CALISTA
"Dayne? Matagal na ba kayong magkakilala ni Patrick?"
Hindi ko mapigilang itanong sa kanya. Napayakap ako sa sarili kong katawan dahil sa pagdampi ng hangin sa mga balat ko. Kasalukuyan kami ngayong nakaupo malapit sa tent. Napatingin din ako sa kalangitan. Napakaraming bituin. Bigla ko tuloy na-miss ang Lola ko. Kumusta na kaya siya?
"Kababata siya ni Dayne slash pinsan niya."
Napatingin kaming pareho ni Dayne sa PA niya. Kahit kailan talaga ay napakapakialamera niya. Tumawa lang si Dayne samantalang ako ay sinamaan ko siya ng tingin.
"Ikaw ba ang kinakausap?"
"Hindi! Bakit? Gusto mo siya, 'no?"
Nanlaki ang mga mata ko. Kakaiba talaga ang babaeng 'to. Kakaiba ang tabas ng dila!
"Inuunahan na kita! Hindi ka pwedeng magkagusto kay Patrick! Akin siya! Naiintindihan mo? Diyan na nga kayo!" sigaw niya at umalis na. Napailing na lang ako. Anong nangyari do'n? Napakapraning!
"PA mo ba talaga 'yon, Dayne?"
Tumawa ito nang mahina.
"Gano'n talaga siya. Pero mabait 'yon."
"Saan banda?"
Muli siyang napatawa.
"Pinsan siya ni Clarisse."
Nanlaki ang mga mata ko. Tama nga ang naging desisyon ko. Pakiramdam ko ay malapit ko nang mahanap ang kasagutan sa totoong pagkatao ko.
"Pinsan? Pa'no mo siya naging PA? Kung pinsan siya ni Clarisse, eh, 'di mayaman siya 'di ba?"
"Oo, kaya nga hindi ko siya sinuswelduhan, eh. Galing 'di ba?"
Napanganga ako.
"Ang totoo niyan, si Clarisse talaga ang may pakana ng lahat." Tumingala siya sa langit habang ako ay naghihintay sa susunod niyang sasabihin. "Kinausap niya ang pinsan niya para maging PA ko, para bantayan ako." Ngumiti ito nang pilit.
Napangiti rin ako. Kaya pala gano'n na lang ang pagmamahal niya kay Clarisse. Masaya akong malaman kung anong klase ang pagmamahalan nilang dalawa. Napatingala na lang din ako sa langit.
"Kumusta na kaya siya?" biglang tanong niya.
"Alam mo, sigurado akong miss na miss ka na rin niya."
"Sa tingin mo?"
"Oo!" mabilis kong sagot. "Siguro kapag kaharap mo siya ngayon sasabihin niyang sobrang proud siya sayo."
Napatingin siya sa akin na may halong pagtataka.
"Proud?"
"Oo. Kasi kahit wala na siya, mas pinili mong tuparin ang pangarap niyong dalawa. Sana lahat positive sa buhay kagaya mo."
"Bakit, ikaw? Hindi?"
Nginitian ko lang siya.
"Bukod sa pagiging mahirap mo, ano pang istorya ng buhay mo?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Matapos ko siyang i-motivate, pagsasabihan niya ako ng ganyan?
"Alam mo? Ang sama mo!"
Tumawa ito nang mahina.
"High school lang ang natapos ko kaya't kahit papaano ay may nalalaman ako. Magaling din akong magsalita ng english kahit na taga-bundok pa ako," pagmamalaki ko. "Kaso nga lang, hindi na ako nakapag-college dahil namatay ang Lola ko. Pero alam mo? Pangarap ko talagang makapag-aral at maging isang teacher. Gusto ko kasing tulungan ang mga bata sa amin lalo na't mahirap ang buhay roon," dugtong ko habang nakangiti.
"Hindi pa naman huli ang lahat, eh. Alam kong matutupad mo rin 'yan."
"Hindi ko alam." Tumawa ako nang mapakla. "Pero alam mo? Magmula pagkabata, pilit kong hinahanap ang kasagutan sa totoo kong pagkatao. Hindi ko nga alam kung bakit doon kami nakatira, eh! Pero ngayong wala na si Lola, oras na siguro para hanapin ko ang mga kasagutang iyon. Nagpunta ako sa lugar na ito nang walang kasiguraduhan."
Natahimik kaming dalawa. Hindi ko alam kung sino ang mauunang magsalita sa amin.
"Don't you think, Cali, na kaya tayo pinagtagpo kasi kailangan natin ang isa't isa?"
"Ha?" takang tanong ko.
"Nasaan ka kaya ngayon kung hindi kita dinala sa bahay ko no'ng gabing 'yon?"
Napaisip ako. Oo nga. Tama siya. Nasaan kaya ako ngayon? Namamalimos na siguro ako sa kalsada ngayon dahil wala naman kaming bahay rito. Nagpapasalamat din ako, kung hindi dahil sa kanya hindi ko makikilala si Clarisse. Palagay ko kasi, may kinalaman siya sa totoo kong pagkatao. At alam kong matutulungan ako ni Dayne sa bagay na iyon.
"Gano'n lang ang buhay, Cali. Kung ano man 'yang dala-dala mo, sigurado akong mahahanapan mo rin ng solusyon iyan."
"Sinasabi mo lang naman 'yan kasi wala ka sa posisyon ko. Hindi mo alam ang pinagdaanan ko."
Gusto kong maiyak sa mga oras na 'to. Pa'no niya nasasabi ang mga bagay na 'to? Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi niyang 'yon.
"Hangga't mayroon bagong umaga, patuloy lang ang buhay. Kung pakiramdam mo hindi ka buo ngayon, sigurado akong may darating na isang tao para buoin ka."
Ngumisi ito.
"Alam mo, masyado nang seryoso ang pinag-uusapan natin. Maiba ako, totoo ba ang sinabi ni Klaire?"
"Ano?"
"May gusto ka ba kay Patrick?" diretsahang tanong niya.
"Ako?" gulat na gulat kong tanong. "Nagpapatawa ka ba? Hindi, 'no!" Napaiwas ako ng tingin dahil naramdaman ko ang biglaang paglakas ng tibok ng puso ko! Bakit ba pagdating sa lalaking 'yon, kakaiba ang pakiramdam ko?
"Dayne! Clarisse!"
Napatingin kaming pareho ni Dayne sa lalaking kumakaway palapit sa amin. Kahit medyo malayo at gabi na ay tanaw na tanaw ko ang nakangiting si Patrick dala ng liwanag ng buwan at ilang ilaw. Bigla akong kinabahan. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko dahil sa ngiting iyon. Bakit gano'n na lang ang epekto no'n sa akin?
"Hindi pala gusto, ah." Nabaling ang atensyon ko kay Dayne nang bigla itong bumulong sa tainga ko.
"Anong ginagawa niyo rito?"
Gulo-gulo ang buhok ni Patrick ngayon ngunit hindi nito nabawasan ang pagkapogi niya.
"Nagpapahangin lang," simpleng sagot ni Dayne.
Umupo naman si Patrick sa tabi namin at nasa gitna nila akong dalawa. Kung nakilala ko lang ang dalawang 'to noon, sigurado akong pwede na akong mamatay sa kilig.
Napatingin ako kay Patrick nang bahagyang magdikit ang braso naming dalawa.
"Mabuti na lang at okay na okay ka na, Clarisse. Sobra akong nag-alala sayo nang mabalitaan ko ang nangyari sayo."
Nagkatinginan kami ni Dayne. Katulad noon, bigla na namang nalungkot ang ekspresyon nito.
"O-Oo naman. Thank you sa concern, Patrick. Mabilis ang naging recovery ko dahil sa sobrang pag-aalaga sa 'kin ni Dayne."
Kitang-kita ko ang pagkagulat ni Dayne sa sinabi ko. Kahit ako ay nagulat. Hindi ko alam kung saan ko ba nakuha ang mga salitang iyon.
--**--
"CUT! Good job, Clarisse! Bumalik ka na nga sa dati!"
Halos tumalon ako sa tuwa nang marinig ko ang komento ni Direk sa pag-arte ko! Mahigit dalawang linggo na kaming nagtatrabaho para sa pelikulang ito. Masasabi kong maraming eksena na ang nangyari at hindi ko rin inaasahang makakaya ko.
Nakita ko ang pagkindat sa akin ni Dayne. Kitang-kita ko ang tuwa sa mga mata niya. Unti-unti na ring nagbubunga ang mga plano niya para kay Clarisse. Hindi ko pa rin lubos maisip kung hanggang kailan ang pagpapanggap na ito.
"Next week, humanda na kayo dahil pupunta tayo sa probinsya. Doon ang next shooting natin. Okay! So, see you on monday. Magpahinga kayo nang mabuti!"
Umalis na si Director Felix. Bigla akong na-excite dahil sa sinabi ni Direk. Sa probinsya rin kasi kami nakatira ni Lola noon. Bigla ko tuloy na-miss ang buhay roon.
"Let's go."
Sumunod ako kay Dayne at nagtungo kami sa kotse niya. Habang naglalakad kami ay puro sigawan ang mga tao. Maraming nanunuod sa amin habang nagsh-shooting. Halos lahat ng tao ay puro pangalan ni Dayne at Clarisse ang sinisigaw. Talagang napakasikat nilang dalawa.
Sa bawat taong tinititigan at tinitilian ako, hindi ko maiwasang matakot dahil baka malaman nila ang totoong pagkatao ko. Paano kung malaman nila ang totoo? Ano kayang mangyayari sa akin? Sa amin?
"Dayne, ganito ba talaga kayo kasikat?"
"Base sa nakikita mo, oo.
Pinaandar niya ang sasakyan. Nag-play rin siya ng music na talagang nakaka-relax sa pandinig. Humikab ako at pinikit ang mga mata.
"Nakakapagod ang araw na 'to," nasambit ko habang nakasandal at nakapikit ang mga mata.
"Let's go to the mall."
Napamulat ako dahil sa narinig. Tila nawala lahat ng pagod ko.
"Talaga, Dayne?"
Para akong batang binigyan ng lollipop sa sobrang tuwa. Buong buhay ko hindi pa ako nakakapunta sa ganoong klaseng lugar.
"Para ma-relax ka naman."
Hininto ni Dayne ang sasakyan at agad kaming nagtungo sa loob. Hanggang ngayon ay manghang-mangha ako sa mga nakikita ko.
"Anong mukha 'yan? Don't tell me ngayon ka lang nakapasok sa lugar na ganito." Tumawa ito. "Mahirap ka talaga," dugtong pa niya.
Magsasalita pa sana ako nang may biglang lumapit sa aming dalawang teenager.
"Pwede pong magpa-picture?"
Abot tainga ang ngiti nilang dalawa. Muntik ko ng makalimutan na artista pala ang kasama ko at gano'n rin ang tingin nila sa akin.
Pumayag kami ni Dayne na makipag-picture sa dalawa. Inakbayan ako ni Dayne nang mag-flash ang camera habang ako naman ay napatitig sa kanya dahil sa ginawa niyang iyon. Kasabay naman no'n ang sunod-sunod na pagsulputan ng mga tao sa paligid namin. Nagkakagulo silang lahat at nagsisigawan!
Napangiwi ako nang maramdaman ko ang pagyapak ng ilang tao sa mga paa ko.
Hanggang sa maramdaman ko na lang na hinawakan ni Dayne ang isa kong kamay at nginitian ako nito. Nailang tuloy ako nang gawin niya 'yon.
Halos gumapang kami sa sahig makalusot lang sa mga taong pinagkakaguluhan kami. Nakahinga na lang ako nang maluwag nang makalabas kami.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin, sa araw-araw ba na ginawa ng Diyos, ganito ba sila parati?
"I think that's a bad idea."
Napakamot siya sa ulo.
Nabaling ang atensyon ko sa kamay namin na magkahawak pa rin. Napansin niya yata akong nakatingin sa kamay namin kaya bigla niya itong binitawan.
"Let's go?"
Tumango ako.
"Clarisse?"
Napalingon ako sa nagsalita. Isang hindi pamilyar na mukha ang tumambad sa akin. Nagulat na lang ako nang agad ako nitong niyakap.
"Oh my God, Clarisse! Kumusta ka na? Na-miss kita!"
Napatingin ako kay Dayne na bakas ang pagkagulat at pag-aalala.
Sino na naman kaya ang babaeng 'to? Bakit hindi man lang siya ipinakilala ni Dayne sa akin?
CALIISANG buntong hininga ang pinakawalan ko. Hindi ko alam kung ilang beses ko na bang ginawa iyon ngayong araw na ‘to.“Relax, Cali,” pagpapakalma sa akin ni Dayne.Dahil Sunday ngayon, ay sinabi sa akin ni Dayne na pupunta ang mga magulang niya ngayon. Hindi tuloy maalis sa akin ang kaba. Pangalawang beses ko pa lang silang makikita ngayong araw na ‘to. Natatakot ako na baka may masabi o pumalpak ako sa harapan nila.“Kuya!”Napatingin kaming pareho sa sumigaw! Isang babaeng tumatakbo papalapit sa amin ni Dayne. Malapad ang pagkakangiti niya nang makalapit siya kay Dayne. Niyakap niya ito at gano’n din si Dayne sa kanya, tila sabik na sabik silang dalawa sa isa’t isa.“I miss you, Kuya.”“I miss you too, Misty!”Nakit
CALIHinila ako ni Cassey papunta sa mga kasamahan namin sa trabaho. Halos mapanganga sila sa nakikita nila. Gusto kong takpan ang mukha ko dahil sa mga titig nila. Agad ding hinanap ng mga mata ko si Patrick pero wala kahit anino niya."Woah! Wala ka talagang katulad, Clarisse! Ang sexy mo pa rin!""Ang swerte talaga ni Dayne!"Rinig na rinig ko rin ang pagsipol nang mga 'to. Pakiramdam ko tuloy ay namumula na ang mukha ko."Teka nasaan ba si Dayne?""Ang sabi niya magpapahinga siya. Napagod kasi siya sa biyahe," sagot ko."Nagpapahinga? Eh, ayun siya, oh." Turo ni Cassey.Lahat kami ay napatingin sa paparating na si Dayne. Naka-open shirt ito at naka-shorts ng color green. Tambad na tambad ang pinagmamalaki nitong six-packs abs na kahit sinong babae ay tiyak na tutulo ang laway. Kung titign
CALI"CUT!"Nagpalakpakan ang mga kasamahan namin at todo bati sila sa amin."Great job, Dayne and Clarisse. You guys did well!" komento ni Direk. Ngumiti naman kami. Natutuwa talaga ako sa acting skills ko ngayon. Hindi na ito katulad noon, no'ng nag-uumpisa pa lang kami.Binigay sa akin ni Dayne ang malinis na towel saka pinunas sa mukha ko.Pinagpahinga muna kami ni Direk at ipagpapatuloy na lang daw ulit mamaya.Tatlong araw na namin dito sa La Union at masasabi kong sobrang nakakapagod talaga.Nagpasya kaming magpunta muna sa beach house ngunit biglang tumunog ang cellphone ni Dayne. Pansin ko, palagi siyang may kausap sa phone. Sa palagay ko ay ang Tito Oscar niya 'yon. Hindi ko tuloy maiwasan kung natuklasan na ba nila ang totoong pagkamatay ni Clarisse. Hindi ko n
CALISTAPauwi na kami ngayon ni Dayne. Napasulyap ako sa kanya na abala sa pagmamaneho. Seryoso lang siyang nakatingin sa daan ngayon at hindi umiimik. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari kagabi. Sa tuwing maaalala ko ‘yun, hindi ko maiwasan ang mainis. Hindi ko alam kung dapat ko ba ‘yung maramdaman. Una pa lang, alam ko naman ang pinasok ko, pero bakit hindi ko maiwasang mainis? Lalo na sa sarili ko?Napabuntonghininga na lang ako at hindi na inisip ang bagay na ‘yon.Ilang oras din ang nakalipas nang makarating kami sa bahay. Napakunot pa ang aking noo dahil naroon ang sasakyan ng mga Managers namin.Pagkarating na pagkarating namin sa bahay ay agad na sumalubong ang galit na galit na mukha nila.“What’s the meaning of this, Dayne and Cali?” galit na salubong sa amin ni Manager Grace.Ibinigay niya sa amin an
CALISTAI was staring my self at the full length mirror wearing a spaghetti strap black dress pair with black pin heels. Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nananatili rito.Napakagat ako sa ibabang labi dahil sa kaba. May live interview kasi kami ni Dayne ngayon sa isang evening show. Kakatapos lang ng taping namin last week pero sunod-sunod na ang nag-i-invite sa amin ni Dayne. Hindi ko maiwasang isipin, ano kaya ang mangyayari sa akin mamaya? Baka magmukha akong ewan kapag nasa harapan na ako ng maraming tao. Isa pa, baka sa isang salita ko lang ay magkamali ako lalo na’t kakatapos lang ng issue. May mga taong mas naniwala sa sinabi ni Klaire ngunit ang ilan naman ay hindi.“What took you so long?” Salubong agad ni Dayne sa akin pagkababa ko ng hagdan. Bigla siyang natigilan nang tuluyan na niya akong makita. Tinitigan niya ako magmula ulo hanggang paa. Nailang ako dah
CALISTA“Bakit ka pumayag?”Nagmistula akong parang isang yelo, hindi ko magawang igalaw ang sarili kong katawan. Halos matumba rin ako dahil sa sobrang panginginig ng tuhod ko. Bakit siya narito?“C-Clarisse. . .”Wala akong ibang masabi. Bakit ganito? Bakit siya nagpapakita sa akin?“May oras ka pa! May oras ka pa, Cali!” Tinakpan ko ang sarili kong tainga dahil nabibingi ako sa paulit-ulit na tinig na iyon.“T-tama na p-please!”“Mamamatay ka, Cali! Katulad ko ay papatayin ka rin nila! Mamamatay ka!”Habol-habol ko ang aking hininga! Napahawak ako sa may gawing pisngi ko at basang-basa iyon ng luha. Hindi ko man lang namalayan na umiiyak na pala ako.
CALISTAHINDI ko alam kung saan ako lulugar sa bahay na ito. Tatlong araw na ang lumipas matapos mangyari iyon. Todo iwas sa akin si Dayne at gano’n din ako. Inaamin kong natakot ako sa kaniya ngunit hindi ako galit sa kaniya. Siguro nga gano’n talaga. Kamukha ko ang fiance niya at lasing siya noong mga oras na ‘yon. Isabay pa ang pangungulilang nararamdaman niya kay Clarisse.“Ate Clarisse?”“H-ha?”“Kanina pa po kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin. Pareho kayo ni Kuya. I mean, both of you are acting weird.”“I-I’m sorry. Ano nga ulit ‘yon?” tanong ko para maiba ang usapan.“Magpapaturo po sana ako ng homework ko, eh.”“Ah,” biglang nasaad ko at saka kinuha ang notebook at libro niya. Binasa ko iyon at i
CALISTA“Nate. . .”Napalunok ako nang bigla itong umiwas ng tingin.“Narito ka na pala,” malamig na pagkakasaad nito. Bahagya akong nalungkot dahil pakiramdam ko ay galit ito sa akin.Lalapitan ko sana siya ngunit dumating na si Lola Paz kasama si Miko.“Magmeryenda muna kayo,” saad ni Lola sabay lapag ng turon sa may mesa. “Nathan? Nandito ka na rin pala. Halika, samahan mo ang kababata mo kasama ang kaibigan niya,” dugtong ni Lola.Nagulat na lang ako nang biglang naglakad si Dayne palapit kay Nate.“Dayne, Pare.” Nilahad niya ang isa niyang kamay ngunit tinanguhan lang siya nito.“Busog pa ho ako, Lola,” tipid na sagot ni Nate saka umalis.“Naku! Pagpasensyahan niyo na ang batang iyon!
-CALI'S POV- MONTHS had passed, bago kami tuluyang ikasal ni Dayne, ay isang mabigat na desisyon ang aking gagawin. Isang desisyon na alam kong makakapagpagaan sa puso ko. Nagpasya akong magtungo sa presinto, kung nasaan si Patrick. Tumulo ang luha ko nang makita ko siya habang papalapit sa gawi namin. "K-kumusta ka na?" tanong ko rito ngunit hindi ito nag-abalang sumagot. "Ito, oh. Kumain ka muna, Patrick," saad ko at isa-isang nilapag ang mga pagkain nasa tupperware. Ako pa mismo ang nagluto nito para sa kaniya. "Alam ko, walang kapatawaran ang ginawa mo sa kakambal ko," umpisa ko. "Buhay niya ang kinuha mo, eh. At wala kang karapatan upang alisin iyon sa kaniya." Pinunasan ko ang luhang lumandas sa aking pisngi. Masyadong mabigat ang nararamdaman ko. Masyadong masakit habang sinasabi ko ang mga bagay na 'to. "Pero sino nga ba ako upang hindi ma
-DAYNE CERVANTEZ- 5 YEARS LATER: TANDANG-TANDA ko pa rin kung paano kami nagkakilala ni Cali. Isang gabing tila wala ng pag-asa para sa aming dalawa. Then I saw her, alone. Hanggang sa pagkaguluhan siya ng mga tao. Akala ko noon, sa telebisyon lang makikita ang gano’ng klaseng pangyayari. Isang estrangherong lalaki ang maglalakas loob na yayaing magpakasal sa isang babaeng hindi naman kilala. Bigla akong napangiti nang maalala lahat ng iyon. Sa lahat ng posibleng mangyari sa mundo, I met her like it was destiny. “Are you ready, Dayne?” Tumango ako at ingat na ingat na inayos ang aking buhok. Ilang minuto pa ang nakalipas nang tuluyan na akong tawagin sa stage. Napangiti ako nang magpalapakan ang mga tao. Ramdam na ramdam ko pa rin ang suporta nilang lahat sa kabila ng pag-give up ko noon bilang isang artista. “Welcome, Dayne
-KLAIRE'S POV- Ganito pala ang pakiramdam na makita si Cali sa ganiyang kalagayan. Ang bigat. Masyadong mabigat sa dibdib. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko akalaing magagawa ni Patrick ang lahat ng bagay na ‘to. Katulad ni Dayne, masyado rin akong nabulag sa pagmamahal kay Patrick. Nagpapasalamat na lang ako dahil agad na naputol ‘yon. Inaamin kong, nasasaktan ako. Hindi lang si Dayne ang niloko nila, kundi pati na rin ako. Gusto kong maiyak dahil sa sitwasyon ngayon. Sa tuwing nakikita ko si Cali na nakahiga sa kamang ‘yan, naiisip ko na hindi niya dapat ito pinagdadaanan. Hindi niya deserve ang lahat ng bagay na ‘to. Napatalikod ako bigla nang biglang pumasok si Dayne. Ang sabi ng Doctor, stable na rin daw ang kondisyon ni Cali, pero hindi pa rin naming maiwasang mag-alala dahil three days na ang nakalipas ngunit hindi pa rin siya nagigising.
-THIRD PERSON'S POV- -FLASHBACK- ILANG oras nang naghihintay si Dayne. Kanina pa niya tinitignan ang kaniyang orasan. Hindi maalis sa isipan niya kung saan nga ba nagpunta si Clarisse. Sino ang kasama nito? At bakit dis-oras na ng gabi ay wala pa rin siya. Napatayo agad siya nang bumukas ang pinto sa kanilang kwarto. Niluwa nito si Clarisse na lasing na lasing. Gulo-gulo ang kaniyang buhok at mahahalatang kakagaling lang nito sa pag-iyak. "Clarisse?" nag-aalalang sambit ni Dayne habang inaalalayan niya ang babae. "Where have you been? At bakit lasing na lasing ka?" "Nothing, Dayne. I just enjoy this beautiful night," she laughed. Namuo ang pagtataka sa isipan ni Dayne. Wala soyang makitang dahilan kung bakit nagpakalasing ang fiancée nito. Nag-away ba sila? Hindi. Nagkaroon ba sila ng hindi pagkakaunawaan? Wala. Kumuha ng ma
-CALI'S POV- “P-Patrick?" saad ko nang tuluyan na siyang makalapit. Anong ibig sabihin nito? Bakit siya nandito? “Cali. Bakit ganyan ang mukha mo? Bakit tila takot na takot ka?” Umupo ito sa aking harapan at sinilip ang aking mukha. “Cali.” Hinawi nito ang aking buhok kaya’t agad akong umiwas. Biglang nagbago ang ekspresyon nito dahil sa ginawa kong iyon. Mula sa pagiging kampante, napalitan ito nang galit na galit na mukha! “P-Patrick. . .” saad ko. Natatakot ako! Natatakot ako sa pwede niyang gawin! Hindi. . . Hindi si Patrick ito. . . Gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi siya ang kaharap ko ngayon. Pero hindi. Si Patrick talaga ang nasa harapan ko ngayon! “I-Ikaw b-ba ang—” Napatigil ako nang bigla itong tumawa! Nakakatakot ang tawang iyon. “Finally! Nakuha mo rin!”
-THIRD PERSON'S POV- -FLASHBACK- WALANG pagsidlan ang kaligayahang nararamdaman ni Dayne. Dumating na kasi ang pinaka espesyal na araw para sa kanila ni Clarisse. Muli niyang tinignan ang kaniyang sarili sa salamin at inayos ang neck tie nito. Bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang tuxedo na tinernuhan ng kulay pula na neck tie. "Handa na ba ang lahat, Klaire?" masayang tanong niya sa dalaga. "Oo naman, Dayne. Ikaw? Handa ka na ba?" Huminga ito nang malalim at ngumiti. Hindi maitatanggi ang kabang nararamdaman nito. Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng kaba kung dumating na ang araw na magpo-propose ito sa kaniyang minamahal? "Oo, Klaire. At excited na akong maging fiancée siya." "How can you be so sure, Dayne?" mapagbirong tanong ni Klaire. "Of course, I am sure, Klaire." H
-KLAIRE'S POV- "HAVE you seen, Cali, Nate?" tanong ko agad kay Nate matapos niyang maligo. "Hindi. Hindi ba't magkasama kayong nanunuod dito sa sala?" nagtatakang tanong niya. "Yeah, pero nagpaalam siya na hihintayin niya si Dayne sa may garden. Pero no'ng tignan ko naman siya ay wala na siya roon!" Nag-aalala na ako. Kanina pa ako nanginginig sa kaba. Nilibot ko na ang buong mansyon pero hindi ko pa rin makita si Cali. I tried to call her pero naiwan niya rin ang cell phone niya. "Hindi kaya nagpunta siya ulit sa Peter na 'yon?" si Nate. "Hindi maaari, Nate. Hindi ugali ni Cali ang umalis sa mansiyon." "Pero nagawa na niya, 'di ba?" "Y-yeah... P-pero... Hindi iyon aalis nang hindi sinasabi sa akin." Mababakas na rin ang pag-aalala kay Nate. "Ang mabuti pa
-KLAIRE'S POV- "AKALA ko ba ay may mall show kayo?" tanong ko kay Nate na kalalabas lang. Nakapambahay pa rin kasi ito hanggang ngayon. Kasalukuyan kaming narito sa may garden area. Pagkagising ko ay dito agad ako nagpunta. Gusto ko kasing magpahangin at mag-relax. "Hindi na ako pupunta. Nakiusap kasi si Dayne na bantayan kayong dalawa ni Cali," sagot niya. I rolled my eyes. "Para saan pa? Huwag kayong mag-alala. Hinding-hindi na kami babalik ni Cali doon. Isa pa, asa ka namang gusto ko pang bumalik doon 'no!" Hindi ko alam pero hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako sa lalaking 'yon! Nagsisisi ako dahil nagpunta pa kami ni Cali doon. Sana pala ay hindi ko na lang siya pinayagan noonv mga oras na 'yon. Hindi na siya sumagot. Akala ko ay umalis na ito ngunit naramdaman ko ang biglaang pagyakap niya mula sa likuran ko. "N
-DAYNE'S POV- NILAPAG ko ang bulaklak sa may puntod at sinindihan ang kandilang kulay puti. Pilit akong ngumiti. “Malapit na nating mapalitan ang pangalan mo, Clarisse. Malapit na ring mabigyan ng hustisya ang pagkamatay mo. Bigyan mo lang ako ng kaunting panahon.” I wiped my teary eyes then continue. “I’m sorry if it’s too late, Clarisse. Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko. Sorry kung hindi kita naprotektahan nung gabing ‘yon.” -FLASHBACK- “Sir, nandito na po si Ma’am Clarisse.” Napangiti ako nang marinig ko iyon. I’m currently in the rooftop, waiting for Clarisse. Inayos ko ang lugar na ito para sa aming dalawa, for the most important happening in our lives. Napatayo ako nang makita ko siya. She’s wearing black slightly off shoulder dress. Walang pinagbago. Napakaganda pa rin niya sa paningin ko. &