ILANG SEGUNDONG NAG-HANG ang utak ni Bethany sa huling sinabi ng asawa. Hindi siya makapaniwala na sa kabila ng mga ginawa nito ay siya pa talaga ang makapal ang mukha na maghahamon? Huwag siyang mag-alala, talagang hihiwalayan na siya ng asawa! Hindi na muling magpapabulag at magpapalason si Bethany sa matatamis nitong mga salita na kulang naman sa gawa. Dumilim na ang paningin ng babae. Nagpanting na rin ang kanyang tainga. Akmang itutulak na niya ang katawan ng asawa palayo upang dumistansya nang biglang may kung sinong biglang humila sa katawan nito palayo sa kanya gamit ang collar nito sa likod. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi niya na nakita kung sino ang may gawa noon. Nakabitaw ito sa kanyang katawan na nagpalaki ng kanyang mga mata. Nakita na lang ng kanyang mga mata na biglang humandusay ang katawan ni Gavin sa maruming sahig ng hospital matapos na may sumuntok dito na tumama sa kanyang panga. Napakurap-kurap na doon si Bethany na para bang ang eksenang iyon ay sa
NAGPATULOY PA ANG palitan nila ng maanghang na mga salita kasabay ng mga suntok na tumatama sa kanilang mukha. Nanatili naman doong tulala si Bethany. Hinihiling na sana kung panaginip lang niya ang pangyayaring iyon, sana gisingin na lang siya dahil ang sakit na.“Kuya Gav, tama na! Ano ba?!”“Albert? Tama na!” si Patrick na nagpalinga-linga na upang maghanap ng guard at makisuyo.“Pare-parehas lang naman kayo! Ginawa niyo akong tanga at bobo! Nag-aagawan kayo sa iisang babae. Pero ako? Saan ang stands ko? Inisip niyo ba ako? May alam kayo pero ako, wala akong kaalam-alam!” pagwawala ni Briel na panandaliang nagpahiwalay sa kanilang dalawa. Nagbulungan ang mga nasa paligid. Nanginig na ang kalamnan ni Bethany nang marinig ang mga salitang iyon na namutawi sa bibig ng kanyang hipag. Oo nga pala, fiancee ito ng ex-boyfriend niya. Napahawak na siya sa kanyang noo. Panibagong problema na naman iyon. Dagdag sa iisipin niya. Humakbang na siya palapit dahil sa ginagawang pag-iyak ng malak
ILANG MINUTO NA ang pamilya Dankworth at si Albert sa loob ng sasakyan ay wala pa ‘ring nagsasalita sa kanila upang sabihin kung ano ang tunay na nangyari. Salit-salitan silang tatlo na tiningnan ni Mr. Dankworth. Si Briel, si Gavin, at Albert. Si Mrs. Dankworth naman ay hindi mapakali sa inuupuan niya. Nag-aalala siya sa kanyang manugang ngayon. Baka kung napano na ito sa loob sa sobrang stress sa nangyari.“Walang magsasalita sa inyo? Pinapaghula niyo ako kung ano ang tunay na nangyari?” Kung galit na galit kanina si Briel, napalitan iyon ng pag-aalala sa kanyang hipag kagaya ng kanyang ina. Gusto niyang lumabas ng sasakyan at ito ang unahin kumpara sa gawang ginulo ng dalawang lalaki sa tabi niya. Ngunit hindi niya magawang sabihin dahil alam niyang magagalit ang kanyang ama sa pagsabat. Subalit hinid pwede na manahimik na lang siya doon at mawalan ng kibo. Mukha kasing ang asawa nitong kapatid niya ay hindi makakalusot sa ama nila kahit na magpaalam pa. Hindi siya papayagan ng am
TINITIGAN NI BETHANY ang mukha ng biyenang babae na alalang-alala na sa kanya. Makaraan ang ilang sandali ay napaiwas na siya. Nahihiya siya dahil batid niyang siya ang may kasalanan ng gulong sumiklab kanina sa pagitan nina Gavin at Albert. Siya ang pinag-aawayan ng dalawa. Malamang alam na nila iyon. Alam na nila ang itinatago niyang nakaraan sa fiance ng bunso nilang anak. Hindi niya iyon itatanggi.“Mrs. Dankworth, h-humihingi po ako ng p-pasensya sa nangyari kanina…”Hindi siya pinakinggan ng Ginang na parang hindi narinig ang kanyang mga sinabi. “Mahiga ka pa hija, kailangan mo pang magpahinga.” sa halip ay sambit ng Ginang.Hindi iyon pinakinggan ni Bethany na mas lalo pang nahiya. Pakiramdam niya ay hindi siya makakahinga ng maayos kung mananatili pa siya sa lugar na iyon gayong sobrang guilty niya sa mga nangyari kanina.“Ayos na po ako. K-Kailangan ko pong puntahan si Tita Victoria…” pagaw ang boses na wika niya. Pinorma niya na ang paa na bababa na ng kama ng naramdaman n
BAGO PA MAKAHUMA si Gorio ay muling naupakan na naman ito ni Gavin na nagpupuyos sa galit. Hindi niya sila inawat. Hinayaan at pinanood niya lang. Si Albert naman ang hindi lumalaban kay Gavin na tinatanggap ang lahat ng mga suntok nito. Iyong tipong iyon ang kabayaran ng lahat ng mga kasalanan.“Tama na Gavin, gusto mo bang mawalan ka ng lisensya?!” sigaw ng ama nang makitang sobrang wasak at duguan na ang mukha ni Albert, hindi naman niya hahayaang maging kriminal dito ang sariling anak. Doon nahimasmasan si Gavin na agad itinigil ang kanyang ginagawa. Puro dugo na ang kamao niya na mula sa mukha ni Albert. Kulang na lang ay tanggalan niya ng ngipin at pulbusin pa ang pagmumukha. “Makakaalis ka na, Albert.” ani Gorio nang makatayo na pareho ang dalawa, “Panindigan mo ang sinabi mong hinid mo na itutuloy ang kasal kay Briel dahil oras na guluhin mo pa siya. Ako ang gugulpi sa’yo.” dagdag ni Gorio sa lalaki na hindi na makagulapay sa dami ng suntok na kanyang tinamo sa kay Gavin. I
KAGAYA ng pangako ni Mrs. Dankworth at Briel, sinamahan nilang asikasuhin ni Bethany ang mga kailangan nila upang masimulang mabigyan ng burol ang kanyang ama habang nasa hospital pa rin ang madrasta at nagpapagaling. Hindi nila siya iniwan. Sa unang araw ng lamay ay sila ang naging katuwang. Nang sumunod na araw ay saka pa lang nakita ni Bethany si Mr. Dankworth. Masama man ang loob ay dumaan sa isip niya si Gavin na hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi nagpapakita sa kanya upang damayan siya. Ang una niyang naisip ay baka talagang ayaw na ng asawa sa kanya, sa kanilang mag-ina. Wala rin si Albert. Tanging si Patrick at ibang mga kakilala niya ang pumunta doon. Naroon din sina Rina.“Nasaan ang future husband mo?” pasimple nitong tanong na nagtataka kung bakit wala ito sa paligid. Hindi na kumalat ang nangyari sa hospital na inasikaso na ni Mr. Dankworth upang huwag madungisan ang pangalan ng mga taong kasangkot doon lalo na ng kanyang anak. Kaya rin siya hindi agad nakapunta.“H
SA LIBING NA ng ama nakita ni Bethany si Albert na hindi na lumapit pa sa kanya. Nanatili itong nasa malayo at malaki ang distansya sa kahit na kanino. Kung gaano kalala ang hitsura ni Gavin ay mas doble pa doon ang naging hitsura ni Albert. Nilingon ni Bethany si Briel sa kanyang tabi na parang walang pakialam sa existence ng fiance nito kahit pa nakita na nitong naroroon ito. Wala naman siyang lakas na magtanong dahil baka kung ano ang isipin ng kanyang hipag kapag inungkat niya ito.Sa kabila ng hindi pa rin masyadong magaling si Victoria ay napilit nito ang doctor na pagbigyan siyang lumabas upang makita sa huling pagkakataon at maihatid din sa huling hantungan ang kanyang asawa. Sa bahay na lang umano ito magpapagaling. Binigyan lang siya ng mga gamot at iba pang mga kailangan nang dahil sa pakiusap.“Magpakatatag ka hija, magpakatatag tayong dalawa.” patuloy ang bagsak ng luhang turan ni Victoria kay Bethany na mahigpit na nakayakap sa kanya, “Kaya natin ito.” Yakap ang nakangi
HUMIGPIT ANG HAWAK ng mga kamay ni Gavin sa kanyang manibela. Unti-unting nag-slowdown ang takbo ng sasakyan niya. Walang masamang sinabi si Bethany pero sumasakit ang dibdib niya sa pagiging concern ng asawa sa kanya. Hindi niya mapigilan na mamuo ang mga luha. Sa kabila ng kasalanang ginawa niya, nagawa pa nitong alalahanin siya.“A-Ayos lang ako, Thanie, kailangan ko lang ng mahaba-habang pahinga…” Hinintay na muling sumagot dito ang asawa subalit hindi na muling nagsalita si Bethany hanggang makarating sila sa tapat ng bahay. Pagkahinto ng kanyang sasakyan ay kinalas nito ang suot na seatbelt. Sinundan iyon ng mga mata ni Gavin. Naroon pa ang sasakyan ng mga magulang kung kaya naman minabuti na lang din niyang bumaba muna kahit hindi iniimbita. Sinundan niya ang hakbang ng asawa papasok sa loob ng kanilang bahay. Hindi naman ito nagreklamo nang malingunan siyang bumubuntot. Tuloy-tuloy lang ang pasok nito sa loob. Naabutan nila ang mga magulang na nasa living room nakaupo na nan
HINDI NA HININTAY pa ni Giovanni ang sagot ng pamangkin at nagkukumahog na siyang lumabas nang makita ang lalaking nagbigay ng matinding sakit sa kapatid niyang si Beverly at sumira sa buhay nito. Maingat niya pang hinila ang pintuan ng silid upang isara nang sa ganun ay hindi marinig ng pamangkin niya ang paninita niya sa musikero.“Anong ginagawa mo dito? May lakas ka pa talagang pumunta at magpakita? Ngayon mo pa lang naisipan ha? Ilang dekada na ang lumipas!” bulalas niya sa may kontrol ba boses upang huwag iyong marinig ng pamangkin sa loob. Uundayan na sana ito ng parang bakal sa tigas na kamao ni Giovanni ng pumagitna si Mr. Dankworth.“Governor Bianchi, ako ang nagpapunta sa kanya dito. Bilang ama ng pamangkin mo, nag-aalala din siya sa kalagayan ng manugang ko. Tao siyang pumunta dito, sana ay pakiharapan mo ng ayos. Hindi ikaw ang sadya niya kaya pumunta dito, si Bethany ang gusto niyang makausap. Kung anuman ang alitan o problema nilang mag-ama. Labas ka na. Labas na tayo.
MULI LANG TUMANGO si Giovanni sa sinasabi ni Bethany. Hindi niya alam kung bakit napunta kay Briel ang kanilang usapan pero mabiti na ‘yun keysa naman tungkol sa anak ng pamangkin ang topic nila o sa aksidente ng kanyang asawa. Nadudurog ang puso niya sa sakit na nakabalatay sa mga mata ng pamangkin na wala siyang anumang magawa. Dito pa lang hindi na niya kaya, paano pa kaya kapag umabot sa kaalaman nito ang nangyari kay Gavin?“Kailangan mong magpalakas at magpagaling para naman pwede ka ng makalabas ng silid at matanaw mo ang inyong anak kahit sa labas lang. Hindi siya pwedeng dalhin dito dahil naka-incubator, pero okay naman siya doon. Kaka-check ko lang kanina.”Tumitig ang mga mata ni Bethany sa tiyuhin. Hangga’t maaari ay ayaw niyang pag-usapan nila ang anak dahil naiiyak na naman siya. Para tuloy gusto niyang hilingin sa tiyuhin na tawagan si Gavin dahil gusto niya itong makausap pero natatakot siya na magalit ito. Hindi pa siya handa. Magtitiis na lang siya muna. Itinatak niy
NAPAG-USAPAN NA NILANG mag-asawa nang masinsinan ang tungkol kay Bethany matapos na ilang araw na pumanaw si Nancy. Nagkaroon na rin naman ng linaw ang isipan ni Estellita na nagbago ang pananaw sa pagkawala ng tinuring nilang anak. “Ano pa bang magagawa ko kung hindi ang tanggapin ang anak mo sa ibang babae?”Himalang biglang hindi na siya galit kay Bethany at si Nancy ang nagpa-realize noon sa kanya bago ito tuluyang mawala sa mundo kung kaya ngayon balewala na lang sa kanya ang existence ng anak ng asawa sa iba. Kung noon halos putukan siya ng ugat sa ulo sa sobrang galit, ngayon masama pa rin naman ang ugali niya pero nabawas-bawasan. Isa pa, matagal na panahon na ‘ring wala ang ina ni Bethany at nasa piling pa rin naman niya ngayon si Mr. Conley. May asawa na rin si Bethany kaya kakarampot na lang namang atensyon at oras ang hihingiin nito dahil may sarili na itong pamilya na kailangan niyang pagtuonan ng pansin. Iyon na lang ang inisip ni Estellita na malaki rin ang natulong.
WALANG LABIS, WALANG kulang na sinabi na ni Giovanni ang tunay na nangyari kay Gavin sa Ginang sa hindi exaggerated na paraan. Sinabi lang niya na minor lang ang nangyaring aksidente kung kaya hindi ito nakaakyat agad dahil kung idedetalye niya ang tunay nitong hitsura, hindi niya alam ang magaganap sa Ginang. Aniya ay kasalukuyang nasa emergency room ang anak upang gamutin ng mga doctor ang sugat. Hindi niya sinabi kung gaano ito kalala dahil wala rin naman siyang alam. Ganunpaman ang ginawa niya ay gaya ng inaasahan muntik na naman itong mahimatay sa sobrang pagkabigla. Hindi pa rin niya ito kinaya.“Mrs. Dankworth!”Sinalo ang katawan ng Ginang na halos sumayaw sa kaba ng isa sa mga tauhan ni Giovanni. Sanay na sanay na sila sa mga ganung eksena kaya hindi na bago at alam na nila ang gagawin. Trained sila sa ganun bago pa pumasang maging bodyguard. Nang mahimasmasan ang Ginang ay pinasamahan niya ito sa isa sa kanyang mga tauhan kung nasaan ang kanyang mag-aama. Karapatan niya iyon
NAPAANGAT NA ANG mga mata ni Briel nang marinig ang boses ng ama. Sa mga sandaling iyon ay nakatuon iyon sa sahig ng hospital na para bang doon niya hinahanap ang sagot sa mga tanong niya. Pilit niyang kinakalamay ang sarili dahil hindi pa rin siya kumakalma at makapaniwala sa nangyari sa kapatid. Naaksidente si Gavin na kilala niyang magaling magmaneho. Parang ang imposible noon. Magaling na driver ang kapatid niya at ni minsan hindi pa ito nasangkot sa aksidente. Iniisip niya kung may sabotahe bang nangyari para humantong doon ang lahat. Umahon siya sa kanyang pagkakasalampak sa sahig habang hawak ng nanginginig niyang kamay ang bote ng tubig na ibinigay ni Giovanni. Hindi niya iyon tinanggihan dahil feeling niya rin ay naubos na ang lahat ng tubig niya sa katawan. Hinayaan lang naman siya ni Giovanni na umatungal ng iyak. Wala itong ibang sinabi at ginawa kung hindi ang panoorin lang siya. Hindi siya nito sinaway dahil batid ng Governor na sobrang nasasaktan ang dalaga. Biglang bum
ILANG SGUNDO NA nanigas ang katawan ni Mr. Dankworth nang marinig ang masamang balita mula sa isa sa mga tauhan ni Giovanni patungkol sa aksidente umano ng anak niyang si Gavin. Makailang beses siyang muntik matumba dahil sa pangangatog ng tuhod, mabuti na lang at bahagyang nakasandal siya sa gilid ng pintuan kung kaya naman sinalo nito ang bigat ng katawan niya. Pilit na pinigilan ni Mr. Dankworth ang mga mata na mag-react sa nalaman dahil paniguradong mahahalata iyon ng kanyang asawa na panay ang paninitig sa kanila ng malagkit at puno ng pagtatanong kung ano ba ang kanilang pinag-uusapan. Hilaw ang ngiting nilingon niya ang asawa na nakatingin pa rin sa kanilang banda. Puno ng pagtataka kung bakit ganun na lang ang reaction niya na alam niyang napansin ng Ginang kahit medyo nasa malayo sila. Lumapit siya sa pintuan ng silid nang sabihin ng tauhan na may pinapasabi ang Governor sa kanya kung kaya naman may distansya rin silang mag-asawa. Hindi pa rin inalis ni Mrs. Dankworth ang kan
WALANG NAGAWA SI Giovanni kung hindi ang bitawan ang nangangatal na katawan ni Briel na hindi malaman ng Governor kung dahil sa takot o labis na pagkabigla sa kanyang binalita. Isa pa, puno ng gigil na kinagat nito ang kanyang isang braso na wala naman siyang pakialam sa sakit na tinamo kaya niyang tiisin iyon pero hindi ang buhos ng kanyang mga luha. Puno ng kalungkutan ang mga mata ni Giovanni na pinanood ang dalaga na tumakbo patungo sa pinangyarihan ng aksidente na alam niyang hindi na niya magagawa pang pigilan. Bagama’t umiiyak si Briel ay nakipagsisikan siya sa mga taong nakikiusyuso na tumambak at umabot na sa may entrance ng hospital. Ginulo na ng Gobernador ang kanyang buhok. Problemado na ditong sumunod dahil nabalot na siya ng pag-aalala sa katawan na hindi niya kilala. Kamakailan lang ay ayaw na ayaw niya sa dalaga sa pagiging straightforward nito. Umamin ba naman sa kanya na gusto siya matapos ng kasal ng kanyang pamangkin. Nanunuot sa nerves niya ang mga salita nito na
INIP NA INIP na iginala ni Briel ang kanyang mga mata sa paligid habang nakatayo sa may gilid ng entrance ng hospital. Hinihintay at inaabangan niya ang kapatid doon na dumating. Doon banda ang usapan nilang dalawa na magkikita nang makausap niya ito kanina paglapag ng private plane na sinakyan sa airport. Ilang beses na niyang tiningnan ang screen ng cellphone niyang hawak. Umaasa na may message man lang doon ang kapatid kung nasaan na siya, ngunit wala naman iyon kahit na isa. Hindi niya nga alam kung nakaalis na rin ba sila sa airport. Nasa isang oras na rin mula nang makalapag sila kanina. Naweywang na si Briel matapos na huminga ng malalim at sumimangot pa. Sinabi naman na niya sa kapatid kung anong floor naroon ang kwarto ng asawa nitong si Bethany para doon ito dumiretso pagdating, ngunit pinilit pa rin siya ng kanyang mga magulang na lumabas at hintayin niya doon si Gavin. “Ang tanda na niya, Mommy, alam na niya kung saan pupunta. Bakit kailaingan ko pa siyang sunduin? Kaya n
KASABAY NG PAGBAGSAK ng mga luha ni Gavin ay ang pagbitaw ng kanyang kamay sa handle ng kanyang dalang maleta. Tuluyang na-blangko na ang kanyang isipan. Nandilim na ang kanyang paningin na para bang ang kanyang narinig ay hindi boses ng sariling kapatid at guni-guni lang niya ang lahat ng narinig. Naghihina na ang kanyang mga tuhod na napaupo na. Hindi alintana ang lugar na kanyang kinaroroonan.“Lumabas na ang anak niyo kahit kulang pa siya sa buwan, Kuya Gav.”Naghiwalay pa ang kanyang labi sa sunod na sinabi ng kapatid. Hindi na alam kung ano ang dapat na reaksyon. Kotang-kota na siya sa mga pasabog na nalaman niya. Isang maling desisyon, sobrang laki ng naging impact noon. Kung hindi siya nagpilit na umalis ng bansa, wala sanang ganitong kapahamakan.“Bakit mo ba kasi siya iniwan? Inuna mo pa ang trabaho mo diyan! Alam mo namang buntis siya!”“Sagutin mo ang tanong ko, Briel. Kumusta ang asawa ko?!” halos mapatid na ang ugat niya sa leeg.Wala ng pakialam si Gavin kung pinagtitin