MIKAY"Ikaw na!""Anong, ako? Ikaw!""Gagi! Ikaw na kasi!""Bahala ka riyan!"Nakatingin ako sa mga interns na nagtuturuan kung sino ang mga bibigay ng report kay Damonyo na mukhang mainit na naman ang ulo. Kanina lang kasi may pinagalitan siyang residente. Halos dumagundong ang buong floor ng neurology department eh. Grabe talaga siya. "Ilang araw ng walang tulog si Doc Damon, buti at nakakaya niya pa rin na gampanan ang duty niya.""Kaya nga! Alam niyo ba na katatapos lang ng operation niya kanina? Halos anim na oras din iyon.""Ilang araw na siyang nakaduty, simula ata nung nagkaroon siya ng private patient." Private patient? Sino kaya iyon? "Ah! Oo nga 'no?"Nakuha naman nila Nurse Yen ang atensyon ko. Tch. Masyado kasi siyang pabibo. Bahala siya sa buhay niya. Hindi rin siya umuuwi sa bahay niya eh. "Intern Mikael." Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Bahagyang nagtaas ang kilay ko nang makita ko ang kapwa ko interns na galing sa ibang school na nagtatalo kanina kung s
MIKAY"Kumusta Mikael. Naramdaman mo ba ang bagsik niya?" tanong agad sa akin ni Nurse Yen nang makita niya ako."Nairaos ko po," saad ko. Kahit na talagang maayos namin ang naging trato sa akin ni Damonyo kanina... maliban lang talaga sa pinaramdam niya sa aking kakaiba. Kasi naman eh!"Oh bakit parang namumula ka ata?" tanong ni Nurse Yen."P-Po?" Hinawakan ko ang mukha ko. "Mainit lang po."Shucks! Bakit naman ako namumula? Mukhang malandi na ata talaga ako. Jusmiyo naman! Para akong mababaliw sa nararamdaman ko ngayon. Hindi mawala sa isip ko ang sitwasyon namin kanina... sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin... nakangiti pa siya... parang... para siyang... "Anghel," wala sa sariling sambit. "Anghel? Sinong anghel? Si Doc Damon? Baka anghel na may sungay kamo." Napatingin ako sa nagsalita. Si Nurse Uly na laging napapagalitan ni Damon. Tch. "Crush mo 'no?" pagkakwa'y pagbibiro nito. "Hoy hindi ah," tanggi ko agad. Mamaya biglang kumalat ang chismis eh, malintikan na naman ak
MIKAYKinabukasan, tanghali na akong nagising kaya naman aligaga akong nag-ayos. Kasi naman hindi agad naalis sa sistema ko ang nangyari sa kwarto ni Damonyo... tapos wife... hindi matanggal iyan sa buong pagkatao. Sa tuwing naaalala ko kung paano niya lapain ang labi ko kagabi ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kung ano sa aking tiyan. Pakiramdam ko may paru-parong nagsasaya sa loob ko. "Anak, hindi ka na ba kakain?" tanong ni Nay Cristy nang makita niya akong nagmamadaling bumaba. "Hindi na po. Late na po ako eh. Salamat na lang po Nay. Bye po!" mabilis na saad ko saka. Patakbo akong lumabas ng bahay ngunit napapreno ako nang makita ko si Damonyo na mukhang may hinihintay. Bahagya pa akong napaatras nang makita ko siya. Shucks! Bigla na naman akong kinabahan."Oh Mikay, para kang nakakita ng multo," ani Tay Kanor na lumabas mula sa bahay. "Oh. Baon mo raw sabi ng Nay Cristy mo," pagkakwa'y saad niya saka niya inabot sa akin ang isang paper bag. "Damon hijo, talaga bang sasabay k
MIKAY"Ang daming foods," bulalas ko habang nakatingin sa mga pagkain na nasa mesa."Wow! May nag birthday ba?" tanong ni Nurse Yen na kasabay naming pumasok sa nurse lounge kung saan p'wede kaming kumain o magpahinga.Para akong biglang nabuhayan nang makita ko ang mga pagkain. Mukhang masosolve ang tiyan kong puro tubig na lang ang laman dahil hindi talaga kami tinantanan ni Nurse Lana hanggang sa hindi natapos ang oras namin ni VJ. And now we're free from her! "Uy foods!" ani VJ na mabilis na lumapit sa mesa. Katulad ko ay paniguradong gutom na gutom na rin siya "Hindi pa ba natin ito lalantakan?" tanong ni VJ na mukhang ready to eat na. "Lantakan na iyan!" ani Nurse Uly na mabilis ding lumapit sa mesa. Biglang nagsulputan na rin ang ibang interns na kasama namin, at sa isang kisap mata lang kanya-kanya na kaming hawak ng plato. "Hindi ka naman halatang gutom, Mikael," pagpupuna sa akin ni Nurse Yen na katabi ko. "Hindi ba kayo pinakain ni Nurse Lana?" natatawang tanong nito
MIKAYKay gandang umaga! Nakangiti kong kinuha ang card ni Damon sa side table at saka ko ito tinitigan ng bongga. "Humanda ka sa akin ngayon!" Malademonyo akong tumawa. Excited akong bumaba mula sa aking kama. Naghilamos lang ako, at nag toothbrush pagkatapos ay lumabas na ako sa kwarto ko. Pakiramdam ko nasa ulap ako habang naglalakad. Grabe ang feels! I feel so rich... eme! "Good morning Philippines! Good morning Earth!" masayang bati ko nang marating ko ang kusina. Nakita ko naman agad si Damon na nakaupo na sa hapag-kainan habang hawak na naman nito ang pinakamamahal niyang ipad. Ni hindi man lang niya ako binalingan ng tingin. "Mukhang maganda ata ang gising mo anak," ani Nay Cristy na naglapag ng plato sa mesa. "Hindi nga po masyado. Pero ang init Nay Cristy ano?" saad ko. Nakuha ko ang atensyon ni Damon kaya naman ang sunod kong ginawa, ginawa kong pamaypay ang card niya. Kitang-kita ko ang pagtaas ng kilay niya pagkakwa'y umiling ito. Si Nay Cristy naman ay natawa dah
MIKAY"Nay! Wala nga kaming ginagawa eh," pagmamaktol ko.Tumawa si Nay Cristy kaya naman mas lalo akong napabusangot ko. Kasalanan talaga ito ng Damonyo na iyon eh. Ugh! Sirang-sira na ang reputasyon ko!"Nay naman eh. Mag w-walk out ako rito sige."Mas lalo itong natawa. "Wala naman akong sinasabi anak. Nakangiti lang naman ako sa'yo," ani Nay Cristy. "Pero anak, nagtagumpay ba si Damon na kunin mula sa'yo ang pasalubong niya?" Pinanlakihan ko ng mata si Nay Cristy. "Nay!" pagmamaktol ko. Humagalpak ito ng tawa. Nakakainis ah! Mukhang trip din akong asarin ni Nay Cristy ngayon. "Good morning."Masamang tingin ang ibinaling ko kay Damonyo na kakapasok lang sa kusina. Kasalanan niya kasi itong lahat eh. Mukha itong inosenteng demonyo. Super straight yung mukha niya na akala mo hindi ito makabasag pinggan. May awra siya na huwag mo siyang babanggain... pero sa kabila ng ipinapakita niya sa panlabas nito, may nakatagong landi, at pagkamanyak sa loob niya. Ugh!"What?"Inirapan ko lan
MIKAY"Uy! Okay ka lang?"Natauhan ako dahil sa mahinang pagsiko sa akin ni Juday. Katatapos lang ng first exam namin, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari sa car park. Buti nga at nairaos ko na matapos ang exam ko sa kabila ng nararamdaman ko eh.Hanggang ngayon pakiramdam ko nakahawak pa rin ako sa... ugh! Kasi naman eh! Sa dami ng paghahawakan ko do'n pa talaga dumapo ang kamay ko. Nakakahiya! Buti na lang nagawa ko pang umalis sa sasakyan niya kanina kahit na grabe na ang panlalambot ng tuhod ko. "Kanina ka pa wala sa sarili eh," ani Juday na kunot noong nakatingin sa akin. Paanong hindi ako mawawala sa sarili eh nakahawak ako ng hindi dapat hawakan eh! First time ko iyon at... nagulat talaga ako ng bongga. Parang nakahawak ako ng malaking bato eh. "Oo nga. Sino ba 'yong tumawag sa'yo kanina at mukhang iyon ang dahilan ng pagkabalisa mo? May nangyari ba?" tanong naman ni Tina. Kasalukuyan kaming nagmimiryenda ngayon sa madalas tambayan ng lahat
MIKAY"Adam salamat," nakangiting saad ko nang makababa ako sa kanyang sasakyan. Bumaba rin siya.Kakauwi ko lang galing sa school, nahihiya nga ako kay Adam dahil pinaghintay ko pa siya ng halos dalawang oras eh. Si Dean kasi ang lupet magpareview, tipong hindi kami titigilan hangga't hindi napipiga ng husto ang utak namin. "Maliit na bagay," pagbibiro nito saka pa ginulo ang buhok ko. "Alam mo namang malakas ka sa akin eh."Binalingan ko ng tingin ang mukhang tahimik na bahay ni Damon. "Buti na lang may duty si Damonyo ngayon," saad ko saka ako marahas na bumuntong hininga."Why? Does Damon still treats you bad?" Umiling ako. "Hindi naman, kaya lang minsan hindi ko magawang hindi matakot sa kanya eh." Kasi naman kakaiba talaga ang awra ng isang iyon eh. Hindi ko talaga masundan ang ugali niya. Mamaya okay siyang kausap tapos biglang ang hirap na naman niyang kausap. Ay ewan ko na talaga sa kanya."Basta salamat ah. Pasensya na rin sa istorbo. Alam ko namang busy ka eh," saad ko.
MIKAYNagmahal at nasaktan. Tumawa at umiyak. Nagalit at nagpatawad.Muntikang sumuko ngunit lumaban upang maabot ang gusto.Natakot ngunit sumugal ulit.Ilan lang iyan sa mga natutunan ko sa buhay... sa buhay pag-ibig. Sobrang hirap magtiwala lalo pa't nasaktan ka na. Sobrang hirap sumugal lalo pa't minsan ay natalo ka na. Sobrang hirap magmahal lalo pa't minsan ka ng naloko. Sobrang hirap makahanap ng taong mananatili sa buhay mo... ngunit nakahanap ako. Nahanap ko si Damon at nahanap niya rin ako.Ang pagmamahalan man namin ay nag-umpisa sa arrange marriage, ngunit alam namin na magtatapos ito sa totoohang pagmamahalan. Dati naman ang gusto ko lang sa buhay ay yumaman, wala sa isip ko ang mag-asawa dahil sabi ko... hindi naman ako marunong mag-alaga, sarili ko nga hindi ko maalagaan, ibang tao pa kaya? Pero akalain mo iyon... sobrang mapang-asar talaga ang tadhana kasi nagawa niyang ibahin ang isip at puso ko. Si Damon? Sobrang sungit niya. Lahat na ata ng kasungitan sa mundo ay
MIKAY4 years later..."Moma!"Nagising ako sa sigaw ni Dal na akala mo may gulo na namang nangyayari."Moma!"Kahit ayoko pa sanang bumangon dahil antok na antok at pagod na pagod pa ako, kumakatok na sa pintuan si Dal. Bumungon ako at pinulit ang aking mga damit. Maaga na namang umalis ang lalaking iyon, at hindi man lang niya ako ginising. Mabilis akong nagpalit, at hindi na ako naghilamos pa.Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ay agad nagsumbong sa akin si Dal na akala mo stress na stress na naman sa nangyayari. Puting puti ang buhok niya maging ang mukha nito. "Moma, nakakainis po! Kanina ko pa po sila pinipigilan na huwag maglaro sa kitchen, pero hindi po sila nakikinig."Huminga ako ng malalim. Sumunod naman ako kay Dal na patuloy na nagsusumbong sa akin."Sabi ko ako na lang ang mag b-bake, pero ayaw po nilang magpaawat. Pati nga po si Yaya ay nastress na."Nabaling ang tingin ko sa tatlo na nakasilip sa may veranda."Labas," maotoridad na saad ko.Hindi ko naman napigila
MIKAYHindi madali ang lahat ng pinagdaanan namin. Paulit-ulit kaming sinubok. Paulit-ulit kaming nasaktan, natakot, at umiyak. Ni hindi ko talaga lubos maisip kung paano namin nagawang lampasan at harapin ang lahat ng iyon."I love you, Wife."Sobrang sarap sa pakiramdam na sa tuwing paggising mo sa umga katabi mo ang lalaking nagbigay sa iyo ng pag-asa. Yung gigising ka sa umaga at agad niyang ipaparamdam sa iyo na ikaw ang pinakamagandang nangyayari sa buhay niya."I love you more, Hubby."Buong akala ko hindi ko na ulit mararamdaman ang ganitong pagmamahal, na hindi darating sa buhay ko ang ganitong klaseng pag-ibig. Sino ba kasing mag-aakala na ang tatanga-tangang ako makakabinggit ng isang matalinong tao na iintindi sa lahat ng kabobohan ko?Si Damon ang nagturo sa akin na kahit na anong pagsubok ang dumating, kailangang harapin iyon ng walang takot."Moma, lalabas na po ba sila baby?"Si Dal ang isa rin sa nagpatatag at nagpatibay sa akin. Kung hindi dahil sa kaniya ay baka hin
MIKAYHalos hindi ko na alam kung saan ako tutungo nang makarating kami sa hospital. Nakaalalay lang sa akin ang mga kaibigan ko na nagpunta kanina sa bahay ni Lolo nang malaman nila ang nangyayari."Kaya wala talaga akong tiwala sa higad na iyon eh!""Makita ko lang talaga siya ako na ang papatay sa kaniya!"Habang sila ay galit na galit, ako naman ay sobrang nag-aalala. Nang makita ko si Damon na nakaupo sa labas ng operating room hinanap ko agad si Dal... nasaan siya? Ramdam ko na ang pag init ng mata ko at paghaharumentado ng puso ko.Nakuha na namin ang atensyon ni Damon. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang mga kamay na nababalot ng dugo. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Nakangiti siya sa akin, pero kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata."Nasaan si D-Dal?" nanginginig na tanong ko. "She's fine. She's inside the emergency room right now...""Moma!"Agad na hinanap ng aking mga mata ang tumawag sa akin. Bumuhos na ang aking luha. Tumatakbo palapit sa amin si Dal. Lu
MIKAYPara akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa naririnig ko, agad na bumuhos ang aking luha. Sobrang lakas ng kabog ng aking puso na tila ba kakawala na ito sa akin. Kanina pa kausap ng Damon ang mga pulis, kalmado ito ngunit ramdam ko ang galit niya maging ang pag-aalala nito."Do everything you can."Hindi ko alam kung ano ang nangyari o kung paano ito nangyari... pakiramdam ko ay sobrang sama kong ina para pabayaan ang anak ko. Kung sana naging mas maaga lang ako ay hindi ito mangyayari."Wife, stop crying. Mahahahanap natin siya."Kahit gaano ako kalmahin ni Damon ay hindi ito umeepekto sa akin. "Kasalanan ko ito."Muling nag init ang aking mga mata. "No it's not your fault." Inilapit niya ako sa kaniya saka hinalikan sa noo. Gabi na ngunit wala pa rin kaming balita sa anak namin. Ang sabi ng teacher kanina ay may sumundo raw sa kaniya, nakita na rin namin ang CCTV ngunit hindi masyadong kita kung sino ang kumuha sa anak namin, sumakay sila sa black na kotse na ng tingnan
MIKAYLumipas ang ilang linggo walang paramdam si Caitlyn, hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot ako kasi unusual ito eh. Hindi kasi siya iyong tipo ng tao na bigla na lang hindi magpaparamdam. Nang malaman ni Damon na nakipagkita nga ako sa kaniya at nakita niya rin na namumula ang pisngi ko, galit na galit siya."Moma, may star po ako."Tinatanong ko naman si Dal kung pumapasok si Demi, ang sagot naman niya sa akin ay oo. "Wow very good naman ang baby ko.""Stem Moma, mana ako kay Papa."Pinanliitan ko siya ng mata."Syempre pati po sa inyo."Humagikgik pa ito. Agad napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang siko niya. "Ano ang nangyari rito?" May sugat kasi sa siko niya at halatang ngayon lang ito nangyari. "Ah ito po ba Moma? Nadapa po. Naglalaro po kasi kami kanina," saad niya nang hindi tumitingin sa aking mga mata. "Dal, sabihin mo ang totoo." "Moma, iyon po ang totoo."Hindi pa rin siya nakatingin sa akin, nanatili siyang nakayuko."Moma, mag s-shower na po ako."Ma
MIKAYSinabi sa akin ni Damon ang tungkol kay Caitlyn. Hindi ko akalain na nagawa niyang magsinungaling ng gano'n para lamang makuha niya ang gusto niya. I did give her a chance, but she choose to waste it."I really can't believe her."Kanina pa nagmamaktol si Damon na tila ba isang bata. Siguro gano'n na talaga siya at hindi iyon magbabago pa. Nakakainis lang dahil buong akala ko ay nasa matinong pag-iisip na siya, pero mukhang mas lumala pa ata ang pagiging siraulo niya."Hayaan mo na, at least ngayon alam na natin na plinano niya ang lahat."Hinawakan ko ang kamay niya."Buti na lang hanggang maaga pa ay nalaman na natin ang intensyon niya at hindi na siya gumawa pa ng mas malala." Nag release na rin ng statement si Damon tungkol sa litrato at video na kumakalat, sabi ko naman sa kaniya kung ano man ang maungkat haharapin namin iyong dalawa. Hindi naman ako papayag na siya lang ang aako ng lahat ng ito, gaya ng sabi ko hati kami."Moma!" Nakuha ni Dal ang atensyon namin, may ha
MIKAYKapag chismis talaga ang usapan, sobrang bilis nitong kumalat na akala mo isa itong virus. Kalat na kalat pa rin ang mga pictures at videos online lalo na yung halikang nangyari sa kanilang dalawa kahit na tatlong araw na ang nakakalipas. Alam ko naman na hindi iyon sinasadya kaya lang sa mga mata ng iba, alam kong iba ang tingin nila."You should fix this as soon as possible, Damon."Nandito kami ngayon sa bahay ni Lolo, at meron din ang loli ni Damon, at as usual sinasabon na naman nila si Damon."Lo, wala naman pong kasalanan si Damon sa nangyari. At saka, kung bibigyan natin ng malisya ang nangyari mas lalo lang itong lalala. At saka kiss lang naman iyon...""Kahit kiss man iyon o hindi, wala akong pakealam. Nababasa mo ba ang mga articles tungkol sa kanila? Can be a happy family? Sweet family?"Hinilot ni Lolo ang sentido niya. "Tama si Nico. Kahit alam ng lahat na kayo naman talaga, hindi pa rin natin maiiwasan na iba ang sabihin ng media makakuha lang sila ng magandang s
MIKAYHindi ko maiwasang magtaas ng kilay habang nakatingin kay Damon at Caitlyn. Seryosong-seryoso kasi silang nag-uusap sa hindi kalayuan sa akin, pagkakwa'y ngumingiti si Caitlyn kapag sasagot si Damon sa kaniya."Lapitan mo! Tanggalin mo yung mata," ani Juday na hindi ko namalayan ang pagdating.Nandito ako ngayon sa event na ginawa ng hospital, para officially ipakilala sa lahat si Damon, ang bagong chairman ng hospital. "Alam mo, todo ang pag-aaligid ng linta na iyan sa asawa mo. Jusko! Ako na iyong naiimbyerna talaga," ani Tina na umirap pa ng bongga.Huminga ako ng malalim."Nag-uusap lang naman sila," saad ko. "Nag-uusap? Eh tingnan mo yung linta, kulang na lang dumikit siya sa asawa mo. May nag-uusap ba na lapit nang lapit ng boobs?" Mas naging iritable silang dalawa."O yung kamay niya! Tingnan mo tingnan mo. Wala ka bang gagawin? Hindi ka ba lalapit sa kanila?"Maliban kay Caitlyn, may iba pa naman silang kausap, at alam kong importante ang pinag-uusapan nila ngayon, ew