MIKAY"Uy! Okay ka lang?"Natauhan ako dahil sa mahinang pagsiko sa akin ni Juday. Katatapos lang ng first exam namin, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari sa car park. Buti nga at nairaos ko na matapos ang exam ko sa kabila ng nararamdaman ko eh.Hanggang ngayon pakiramdam ko nakahawak pa rin ako sa... ugh! Kasi naman eh! Sa dami ng paghahawakan ko do'n pa talaga dumapo ang kamay ko. Nakakahiya! Buti na lang nagawa ko pang umalis sa sasakyan niya kanina kahit na grabe na ang panlalambot ng tuhod ko. "Kanina ka pa wala sa sarili eh," ani Juday na kunot noong nakatingin sa akin. Paanong hindi ako mawawala sa sarili eh nakahawak ako ng hindi dapat hawakan eh! First time ko iyon at... nagulat talaga ako ng bongga. Parang nakahawak ako ng malaking bato eh. "Oo nga. Sino ba 'yong tumawag sa'yo kanina at mukhang iyon ang dahilan ng pagkabalisa mo? May nangyari ba?" tanong naman ni Tina. Kasalukuyan kaming nagmimiryenda ngayon sa madalas tambayan ng lahat
MIKAY"Adam salamat," nakangiting saad ko nang makababa ako sa kanyang sasakyan. Bumaba rin siya.Kakauwi ko lang galing sa school, nahihiya nga ako kay Adam dahil pinaghintay ko pa siya ng halos dalawang oras eh. Si Dean kasi ang lupet magpareview, tipong hindi kami titigilan hangga't hindi napipiga ng husto ang utak namin. "Maliit na bagay," pagbibiro nito saka pa ginulo ang buhok ko. "Alam mo namang malakas ka sa akin eh."Binalingan ko ng tingin ang mukhang tahimik na bahay ni Damon. "Buti na lang may duty si Damonyo ngayon," saad ko saka ako marahas na bumuntong hininga."Why? Does Damon still treats you bad?" Umiling ako. "Hindi naman, kaya lang minsan hindi ko magawang hindi matakot sa kanya eh." Kasi naman kakaiba talaga ang awra ng isang iyon eh. Hindi ko talaga masundan ang ugali niya. Mamaya okay siyang kausap tapos biglang ang hirap na naman niyang kausap. Ay ewan ko na talaga sa kanya."Basta salamat ah. Pasensya na rin sa istorbo. Alam ko namang busy ka eh," saad ko.
MIKAYTila bangungot para sa akin ang nangyari kagabi. Hindi ko alam kung bakit niya iyon nagawa... kung bakit gano'n na lang ang galit niya kagabi. Ni hindi niya muna pinakinggan ang paliwanag ko, basta na lamang itong gumawa ng isang bagay na hindi naman dapat. "Walang puso. Manyak," galit na saad ko. Hindi ako lumabas ng kwarto ko hangga't hindi umaalis si Damon. Nakailang balik na si Nay Cristy sa kwarto ko para tawagin akong kumain ngunit hindi ko siya pinagbuksan. Mugtong-mugto ang mga mata ko kaya naman panigurado na magtatanong ito sa akin kapag nakita niya ako.Nang makalabas ako sa kwarto niya kagabi dumiretso agad ako sa kwarto ko at do'n nag-iiyak. Wala namang nangyari sa amin kaya lang sa pakiramdam ko binaboy niya ako. Galit ako sa kanya. Galit na galit at hindi ko siya mapapatawad. Sabi pa niya hindi niya iyon pinagsisihan... kaya mas lalo ko siyang kinamumuhian."Hija, wala na si Damon. P'wede ka ng lumabas," rinig kong saad ni Nay Cristy mula sa labas.Tumayo ako mu
DAMONI can't take my eyes off of her. Her eyes are swollen. When I saw her at the hallway a while ago, she only treats me as if she doesn't know me at all. Is she getting back at me because of what I did last night? Tch. Hindi ko akalain na marunong palang magtanim ng sama ng loob ang kagaya niya. Her eyes are full of sarcasm and hatred at the same time."Dame, are you listening?"I was back into reality when Caitlyn softly touch my cheek."Yes, I am. You don't need to worry about it, I will talk to my dad regarding to that," I said as I shifted my eyes to the monitor to read the results of the patient in room 125."Thank you. You're indeed the best." She linked her arm on my arm as she lean her head on my shoulder. "People are watching, Caitlyn," I said in a low tone.I know what those malicious eyes of persons are thinking right now. Hindi na bago sa akin na pag-usapan nila kaming dalawa dahil araw-araw naman na isa kami sa pinag-uusapan. She frowned. "Nanlalambing lang eh. Kanin
DAMONSinundan ko ng tingin si Mikael na mabilis tinungo ang taas nang hindi man lang niya ako binabalingan ng tingin. I shrug my head and walk straight to the kitchen, so I could also inform Nay Cristy to prepare for the coming of Lolo Nicolo on Saturday. I don't know what get into him why he suddenly want to stay in my house if he can actually get her granddaughter if he wants to. That would be a nicer idea if it's happened. "Hindi pa rin ba kayo nag-uusap ni Mikay?" tanong ni Nay Cristy habang naghahanda ito ng pagkain. I just shrug my head and didn't bother to open my mouth to answer her question. "Tawagin ko lang siya, para sabay na kayong kumain," pagkakwa'y saad nito. "No. Don't bother, Nay Cristy. Hindi siya gano'ng kaimportante para tawagin mo pa, kung gusto niyang kumain, magkusa siya. Hindi siya prinsesa na kailangan pang tawagin at pagsilbihan," saad ko sa malamig na tinig. "Bakit sinasabi ko bang prinsesa ako?"Nagtaas ng bahagya ang kilay ko nang marinig ko ang bos
MIKAY"Ahhhh!" impit na sigaw ko habang nakatakip ang unan sa aking mukha dahil sa feels na nararamdaman ko.Ewan ko ba! Pero hindi ko maiwasang uminit ang aking pisngi sa tuwing naaalala ko ang nangyari sa garden. Halos hindi pa nga ako nakatulog kagabi dahil hindi talaga ako mapakali. Grabe! I can't talaga!"Kalma Mikay! Huwag kang OA! Kumalma ka," kumbinsi ko sa aking sarili ko pero... "Ahhhh!" Dinaig ko na ang uod na binudburan ng asin dahil sa pagwawala ko sa kama.Huminga ako ng malalim habang pilit kong kinakalma ang aking sarili, kahit papaano ay epektibo naman ito. Umupo ako sa aking kama. Paulit-ulit na inhale exhale ang ginawa ko."Kailangan mo pang lumabas Mikay kaya umayos ka. Baka mamaya sabihin ni Damonyo kinikilig ka sa nangyari," saad ko sa aking sarili."Mikay, anak."Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang kumatok si Nay Cristy sa aking pintuan. Mabilis ko namang inayos ang aking sarili maging ang kama kong tila nabagyo dahil sa pagwawala ko kanina. Nang masiguro
DAMONI couldn't stop smiling every time the scene from their school hallway popped into my mind. Damn! Malaki Mendoza? She's really insane. How could she make such mistakes like that? I chucked while shrugging my head. Kahit ilang beses kong tanggalin sa isip ko ang sinabi ni Prof Cruz ay hindi ko magawa. Damn! Malaki... pftt! "Mukhang masarap ang gising natin ngayon dahil hindi ka ata aburido." Prenteng umupo si Caitlyn sa sofa. Inilapag niya ang hawak niyang softdrinks sa center table. Tumayo ako mula sa aking swivel chair at tumabi sa kanya. Kinuha ko ang isang softdrinks na nasa mesa at binuksan ito. "Thanks," she said when I opened it for her. Muli ko namang kinuha ang isa at binuksan ko iyon para inumin. "May nangyari bang nakakatuwa sa lecture mo kaya good mood ngayon? May tinarget ka na naman siguro. Nag walk out ba? Umiyak?" She laughed with her own statement.I shrug my head as I sip onto my softdrinks. My eyes shifted to my phone when I received a message from the ER.
MIKAY"Oh anak, bakit tila matamlay ka ata?" tanong ni Nay Cristy nang makapasok ako sa kusina."Sira po ata ang AC ko sa kwarto. Sinigurado ko naman po na nasa saktong temperatura ito, pero halos mamaluktot ako sa sobrang lamig nang magising ako," pagmamaktol ko saka ako humila ng upuan. Dahil sa sobrang lamig ng kwarto ko, ang ending, bigla tuloy sumama ang pakiramdam ko. "Achoo!" napatakip ako ng ilong at bibig nang bumahing ako. "Si Damon po pala?" tanong ko. Siguro siya ang nagbuhat sa akin kagabi papunta sa kwarto ko. Natatandaan ko kasi na nasa sala ako kagabi at hinihintay siya dahil nga makikibalita sana ako kung kumusta ang pasyente na inoperahan niya kagabi eh. Dahil sa kakahintay ko sa kanya nakatulog tuloy ako. "Maaga itong umalis dahil may emergency ata," saad ni Nay Cristy na umupo na rin sa tapat ko. "Bakit? May kailangan ka ba sa kanya?" tanong ni Nay Cristy na ngayon ay nagsasandok na rin ng pagkain. "Wala naman po. Makikibalita lang sana ako tungkol sa pasyente
MIKAYNagmahal at nasaktan. Tumawa at umiyak. Nagalit at nagpatawad.Muntikang sumuko ngunit lumaban upang maabot ang gusto.Natakot ngunit sumugal ulit.Ilan lang iyan sa mga natutunan ko sa buhay... sa buhay pag-ibig. Sobrang hirap magtiwala lalo pa't nasaktan ka na. Sobrang hirap sumugal lalo pa't minsan ay natalo ka na. Sobrang hirap magmahal lalo pa't minsan ka ng naloko. Sobrang hirap makahanap ng taong mananatili sa buhay mo... ngunit nakahanap ako. Nahanap ko si Damon at nahanap niya rin ako.Ang pagmamahalan man namin ay nag-umpisa sa arrange marriage, ngunit alam namin na magtatapos ito sa totoohang pagmamahalan. Dati naman ang gusto ko lang sa buhay ay yumaman, wala sa isip ko ang mag-asawa dahil sabi ko... hindi naman ako marunong mag-alaga, sarili ko nga hindi ko maalagaan, ibang tao pa kaya? Pero akalain mo iyon... sobrang mapang-asar talaga ang tadhana kasi nagawa niyang ibahin ang isip at puso ko. Si Damon? Sobrang sungit niya. Lahat na ata ng kasungitan sa mundo ay
MIKAY4 years later..."Moma!"Nagising ako sa sigaw ni Dal na akala mo may gulo na namang nangyayari."Moma!"Kahit ayoko pa sanang bumangon dahil antok na antok at pagod na pagod pa ako, kumakatok na sa pintuan si Dal. Bumungon ako at pinulit ang aking mga damit. Maaga na namang umalis ang lalaking iyon, at hindi man lang niya ako ginising. Mabilis akong nagpalit, at hindi na ako naghilamos pa.Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ay agad nagsumbong sa akin si Dal na akala mo stress na stress na naman sa nangyayari. Puting puti ang buhok niya maging ang mukha nito. "Moma, nakakainis po! Kanina ko pa po sila pinipigilan na huwag maglaro sa kitchen, pero hindi po sila nakikinig."Huminga ako ng malalim. Sumunod naman ako kay Dal na patuloy na nagsusumbong sa akin."Sabi ko ako na lang ang mag b-bake, pero ayaw po nilang magpaawat. Pati nga po si Yaya ay nastress na."Nabaling ang tingin ko sa tatlo na nakasilip sa may veranda."Labas," maotoridad na saad ko.Hindi ko naman napigila
MIKAYHindi madali ang lahat ng pinagdaanan namin. Paulit-ulit kaming sinubok. Paulit-ulit kaming nasaktan, natakot, at umiyak. Ni hindi ko talaga lubos maisip kung paano namin nagawang lampasan at harapin ang lahat ng iyon."I love you, Wife."Sobrang sarap sa pakiramdam na sa tuwing paggising mo sa umga katabi mo ang lalaking nagbigay sa iyo ng pag-asa. Yung gigising ka sa umaga at agad niyang ipaparamdam sa iyo na ikaw ang pinakamagandang nangyayari sa buhay niya."I love you more, Hubby."Buong akala ko hindi ko na ulit mararamdaman ang ganitong pagmamahal, na hindi darating sa buhay ko ang ganitong klaseng pag-ibig. Sino ba kasing mag-aakala na ang tatanga-tangang ako makakabinggit ng isang matalinong tao na iintindi sa lahat ng kabobohan ko?Si Damon ang nagturo sa akin na kahit na anong pagsubok ang dumating, kailangang harapin iyon ng walang takot."Moma, lalabas na po ba sila baby?"Si Dal ang isa rin sa nagpatatag at nagpatibay sa akin. Kung hindi dahil sa kaniya ay baka hin
MIKAYHalos hindi ko na alam kung saan ako tutungo nang makarating kami sa hospital. Nakaalalay lang sa akin ang mga kaibigan ko na nagpunta kanina sa bahay ni Lolo nang malaman nila ang nangyayari."Kaya wala talaga akong tiwala sa higad na iyon eh!""Makita ko lang talaga siya ako na ang papatay sa kaniya!"Habang sila ay galit na galit, ako naman ay sobrang nag-aalala. Nang makita ko si Damon na nakaupo sa labas ng operating room hinanap ko agad si Dal... nasaan siya? Ramdam ko na ang pag init ng mata ko at paghaharumentado ng puso ko.Nakuha na namin ang atensyon ni Damon. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang mga kamay na nababalot ng dugo. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Nakangiti siya sa akin, pero kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata."Nasaan si D-Dal?" nanginginig na tanong ko. "She's fine. She's inside the emergency room right now...""Moma!"Agad na hinanap ng aking mga mata ang tumawag sa akin. Bumuhos na ang aking luha. Tumatakbo palapit sa amin si Dal. Lu
MIKAYPara akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa naririnig ko, agad na bumuhos ang aking luha. Sobrang lakas ng kabog ng aking puso na tila ba kakawala na ito sa akin. Kanina pa kausap ng Damon ang mga pulis, kalmado ito ngunit ramdam ko ang galit niya maging ang pag-aalala nito."Do everything you can."Hindi ko alam kung ano ang nangyari o kung paano ito nangyari... pakiramdam ko ay sobrang sama kong ina para pabayaan ang anak ko. Kung sana naging mas maaga lang ako ay hindi ito mangyayari."Wife, stop crying. Mahahahanap natin siya."Kahit gaano ako kalmahin ni Damon ay hindi ito umeepekto sa akin. "Kasalanan ko ito."Muling nag init ang aking mga mata. "No it's not your fault." Inilapit niya ako sa kaniya saka hinalikan sa noo. Gabi na ngunit wala pa rin kaming balita sa anak namin. Ang sabi ng teacher kanina ay may sumundo raw sa kaniya, nakita na rin namin ang CCTV ngunit hindi masyadong kita kung sino ang kumuha sa anak namin, sumakay sila sa black na kotse na ng tingnan
MIKAYLumipas ang ilang linggo walang paramdam si Caitlyn, hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot ako kasi unusual ito eh. Hindi kasi siya iyong tipo ng tao na bigla na lang hindi magpaparamdam. Nang malaman ni Damon na nakipagkita nga ako sa kaniya at nakita niya rin na namumula ang pisngi ko, galit na galit siya."Moma, may star po ako."Tinatanong ko naman si Dal kung pumapasok si Demi, ang sagot naman niya sa akin ay oo. "Wow very good naman ang baby ko.""Stem Moma, mana ako kay Papa."Pinanliitan ko siya ng mata."Syempre pati po sa inyo."Humagikgik pa ito. Agad napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang siko niya. "Ano ang nangyari rito?" May sugat kasi sa siko niya at halatang ngayon lang ito nangyari. "Ah ito po ba Moma? Nadapa po. Naglalaro po kasi kami kanina," saad niya nang hindi tumitingin sa aking mga mata. "Dal, sabihin mo ang totoo." "Moma, iyon po ang totoo."Hindi pa rin siya nakatingin sa akin, nanatili siyang nakayuko."Moma, mag s-shower na po ako."Ma
MIKAYSinabi sa akin ni Damon ang tungkol kay Caitlyn. Hindi ko akalain na nagawa niyang magsinungaling ng gano'n para lamang makuha niya ang gusto niya. I did give her a chance, but she choose to waste it."I really can't believe her."Kanina pa nagmamaktol si Damon na tila ba isang bata. Siguro gano'n na talaga siya at hindi iyon magbabago pa. Nakakainis lang dahil buong akala ko ay nasa matinong pag-iisip na siya, pero mukhang mas lumala pa ata ang pagiging siraulo niya."Hayaan mo na, at least ngayon alam na natin na plinano niya ang lahat."Hinawakan ko ang kamay niya."Buti na lang hanggang maaga pa ay nalaman na natin ang intensyon niya at hindi na siya gumawa pa ng mas malala." Nag release na rin ng statement si Damon tungkol sa litrato at video na kumakalat, sabi ko naman sa kaniya kung ano man ang maungkat haharapin namin iyong dalawa. Hindi naman ako papayag na siya lang ang aako ng lahat ng ito, gaya ng sabi ko hati kami."Moma!" Nakuha ni Dal ang atensyon namin, may ha
MIKAYKapag chismis talaga ang usapan, sobrang bilis nitong kumalat na akala mo isa itong virus. Kalat na kalat pa rin ang mga pictures at videos online lalo na yung halikang nangyari sa kanilang dalawa kahit na tatlong araw na ang nakakalipas. Alam ko naman na hindi iyon sinasadya kaya lang sa mga mata ng iba, alam kong iba ang tingin nila."You should fix this as soon as possible, Damon."Nandito kami ngayon sa bahay ni Lolo, at meron din ang loli ni Damon, at as usual sinasabon na naman nila si Damon."Lo, wala naman pong kasalanan si Damon sa nangyari. At saka, kung bibigyan natin ng malisya ang nangyari mas lalo lang itong lalala. At saka kiss lang naman iyon...""Kahit kiss man iyon o hindi, wala akong pakealam. Nababasa mo ba ang mga articles tungkol sa kanila? Can be a happy family? Sweet family?"Hinilot ni Lolo ang sentido niya. "Tama si Nico. Kahit alam ng lahat na kayo naman talaga, hindi pa rin natin maiiwasan na iba ang sabihin ng media makakuha lang sila ng magandang s
MIKAYHindi ko maiwasang magtaas ng kilay habang nakatingin kay Damon at Caitlyn. Seryosong-seryoso kasi silang nag-uusap sa hindi kalayuan sa akin, pagkakwa'y ngumingiti si Caitlyn kapag sasagot si Damon sa kaniya."Lapitan mo! Tanggalin mo yung mata," ani Juday na hindi ko namalayan ang pagdating.Nandito ako ngayon sa event na ginawa ng hospital, para officially ipakilala sa lahat si Damon, ang bagong chairman ng hospital. "Alam mo, todo ang pag-aaligid ng linta na iyan sa asawa mo. Jusko! Ako na iyong naiimbyerna talaga," ani Tina na umirap pa ng bongga.Huminga ako ng malalim."Nag-uusap lang naman sila," saad ko. "Nag-uusap? Eh tingnan mo yung linta, kulang na lang dumikit siya sa asawa mo. May nag-uusap ba na lapit nang lapit ng boobs?" Mas naging iritable silang dalawa."O yung kamay niya! Tingnan mo tingnan mo. Wala ka bang gagawin? Hindi ka ba lalapit sa kanila?"Maliban kay Caitlyn, may iba pa naman silang kausap, at alam kong importante ang pinag-uusapan nila ngayon, ew