CALI
"CUT!"
Nagpalakpakan ang mga kasamahan namin at todo bati sila sa amin.
"Great job, Dayne and Clarisse. You guys did well!" komento ni Direk. Ngumiti naman kami. Natutuwa talaga ako sa acting skills ko ngayon. Hindi na ito katulad noon, no'ng nag-uumpisa pa lang kami.
Binigay sa akin ni Dayne ang malinis na towel saka pinunas sa mukha ko.
Pinagpahinga muna kami ni Direk at ipagpapatuloy na lang daw ulit mamaya.
Tatlong araw na namin dito sa La Union at masasabi kong sobrang nakakapagod talaga.
Nagpasya kaming magpunta muna sa beach house ngunit biglang tumunog ang cellphone ni Dayne. Pansin ko, palagi siyang may kausap sa phone. Sa palagay ko ay ang Tito Oscar niya 'yon. Hindi ko tuloy maiwasan kung natuklasan na ba nila ang totoong pagkamatay ni Clarisse. Hindi ko nga maintindihan, dahil kung sinadya man ang pagkamatay niya, sino naman ang gagawa no'n?
Isa pang ikinakabahala ko ay si Klaire. Magmula nang mag-away kami, hindi na ito muling nagpakita pa. Ang sabi ni Dayne, baka raw nauna nang umuwi at nagpapalamig ng ulo. Hindi ko lang maiwasang mag-alala. Wala naman talaga akong ginagawang masama at hindi ko intensyon na saktan siya.
Naupo na lang ako sa duyan habang tinitignan sa malayo si Dayne. Napabuntonghininga ako dahil nakikita ko na naman ang pag-aalala sa mukha niya. Nang ibaba niya ang cellphone nito ay saka ito umalis. Susundan ko sana siya ngunit agad akong napigilan ni Cassey.
"Clarisse, can you take a picture of me, please?"
"O-okay."
Nag-pose lang ito nang nag-pose. Nang matapos ay tumakbo ito palapit sa akin habang nakangiti. Ngunit nang makita niya iyon ay agad siyang napangiwi.
"Wala na bang mas papangit dito, Clarisse?" nakangiwing saad niya.
Napakamot naman ako sa ulo.
"Well, nevermind."
Napaiwas ako ng tingin nang titigan niya ako.
"You know what, Clarisse? You're weird!"
"A-Anong ibig mong sabihin?"
"I don't know if it's only me but. . ." Nag-pause muna siya at muling sinuri ang mukha ko. "Well, nevermind again." Sabay tawa niya.
Parang gustong lumabas ng puso ko dahil sa lakas ng tibok nito. Hindi kaya ay nakakahalata na siya sa akin?
"Ma'am, Clarisse?"
Pareho kaming napalingon nang may lumapit sa aming lalaki.
"Next scene na raw po sabi ni Direk."
Mabilis akong tumango at sumunod sa kanya. Laking pasasalamat ko na rin 'to para makatakas kay Cassey. Naiilang kasi ako sa mga katanungan niya.
--**--
"NASAAN si Dayne?" sigaw ni Direk. "Noong una, si Patrick ang wala! Ngayon naman si Dayne! Paano tayo matatapos dito?" Lahat kami ay napayuko. Walang kahit na sino ang nakasagot sa tanong niya. Kahit ako. Magmula kasi no'ng sinugod ako ni Klaire, bigla na lang siyang umalis kaya't sinundan siya ni Patrick. "Ikaw Clarisse? Hindi mo man lang ba nakita ang asawa mo?" dugtong niya.
"S-sorry, Direk," nakayukong saad ko.
Nagulat na lang ako nang bigla siyang umalis.
"Hayaan mo na. Mainit lang talaga ang ulo niya ngayong araw," saad ng isa sa mga katrabaho namin.
Ngumiti naman ako at nagpaalam sa kanya para hanapin si Dayne.
Alam kong may problema si Dayne at gusto ko siyang kausapin tungkol dito.
Tama nga ako. Narito siya sa tabing dagat kung saan malayo sa set. Nadatnan ko siyang nakaupo roon at pansin kong malalim ang iniisip niya.
"Alam mo, nakakabaliw ang mag-isa."
Tumingin siya sa akin at halata ko ang pagkagulat sa mga mata niya.
"Paano mo nalamang nandito ako?"
Hinawi ko muna ang buhok ko na tumatakip sa aking mukha at inipit iyon sa may tainga ko dahil sa hangin. Nililipad din ang buhok niya at mga damit namin. Napangiti ako dahil ang pogi talaga niya.
"Wala ka kasi kanina sa set, eh. Ano bang ginagawa mo rito?"
"I'm just trying to calm myself down."
Tinitigan ko siya. Ang lalim nang iniisip niya.
"Sabihin mo na."
"What?" takang tanong niya.
"Iyang dinadala mo." Ngumiti ako pero siya nanatiling seryoso.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Nako, Dayne. Akala ko ba ayaw mong umiyak ang buong Pilipinas? Baka mamaya lumabas sa headlines na baliw ka na? Nakakabaliw kapag hindi mo 'yan nilabas, Dayne." Tumawa ako. "Tungkol ba kay Clarisse?"
Tumango siya. "I always asked myself, ano pa bang kulang? Lahat ginagawa ko, pero damn it! Hindi pa rin malinaw sa akin ang lahat!" Nakita kong nangingilid na ang luha niya. Pagdating talaga kay Clarisse, nagiging mahina siya. "Ang sabi ni Tito Oscar, hindi aksidente ang nangyari. Kusa raw siyang pinatay."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig! Hindi ko lubos maisip. Sino ang may kayang gumawa no'n sa kanya?
"I don't think kung sino ang taong may kayang gumawa no'n sa kanya. Wala akong kwenta!"
"Dayne. . ."
"Ni hindi ko man lang napansin na may taong gustong pumatay sa kanya. Masyado akong naging kampante na makakasama ko siya habang buhay. Hindi ko siya naprotektahan. Am I stupid, Cali?"
"Hindi, Dayne." Umiling-iling ako. "Hindi ko nakilala si Clarisse, Dayne at lalong hindi ko nakita ang pinagsamahan niyo. Stop blaming yourself. Alam mo kung ano ang nakikita ko ngayon? Kung gaano mo siya kamahal. Simula pa lang, nakita ko na kung anong klase ang pagmamahal na binigay mo sa kanya noon, kahit ngayon. Kahit wala na siya."
Ilang minuto kaming naging tahimik. Walang kahit na isa sa amin ang nagsasalita. Habang tinititigan ko siya, punong-puno ng kalungkutan ang mga mata niya. Ilang buwan na ang lumipas pero ganyan pa rin siya. Naaawa na rin ako sa kanya. Hindi niya dapat pinagdadaanan ang mga bagay na ito.
"I'm sorry, Cali. Hindi ko dapat sinasabi ang bagay na 'to." Ngumiti siya "Tara?"
"Saan?" hindi na siya sumagot at basta na lang nya akong hinatak.
Hindi niya ako pinansin hanggang sa namalayan ko na lang na nadito na kami sa set. Sinalubong agad kami ng Manager niya at bakas dito ang pag-aalala.
"My God, Dayne! Saan ka ba nagpunta? Kanina pa nagagalit si Direk!" Salubong ng Manager ni Dayne. Sa halip na sagutin niya ito ay isang ngiti ang pinakawalan niya.
"Let's start?" saad niya. Lahat sila ay napanganga. Para kasing walang nangyari. Tumingin ito sa akin. Isang nakakatunaw na ngiti ang binigay nito. Ang ngiting 'yon. Napahawak ako sa bahaging d****b ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko?
--**--
Ilang araw na kaming nandito sa La Union. Ngayon ang huling taping namin dito at babalik na kami bukas sa Manila. Nagpapasalamat na lang kami dahil bumalik si Patrick, pero hindi niya kasama si Klaire. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung gaano kalaki ang galit niya sa akin.
"Ginabi na tayo. Hindi na tuloy natin na-enjoy ang lugar na 'to," malungkot na saad ni Dayne.
"Okay lang 'yon, Dayne. Na-enjoy naman natin no'ng first day, eh!" Ngumiti ako.
"Sinong may sabing hindi na natin mai-enjoy rito?" Nagulat kami ng biglang pumasok sa pinto si Cassey. Kasalukuyan kasi kaming nagpapahinga ni Dayne ngayon sa kwarto. "Hindi man natin na-enjoy ang lugar, at least mai-enjoy natin 'to!" Sabay pakita niya ng dalawang wine.
"Matutulog na lang ako," saad ko sabay higa sa kama. Hindi naman kasi ako umiinom, eh.
"At kailan ka pa naging KJ ha, Clarisse?" takang tanong niya kaya agad akong napaupo.
"Ngayon lang?" patanong kong sagot.
"Ha? Ang weird mo talaga." Umiling-iling ito. "Well, wala na kayong magagawa pa. Papunta na silang lahat rito." Kasabay no'n ang sunod-sunod na pagkatok sa may pinto namin.
Wala kaming ibang nagawa kundi pumayag na lang. Nag-form kami ng circle at katabi ko si Dayne habang nasa harapan namin sina Patrick, Cassey at ilang kasamahan namin sa trabaho.
Sobrang saya nila habang pinapanuod ko silang umiinom. Halatang expert na expert sila pagdating sa gano'n. Hindi ko alam kung anong klaseng wine 'yon. Pangmayaman kasi at first time kong makakita ng gano'n. Para tuloy akong natakam. Ano kayang lasa no'n?
"Oh, bakit hindi ka umiinom, Clarisse?" tanong sa akin ng isa naming kasamahan.
Imbes na sagutin ko siya ay nagbuhos ako ng wine sa baso. Iinumin ko na sana ito pero pinigilan ni Dayne ang kamay ko.
"Umiinom ka ba?" bulong niya. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko at amoy na amoy ko rin ang alak galing sa bibig niya. Bahagyang nagsitaasan ang balahibo ko ng dahil do'n.
"Hindi."
Hindi ko na siya pinansin at bigla kong nilagok ang alak. Ramdam na ramdam ko ang pagdaloy no'n sa lalamunan ko na naging dahilan ng pag-ubo ko. Ano bang lasa 'to? Pangmayaman nga pero ang sama ng lasa.
Inabutan ako ni Dayne ng juice kaya agad ko iyon ininom.
"Anong nangyayari sayo, Clarisse? Bakit kung umarte ka ay parang first time mo?" tawa-tawang tanong ni Cassey.
Hindi ako nakasagot.
"Don't tell me, nag-iba na ang ihip ng hangin?" Sabay tawanan nila.
Dahil sa panunukso nila, kinuha ko ulit ang baso ko at sinalinan ito ng alak. Agad ko iyong nilagok. Pangalawa, pangatlo, pang-apat. Sunod-sunod ang pag-inom ko. Ayokong makahalata sila at lalong ayaw kong mapahiya si Dayne.
"Ano bang ginagawa mo?" bulong sa akin ni Dayne.
"Umiinom." Sabay tawa ko. Nakakailan pa lang ako pero parang tinamaan na agad ako. Ganito pala talaga kapag first time mo pero pansin kong habang tumatagal parang sumasarap ang lasa nito.
"Akala ko ba hindi ka umiinom? Eh, parang expert ka na sa ginagawa mo, eh."
"Ganon talaga, Dayne. Ayoko namang mapahiya ka sa harapan nila 'no!"
Sasagot pa sana si Dayne ngunit agad na soyang inunahan ni Cassey.
"May sariling mundo 'yong love team, oh!" saad ni Cassey.
"Kailan niyo naman balak magka-baby?"
Napaubo ako sa tanong nila. Bigla kong nilagok ang alak na nasa harapan ko. Ramdam ko naman na hinawakan ni Dayne ang kamay ko at saka ngumiti.
"Hintay-hintay lang kayo at huwag kayong mag-alala, kayo ang unang makakaalam kapag nagka-baby kami," nakangiti niyang saad. Napalunok tuloy ako. Napakalabong mangyari ang gusto nila.
Matapos ang pag-uusap na 'yon ay tumigil na ako sa pag-inom. Mabuti na lang at hindi na nila ako napansin. Lahat sila ay lasing na lasing na kaya't umalis na sila at nagtungo sa kanya-kanya nilang kwarto. Nakatulog na rin si Dayne dahil sa kalasingan. Maging ako ay inaantok na rin.
Tumayo na ako at inayos ang pinag-inuman nila. Isa-isa kong pinulot ang bote ng alak at mga wrappers ng chichirya.
Nilapitan ko si Dayne. Nakasandal ito ngayon sa may ding-ding kung saan kami nakapuwesto kanina. Pinagmasadan ko ang mukha nito. Ang kinis talaga. Sinundot ko rin ang pisngi niya. Ang pogi talaga ng isang 'to. Hindi na nakakapagtaka kung bakit siya nagustuhan ni Clarisse. Bumaba ang tingin ko sa maninipis at mapupula niyang labi. Nakaka-insecure tuloy ang shape ng labi niya. Magigising kaya siya kapag hinalikan ko ito? Napailing ako. 'Ano bang iniisip mo Cali? Kababae mong tao ganyan ka mag-isip! Kung bakit ba kasi nakakaakit ang labi niya?'
"Dayne. . ." Tinapik-tapik ko ang pisngi niya pero hindi siya nagising.
"Dayne. . ." pag-uulit ko.
"Hm?" Dumilat ang mata niya at napangiti nang makita ako.
"Halika na! Kung bakit kasi nagpakalasing ka, eh! Akala ko ba ako ang mahina pagdating sa alak? Oh, bakit ikaw 'yong knockdown ngayon?" Baliw na siguro ako. Bakit ko ba kinakausap ang isang lasing?
Pinatayo ko siya at inalalayan patungo sa kama. Isa-isa kong tinanggal ang butones ng polo niya. Napalunok ako ng unti-unting lumalantad ang six-packs abs niya! Pakiramdam ko tuloy ay nag-iinit ang pakiramdam ko!
Sunod-sunod akong umiling. Ano ba 'tong naiisip ko?
Agad akong kumuha ng towel at maligamgam na tubig. Pinunas ko iyon sa kanya at pinalitan na ng damit. Kung hindi ko pa 'yon ginawa ay baka kung ano ang magawa ko at lumabas na lang sa balita na 'Isang Dayne Cervantez, ginahasa ng sariling asawa!' Hay! Malaking kahihiyan 'yon kapag nagkataon. Isa pa, baka multuhin ako ni Clarisse!
Tatayo na sana ako pero agad niyang hinawakan ang kamay ko sabay hila sa kanya. Napasub-sob tuloy ako sa pandesal niya. Umayos ako ng upo at tinignan siya.
Unti-unti nyang nilalagay ang kamay ko sa d****b niya. Bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ko ang tibok ng puso niya.
"Please, don't go. Just stay with me, please."
Minulat nito ang kanyang mga mata at nginitian ako. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit biglang sumaya ang puso ko nang sabihin niya 'yon? Ang weird sa feeling!
"D-dito lang ako, Dayne."
Mas lalong lumawak ang ngiti niya pagkarinig niya ng sinabi ko.
"Don't leave me, again! I love you, Clarisse!"
Napahawak ako sa d****b ko. Hindi ko makayanan ang lakas ng tibok nito. Kung kanina ay nang dahil sa saya, ngayon ay parang nag-iba. Naninikip ito at tila hindi ako makahinga. Unti-unti kong nilapit ang aking mukha palapit sa tainga niya at bumulong.
"I'm not Clarisse, Dayne."
CALISTAPauwi na kami ngayon ni Dayne. Napasulyap ako sa kanya na abala sa pagmamaneho. Seryoso lang siyang nakatingin sa daan ngayon at hindi umiimik. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari kagabi. Sa tuwing maaalala ko ‘yun, hindi ko maiwasan ang mainis. Hindi ko alam kung dapat ko ba ‘yung maramdaman. Una pa lang, alam ko naman ang pinasok ko, pero bakit hindi ko maiwasang mainis? Lalo na sa sarili ko?Napabuntonghininga na lang ako at hindi na inisip ang bagay na ‘yon.Ilang oras din ang nakalipas nang makarating kami sa bahay. Napakunot pa ang aking noo dahil naroon ang sasakyan ng mga Managers namin.Pagkarating na pagkarating namin sa bahay ay agad na sumalubong ang galit na galit na mukha nila.“What’s the meaning of this, Dayne and Cali?” galit na salubong sa amin ni Manager Grace.Ibinigay niya sa amin an
CALISTAI was staring my self at the full length mirror wearing a spaghetti strap black dress pair with black pin heels. Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nananatili rito.Napakagat ako sa ibabang labi dahil sa kaba. May live interview kasi kami ni Dayne ngayon sa isang evening show. Kakatapos lang ng taping namin last week pero sunod-sunod na ang nag-i-invite sa amin ni Dayne. Hindi ko maiwasang isipin, ano kaya ang mangyayari sa akin mamaya? Baka magmukha akong ewan kapag nasa harapan na ako ng maraming tao. Isa pa, baka sa isang salita ko lang ay magkamali ako lalo na’t kakatapos lang ng issue. May mga taong mas naniwala sa sinabi ni Klaire ngunit ang ilan naman ay hindi.“What took you so long?” Salubong agad ni Dayne sa akin pagkababa ko ng hagdan. Bigla siyang natigilan nang tuluyan na niya akong makita. Tinitigan niya ako magmula ulo hanggang paa. Nailang ako dah
CALISTA“Bakit ka pumayag?”Nagmistula akong parang isang yelo, hindi ko magawang igalaw ang sarili kong katawan. Halos matumba rin ako dahil sa sobrang panginginig ng tuhod ko. Bakit siya narito?“C-Clarisse. . .”Wala akong ibang masabi. Bakit ganito? Bakit siya nagpapakita sa akin?“May oras ka pa! May oras ka pa, Cali!” Tinakpan ko ang sarili kong tainga dahil nabibingi ako sa paulit-ulit na tinig na iyon.“T-tama na p-please!”“Mamamatay ka, Cali! Katulad ko ay papatayin ka rin nila! Mamamatay ka!”Habol-habol ko ang aking hininga! Napahawak ako sa may gawing pisngi ko at basang-basa iyon ng luha. Hindi ko man lang namalayan na umiiyak na pala ako.
CALISTAHINDI ko alam kung saan ako lulugar sa bahay na ito. Tatlong araw na ang lumipas matapos mangyari iyon. Todo iwas sa akin si Dayne at gano’n din ako. Inaamin kong natakot ako sa kaniya ngunit hindi ako galit sa kaniya. Siguro nga gano’n talaga. Kamukha ko ang fiance niya at lasing siya noong mga oras na ‘yon. Isabay pa ang pangungulilang nararamdaman niya kay Clarisse.“Ate Clarisse?”“H-ha?”“Kanina pa po kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin. Pareho kayo ni Kuya. I mean, both of you are acting weird.”“I-I’m sorry. Ano nga ulit ‘yon?” tanong ko para maiba ang usapan.“Magpapaturo po sana ako ng homework ko, eh.”“Ah,” biglang nasaad ko at saka kinuha ang notebook at libro niya. Binasa ko iyon at i
CALISTA“Nate. . .”Napalunok ako nang bigla itong umiwas ng tingin.“Narito ka na pala,” malamig na pagkakasaad nito. Bahagya akong nalungkot dahil pakiramdam ko ay galit ito sa akin.Lalapitan ko sana siya ngunit dumating na si Lola Paz kasama si Miko.“Magmeryenda muna kayo,” saad ni Lola sabay lapag ng turon sa may mesa. “Nathan? Nandito ka na rin pala. Halika, samahan mo ang kababata mo kasama ang kaibigan niya,” dugtong ni Lola.Nagulat na lang ako nang biglang naglakad si Dayne palapit kay Nate.“Dayne, Pare.” Nilahad niya ang isa niyang kamay ngunit tinanguhan lang siya nito.“Busog pa ho ako, Lola,” tipid na sagot ni Nate saka umalis.“Naku! Pagpasensyahan niyo na ang batang iyon!
CALISTANAGISING ako nang maaga. Dahil dalawa lang ang kuwarto rito, magkasama kami ni Dayne sa iisang kwarto ngunit mas pinili niyang matulog sa lapag. Nang tignan ko si Dayne ay kusa na lang nahulog ang panga ko nang makita kong wala na siya roon.'Hindi kaya ay hindi siya nakatulog nang maayos kagabi?'Nang maayos ko ang aking hinigaan ay agad akong lumabas ng kuwarto. Naabutan ko na lang si Lola Paz na kasalukuyang nagluluto ng almusal."Lola," saad ko at agad naman siyang napalingon sa akin."Oh, Cali. Gising ka na pala."Ngumiti ako at tumango. Inilibot ko ang aking paningin. Pansin kong tanging si Lola lang ang narito sa loob ng bahay. Nang tignan ko ang orasan ay alas-sais pa lang ng umaga."Uhm, Lola, nakita niyo po ba si Dayne?""Ah, oo. Nasa labas siya. Maaga ngang nagisin
CALISTA Alas-diyes na ng umaga, ngunit ayoko pang gumising. Napuyat kasi ako kagabi dahil sa kakaisip dahil sa mga binitiwang salita ni Dayne. Babaguhin niya ang Alta Vieza? Paano? Napakunot ang aking noo nang makarinig ako ng ingay sa labas ng kwarto. Sari-saring boses ang naririnig ko habang ang iba ay nagtatawanan. Nang bumangon ako ay naabutan ko si Lola Paz na naghahanda ng napakaraming prutas sa tatlong basket. Sigurado ako na pananim iyon lahat ni Nate. Mayroon ding isang bilao ng pansit. "Lola, ano pong meron?" Nabaling ang atensyon sa akin ni Lola. Agad namang kumorte ang ngiti nito sa labi bago magsalita. "Kaarawan kasi ni Miko ngayon." Nanlaki ang mga mata ko. "Kaarawan po?" gulat na gulat kong tanong. Tumango ito. "Sorry po, Lola. Nawala po sa isip ko." Napal
CALISTA"I will surely miss this place."Napatingin ako kay Dayne na kasalukuyang nagmamaneho. Katulad niya ay mami-miss ko rin dito sa Alta Vieza."Pwede naman tayong bumalik dito, Dayne, eh," saad ko at binalik ang tingin sa labas ng bintana.Napabuntonghininga ako. Masyadong mabigat sa loob na iwanang muli ang Alta Vieza. Kahit pa masyadong mahirap sa lugar na 'to ay narito pa rin ang puso ko. Kung papipiliin man ako, dito ko pa rin gustong manirahan. Kaso, hindi pa natatapos ang misyon ko bilang isang substitute wife ni Dayne. Isa pa, hindi ko pa rin nahahanap ang kasagutan sa lahat ng tanong ko. Kung ano nga ba ang totoo kong pagkatao.Isa pang nagpapagulo sa isipan ko ay ang pag-alis ko sa lugar na ito nang hindi nakakausap si Nate at Madge. Masakit para sa akin na masaktan si Nate. Hindi ko alam o wala man akong ideya na may nararamdaman pala siya
-CALI'S POV- MONTHS had passed, bago kami tuluyang ikasal ni Dayne, ay isang mabigat na desisyon ang aking gagawin. Isang desisyon na alam kong makakapagpagaan sa puso ko. Nagpasya akong magtungo sa presinto, kung nasaan si Patrick. Tumulo ang luha ko nang makita ko siya habang papalapit sa gawi namin. "K-kumusta ka na?" tanong ko rito ngunit hindi ito nag-abalang sumagot. "Ito, oh. Kumain ka muna, Patrick," saad ko at isa-isang nilapag ang mga pagkain nasa tupperware. Ako pa mismo ang nagluto nito para sa kaniya. "Alam ko, walang kapatawaran ang ginawa mo sa kakambal ko," umpisa ko. "Buhay niya ang kinuha mo, eh. At wala kang karapatan upang alisin iyon sa kaniya." Pinunasan ko ang luhang lumandas sa aking pisngi. Masyadong mabigat ang nararamdaman ko. Masyadong masakit habang sinasabi ko ang mga bagay na 'to. "Pero sino nga ba ako upang hindi ma
-DAYNE CERVANTEZ- 5 YEARS LATER: TANDANG-TANDA ko pa rin kung paano kami nagkakilala ni Cali. Isang gabing tila wala ng pag-asa para sa aming dalawa. Then I saw her, alone. Hanggang sa pagkaguluhan siya ng mga tao. Akala ko noon, sa telebisyon lang makikita ang gano’ng klaseng pangyayari. Isang estrangherong lalaki ang maglalakas loob na yayaing magpakasal sa isang babaeng hindi naman kilala. Bigla akong napangiti nang maalala lahat ng iyon. Sa lahat ng posibleng mangyari sa mundo, I met her like it was destiny. “Are you ready, Dayne?” Tumango ako at ingat na ingat na inayos ang aking buhok. Ilang minuto pa ang nakalipas nang tuluyan na akong tawagin sa stage. Napangiti ako nang magpalapakan ang mga tao. Ramdam na ramdam ko pa rin ang suporta nilang lahat sa kabila ng pag-give up ko noon bilang isang artista. “Welcome, Dayne
-KLAIRE'S POV- Ganito pala ang pakiramdam na makita si Cali sa ganiyang kalagayan. Ang bigat. Masyadong mabigat sa dibdib. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko akalaing magagawa ni Patrick ang lahat ng bagay na ‘to. Katulad ni Dayne, masyado rin akong nabulag sa pagmamahal kay Patrick. Nagpapasalamat na lang ako dahil agad na naputol ‘yon. Inaamin kong, nasasaktan ako. Hindi lang si Dayne ang niloko nila, kundi pati na rin ako. Gusto kong maiyak dahil sa sitwasyon ngayon. Sa tuwing nakikita ko si Cali na nakahiga sa kamang ‘yan, naiisip ko na hindi niya dapat ito pinagdadaanan. Hindi niya deserve ang lahat ng bagay na ‘to. Napatalikod ako bigla nang biglang pumasok si Dayne. Ang sabi ng Doctor, stable na rin daw ang kondisyon ni Cali, pero hindi pa rin naming maiwasang mag-alala dahil three days na ang nakalipas ngunit hindi pa rin siya nagigising.
-THIRD PERSON'S POV- -FLASHBACK- ILANG oras nang naghihintay si Dayne. Kanina pa niya tinitignan ang kaniyang orasan. Hindi maalis sa isipan niya kung saan nga ba nagpunta si Clarisse. Sino ang kasama nito? At bakit dis-oras na ng gabi ay wala pa rin siya. Napatayo agad siya nang bumukas ang pinto sa kanilang kwarto. Niluwa nito si Clarisse na lasing na lasing. Gulo-gulo ang kaniyang buhok at mahahalatang kakagaling lang nito sa pag-iyak. "Clarisse?" nag-aalalang sambit ni Dayne habang inaalalayan niya ang babae. "Where have you been? At bakit lasing na lasing ka?" "Nothing, Dayne. I just enjoy this beautiful night," she laughed. Namuo ang pagtataka sa isipan ni Dayne. Wala soyang makitang dahilan kung bakit nagpakalasing ang fiancée nito. Nag-away ba sila? Hindi. Nagkaroon ba sila ng hindi pagkakaunawaan? Wala. Kumuha ng ma
-CALI'S POV- “P-Patrick?" saad ko nang tuluyan na siyang makalapit. Anong ibig sabihin nito? Bakit siya nandito? “Cali. Bakit ganyan ang mukha mo? Bakit tila takot na takot ka?” Umupo ito sa aking harapan at sinilip ang aking mukha. “Cali.” Hinawi nito ang aking buhok kaya’t agad akong umiwas. Biglang nagbago ang ekspresyon nito dahil sa ginawa kong iyon. Mula sa pagiging kampante, napalitan ito nang galit na galit na mukha! “P-Patrick. . .” saad ko. Natatakot ako! Natatakot ako sa pwede niyang gawin! Hindi. . . Hindi si Patrick ito. . . Gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi siya ang kaharap ko ngayon. Pero hindi. Si Patrick talaga ang nasa harapan ko ngayon! “I-Ikaw b-ba ang—” Napatigil ako nang bigla itong tumawa! Nakakatakot ang tawang iyon. “Finally! Nakuha mo rin!”
-THIRD PERSON'S POV- -FLASHBACK- WALANG pagsidlan ang kaligayahang nararamdaman ni Dayne. Dumating na kasi ang pinaka espesyal na araw para sa kanila ni Clarisse. Muli niyang tinignan ang kaniyang sarili sa salamin at inayos ang neck tie nito. Bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang tuxedo na tinernuhan ng kulay pula na neck tie. "Handa na ba ang lahat, Klaire?" masayang tanong niya sa dalaga. "Oo naman, Dayne. Ikaw? Handa ka na ba?" Huminga ito nang malalim at ngumiti. Hindi maitatanggi ang kabang nararamdaman nito. Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng kaba kung dumating na ang araw na magpo-propose ito sa kaniyang minamahal? "Oo, Klaire. At excited na akong maging fiancée siya." "How can you be so sure, Dayne?" mapagbirong tanong ni Klaire. "Of course, I am sure, Klaire." H
-KLAIRE'S POV- "HAVE you seen, Cali, Nate?" tanong ko agad kay Nate matapos niyang maligo. "Hindi. Hindi ba't magkasama kayong nanunuod dito sa sala?" nagtatakang tanong niya. "Yeah, pero nagpaalam siya na hihintayin niya si Dayne sa may garden. Pero no'ng tignan ko naman siya ay wala na siya roon!" Nag-aalala na ako. Kanina pa ako nanginginig sa kaba. Nilibot ko na ang buong mansyon pero hindi ko pa rin makita si Cali. I tried to call her pero naiwan niya rin ang cell phone niya. "Hindi kaya nagpunta siya ulit sa Peter na 'yon?" si Nate. "Hindi maaari, Nate. Hindi ugali ni Cali ang umalis sa mansiyon." "Pero nagawa na niya, 'di ba?" "Y-yeah... P-pero... Hindi iyon aalis nang hindi sinasabi sa akin." Mababakas na rin ang pag-aalala kay Nate. "Ang mabuti pa
-KLAIRE'S POV- "AKALA ko ba ay may mall show kayo?" tanong ko kay Nate na kalalabas lang. Nakapambahay pa rin kasi ito hanggang ngayon. Kasalukuyan kaming narito sa may garden area. Pagkagising ko ay dito agad ako nagpunta. Gusto ko kasing magpahangin at mag-relax. "Hindi na ako pupunta. Nakiusap kasi si Dayne na bantayan kayong dalawa ni Cali," sagot niya. I rolled my eyes. "Para saan pa? Huwag kayong mag-alala. Hinding-hindi na kami babalik ni Cali doon. Isa pa, asa ka namang gusto ko pang bumalik doon 'no!" Hindi ko alam pero hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako sa lalaking 'yon! Nagsisisi ako dahil nagpunta pa kami ni Cali doon. Sana pala ay hindi ko na lang siya pinayagan noonv mga oras na 'yon. Hindi na siya sumagot. Akala ko ay umalis na ito ngunit naramdaman ko ang biglaang pagyakap niya mula sa likuran ko. "N
-DAYNE'S POV- NILAPAG ko ang bulaklak sa may puntod at sinindihan ang kandilang kulay puti. Pilit akong ngumiti. “Malapit na nating mapalitan ang pangalan mo, Clarisse. Malapit na ring mabigyan ng hustisya ang pagkamatay mo. Bigyan mo lang ako ng kaunting panahon.” I wiped my teary eyes then continue. “I’m sorry if it’s too late, Clarisse. Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko. Sorry kung hindi kita naprotektahan nung gabing ‘yon.” -FLASHBACK- “Sir, nandito na po si Ma’am Clarisse.” Napangiti ako nang marinig ko iyon. I’m currently in the rooftop, waiting for Clarisse. Inayos ko ang lugar na ito para sa aming dalawa, for the most important happening in our lives. Napatayo ako nang makita ko siya. She’s wearing black slightly off shoulder dress. Walang pinagbago. Napakaganda pa rin niya sa paningin ko. &