan kita araw-araw nang sa ganoon ay mabawas bawasan naman iyang pangulila mo sa akin," ani ko pa habang hinahawak hawakan ang kaniyang buhok sa ulo. "Na sanay na kasi akong kasama ka mahal kung kaya't parang ang hirap sa akin ang malayo ulit sa iyo. Subalit
Napatigil naman ako saglit at napaisip ng husto sa naging pakiusap ni mama sa akin. Tila may punto naman ang kaniyang sinabi subalit parang hindi ako kumbinsido lalo na at muntik na kaming malagay sa panganib ng anak ko.Tila parang ayaw niyang malaman nila ang totoo na siya ang salarin at dapat na sisihin sa nangyari sa amin ng baby ko. Alam ko sa aking sarili na siya ang may kasalanan kung bakit ako naririto ngayon. Simula pa lamang ay alam na ni mama na mapanganib sa akin ang kaniyang ipinagawa subalit pinilit niya pa rin ako na kung tutuusin ay marami naman siyang pweding pag-utusan na gawin ang bagay na iyon. Pangalawa ay ang kaniyang kapabayaan, alam niya naman na tila hindi angkop ang balanse ng hagdanan dahil sa malubak na lupa subalit iniwanan niya lamang ako at hindi inalintana ang pweding mangyari sa akin dahil sa kaniyang ginawa.At higit sa lahat ay parang wala lamang sa kanya ang aking kalagayan ngayon na tila baliwala lamang sa kanya na ako'y buntis sa paraan ng kaniya
Wala akong ka alam-alam na ang nangyaring aksidenti sa akin kanina ay talagang kagustuhan at sinadya iyon ni mama dahil sa kaniyang kagustuhan na mawala ako at ang baby ko. Ni minsan ay hindi pa rin talaga ako magawang tanggapin ni mama kahit na ituring na apo ang batang dinadala ko sa aking sinapupunan. Lahat na kaniyang kabutihan ay pagpapakitang tao lamang sa lahat lalong lalo na kay papa at kay Marcelo. At ngayon na kami na lamang dalawa ang naririto sa mansyon ay magsisimula na ang kalbaryo ng aking buhay.Habang ako'y nasa kwarto ay tumawag sa akin si Marcelo at kinamusta kaming dalawa ng baby ko.Halatang na mi-miss agad ako ni Marcelo sa tono pa lang ng kaniyang pananalita. Kahit na ako ay na miss ko rin siya agad kahit na isang araw pa lang siyang nawala rito.Subalit kailangan naming labanan ang pagsubok na ito. Sa huli ay malalampasan din namin ito.Lumipas ang mga araw ay napansin kong parang ibang-iba na ang pagtrato sa akin ni mama. Tila hindi ko na maipaliwanag sa akin
"Opo mama," sabi ko pa sa kanya dahilan kung saan naagaw ang atensyon ng kaniyang mga bisita nang marinig nilang mama ang sabi ko sa kanya."Mama? Tinawag ka ba niyang mama?" Pagtataka ang pag-alinlangan na tanong ng bisitang babae ni mama sa kanya."Ha? Wha_what? Haha maybe you misheard," pautal na sabi niya habang hindi mapakali sa kaniyang sarili. "Ano nga ulit ang sabi mo Yvonne? Sabay na pinukol niya ako ng isang masamang tingin."Um, opo ma'am. Pupunta na po ako ng kusina at kukuha po ng inyong inumin," sabi ko sabay huminga ng malalim at umalis."Oh, nagkamali nga lang kami ng dinig,""I told you haha!"Ilang saglit pa ng pakikipag-usap ni mama sa kaniyang mga bisita ay umalis din siya at sinundan ako.Habang ako'y abala sa kusina kasama si Aling Aurora sa paghahanda at pagtitimpla ng kanilang mga inumin ay biglang tinawag ni mama ang aking pangalan dahilan upang magulat kami pareho ni Aling Aurora dahil sa lakas ng kaniyang pagtawag.Agad akong napalingon sa kanya. "Bakit po
Dahil nga sa ako'y naging sunod-sunoran sa kanya kung kaya't sinunod ko naman at ginawa ang kaniyang sinabi sa akin.Nang umuwi nga si Marcelo ay umakto ako sa naaayon sa naging usapan namin ni mama. Umakto ako na parang normal lag ang lahat na walang hindi ka nais-nais na nangyayari rito.Sinabayan ko lahat ng magagandang pakikitungo ni mama sa akin kahit na ito'y pagkukunwari o pakitang tao lamang kay Marcelo.Nasasaktan ako sa bawat pagkukunwari ko lalo pa at sobrang aping api na ako subalit kailangan kong gawin ito alang-alang sa kaligtasan ng aking pamilya. Subalit sa kabila ng aking mga pagpapanggap sa harapan ni Marcelo na maayos kaming dalawa ni mama ay naramdaman ko naman ulit kung paano ang maging masigla at masaya nang dumating siya at nakasama ko siya. Alam kung pagkatapos lang ng ilang araw na ito ay babalik at babalik na naman si Marcelo sa Batangas ngunit kahit papaano naman ay magawa kung makapiling siya ng buong araw. Kung kaya't nilubos lubos ko na ang araw na ito h
Napahinto ako sa paghahanap dahil sa sinabi niya." Um, alam ko mahal. May iba pa rin kasi akong hinahanap," pagkukunwari ko pa hanggang sa isang beses na nahanap ko rin ang susuotin niyang damit. "Ay ito na nahanap ko na rin sa wakas," malakas na boses na sabi ko habang napangiti ng kunti.Sabay napalingon sa akin si Marcelo."Parang naninibago ako sa iyo mahal kasi parang kapapasok mo lang dito kung kaya't parang hindi mo alam ang pasikot sikot dito haha," sabi pa niya dahilan upang ako'y mapatigil. "Haha biro lang. Hoy! Ayos ka lang ba mahal ko?""Ah, haha oo naman mahal ayos lang ako," maikling sagot ko sa kanya sabay umigham.Tama nga naman siya dahil sa ngayon lang ulit ako napasok sa kwartong ito. Babalik din naman ako sa kabilang kwarto kasama ang mga kasambahay nila kapag wala na siya rito o kapag babalik na siya nang Batangas.Magiging isang kasambahay na ulit ako kapag wala na siya rito.Matapos ang mga oras na iyon ay dumiritso agad kami ni Marcelo sa simbahan. Pagkatapos a
Huminga ako nang malalim habang dahan-dahan na hinawakan ang kaniyang mga kamay. "Hayaan mo Nay at darating din ang araw na iyan. Sa ngayon ay pansamantala muna akong titira roon sa kanila alang-alang sa kagustuhan ni Marcelo. Huwag kayong mag-alala Nay dahil maayos naman ang aking lagay doon, hindi ko man kayo makausap at makasama araw-araw subalit palagi naman kayong naririto sa aking puso, " mahinahon na sabi ko pa kay Nanay habang may malalim na iniisip."Sa totoo lang anak, hindi man sa sinisiraan ko 'yung mommy ni Marcelo. Kasi parang wala akong tiwala sa babaeng iyon, kasi parang ang suplada at napakamatapobre pa. Sa katunayan nga nang malaman ko na siya lang pala ang kasama mo roon dahil parating wala si Marcelo ay bigla akong nanghinaan ng loob at parang kinakabahan na lang bigla para sa iyo, " wika pa ni Nanay sabay huminga nang malalim. " Talaga bang okay at maayos lang ang iyong lagay doon anak? Kapag may hindi magandang ginawa ang babaeng iyon sa iyo huwag na huwag kang m