Share

CHAPTER SIX

Author: CamsyFrias
last update Huling Na-update: 2021-11-19 14:08:39

CALI

ISANG buntong hininga ang pinakawalan ko. Hindi ko alam kung ilang beses ko na bang ginawa iyon ngayong araw na ‘to.

“Relax, Cali,” pagpapakalma sa akin ni Dayne.

Dahil Sunday ngayon, ay sinabi sa akin ni Dayne na pupunta ang mga magulang niya ngayon. Hindi tuloy maalis sa akin ang kaba. Pangalawang beses ko pa lang silang makikita ngayong araw na ‘to. Natatakot ako na baka may masabi o pumalpak ako sa harapan nila.

“Kuya!”

Napatingin kaming pareho sa sumigaw! Isang babaeng tumatakbo papalapit sa amin ni Dayne. Malapad ang pagkakangiti niya nang makalapit siya kay Dayne. Niyakap niya ito at gano’n din si Dayne sa kanya, tila sabik na sabik silang dalawa sa isa’t isa.

“I miss you, Kuya.”

“I miss you too, Misty!”

Nakita ko naman ang Mommy at Daddy ni Dayne na papalapit na rin sa amin.

Nang makita ako ng kapatid ni Dayne ay sumama ang tingin niya. Nagulat naman ako sa naging reaksyon niya. Bakit naman gano’n?

“Kumusta ka, Clarisse?” bati sa akin ni Tita Myrna.

“M-Maayos naman ho ako." Nginitian ko sila. Ramdam ko ang pagkailang sa mga oras na ‘to.

Naisipan ni Tita Myrna na tumambay sa may pool area. Kung ano-ano ang tinatanong niya sa akin. Kinakabahan ako sa bawat tanong nila dahil baka sa isang salita ko lang ay magkamali ako at makahalata sila. Naalala ko, hindi pala alam ni Tita Myrna na pagpapanggap lang lahat ng ‘to. Tanging ang Daddy lang ni Dayne ang may alam sa lahat.

“Dayne, Clarisse, kailan niyo ba ako bibigyan ng apo?” natatawang saad ni Tita Myrna. 

Nagkatinginan kami ni Dayne dahil do’n. Hinawakan niya ang isa kong kamay at saka ngumiti. Ngumiti na lang din ako para hindi sila makahalata ni Misty.

“Don’t worry, Mom. Darating din tayo diyan,” saad ni Dayne habang nakangiti.

“As if namang gusto kong magkaroon ng baby pamangkin galing sa kanya, ‘no!”

“Shut up, Misty! Ano bang sinasabi mo?” suway ni Tito Greg sa kanya.

Natahimik naman ako nang dahil do’n. Mas hinigpitan ni Dayne ang pagkakahawak sa kamay ko na naging dahilan para mapatingin ako sa kanya. Bakit parang ayaw ni Misty kay Clarisse? At sa ano nga bang dahilan?

“Uhm, Clarisse, kumusta naman kayo ni Dayne? Maayos ba ang trato niya sayo? Hindi ba sakit ng ulo ang binibigay niya?”

Ngumiti ako at umiling.

“Hindi naman po. Ang totoo niyan, inaalagaan niya ako nang mabuti.”

“That’s good to hear. Let’s go, Clarisse,” saad niya at saka tumayo. Hinila niya ang kamay ko kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Nagpaalam naman siya at sinabi niyang gusto lang raw akong masolo ni Tita. Nang tignan ko si Dayne ay halata ang kaba sa mukha niya. Ngumiti naman ako sa kanya para iparating na kaya ko.

Dinala ako ni Tita sa may kitchen at nagsuot ng apron. Binigyan niya rin ako at agad ko naman iyong sinuot. Naglabas siya ng ilang ingredients para sa lulutuin namin. Mabuti na lang at marunong ako pagdating sa ganito, hindi ako mapapahiya sa Mommy ni Dayne.

“Pagluluto ang best way para tumatag ang isang relasyon ng mag-asawa, Clarisse.”

Wala akong ibang nagawa kundi tumango na lang. Oo nga’t mag-asawa kami ni Dayne sa paningin nila, pero kailangan pa ba ‘yon sa amin? Matatawag bang relasyon ang meron kami?

Kumuha ako ng ilang gulay at saka ito hiniwa. Gusto kong abalahin ang sarili ko para umiwas sa topic naming iyon ni Tita. 

“Clarisse?”

“Po?” Kitang-kita ko ang pagtataka sa mga mata ni Tita.

“Kailan ka pa natutong magluto?”

Napanganga ako sa sinabi niyang iyon.

“Sa pagkakaalam ko, hindi ka marunong at wala kang hilig sa pagluluto.”

Hindi ako makasagot. Hindi ko alam na hindi pala alam ni Clarisse ang magluto. Rinig na rinig ko rin ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. Bakit nga ba ako nagpadalos-dalos?

“Ang t-totoo ho niyan, inaral ko ho talagang m-magluto para kay Dayne. Para ipagluto sya. G-Ganon naman ho ang bagong kasal ‘di ba?” palusot ko.

Napangiti siya.

“Natutuwa akong marinig ‘yan galing sayo, Clarisse. Naalala ko no’n, no’ng buhay pa ang mommy mo. Kahit anong pilit niyang turuan ka ay ayaw mo. Sa huli, nag-aaway kayo ng mommy mo,” natatawang saad ni Tita. “Masaya akong nabago ka ni Dayne.”

Bakit para akong kinabahan bigla? Bukod sa akin, ano nga ba ang buong pagkatao ni Clarisse?

--**--

Today is Monday. Ngayon ang araw na pupunta kaming La Union para mag-shoot.

Dahil maaga akong nagising, nagpasya akong bumaba sa kusina para maghanda ng almusal. Ngunit nadatnan ko si Manang na nagluluto na pala ng breakfast. Amoy na amoy ko ang niluluto niyang fried rice at iba’t ibang putahe ng ulam. Bigla tuloy kumalam ang tiyan ko.

“Good morning, Manang,” nakangiti kong bati sa kanya na tila ikinagulat niya.

“G-good morning ho, Ma’am.”

Nahalata ko sa mga mata niya ang takot at nerbyos. Para siyang nakakita ng multo. Bakit gano’n na lang ang ekspresyon niya?

“Ang bango naman ho ng niluluto niyo. Gusto niyo ho bang tulungan ko kayo?”

“P-po?” gulat na gulat niyang tanong. May masama ba sa sinabi ko?

“Clarisse!”

Napalingon kaming pareho nang marinig ko ang boses ni Dayne. Gulo-gulo ang buhok nito habang nakasuot ng pantulog. Kahit gano’n, napakagwapo pa rin niyang tignan.

“T-tapos na ho ako, Ma’am. Ipaghahanda ko lang ho k-kayo ni Sir," saad niya at nagmadaling umalis.

Kakausapin ko sana si Dayne nang biglang mag-ring ang cell phone nito. Agad niya itong sinagot at nagtungo sa kung saan.

Sino kaya ang kausap niya? Sa nakikita ko, tila problemado ito.

Natapos akong kumain nang hindi bumabalik si Dayne. Hindi ko maiwasang mag-alala dahil sa kilos niya kanina. Tungkol ba ito sa pagpapanggap ko bilang Clarisse?

Nagtungo ako sa kwarto ko upang maligo at magbihis. Nakaramdam din ako ng excitement dahil pupunta kami sa La Union. Hindi pa kasi ako nakakapunta sa beach. Bagong experience na rin ito para sa akin.

Nang matapos ako ay nagpasya na akong bumaba. Nasa hagdan pa lang ako ngunit tanaw ko na agad si Dayne na abala sa pakikipag-usap. Ngumiti ito sa ‘kin nang makita niya ako pero agad din niyang binawi iyon at humarap ulit sa kausap niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang matandang lalaking nakasumbrero at ang dalawa nitong kasamang pulis. Pansin ko rin ang pagkagulat nila nang makita ako.

“Aalis na kami, Dayne. Babalitaan ka na lang namin kung may mahanap ulit kaming bagong impormasyon.”

“Salamat din ho. Mag-iingat kayo,” magalang na saad ni Dayne. Tinanguan naman ako ng tatlong ito at saka umalis na.

“Sino ‘yon, Dayne at bakit mayroong pulis dito?”

“Si Tito Oscar, private investigator namin at ‘yung kasama niyang dalawang pulis ay malapit na kaibigan niya. Sila ang humahawak sa kaso ni Clarisse nang palihim.”

“Aksidente ang nangyari ‘di ba? Kailangan pa ba ng gano’n?”

Napatahimik ito.

“Iyon din ang akala ko noon.”

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ano ang ibig niyang sabihin? Mali ba ang imbestigasyong naganap noon? Ano ba talaga ang nangyari sa pagkamatay niya? Pakiramdam ko talaga ay may mali sa mga nangyayari.

“I’m ready, guys!”

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Klaire sa harapan namin. Gusto kong matawa dahil sa suot niya.

“Hindi ka naman excited, ‘no?” natatawa kong saad.

“Stop it, Calista! Hindi mo kasi alam ang ibig sabihin ng fashion! Look! I’m wearing a tube top, pair with shorts and bucket hat. Do I look gorgeous, Dayne?”

Natatawang umiling si Dayne at nagtungo na sa taas. Mas okay na rin pala dahil kahit papaano, sumilip ang ngiti sa labi niya.

Ilang saglit pa ay bumaba na si Dayne dala-dala ang bagahe. Nakasuot ito white shirt at denim pants. Kung titignan, simple lang ito. Ayoko mang aminin ay napaka-hot niyang tignan na kahit sinong babae ay mapapalingon kapag dumaan siya.

“Let's go,” saad niya.

Binitawan niya ang hawak niyang bagahe at nauna. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang hilahin niya ako sa kamay. Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan.

“Dayne, wait!”

Napatigil kaming pareho nang sumigaw si Klaire. Gusto kong matawa dahil sa hitsura ni Klaire. Halos matumba na siya sa sobrang dami ng dala nito. Hawak-hawak rin niya ang bagahe ni Dayne na mas lalong nagpahirap sa kanya.

“Hindi niyo man lang ba ako tutulungan?” reklamong saad niya.

“Kaya mo na ‘yan, Klaire,” biro ko sa kanya. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

“Magre-resign na talaga ako bilang P.A mo, Dayne! I quit!” sigaw niya. Pero tumawa lang si Dayne.

“Sige lang. Pero lagot ka kay Clarisse kapag ginawa mo ‘yon. Baka multuhin ka no’n.”

Nanlaki naman ang mga mata niya at wala siyang ibang nagawa kundi buhatin lahat ng ‘yon.

Nagpasya kami ni Dayne na sariling sasakyan na lang ang gagamitin namin at magkita-kita na lang do’n sa lugar kung saan ang taping namin. 

Nang makasakay kami sa van ay magkatabi kami ni Dayne samantalang si Klaire naman ay nasa front seat katabi ng driver.

Busy lang sa panonood si Dayne sa bawat madaanan namin habang si Klaire naman ay naka-headset habang natutulog.

Napasimangot ako dahil sobrang tahimik. Nilabas ko na lang ‘yung cellphone na ibinigay sa akin ni Dayne. Ngayon lang ako nagkaroon ng ganito kaya’t tinuruan rin nila ako kung paano gumamit no’n. Nakakatuwa pala magkaroon ng cellphone dahil sa daming pwedeng gawin do’n.

Napakunot ang noo ko nang m****a kong may text message doon. Unknown number ang nakalagay kaya hindi ko alam kung bubuksan ko ba o hindi.

From: 0912580****

I heard you changed your number. So yeah, save mine.

-Patrick :)

Nagulat man ay awtomatiko akong napangiti nang m****a ang pangalan ni Patrick. Simpleng message lang ‘yon, pero parang napakalaking bagay na sa ‘kin. I admit na pagdating talaga sa kanya ay ibang kilig ang nananalaytay sa akin kahit pa bilang Clarisse at hindi isang Calista Fuentes.

Re-reply-an ko sana siya kaso hindi ko na nagawa dahil biglang hinablot ni Dayne ang aking cellphone.

“Patrick?” saad niya habang nakakunot ang noo.

“Ano ba! Huwag ka ngang maingay!” bulong ko sa kanya sabay takip ng bibig niya. Mahirap na. Baka marinig ‘yon ni Klaire at patayin ako nito dito sa loob ng sasakyan. Buti na lang naka-headset ito.

“Do you like him?”

Nanlaki ang mga mata ko habang siya ay seryoso lang na nakatitig sa akin. May kung ano sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag.

“H-hindi, ‘no! Baka patayin pa ako ni Klaire kapag nagkataon!”

“Okay,” simpleng saad niya saka ipinikit ang mga mata niya.

“Uhm, Dayne. . .”

“Yeah?”

“‘Yung c-cellphone ko.”

Hindi niya ako pinansin. Sa halip ay tinalikuran niya lang ako. Napakunot naman ang noo ko dahil sa naging kilos niyang ‘yon. ‘Hay!’

--**--

“CALI, wake up! We’re here.”

Napamulat ako at bahagyang nasilaw sa liwanag ng araw. Napangiti ako nang masilayan ko ang kagandahan ng lugar na ito. Nakakakalma ang lugar na ito at rinig na rinig ko rin ang paghampas ng tubig sa dalampasigan. Namangha rin ako nang maapakan ko ang mga mapuputing buhangin.

Nadatnan namin ang nagkukulitang mga kasamahan namin sa pelikula. Ang iba ay natutuwa sa lugar na ito kagaya ko, pero ang iba naman ay hindi. Marahil dahil hindi ito ang first time na nakapunta sila sa ganitong lugar.

Sinalubong kami ni Direk at sinabing bukas ang simula ng taping. Enjoy-in daw muna namin ang lugar na ito.

Nagpaalam muna sa akin si Dayne dahil gusto niya raw magpahinga. Naiwan naman ako sa may duyan malapit sa beach house nang may lumapit sa aking babae. Naka-shades ito at naka-two piece ng kulay pula kaya lantad na lantad ang kaputian ng katawan nito. Hindi ko sana ito papansinin ngunit nagulat na lang ako nang tanggalin nito ang kanyang shades.

“Cassey?”

Si Cassey ‘yung nakita namin sa mall. Kinwento ni Dayne na isa siya sa matalik na kaibigan ni Clarisse.

“OMG! Clarisse! Bakit ganyan ang suot mo?” Salubong niya sa akin.

Napatingin ako sa damit ko, tight shirt at shorts. Ano namang masama sa suot ko?

“Kailan ka pa naging baduy?”

“Ha?”

“Clarisse naman, nasa beach tayo! Bakit hindi mo pa sinusuot ‘yung two-piece mo?”

“Two-piece?”

“My God, Clarisse! Kinasal ka lang naging engot ka na! Halika na nga!”

Hinila niya ako sa kamay at nagtungo sa room niya.

“Alam mo, naninibago ako sayo. No’ng nagkita tayo sa mall, hindi mo ako nakilala. Tapos ngayon, hindi mo na alam magsuot ng ganito? Ano ba talaga nangyayari sayo? Nakalimutan mo na bang ikaw ang nagturo sa akin kung paano magsuot ng ganito?” mahabang litanya niya habang naghahalungkat sa bagahe. “Oh, ito, isuot mo! Naku, Clarisse. Nakakapanibago ka!” dugtong niya.

Kinuha ko ang ibinigay nito sa akin. Halos malaglag ang panga ko dahil doon. Katulad ito ng sa kanya, ang pinagkaiba nga lang itim ‘yong sa akin.

Tatanggihan ko pa sana siya pero natatakot akong baka mas panghinalaan niya ako. Wala akong ibang nagawa kundi suotin ito.

Nagdadalawang isip akong lumabas habang tinititigan ang sarili kong katawan sa salamin. Hindi naman masama pero hindi maalis sa akin ang hiya. Isa pa ay hindi ako kumportable sa ganito.

“Matagal ka pa ba, Clarisse?” Halata ko ang pagkainip sa boses niya. Huminga ako nang malalim at saka lumabas.

“Still gorgeous and sexy, Clarisse! Let’s go!”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
anu kaya ang magiging reaction ni dayne kapag nakita ka nyang nakasuot ng two piece cali
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The Substitute Wife   CHAPTER SEVEN

    CALIHinila ako ni Cassey papunta sa mga kasamahan namin sa trabaho. Halos mapanganga sila sa nakikita nila. Gusto kong takpan ang mukha ko dahil sa mga titig nila. Agad ding hinanap ng mga mata ko si Patrick pero wala kahit anino niya."Woah! Wala ka talagang katulad, Clarisse! Ang sexy mo pa rin!""Ang swerte talaga ni Dayne!"Rinig na rinig ko rin ang pagsipol nang mga 'to. Pakiramdam ko tuloy ay namumula na ang mukha ko."Teka nasaan ba si Dayne?""Ang sabi niya magpapahinga siya. Napagod kasi siya sa biyahe," sagot ko."Nagpapahinga? Eh, ayun siya, oh." Turo ni Cassey.Lahat kami ay napatingin sa paparating na si Dayne. Naka-open shirt ito at naka-shorts ng color green. Tambad na tambad ang pinagmamalaki nitong six-packs abs na kahit sinong babae ay tiyak na tutulo ang laway. Kung titign

    Huling Na-update : 2021-11-20
  • The Substitute Wife   CHAPTER EIGHT

    CALI"CUT!"Nagpalakpakan ang mga kasamahan namin at todo bati sila sa amin."Great job, Dayne and Clarisse. You guys did well!" komento ni Direk. Ngumiti naman kami. Natutuwa talaga ako sa acting skills ko ngayon. Hindi na ito katulad noon, no'ng nag-uumpisa pa lang kami.Binigay sa akin ni Dayne ang malinis na towel saka pinunas sa mukha ko.Pinagpahinga muna kami ni Direk at ipagpapatuloy na lang daw ulit mamaya.Tatlong araw na namin dito sa La Union at masasabi kong sobrang nakakapagod talaga.Nagpasya kaming magpunta muna sa beach house ngunit biglang tumunog ang cellphone ni Dayne. Pansin ko, palagi siyang may kausap sa phone. Sa palagay ko ay ang Tito Oscar niya 'yon. Hindi ko tuloy maiwasan kung natuklasan na ba nila ang totoong pagkamatay ni Clarisse. Hindi ko n

    Huling Na-update : 2021-11-21
  • The Substitute Wife   CHAPTER NINE

    CALISTAPauwi na kami ngayon ni Dayne. Napasulyap ako sa kanya na abala sa pagmamaneho. Seryoso lang siyang nakatingin sa daan ngayon at hindi umiimik. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari kagabi. Sa tuwing maaalala ko ‘yun, hindi ko maiwasan ang mainis. Hindi ko alam kung dapat ko ba ‘yung maramdaman. Una pa lang, alam ko naman ang pinasok ko, pero bakit hindi ko maiwasang mainis? Lalo na sa sarili ko?Napabuntonghininga na lang ako at hindi na inisip ang bagay na ‘yon.Ilang oras din ang nakalipas nang makarating kami sa bahay. Napakunot pa ang aking noo dahil naroon ang sasakyan ng mga Managers namin.Pagkarating na pagkarating namin sa bahay ay agad na sumalubong ang galit na galit na mukha nila.“What’s the meaning of this, Dayne and Cali?” galit na salubong sa amin ni Manager Grace.Ibinigay niya sa amin an

    Huling Na-update : 2021-11-22
  • The Substitute Wife   CHAPTER TEN

    CALISTAI was staring my self at the full length mirror wearing a spaghetti strap black dress pair with black pin heels. Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nananatili rito.Napakagat ako sa ibabang labi dahil sa kaba. May live interview kasi kami ni Dayne ngayon sa isang evening show. Kakatapos lang ng taping namin last week pero sunod-sunod na ang nag-i-invite sa amin ni Dayne. Hindi ko maiwasang isipin, ano kaya ang mangyayari sa akin mamaya? Baka magmukha akong ewan kapag nasa harapan na ako ng maraming tao. Isa pa, baka sa isang salita ko lang ay magkamali ako lalo na’t kakatapos lang ng issue. May mga taong mas naniwala sa sinabi ni Klaire ngunit ang ilan naman ay hindi.“What took you so long?” Salubong agad ni Dayne sa akin pagkababa ko ng hagdan. Bigla siyang natigilan nang tuluyan na niya akong makita. Tinitigan niya ako magmula ulo hanggang paa. Nailang ako dah

    Huling Na-update : 2021-11-22
  • The Substitute Wife   CHAPTER ELEVEN

    CALISTA“Bakit ka pumayag?”Nagmistula akong parang isang yelo, hindi ko magawang igalaw ang sarili kong katawan. Halos matumba rin ako dahil sa sobrang panginginig ng tuhod ko. Bakit siya narito?“C-Clarisse. . .”Wala akong ibang masabi. Bakit ganito? Bakit siya nagpapakita sa akin?“May oras ka pa! May oras ka pa, Cali!” Tinakpan ko ang sarili kong tainga dahil nabibingi ako sa paulit-ulit na tinig na iyon.“T-tama na p-please!”“Mamamatay ka, Cali! Katulad ko ay papatayin ka rin nila! Mamamatay ka!”Habol-habol ko ang aking hininga! Napahawak ako sa may gawing pisngi ko at basang-basa iyon ng luha. Hindi ko man lang namalayan na umiiyak na pala ako.

    Huling Na-update : 2021-11-23
  • The Substitute Wife   CHAPTER TWELVE

    CALISTAHINDI ko alam kung saan ako lulugar sa bahay na ito. Tatlong araw na ang lumipas matapos mangyari iyon. Todo iwas sa akin si Dayne at gano’n din ako. Inaamin kong natakot ako sa kaniya ngunit hindi ako galit sa kaniya. Siguro nga gano’n talaga. Kamukha ko ang fiance niya at lasing siya noong mga oras na ‘yon. Isabay pa ang pangungulilang nararamdaman niya kay Clarisse.“Ate Clarisse?”“H-ha?”“Kanina pa po kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin. Pareho kayo ni Kuya. I mean, both of you are acting weird.”“I-I’m sorry. Ano nga ulit ‘yon?” tanong ko para maiba ang usapan.“Magpapaturo po sana ako ng homework ko, eh.”“Ah,” biglang nasaad ko at saka kinuha ang notebook at libro niya. Binasa ko iyon at i

    Huling Na-update : 2021-11-23
  • The Substitute Wife   CHAPTER THIRTEEN

    CALISTA“Nate. . .”Napalunok ako nang bigla itong umiwas ng tingin.“Narito ka na pala,” malamig na pagkakasaad nito. Bahagya akong nalungkot dahil pakiramdam ko ay galit ito sa akin.Lalapitan ko sana siya ngunit dumating na si Lola Paz kasama si Miko.“Magmeryenda muna kayo,” saad ni Lola sabay lapag ng turon sa may mesa. “Nathan? Nandito ka na rin pala. Halika, samahan mo ang kababata mo kasama ang kaibigan niya,” dugtong ni Lola.Nagulat na lang ako nang biglang naglakad si Dayne palapit kay Nate.“Dayne, Pare.” Nilahad niya ang isa niyang kamay ngunit tinanguhan lang siya nito.“Busog pa ho ako, Lola,” tipid na sagot ni Nate saka umalis.“Naku! Pagpasensyahan niyo na ang batang iyon!

    Huling Na-update : 2021-11-24
  • The Substitute Wife   CHAPTER FOURTEEN

    CALISTANAGISING ako nang maaga. Dahil dalawa lang ang kuwarto rito, magkasama kami ni Dayne sa iisang kwarto ngunit mas pinili niyang matulog sa lapag. Nang tignan ko si Dayne ay kusa na lang nahulog ang panga ko nang makita kong wala na siya roon.'Hindi kaya ay hindi siya nakatulog nang maayos kagabi?'Nang maayos ko ang aking hinigaan ay agad akong lumabas ng kuwarto. Naabutan ko na lang si Lola Paz na kasalukuyang nagluluto ng almusal."Lola," saad ko at agad naman siyang napalingon sa akin."Oh, Cali. Gising ka na pala."Ngumiti ako at tumango. Inilibot ko ang aking paningin. Pansin kong tanging si Lola lang ang narito sa loob ng bahay. Nang tignan ko ang orasan ay alas-sais pa lang ng umaga."Uhm, Lola, nakita niyo po ba si Dayne?""Ah, oo. Nasa labas siya. Maaga ngang nagisin

    Huling Na-update : 2021-11-24

Pinakabagong kabanata

  • The Substitute Wife   SPECIAL CHAPTER

    -CALI'S POV- MONTHS had passed, bago kami tuluyang ikasal ni Dayne, ay isang mabigat na desisyon ang aking gagawin. Isang desisyon na alam kong makakapagpagaan sa puso ko. Nagpasya akong magtungo sa presinto, kung nasaan si Patrick. Tumulo ang luha ko nang makita ko siya habang papalapit sa gawi namin. "K-kumusta ka na?" tanong ko rito ngunit hindi ito nag-abalang sumagot. "Ito, oh. Kumain ka muna, Patrick," saad ko at isa-isang nilapag ang mga pagkain nasa tupperware. Ako pa mismo ang nagluto nito para sa kaniya. "Alam ko, walang kapatawaran ang ginawa mo sa kakambal ko," umpisa ko. "Buhay niya ang kinuha mo, eh. At wala kang karapatan upang alisin iyon sa kaniya." Pinunasan ko ang luhang lumandas sa aking pisngi. Masyadong mabigat ang nararamdaman ko. Masyadong masakit habang sinasabi ko ang mga bagay na 'to. "Pero sino nga ba ako upang hindi ma

  • The Substitute Wife   EPILOGUE

    -DAYNE CERVANTEZ- 5 YEARS LATER: TANDANG-TANDA ko pa rin kung paano kami nagkakilala ni Cali. Isang gabing tila wala ng pag-asa para sa aming dalawa. Then I saw her, alone. Hanggang sa pagkaguluhan siya ng mga tao. Akala ko noon, sa telebisyon lang makikita ang gano’ng klaseng pangyayari. Isang estrangherong lalaki ang maglalakas loob na yayaing magpakasal sa isang babaeng hindi naman kilala. Bigla akong napangiti nang maalala lahat ng iyon. Sa lahat ng posibleng mangyari sa mundo, I met her like it was destiny. “Are you ready, Dayne?” Tumango ako at ingat na ingat na inayos ang aking buhok. Ilang minuto pa ang nakalipas nang tuluyan na akong tawagin sa stage. Napangiti ako nang magpalapakan ang mga tao. Ramdam na ramdam ko pa rin ang suporta nilang lahat sa kabila ng pag-give up ko noon bilang isang artista. “Welcome, Dayne

  • The Substitute Wife   CHAPTER 54

    -KLAIRE'S POV- Ganito pala ang pakiramdam na makita si Cali sa ganiyang kalagayan. Ang bigat. Masyadong mabigat sa dibdib. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko akalaing magagawa ni Patrick ang lahat ng bagay na ‘to. Katulad ni Dayne, masyado rin akong nabulag sa pagmamahal kay Patrick. Nagpapasalamat na lang ako dahil agad na naputol ‘yon. Inaamin kong, nasasaktan ako. Hindi lang si Dayne ang niloko nila, kundi pati na rin ako. Gusto kong maiyak dahil sa sitwasyon ngayon. Sa tuwing nakikita ko si Cali na nakahiga sa kamang ‘yan, naiisip ko na hindi niya dapat ito pinagdadaanan. Hindi niya deserve ang lahat ng bagay na ‘to. Napatalikod ako bigla nang biglang pumasok si Dayne. Ang sabi ng Doctor, stable na rin daw ang kondisyon ni Cali, pero hindi pa rin naming maiwasang mag-alala dahil three days na ang nakalipas ngunit hindi pa rin siya nagigising.

  • The Substitute Wife   CHAPTER 53

    -THIRD PERSON'S POV- -FLASHBACK- ILANG oras nang naghihintay si Dayne. Kanina pa niya tinitignan ang kaniyang orasan. Hindi maalis sa isipan niya kung saan nga ba nagpunta si Clarisse. Sino ang kasama nito? At bakit dis-oras na ng gabi ay wala pa rin siya. Napatayo agad siya nang bumukas ang pinto sa kanilang kwarto. Niluwa nito si Clarisse na lasing na lasing. Gulo-gulo ang kaniyang buhok at mahahalatang kakagaling lang nito sa pag-iyak. "Clarisse?" nag-aalalang sambit ni Dayne habang inaalalayan niya ang babae. "Where have you been? At bakit lasing na lasing ka?" "Nothing, Dayne. I just enjoy this beautiful night," she laughed. Namuo ang pagtataka sa isipan ni Dayne. Wala soyang makitang dahilan kung bakit nagpakalasing ang fiancée nito. Nag-away ba sila? Hindi. Nagkaroon ba sila ng hindi pagkakaunawaan? Wala. Kumuha ng ma

  • The Substitute Wife   CHAPTER 52

    -CALI'S POV- “P-Patrick?" saad ko nang tuluyan na siyang makalapit. Anong ibig sabihin nito? Bakit siya nandito? “Cali. Bakit ganyan ang mukha mo? Bakit tila takot na takot ka?” Umupo ito sa aking harapan at sinilip ang aking mukha. “Cali.” Hinawi nito ang aking buhok kaya’t agad akong umiwas. Biglang nagbago ang ekspresyon nito dahil sa ginawa kong iyon. Mula sa pagiging kampante, napalitan ito nang galit na galit na mukha! “P-Patrick. . .” saad ko. Natatakot ako! Natatakot ako sa pwede niyang gawin! Hindi. . . Hindi si Patrick ito. . . Gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi siya ang kaharap ko ngayon. Pero hindi. Si Patrick talaga ang nasa harapan ko ngayon! “I-Ikaw b-ba ang—” Napatigil ako nang bigla itong tumawa! Nakakatakot ang tawang iyon. “Finally! Nakuha mo rin!”

  • The Substitute Wife   CHAPTER 51

    -THIRD PERSON'S POV- -FLASHBACK- WALANG pagsidlan ang kaligayahang nararamdaman ni Dayne. Dumating na kasi ang pinaka espesyal na araw para sa kanila ni Clarisse. Muli niyang tinignan ang kaniyang sarili sa salamin at inayos ang neck tie nito. Bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang tuxedo na tinernuhan ng kulay pula na neck tie. "Handa na ba ang lahat, Klaire?" masayang tanong niya sa dalaga. "Oo naman, Dayne. Ikaw? Handa ka na ba?" Huminga ito nang malalim at ngumiti. Hindi maitatanggi ang kabang nararamdaman nito. Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng kaba kung dumating na ang araw na magpo-propose ito sa kaniyang minamahal? "Oo, Klaire. At excited na akong maging fiancée siya." "How can you be so sure, Dayne?" mapagbirong tanong ni Klaire. "Of course, I am sure, Klaire." H

  • The Substitute Wife   CHAPTER 50

    -KLAIRE'S POV- "HAVE you seen, Cali, Nate?" tanong ko agad kay Nate matapos niyang maligo. "Hindi. Hindi ba't magkasama kayong nanunuod dito sa sala?" nagtatakang tanong niya. "Yeah, pero nagpaalam siya na hihintayin niya si Dayne sa may garden. Pero no'ng tignan ko naman siya ay wala na siya roon!" Nag-aalala na ako. Kanina pa ako nanginginig sa kaba. Nilibot ko na ang buong mansyon pero hindi ko pa rin makita si Cali. I tried to call her pero naiwan niya rin ang cell phone niya. "Hindi kaya nagpunta siya ulit sa Peter na 'yon?" si Nate. "Hindi maaari, Nate. Hindi ugali ni Cali ang umalis sa mansiyon." "Pero nagawa na niya, 'di ba?" "Y-yeah... P-pero... Hindi iyon aalis nang hindi sinasabi sa akin." Mababakas na rin ang pag-aalala kay Nate. "Ang mabuti pa

  • The Substitute Wife   CHAPTER 49.2

    -KLAIRE'S POV- "AKALA ko ba ay may mall show kayo?" tanong ko kay Nate na kalalabas lang. Nakapambahay pa rin kasi ito hanggang ngayon. Kasalukuyan kaming narito sa may garden area. Pagkagising ko ay dito agad ako nagpunta. Gusto ko kasing magpahangin at mag-relax. "Hindi na ako pupunta. Nakiusap kasi si Dayne na bantayan kayong dalawa ni Cali," sagot niya. I rolled my eyes. "Para saan pa? Huwag kayong mag-alala. Hinding-hindi na kami babalik ni Cali doon. Isa pa, asa ka namang gusto ko pang bumalik doon 'no!" Hindi ko alam pero hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako sa lalaking 'yon! Nagsisisi ako dahil nagpunta pa kami ni Cali doon. Sana pala ay hindi ko na lang siya pinayagan noonv mga oras na 'yon. Hindi na siya sumagot. Akala ko ay umalis na ito ngunit naramdaman ko ang biglaang pagyakap niya mula sa likuran ko. "N

  • The Substitute Wife   CHAPTER 49.1

    -DAYNE'S POV- NILAPAG ko ang bulaklak sa may puntod at sinindihan ang kandilang kulay puti. Pilit akong ngumiti. “Malapit na nating mapalitan ang pangalan mo, Clarisse. Malapit na ring mabigyan ng hustisya ang pagkamatay mo. Bigyan mo lang ako ng kaunting panahon.” I wiped my teary eyes then continue. “I’m sorry if it’s too late, Clarisse. Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko. Sorry kung hindi kita naprotektahan nung gabing ‘yon.” -FLASHBACK- “Sir, nandito na po si Ma’am Clarisse.” Napangiti ako nang marinig ko iyon. I’m currently in the rooftop, waiting for Clarisse. Inayos ko ang lugar na ito para sa aming dalawa, for the most important happening in our lives. Napatayo ako nang makita ko siya. She’s wearing black slightly off shoulder dress. Walang pinagbago. Napakaganda pa rin niya sa paningin ko. &

DMCA.com Protection Status