TINITIGAN NI BETHANY ang mukha ng biyenang babae na alalang-alala na sa kanya. Makaraan ang ilang sandali ay napaiwas na siya. Nahihiya siya dahil batid niyang siya ang may kasalanan ng gulong sumiklab kanina sa pagitan nina Gavin at Albert. Siya ang pinag-aawayan ng dalawa. Malamang alam na nila iyon. Alam na nila ang itinatago niyang nakaraan sa fiance ng bunso nilang anak. Hindi niya iyon itatanggi.“Mrs. Dankworth, h-humihingi po ako ng p-pasensya sa nangyari kanina…”Hindi siya pinakinggan ng Ginang na parang hindi narinig ang kanyang mga sinabi. “Mahiga ka pa hija, kailangan mo pang magpahinga.” sa halip ay sambit ng Ginang.Hindi iyon pinakinggan ni Bethany na mas lalo pang nahiya. Pakiramdam niya ay hindi siya makakahinga ng maayos kung mananatili pa siya sa lugar na iyon gayong sobrang guilty niya sa mga nangyari kanina.“Ayos na po ako. K-Kailangan ko pong puntahan si Tita Victoria…” pagaw ang boses na wika niya. Pinorma niya na ang paa na bababa na ng kama ng naramdaman n
BAGO PA MAKAHUMA si Gorio ay muling naupakan na naman ito ni Gavin na nagpupuyos sa galit. Hindi niya sila inawat. Hinayaan at pinanood niya lang. Si Albert naman ang hindi lumalaban kay Gavin na tinatanggap ang lahat ng mga suntok nito. Iyong tipong iyon ang kabayaran ng lahat ng mga kasalanan.“Tama na Gavin, gusto mo bang mawalan ka ng lisensya?!” sigaw ng ama nang makitang sobrang wasak at duguan na ang mukha ni Albert, hindi naman niya hahayaang maging kriminal dito ang sariling anak. Doon nahimasmasan si Gavin na agad itinigil ang kanyang ginagawa. Puro dugo na ang kamao niya na mula sa mukha ni Albert. Kulang na lang ay tanggalan niya ng ngipin at pulbusin pa ang pagmumukha. “Makakaalis ka na, Albert.” ani Gorio nang makatayo na pareho ang dalawa, “Panindigan mo ang sinabi mong hinid mo na itutuloy ang kasal kay Briel dahil oras na guluhin mo pa siya. Ako ang gugulpi sa’yo.” dagdag ni Gorio sa lalaki na hindi na makagulapay sa dami ng suntok na kanyang tinamo sa kay Gavin. I
KAGAYA ng pangako ni Mrs. Dankworth at Briel, sinamahan nilang asikasuhin ni Bethany ang mga kailangan nila upang masimulang mabigyan ng burol ang kanyang ama habang nasa hospital pa rin ang madrasta at nagpapagaling. Hindi nila siya iniwan. Sa unang araw ng lamay ay sila ang naging katuwang. Nang sumunod na araw ay saka pa lang nakita ni Bethany si Mr. Dankworth. Masama man ang loob ay dumaan sa isip niya si Gavin na hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi nagpapakita sa kanya upang damayan siya. Ang una niyang naisip ay baka talagang ayaw na ng asawa sa kanya, sa kanilang mag-ina. Wala rin si Albert. Tanging si Patrick at ibang mga kakilala niya ang pumunta doon. Naroon din sina Rina.“Nasaan ang future husband mo?” pasimple nitong tanong na nagtataka kung bakit wala ito sa paligid. Hindi na kumalat ang nangyari sa hospital na inasikaso na ni Mr. Dankworth upang huwag madungisan ang pangalan ng mga taong kasangkot doon lalo na ng kanyang anak. Kaya rin siya hindi agad nakapunta.“H
SA LIBING NA ng ama nakita ni Bethany si Albert na hindi na lumapit pa sa kanya. Nanatili itong nasa malayo at malaki ang distansya sa kahit na kanino. Kung gaano kalala ang hitsura ni Gavin ay mas doble pa doon ang naging hitsura ni Albert. Nilingon ni Bethany si Briel sa kanyang tabi na parang walang pakialam sa existence ng fiance nito kahit pa nakita na nitong naroroon ito. Wala naman siyang lakas na magtanong dahil baka kung ano ang isipin ng kanyang hipag kapag inungkat niya ito.Sa kabila ng hindi pa rin masyadong magaling si Victoria ay napilit nito ang doctor na pagbigyan siyang lumabas upang makita sa huling pagkakataon at maihatid din sa huling hantungan ang kanyang asawa. Sa bahay na lang umano ito magpapagaling. Binigyan lang siya ng mga gamot at iba pang mga kailangan nang dahil sa pakiusap.“Magpakatatag ka hija, magpakatatag tayong dalawa.” patuloy ang bagsak ng luhang turan ni Victoria kay Bethany na mahigpit na nakayakap sa kanya, “Kaya natin ito.” Yakap ang nakangi
HUMIGPIT ANG HAWAK ng mga kamay ni Gavin sa kanyang manibela. Unti-unting nag-slowdown ang takbo ng sasakyan niya. Walang masamang sinabi si Bethany pero sumasakit ang dibdib niya sa pagiging concern ng asawa sa kanya. Hindi niya mapigilan na mamuo ang mga luha. Sa kabila ng kasalanang ginawa niya, nagawa pa nitong alalahanin siya.“A-Ayos lang ako, Thanie, kailangan ko lang ng mahaba-habang pahinga…” Hinintay na muling sumagot dito ang asawa subalit hindi na muling nagsalita si Bethany hanggang makarating sila sa tapat ng bahay. Pagkahinto ng kanyang sasakyan ay kinalas nito ang suot na seatbelt. Sinundan iyon ng mga mata ni Gavin. Naroon pa ang sasakyan ng mga magulang kung kaya naman minabuti na lang din niyang bumaba muna kahit hindi iniimbita. Sinundan niya ang hakbang ng asawa papasok sa loob ng kanilang bahay. Hindi naman ito nagreklamo nang malingunan siyang bumubuntot. Tuloy-tuloy lang ang pasok nito sa loob. Naabutan nila ang mga magulang na nasa living room nakaupo na nan
HILAM SA LUHANG mga mata ng kaibigan niyang si Alejandrino Conley ang tumambad kay Mr. Dankworth nang tunguhin niya upang buksan ang gate ng mga Guzman. Sa bulto pa lang nito ay kilala na niya ang kaibigan. Palakad-lakad ito sa harapan na tila malalim ang iniisip. Halatang hindi mapakali. Pinalis ni Drino ang luha nang makitang saktong naroon ang kanyang kaibigang si Gregorio. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Gorio ang mapupulang mata ni Drino na halatang hindi pa nagtatagal na umiiyak.“Gorio, natagpuan ko na siya! Natagpuan ko na ang anak naming dalawa ni Beverly!” pumipiyok-piyok ang boses na pagbabalita ni Drino sa kanya, pulang-pula na rin ang ilong nito na nakailang sulyap sa loob ng bahay ng mga Guzman. Mababakas ang erxcited sa boses niya. “Sa wakas nakita ko na rin siya! Sa wakas!” Hindi makahuma si Mr. Dankworth. Doon pa lang ay alam na niya kung sino ang tinutukoy na anak ng kanyang kaibigan. Si Bethany. Ang kanyang manugang. Hindi niya mapigilan na maging masaya para dito.
SAPILITANG HINILA NI Mr. Dankworth ang kanyang anak palayo sa manugang nang matapos na sila, ngunit ayaw pa rin nitong bumitaw kay Bethany kahit na anong hila pa ang gawin niya. Humigpit pang lalo ang yakap ni Gavin sa binti ng asawang basang-basa na ng mga luha niya. Hangga’t maaari ay ayaw niyang bumitaw hangga’t hindi pinagbibigyan ang hiling niyang last chance ni Bethany. Hindi siya dito bibitaw. “Daddy, bitawan mo ako!” buo ang boses at malakas na alma niya nang maramdaman ang ginagawa ng amang paghila sa kanya. “Hindi ako aalis! Hindi ko iiwan dito ang asawa ko! Kung nasaan siya dapat ay naroon ako! Hindi ko siya bibitawan! Hindi kami maghihiwalay! Narinig niyo? Hindi ako makikipaghiwalay!” hagulgol ng iyak ni Gavin na dinaig pa ang malakas na palahaw ni Bethany noong nawala ang ama, para itong batang inagawan ng pagkain at laruan ng kalaro, “Dito lang ako, Dad! Dito lang ako! Dito lang ako!” Bumalatay pa ang awa sa mukha nina Victoria at Mrs. Dankworth kay Gavin habang tahimi
NAPATINGIN NA SI Gavin sa kanyang mga magulang na para bang humihingi ng pahintulot sa kung anumang sasabihin niya. Hindi nakaligtas iyon kay Bethany na sa mga sandaling iyon ay may ibang kutob. Tila ba may itinatago sa kanya ang mga biyenan at asawa na halatang kakuntsaba pa ang anak nila. Ayaw nilang magalit sa kanila, pero hindi na naman niya mapigilan ang kanyang sarili dahil pakiramdam niya ay pinagkakaisahan siya at pinagkakatuwaan sa sakit na kanyang pinagdadaanan ng kanilang buong pamilya.“She is dying, Thanie. May taning na ang buhay niya. Bilang na ang mga araw niya. Gusto ko lang siyang bigyan ng bulaklak sa huling pagkakataon na babaunin niya sa kanyang pag-alis. Pagkatapos naman ng araw na iyon wala na. Tapos na.” hindi humihingang diretsong turan ni Gavin na nakatingin kay Bethany. Nagulat at ilang segundong parang tumigil sa pag-inog ang mundo ni Bethany sa narinig. Iyon pala ang dahilan, pero sana maayos niyang sinabi sa kanya nang hindi siya naging bayolente ang rea
NAKAHIGA NA SILA noon sa kama at tapos ng kumain ng dinner na ipina-deliver lang nila. Halos ayaw umalis ni Gavin sa tabi ng kanyang asawa. Parang may magnet ito na kahit sa paggamit ng banyo ay gusto niyang tulungan pa ito kahit na kaya na naman niya ang kanyang sarili. Gusto niyang paglingkuran ang asawa at bumawi sa kanya. Ituring na prinsesa ang asawa at ibigay lahat ng gusto nito na kahit na ano.“Tigil nga, paano naman ang work mo? Ang business mo?” paikot ng mga mata ni Bethany na animo ay hinahamon ang asawa, “Sure akong tambak at patung-patong na iyon. Pag-uwi natin, busy ka na naman. Wala ka na namang oras sa akin. Sa amin. Panay na naman ang overtime mo at paglalagi sa office mo.”“Hindi iyon mangyayari, Mrs. Dankworth. Uuwi ako ng takdang oras dahil alam kong maghihintay ka sa pag-uwi ko. Ayokong maghintay ka sa akin at baka mamaya ay umiyak ka na naman.” hinalikan pa niya ang noo ni Bethany dahilan para ngumuso ang babae na walang imik na inabot din ni Gavin para halikan.
SA PAGBABALIK NI Gavin ng silid ay mabilis na napabangon si Bethany nang matanaw ang bulto ng asawa. Agad naman siyang tinulungan ni Victoria na agad din nagpaalam na lalabas sandali upang bigyan lang ng privacy ang mag-asawa Hindi nakatakas kay Bethany ang namumulang mga mata ni Gavin at ilong na tila ba galing ang lalaki sa malalang pag-iyak. Tumahip na ang dibdib niya. Maraming mga negatibong bagay na ang dumagsa sa kanyang isipan lalo pa at kinausap ni Gavin ang doctor niya ay hindi niya iyon narinig.“Kumusta na ang pakiramdam mo?” agad na maatamis na ngiti ni Gavin nang magtama ang mata nilang dalawa, nakita niyang titig na titig sa mukha niya ang asawa. “Maayos na ba kumpara sa kahapon?”Hindi pa man nakakasagot si Bethany ay tuloy-tuloy na itong lumapit at naupo sa gilid ng kaniyang kama. Walang paalam na naupo na ito sa may harapan niya at tinitigan siya na para bang sobrang mahal na mahal siya ng asawa. Hindi naman nag-iwas si Bethany ng tingin na binabasa na ang mga iniisip
HINDI MAPALAGAY SI Mrs. Dankworth kung kaya naman tinawagan niya ang asawa upang kumustahin si Nancy. Nag-aalala siya na baka ito na naman ang dahilan ng pagkataranta ng anak gayong nawawala pa ang kanyang asawa. “Nancy is still in a coma. Saka, sa tingin pupuntahan iyon ni Gavin? Tigilan niyo na ngang mag-isip. Tawagan mo na lang ang anak mo at personal mong tanungin kung bakit nagmamadaling umalis. Baka naman si Bethany ang kausap.” “Mabuti pa nga, Gorio. Ito kasing bunso mong anak kung anu-ano ang sinasabi. Si Drino? Nakauwi na ng bansa?” “Hindi ko alam. Ni hindi na siya komontak pa sa akin pagkatapos noong naging huling usap namin.” Minabuti ng Ginang na tawagan si Gavin ngunit hindi makontak ang numero nito. “Briel, subukan mo ngang kontakin ang Kuya mo kung online at sa social media account niya. Bakit ganun? Ayaw mag-connect ng tawag ko sa kanya? Mukhang nawalan yata siya ng signal ngayon.” balik niya sa hapag kung nasaan tulala pa ‘ring kumakain ang anak, muling umikot an
AMININ MAN NI Bethany o hindi ay sukong-suko na siya at ang tanging naiisip na lang niyang pag-asa ay ang marinig ang boses ng kanyang asawa. Gusto niyang akuin ang lahat ng kasalanan niya at pagbayaran iyon kung kaya naman sasabihin na niya dito kung nasaan siya. Hindi na siya nagtatago. Hahayaan niyang tahasang magalit ito sa kanya. Sa bahagi ng kanyang puso ay gusto niyang marinig ang comfort nito kahit na may mortal siyang kasalanang ginawa. Hilam sa luha na nag-activate siya ng social media habang nasa labas si Victoria at kausap nito ang kanyang doctor. Papasok na sana ang kanyang madrasta sa loob nang maudlot siya sa may pintuan nang marinig si Bethany na muli na namang umiiyak, nang sumungaw siya ay nakita niyang hawak nito ang cellphone. Isang daang porsyento na ang hula ng Ginang ay nagdesisyon na itong kontakin ang kanyang asawang si Gavin. Malungkot na napangiti ang Ginang. Sumasakit ang puso niya sa tanawin. Tama ang desisyon nito, kailangan niya ngayon si Gavin upang lum
PARANG WALANG KATAPUSAN at tuloy-tuloy ang pagbalong ng mga luha ni Bethany sa kanyang mga mata matapos na lumabas ng doctor sa pinto ng kanyang kwarto. Puno ng labis na paghihinagpis ang mga impit niyang iyak na may kasamang walang katapusang pagsisisi. Ayon sa doctor, sa taas ng lagnat niya ay nagkaroon siya ng spotting na medyo delikado sa ipinagbubuntis niya. Marahan niyang hinimas ang puson, napuno pa ng sakit ang kanyang buong sistema. Hindi niya lubos maisip na hahantong sila sa pagkakataong iyon. Ang buong akala niya magtatagumpay siya sa lahat ng kanyang naisin. Hindi niya inaasahang sasabay na bibigay ang kanyang katawan at mararamdaman ang sakit na ito. “Mrs. Dankworth, please be calm. We will do everything just to save your baby. Please help us do some favor.”Tuloy pa rin ang pagdurugo niya kaya naman tinapat na rin siya ng doctor na kapag hindi iyon tumigil at hindi nadala ng itinurok nilang gamot ay tiyak na manganganib na mawala ang ipinagbubuntis nilang anak na dalaw
PINUNTAHAN NI GAVIN ang music center ng asawa. Susubukan niyang doon kumuha ng impormasyon. Hindi na nagulat ang mga naroon na hinahanap niya si Bethany marahil ay dahil alam nila kung saan ito pumunta ngunit ni isa ay wala namang umaamin sa kanila. Panay lang ang iling nila sa tanong.“Kung hindi niyo sasabihin sa akin, tatanggalan ko kayo ng trabaho! Hindi niyo ba alam na sa akin ang space na ito at inuupahan lang?! Pumili kayo!” pagbabanta ni Gavin sa mga empleyadong kaharap niya.Tiklop ang dalawang tuhod na umamin ang kinausap ni Bethany ngunit hindi pa rin ni Gavin nalaman kung nasaan ito dahil wala silang lugar na masabi. Basta umano ang ibinilin nito ay babalik din naman siya. Iyon ang pinanghawakan ni Gavin, gayunpaman ay hindi pa rin siya mapalagay. Kailangang makita niya ang asawa ng sarili niyang mga mata. Saka pa lang siya doon mapapalagay. “Positive. Sa mga umalis na private planes, lulan umano sina Victoria Guzman at ang asawa mo Gavin.” balita ni Mr. Dankworth sa anak
ITINAAS NI GORIO ang isang kamay upang mapigilan sa pagsasalita ang mag-ina niyang kaharap. Nagri-ring na ang phone number ng kaibigan sa kabilang linya. Hinihintay na lang niyang sagutin. Kung itinuloy nito ang plano, marapat lang na sisihin niya ang sarili dahil iniwan niya ang kabigan kahapon sa halip na matinong kausapin. Dala na rin kasi iyon ng bugso ng damdamin sa matinding galit sa anak niya. Hindi na niya naisip na may suliranin pa ang kaibigan na siyang magdadagdag pa ng gulo.“Gorio…” sagot ni Drino na halatang nasa higaan pa ang boses at naalimpungatan lang.Kakagising pa lang noon ni Mr. Conley. Paglabas niya ng bahay nina Bethany ng nagdaang araw ay hindi siya agad umalis. Nagtambay siya doon dahil hindi niya rin alam kung saan pupunta. Ligaw na ligaw siya. Inabot siya doon hanggang hatinggabi habang puno ng pagsisisi ang buong katawan na bakit itinuloy pa niya ang lahat. Sana nakinig siya sa sinabi ng kaibigan niyang si Gorio ba palipasin muna ang ilang araw. Bakas pa s
IGINALAW NG GUARD ang kanyang magkabilang balikat bilang tugon sa katanungan sa kanya ni Gavin. Hindi na sakop iyon ng trabaho niya. Basta ang alam niya ay may sumundong sasakyan dito at nakita niya ang babaeng hinahanap nito sa loob ng sasakyan. Mukha namang okay silang mag-ina na bihis na bihis pa kung kaya naman ay hindi na siya nag-usisa sa kanila.“Hindi ko po alam, Sir pero may sumundo nga po sa kanilang sasakyan at base sa hitsura nilang mag-ina okay naman po sila.” Ikinataranta pa iyon ni Gavin. Sinong susundong ibang tao sa asawa nang hindi niya alam? Mabilis niyang d-nial ang numero ng kanyang mga magulang, nagbabakasakali na mayroon silang kinalaman sa pag-alis ng mga ito ng madaling araw. Baka sila naman ang may gawa noon at hindi lang nabanggit. Nanlumo pang lalo si Gavin nang walang sumagot ng tawag niya. Malamang tulog pa sila sa mansion. Masyado pang maaga iyon.“Pwede ko bang mapanood ang CCTV footage? Kahit dito lang banda sa may guard house. Huwag kang mag-alala. M
NAIS SANA NI Bethany na salungatin ang sinabi ng Ginang, dahil paniguradong magiging busy iyon si Gavin kay Nancy. Ayaw niya noon? Mas may oras na siya na bantayan ang babae na mamamatay. Hindi siya naniniwala doon. Para sa kanya ang masamang damo ay matagal mamatay. Mahirap na puksain. Gayon pa man ay mas pinili na lang niyang itikom ang kanyang bibig at pabayaan na lang sila ngayon. “Lalo pa at buntis ka sa panganay niyong anak, hija. Sana maisip mo iyon. Doble ang pag-aalala nila. Baka nga pati ang mga biyenan mo ay hindi na rin makatulog nang maayos sa mga gabimng nagdaan. Punto ko lang naman iyon, Bethany. Huwag mo sanang masamain. Iniisip ko lang ang mga posibilidad na maaaring mangyari habang wala tayo sa bansa. Pagnilayan mong mabuti ito, hija. Huwag mo silang pahirapan pa.”Nag-deactivate silang dalawa ng lahat ng social media account na gamit nila. Hiniling iyon ni Bethany sa madrasta na pinagbigyan naman niya. Bago lumipad ay masinsinang kinausap din ni Bethany ang isa sa