CALISTA
NAPABALIKWAS ako nang ibagsak ni Klaire ang napakaraming magazines sa mesa. Naglalaman iyon ng mga larawan ni Dayne.
“Hindi lang iyan, pagkatapos mong tignan ang mga ‘yan, ipapakita ko naman sayo ang mga awards ni Dayne.”
Tinatamad kong kunin ang magazine na nasa harapan ko. Aanhin ko naman ang mga ito?
“Dayne Cervantez?” Pagbabasa ko rito.
Isang artista si Dayne. Kaya pala nagtataka sila kung bakit hindi ko man lang siya nakilala. Base sa nakikita ko, isa siya sa mga pinakasikat na artista rito sa Pilipinas.
“Kilala mo na siguro ako ngayon, Calista.”
Muntikan ko nang mabitawan ang hawak kong magazine nang biglang may magsalita sa harapan ko! Napatingin ako kay Dayne na abot tainga ang ngiti. Ngayon ko lang napansin na may dimple pala ito sa kanang bahagi ng pisngi niya. Sanay akong tawagin sa pangalang iyon, ngunit nang marinig ko ito, ay bahagya akong nailang.
“C-Cali na lang,” nahihiyang saad ko.
“Okay, Cali. I think, that’s even better.”
Napangiti ako at gano’n din siya. Napaiwas tuloy ako ng tingin at nilapag ang magazine sa may mesa. Naramdaman kong umupo ito sa tabi ko. Siguro ay ito na ang tamang oras para tanungin siya.
“Hanggang ngayon hindi pa rin malinaw sa akin ang lahat. Ano ba talagang gusto mong mangyari? Bakit kailangan akong maging substitute wife mo?” diretsahang tanong ko sa kanya.
Bigla namang napalitan ang ekspresyon ng mukha niya.
“Huwag kang mag-alala. It’s just a fake wedding. Tanging kapamilya at mga kaibigan lang ang imbitado. After that, ipapalabas natin sa social media ang wedding natin. Pictures, videos and anything that goes with it na mapapaniwala na totoong ikinasal tayo.”
“P-Pero bakit kailangan nating gawin iyon?”
“As you can see, kamukhang-kamukha mo ang nasa painting. She’s Clarisse Sarmiento, my fiancée.”
“Fiancée?”
Nanlaki ang aking mga mata. Tama ako. Siya nga ang tinutukoy nilang Clarisse Sarmiento. Pero bakit kamukhang-kamukha ko siya?
“Oo, Cali. Katulad ko ay isa rin siyang sikat na artista dito sa Pilipinas. Since childhood, she has been my leading lady. Mayroon kaming palabas na ginagawa ngayon. Kung kailan malapit na namin itong matapos, saka pa siya nawala. Ngunit natigil ito pansamantala dahil sa nangyari kay Clarisse. Pero ang alam nila, natigil ito dahil ikakasal kaming dalawa.”
“A-Anong gusto mong gawin ko?”
“Magpanggap ka bilang isang Clarisse Sarmiento.”
Nanlaki ang mga mata ko! Noong una, gusto niyang paniwalain ang mga tao na kasal kami, tapos ngayon magpanggap naman? Nababaliw na ba siya?
“Magpanggap? Anong alam ko sa pagpapanggap?” halos pasigaw kong tanong.
“Please, calm down, Cali,” saad niya. “Kaya gusto kong makipagkasundo sayo. When people found out about Clarisse’s death, it was a big mess. I mean, bukod sa iiyak ang buong Pilipinas, masisira ang career naming dalawa.”
“Nang dahil lang doon?”
“Hindi iyon basta-basta, Cali.” He sighed. “Importante ang bagay na ito para sa aming dalawa. Malaking bagay ang movie na iyon para sa career namin. Bukod sa popularity, ito magsisilbing pinto namin papasok sa international screen.”
Napailing ako. Sa tono ng pananalita niya, sarili niya lang ang iniisip niya. Dahil lang sa kasikatan, magsisinungaling kami sa maraming tao?
“Pero Dayne, hindi ba unfair ‘yon? Kailangang malaman nila ang pagkamatay ni Clarisse. Hindi habang buhay, matatago niyo ito.”
“I know. Pero masyado pang bata si Clarisse. Biglaan ang pagkamatay niya at alam kong hindi siya handa roon. Importante sa amin ang bagay na ito. Magmula pagkabata, sinikap namin ni Clarisse na umabot dito. Ito ang pangarap namin, ang maging global film ang love team naming dalawa. Pero kung kailan nandito na kami, saka naman siya nawala. Ayokong mawala iyon. Ayokong mawala lahat ng pinaghirapan namin.”
I became silent for a while. Gulong-gulo na ang isipan ko ngayon.
“A-Ano bang ikinamatay ni C-Clarisse? Sabi mo, masyado pa siyang bata. Ano ba talagang nangyari sa kaniya?”
Nakita ko ang pag-iwas at ang paglunok ng sariling laway niya. Nakita ko rin ang malalim na paghinga niya bago magsalita.
“Namatay siya sa aksidente.”
“Aksidente? Kung gano’n, paano niyo ito nagawang itago sa media? Ikaw na mismo ang nagsabi na sikat na sikat kayong dalawa.”
“My Father is a good doctor. Siya ang gumamot at nagbantay kay Clarisse. He owns a private hospital kaya nagawa namin itong itago sa media. Nagtalo kami noong gabing iyon kaya’t sinundan ko siya noong gabing umalis siya. Sa paraang ‘yon, mabilis naming nalinis ang gamit nitong sasakyan sa tulong ng private investigator namin at ang mga kaibigan nitong pulis.” Napatigil siya at nakita ko ang pagbuhos ng kanyang luha. “Masakit man, ngunit hindi na kinaya ng katawan ni Clarisse. Sumuko siya at tuluyan na akong iniwan.”
Mas lalong bumuhos ang luha ni Dayne. Ramdam ko ang sakit at pangungulilang nararamdaman niya. Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan niya. Ngunit, naguguluhan pa rin ako.
“Please Cali. . . Hindi ko pa kayang bitawan si Clarisse lalo na ang pangarap naming dalawa.”
Ngayon ay naiintindihan ko na. Importante ang bagay na ito para sa kanya dahil sa binuo nilang pangarap. Importante ang career para kay Dayne ngunit nakikita ko ring mahal na mahal niya ang fiancée niya at handa niyang gawin ang lahat para dito. Kahit pa wala na siya.
“Think about it carefully, Cali. Kapag pumayag ka, lahat ibibigay ko sayo. You also do not have to look for a job as long as you agree to pretend to be Clarisse Sarmiento.”
Napatitig ako sa kanya. Base sa kanya ay nakasama na niya ang ang babaeng iyon magmula pagkabata. Marahil ay kilalang-kilala niya ito. Kung papayag ako sa gusto niya, sigurado akong matutulungan niya rin ako. Pero kakayanin ba ng konsensya ko ang manloko ng ibang tao?
--**--
“Simpleng paglakad lang hindi mo pa magawa nang maayos?” sigaw ni Klaire.
Gusto ko siyang sigawan pabalik dahil kanina pa siya nagrereklamo! Ngayon kasi ang umpisa ng pagsasanay ko bilang isang Clarisse at kanina pa ako nagkakamali. Pasalamat nga siya dahil pumayag ako sa gusto nila! Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera at matutuluyan, hindi ako magtitiis dito!
“Ano ba Klaire! Ipaghanda mo na lang kami ng makakain, pwede ba?” utos ni Dayne.
Nanlaki ang mga mata ko! Bakit kung makapag-utos siya ay parang hindi niya ito kaibigan?
“Sorry sa inasal ng PA ko, Cali. Gano’n lang talaga siya,” natatawang saad ni Dayne.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. PA? PA pala ang babaeng ‘yon tapos kung umasta siya ay daig pa niya si Dayne!
Napaupo na lang ako sa may sofa at tinanggal ang heels sa mga paa ko. Sobrang sakit na nito at halos namamaga na. Nagkasugat-sugat na rin ito. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakapagsuot ng ganito kaya hindi nila ako masisisi kung bakit hindi ko alam ilakad ito.
Napabuntonghininga ako nang makita ko si Dayne na bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha.
“Magpahinga ka muna. Tatawagin ko lang si Manang para gamutin ang sugat mo.”
Aalis na sana siya ngunit agad ko siyang pinigilan.
“A-Ayos lang. Kaya ko.”
Ngumiti siya at tumabi sa akin.
“You know what? You and Clarisse are exactly the same.”
“Ha?”
“Pati tono ng pananalita niyo ay magkapareho.”
Napatango ako habang siya ay sumandal sa sofa at bahagyang pinikit ang kanyang mga mata. Hinawakan rin niya ang sentido niya. Halatang problemado talaga siya. Kahit hindi niya sabihin ay halata ko ang pagkadismaya niya sa akin.
“Uhm, Dayne,” saad ko.
“Hmm?”
“Paano kung pumalpak ako?”
Bahagya siyang napatingin sa akin.
“Hindi mangyayari ‘yon, Cali. Magaling ang PA ko. Kayang-kaya ka niyang baguhin.”
Ngumiti siya nang pilit kaya’t tumango ako.
“Sir Dayne, heto na po pala ‘yung mga pinapakuha ninyo.”
Pareho kaming napatingin ni Dayne sa nagsalita. Palagay kong isa siya sa kasambahay dito base sa suot niyang uniporme.
Kinuha ni Dayne ang ibinigay ng babae sa kanya. Nang makaalis siya ay isa-isang nilabas ni Dayne ang laman ng envelope. Mga larawan pala ito.
“Sila ang mga kasamahan namin sa trabaho na magiging katrabaho mo sa pelikulang gagawin natin.”
Isa-isang ipinakilala ni Dayne ang mga nasa larawan. Nagulat ako nang ipakita niya ang isa sa larawan doon. Isa raw iyon sa mga makaka-partner ko. Kumbaga love triangle ang eksena naming tatlo. Pagkatapos ay inabot niya sa akin ang script.
“Talaga bang sikat ka, Dayne?”
Bahagya siyang natawa.
“Alam mo, hindi ko alam na ganyan ka pala. Laki ka ba sa bundok?”
Sinamaan ko siya ng tingin.
“Don't get me wrong. Hindi ko lang akalain na may mga taong ganyan ang estado ng buhay tipong kahit TV at radyo wala man lang sila.”
“Ganyan naman kayo, eh. Wala kayong alam sa buhay ng ibang tao. Pasalamat na lang ako dahil hindi kita kilala at hindi ako humahanga sa mga katulad ninyo. Kilala niyo lang naman ang mga fans niyo kapag may upcoming movie kayo o concert. Naalala niyo lang sila kapag may kailangan kayo sa kanila. Ang gusto niyo lang naman ay sumikat kayo.”
“Iba ang pagkakakilala mo sa amin, Cali.”
“Totoo naman, ah! Minsan nga naisip ko, umarte lang kayo hinahangaan na agad kayo. Kahit pa hindi kayo marunong sumayaw o kumanta malaking pera na agad ang napupunta sa inyo. Hindi ba unfair ‘yon? Samantalang ‘yung iba, ginawa na lahat wala pa rin.”
Sumeryoso siya ng tingin sa akin. Sumobra yata ako. Na-offend ko ba siya sa mga nasabi ko? Pero totoo naman, eh! Noon, pangarap ko talagang makanuod sa TV, dahil noong nag-aaral pa lang ako, nakuwento ng guro namin na nakapagtrabaho na siya sa Maynila. Palagi niya kaming kinukwentuhan tungkol sa mga napapanood niya at tungkol sa mga artista. Ang sabi niya, kapag naranasan din naming manuod, tiyak hahanga kami sa kanila. Pero habang lumalaki ako, unti-unting nabago ang paningin ko sa kanila. Bukod sa hinahangaan sila ng marami, parang napaka-unfair dahil umarte lang sila, malaking pera na agad ang matatanggap nila.
“Iba-iba tayo ng pananaw sa buhay Cali. Iba ang pagkakakilala mo sa amin. Katulad ninyo, nahihirapan din kami. Kahit kakambal na namin ang pagpupuyat at pagod, kailangan pa rin naming ngumiti para mapasaya ang mga tao. Oo, pangarap namin ang sumikat, pero hindi sa maling paraan.”
“Pero maling magsinungaling sa mga tao,” giit ko.
Bahagya naman siyang natahimik at umiwas ng tingin.
“I’m doing this because it is my dream. This is our dream. Kahit na wala na siya, gusto kong ipagpatuloy ang nasimulan naming dalawa.”
Napalunok ako dahil sa mga salitang binitiwan niya. Nakikita kong mabuti ang puso ni Dayne at sa palagay ko’y nahihirapan rin siya sa sitwasyong ito.
“Pwede ba akong humingi ng pabor sayo?”
Tumango ako.
“Pagbutihan mo lang ang trabahong ito, Cali. Lahat ibibigay ko sa ‘yo. Sayo nakasalalay ang pangarap namin ni Clarisse.”
Kumirot ang bahaging d****b ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Magkahalong inggit at lungkot. Lumaki si Clarisse na mayaman, artista at maraming tao ang nagmamahal sa kanya. Kagaya ni Dayne, lahat gagawin niya para rito. Lahat ng mga bagay na kinagisnan ni Clarisse ay hindi ko naranasan. Dapat ko nga ba siyang kainggitan?
CALISTA“Are you ready?” tanong ni Klaire.Napatango ako. Ito na ang unang hakbang para sa pagpapanggap. The fake wedding.I was staring at myself on the mirror, wearing a wedding dress. They put some make-up to enlighten my face. I smiled. Hindi lang ako basta-basta inayusan. Mula sa pagiging probinsyana, they transformed me into a princess.“Ang ganda,” nasambit ko.Napangiwi si Klaire nang marinig ako. Kasalukuyan siyang nakasandal sa dingding malapit sa salamin habang pinagmamasdan ako.“Pwede ba, iwasan mo ang pagiging inosente mo. Remember, you’re not Calista anymore. At sino bang nagpangalan sayo? Daig mo pa ang Lola ni Dayne, eh!" mahabang litanya niya.Hindi ko na lang siya pinansin dahil wala akong planong makipagtalo sa kanya.Ramdam ko ang pagtu
CALISTA"THANK you, Cali."Muli akong ngumiti sa kanya. Hindi ko na siguro mabilang kung ilang beses siyang nagpasalamat ngayong araw na 'to."Sige na, magpahinga ka na."Tumango ako at binuksan ang pintuan ng kwarto ko.Masasabi kong mabuti si Dayne dahil iyon ang nakikita ko. Binigyan rin niya ako ng sariling kwarto. Nakikita ko ang respeto niya sa akin bilang babae.Napanganga ako nang tuluyan na akong makapasok sa kwarto ko. Napakalawak at napakalaking kama ang tumambad sa akin. Mayroon ding malaking glass door na natatakpan ng makapal na kurtina. Sa oras na lumabas ka roon ay makikita ang buong subdivision. Napangiti ako. Mas doble ang laki nito kumpara sa bahay namin sa probinsya.Ilang minuto akong naglibot sa kwarto ko nang magpasya akong humiga na. Nakakapagtaka dahil hindi ako tinatamaan ng antok. Ilang
CALISTA"Dayne? Matagal na ba kayong magkakilala ni Patrick?"Hindi ko mapigilang itanong sa kanya. Napayakap ako sa sarili kong katawan dahil sa pagdampi ng hangin sa mga balat ko. Kasalukuyan kami ngayong nakaupo malapit sa tent. Napatingin din ako sa kalangitan. Napakaraming bituin. Bigla ko tuloy na-miss ang Lola ko. Kumusta na kaya siya?"Kababata siya ni Dayne slash pinsan niya."Napatingin kaming pareho ni Dayne sa PA niya. Kahit kailan talaga ay napakapakialamera niya. Tumawa lang si Dayne samantalang ako ay sinamaan ko siya ng tingin."Ikaw ba ang kinakausap?""Hindi! Bakit? Gusto mo siya, 'no?"Nanlaki ang mga mata ko. Kakaiba talaga ang babaeng 'to. Kakaiba ang tabas ng dila!"Inuunahan na kita! Hindi ka pwedeng magkagusto kay Patrick! Akin siya! Naiintindihan mo? Diyan na nga kayo
CALIISANG buntong hininga ang pinakawalan ko. Hindi ko alam kung ilang beses ko na bang ginawa iyon ngayong araw na ‘to.“Relax, Cali,” pagpapakalma sa akin ni Dayne.Dahil Sunday ngayon, ay sinabi sa akin ni Dayne na pupunta ang mga magulang niya ngayon. Hindi tuloy maalis sa akin ang kaba. Pangalawang beses ko pa lang silang makikita ngayong araw na ‘to. Natatakot ako na baka may masabi o pumalpak ako sa harapan nila.“Kuya!”Napatingin kaming pareho sa sumigaw! Isang babaeng tumatakbo papalapit sa amin ni Dayne. Malapad ang pagkakangiti niya nang makalapit siya kay Dayne. Niyakap niya ito at gano’n din si Dayne sa kanya, tila sabik na sabik silang dalawa sa isa’t isa.“I miss you, Kuya.”“I miss you too, Misty!”Nakit
CALIHinila ako ni Cassey papunta sa mga kasamahan namin sa trabaho. Halos mapanganga sila sa nakikita nila. Gusto kong takpan ang mukha ko dahil sa mga titig nila. Agad ding hinanap ng mga mata ko si Patrick pero wala kahit anino niya."Woah! Wala ka talagang katulad, Clarisse! Ang sexy mo pa rin!""Ang swerte talaga ni Dayne!"Rinig na rinig ko rin ang pagsipol nang mga 'to. Pakiramdam ko tuloy ay namumula na ang mukha ko."Teka nasaan ba si Dayne?""Ang sabi niya magpapahinga siya. Napagod kasi siya sa biyahe," sagot ko."Nagpapahinga? Eh, ayun siya, oh." Turo ni Cassey.Lahat kami ay napatingin sa paparating na si Dayne. Naka-open shirt ito at naka-shorts ng color green. Tambad na tambad ang pinagmamalaki nitong six-packs abs na kahit sinong babae ay tiyak na tutulo ang laway. Kung titign
CALI"CUT!"Nagpalakpakan ang mga kasamahan namin at todo bati sila sa amin."Great job, Dayne and Clarisse. You guys did well!" komento ni Direk. Ngumiti naman kami. Natutuwa talaga ako sa acting skills ko ngayon. Hindi na ito katulad noon, no'ng nag-uumpisa pa lang kami.Binigay sa akin ni Dayne ang malinis na towel saka pinunas sa mukha ko.Pinagpahinga muna kami ni Direk at ipagpapatuloy na lang daw ulit mamaya.Tatlong araw na namin dito sa La Union at masasabi kong sobrang nakakapagod talaga.Nagpasya kaming magpunta muna sa beach house ngunit biglang tumunog ang cellphone ni Dayne. Pansin ko, palagi siyang may kausap sa phone. Sa palagay ko ay ang Tito Oscar niya 'yon. Hindi ko tuloy maiwasan kung natuklasan na ba nila ang totoong pagkamatay ni Clarisse. Hindi ko n
CALISTAPauwi na kami ngayon ni Dayne. Napasulyap ako sa kanya na abala sa pagmamaneho. Seryoso lang siyang nakatingin sa daan ngayon at hindi umiimik. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari kagabi. Sa tuwing maaalala ko ‘yun, hindi ko maiwasan ang mainis. Hindi ko alam kung dapat ko ba ‘yung maramdaman. Una pa lang, alam ko naman ang pinasok ko, pero bakit hindi ko maiwasang mainis? Lalo na sa sarili ko?Napabuntonghininga na lang ako at hindi na inisip ang bagay na ‘yon.Ilang oras din ang nakalipas nang makarating kami sa bahay. Napakunot pa ang aking noo dahil naroon ang sasakyan ng mga Managers namin.Pagkarating na pagkarating namin sa bahay ay agad na sumalubong ang galit na galit na mukha nila.“What’s the meaning of this, Dayne and Cali?” galit na salubong sa amin ni Manager Grace.Ibinigay niya sa amin an
CALISTAI was staring my self at the full length mirror wearing a spaghetti strap black dress pair with black pin heels. Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nananatili rito.Napakagat ako sa ibabang labi dahil sa kaba. May live interview kasi kami ni Dayne ngayon sa isang evening show. Kakatapos lang ng taping namin last week pero sunod-sunod na ang nag-i-invite sa amin ni Dayne. Hindi ko maiwasang isipin, ano kaya ang mangyayari sa akin mamaya? Baka magmukha akong ewan kapag nasa harapan na ako ng maraming tao. Isa pa, baka sa isang salita ko lang ay magkamali ako lalo na’t kakatapos lang ng issue. May mga taong mas naniwala sa sinabi ni Klaire ngunit ang ilan naman ay hindi.“What took you so long?” Salubong agad ni Dayne sa akin pagkababa ko ng hagdan. Bigla siyang natigilan nang tuluyan na niya akong makita. Tinitigan niya ako magmula ulo hanggang paa. Nailang ako dah
-CALI'S POV- MONTHS had passed, bago kami tuluyang ikasal ni Dayne, ay isang mabigat na desisyon ang aking gagawin. Isang desisyon na alam kong makakapagpagaan sa puso ko. Nagpasya akong magtungo sa presinto, kung nasaan si Patrick. Tumulo ang luha ko nang makita ko siya habang papalapit sa gawi namin. "K-kumusta ka na?" tanong ko rito ngunit hindi ito nag-abalang sumagot. "Ito, oh. Kumain ka muna, Patrick," saad ko at isa-isang nilapag ang mga pagkain nasa tupperware. Ako pa mismo ang nagluto nito para sa kaniya. "Alam ko, walang kapatawaran ang ginawa mo sa kakambal ko," umpisa ko. "Buhay niya ang kinuha mo, eh. At wala kang karapatan upang alisin iyon sa kaniya." Pinunasan ko ang luhang lumandas sa aking pisngi. Masyadong mabigat ang nararamdaman ko. Masyadong masakit habang sinasabi ko ang mga bagay na 'to. "Pero sino nga ba ako upang hindi ma
-DAYNE CERVANTEZ- 5 YEARS LATER: TANDANG-TANDA ko pa rin kung paano kami nagkakilala ni Cali. Isang gabing tila wala ng pag-asa para sa aming dalawa. Then I saw her, alone. Hanggang sa pagkaguluhan siya ng mga tao. Akala ko noon, sa telebisyon lang makikita ang gano’ng klaseng pangyayari. Isang estrangherong lalaki ang maglalakas loob na yayaing magpakasal sa isang babaeng hindi naman kilala. Bigla akong napangiti nang maalala lahat ng iyon. Sa lahat ng posibleng mangyari sa mundo, I met her like it was destiny. “Are you ready, Dayne?” Tumango ako at ingat na ingat na inayos ang aking buhok. Ilang minuto pa ang nakalipas nang tuluyan na akong tawagin sa stage. Napangiti ako nang magpalapakan ang mga tao. Ramdam na ramdam ko pa rin ang suporta nilang lahat sa kabila ng pag-give up ko noon bilang isang artista. “Welcome, Dayne
-KLAIRE'S POV- Ganito pala ang pakiramdam na makita si Cali sa ganiyang kalagayan. Ang bigat. Masyadong mabigat sa dibdib. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko akalaing magagawa ni Patrick ang lahat ng bagay na ‘to. Katulad ni Dayne, masyado rin akong nabulag sa pagmamahal kay Patrick. Nagpapasalamat na lang ako dahil agad na naputol ‘yon. Inaamin kong, nasasaktan ako. Hindi lang si Dayne ang niloko nila, kundi pati na rin ako. Gusto kong maiyak dahil sa sitwasyon ngayon. Sa tuwing nakikita ko si Cali na nakahiga sa kamang ‘yan, naiisip ko na hindi niya dapat ito pinagdadaanan. Hindi niya deserve ang lahat ng bagay na ‘to. Napatalikod ako bigla nang biglang pumasok si Dayne. Ang sabi ng Doctor, stable na rin daw ang kondisyon ni Cali, pero hindi pa rin naming maiwasang mag-alala dahil three days na ang nakalipas ngunit hindi pa rin siya nagigising.
-THIRD PERSON'S POV- -FLASHBACK- ILANG oras nang naghihintay si Dayne. Kanina pa niya tinitignan ang kaniyang orasan. Hindi maalis sa isipan niya kung saan nga ba nagpunta si Clarisse. Sino ang kasama nito? At bakit dis-oras na ng gabi ay wala pa rin siya. Napatayo agad siya nang bumukas ang pinto sa kanilang kwarto. Niluwa nito si Clarisse na lasing na lasing. Gulo-gulo ang kaniyang buhok at mahahalatang kakagaling lang nito sa pag-iyak. "Clarisse?" nag-aalalang sambit ni Dayne habang inaalalayan niya ang babae. "Where have you been? At bakit lasing na lasing ka?" "Nothing, Dayne. I just enjoy this beautiful night," she laughed. Namuo ang pagtataka sa isipan ni Dayne. Wala soyang makitang dahilan kung bakit nagpakalasing ang fiancée nito. Nag-away ba sila? Hindi. Nagkaroon ba sila ng hindi pagkakaunawaan? Wala. Kumuha ng ma
-CALI'S POV- “P-Patrick?" saad ko nang tuluyan na siyang makalapit. Anong ibig sabihin nito? Bakit siya nandito? “Cali. Bakit ganyan ang mukha mo? Bakit tila takot na takot ka?” Umupo ito sa aking harapan at sinilip ang aking mukha. “Cali.” Hinawi nito ang aking buhok kaya’t agad akong umiwas. Biglang nagbago ang ekspresyon nito dahil sa ginawa kong iyon. Mula sa pagiging kampante, napalitan ito nang galit na galit na mukha! “P-Patrick. . .” saad ko. Natatakot ako! Natatakot ako sa pwede niyang gawin! Hindi. . . Hindi si Patrick ito. . . Gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi siya ang kaharap ko ngayon. Pero hindi. Si Patrick talaga ang nasa harapan ko ngayon! “I-Ikaw b-ba ang—” Napatigil ako nang bigla itong tumawa! Nakakatakot ang tawang iyon. “Finally! Nakuha mo rin!”
-THIRD PERSON'S POV- -FLASHBACK- WALANG pagsidlan ang kaligayahang nararamdaman ni Dayne. Dumating na kasi ang pinaka espesyal na araw para sa kanila ni Clarisse. Muli niyang tinignan ang kaniyang sarili sa salamin at inayos ang neck tie nito. Bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang tuxedo na tinernuhan ng kulay pula na neck tie. "Handa na ba ang lahat, Klaire?" masayang tanong niya sa dalaga. "Oo naman, Dayne. Ikaw? Handa ka na ba?" Huminga ito nang malalim at ngumiti. Hindi maitatanggi ang kabang nararamdaman nito. Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng kaba kung dumating na ang araw na magpo-propose ito sa kaniyang minamahal? "Oo, Klaire. At excited na akong maging fiancée siya." "How can you be so sure, Dayne?" mapagbirong tanong ni Klaire. "Of course, I am sure, Klaire." H
-KLAIRE'S POV- "HAVE you seen, Cali, Nate?" tanong ko agad kay Nate matapos niyang maligo. "Hindi. Hindi ba't magkasama kayong nanunuod dito sa sala?" nagtatakang tanong niya. "Yeah, pero nagpaalam siya na hihintayin niya si Dayne sa may garden. Pero no'ng tignan ko naman siya ay wala na siya roon!" Nag-aalala na ako. Kanina pa ako nanginginig sa kaba. Nilibot ko na ang buong mansyon pero hindi ko pa rin makita si Cali. I tried to call her pero naiwan niya rin ang cell phone niya. "Hindi kaya nagpunta siya ulit sa Peter na 'yon?" si Nate. "Hindi maaari, Nate. Hindi ugali ni Cali ang umalis sa mansiyon." "Pero nagawa na niya, 'di ba?" "Y-yeah... P-pero... Hindi iyon aalis nang hindi sinasabi sa akin." Mababakas na rin ang pag-aalala kay Nate. "Ang mabuti pa
-KLAIRE'S POV- "AKALA ko ba ay may mall show kayo?" tanong ko kay Nate na kalalabas lang. Nakapambahay pa rin kasi ito hanggang ngayon. Kasalukuyan kaming narito sa may garden area. Pagkagising ko ay dito agad ako nagpunta. Gusto ko kasing magpahangin at mag-relax. "Hindi na ako pupunta. Nakiusap kasi si Dayne na bantayan kayong dalawa ni Cali," sagot niya. I rolled my eyes. "Para saan pa? Huwag kayong mag-alala. Hinding-hindi na kami babalik ni Cali doon. Isa pa, asa ka namang gusto ko pang bumalik doon 'no!" Hindi ko alam pero hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako sa lalaking 'yon! Nagsisisi ako dahil nagpunta pa kami ni Cali doon. Sana pala ay hindi ko na lang siya pinayagan noonv mga oras na 'yon. Hindi na siya sumagot. Akala ko ay umalis na ito ngunit naramdaman ko ang biglaang pagyakap niya mula sa likuran ko. "N
-DAYNE'S POV- NILAPAG ko ang bulaklak sa may puntod at sinindihan ang kandilang kulay puti. Pilit akong ngumiti. “Malapit na nating mapalitan ang pangalan mo, Clarisse. Malapit na ring mabigyan ng hustisya ang pagkamatay mo. Bigyan mo lang ako ng kaunting panahon.” I wiped my teary eyes then continue. “I’m sorry if it’s too late, Clarisse. Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko. Sorry kung hindi kita naprotektahan nung gabing ‘yon.” -FLASHBACK- “Sir, nandito na po si Ma’am Clarisse.” Napangiti ako nang marinig ko iyon. I’m currently in the rooftop, waiting for Clarisse. Inayos ko ang lugar na ito para sa aming dalawa, for the most important happening in our lives. Napatayo ako nang makita ko siya. She’s wearing black slightly off shoulder dress. Walang pinagbago. Napakaganda pa rin niya sa paningin ko. &