LINGID SA KAALAMAN ni Nancy na alam na ng mga nakapalibot sa kanya ang tunay na kalagayan niya. Hindi niya lang iyon napapansin dahil sanay naman siyang nakukuha niya ang lahat ng kanyang gusto. Hindi nagtagal ay ipinaalam na nila kay Nancy ang nag-aabang na kapalaran sa kanya. Gaya ng nauna, nagwala na naman ito pero hindi dahil gusto na nitong mamatay. Gusto niya pang mabuhay ng matagal. “Magpapakabuti na akong tao, Mommy, Daddy! Hindi na ako maninira ng buhay ng iba. Ipagamot niyo ako. Hanapan niyo ng lunas ang sakit ko. Ayoko pang lamunin ng lupa. Ayoko pang mawala. Ayoko pa!” Dinig na dinig ni Gavin ang eksaktong linya ni Nancy na ‘yun. Walang nagawa si Mr. Conley kundi ang yakapin ito, wala naman siyang ibang magawa. Sa sakit pa lang niya sa baga, alam niyang doon pa lang ay mauutas na ang babaeng naging mundo nilang mag-asawa. Lugmok na lugmok silang mag-asawa. Ilang beses na nakita rin ni Nancy kung paano lumuhod ang ama at paulit-ulit na magmakaawa sa doctor.“Pasensya na M
DIRETSO ANG LAKAD at puno ng kumpiyansa si Bethany papasok sa loob ng kumpanya ng mga Dankworth kung saan naroon si Mr. Dankworth, iba pa ang kumpanya ng kanyang asawa at ang law firm na pinamamahalaan nito. Pinagtitinginan siya ng mga employee na malamang ay hindi siya kilala pero wala na siyang pakialam. Sama ng loob ang nagbibigay sa kanya ngayon ng lakas ng loob. Gusto niyang marinig mismo ang sagot sa mga tanong niya sa mismong ama ng kanyang asawa na ang sabi noon ay siya ang bahala kung kaya napapayag siya, sila ni Gavin. Ngunit parang lumalagpas na sila ng boundary.“Narito ako para kay Mr. Dankworth, pakisabi sa kanya si Bethany Guzman.” Tinaasan siya ng ilang segundo ng kilay ng babaeng nasa front desk at sinuyod mula ulo hanggang paa. Marahil ay nagtataka ito kung sino siyang bigla na lang sumulpot doon at gustong kausapin ang owner. Gusto na rin niya itong tarayan, pero ayaw niyang gumawa ng anumang eskandalo. Hindi ito ang pakay.“May appointment po ba—” “Hindi ko na iy
NAAALARMANG TUMAYO NA rin ang kanyang biyenang lalaki. Nag-aalala na sa ipinapakitang emosyon ng manugang. Hindi ito ganito noong nakilala nila. Malumanay ang boses nito. Puno ng lambing iyon.“Pinagbigyan niyo na sila. Bakit hindi niyo po ba sila matanggihan? Naiintindihan ko naman ang pagiging close niyo, pero sobra na. Ano pong tingin nila sa asawa ko? Puppet? Nakakagalit po, sobra!”Lumalim pa ang tingin ni Mr. Dankworth sa manugang. Tiyak niya na may hindi siya alam na pinagdadaanan nilang mag-asawa kung kaya hindi masabihan. “Isang-isa pa po at hindi ko na alam kung ano na ang magagawa ko sa kanilang pamilya!” Pagkasabi noon ay pamartsa ng lumabas ng opisina si Bethany. Walang pakialam kung naging bastos siya. Tuloy-tuloy siyang humakbang palabas ng silid. Hindi niya rin alam kung bakit doon siya pumunta para mag-alboroto. Ngayon lang niya naisip na mali. Dapat sa office siya ng kanyang asawa ngayon nagtungo.Nayayamot na kinagat niya ang kanyang hinliliit. Nasa harap na siya
SAKA PA LANG nahimasmasan si Bethany nang marinig ang boses ng asawa na ilang minuto ng nakatayo sa gilid niya. Hindi niya ito namalayan. Mataman siyang pinagmamasdan ni Gavin habang nakatulala sa kung saan. Tinawagan niya ito kanina upang kumustahin. Tumawag kasi ang kapatid at nangungulit na isasama ang asawa niya sa mall. Sinabi niyang masama ang pakiramdam nito subalit nalaman na lang niyang kasama na nila ito nang mag-send ng picture si Briel sa kanya. Hindi na niya nagawa pang pigilan itong sumama. Sasabihan na naman kasi siyang KJ ng kapatid at saka mukhang nag-enjoy naman ito.“Nakauwi ka na. Himala. Ang aga mo yata ngayon?” kusang lumabas iyon sa bibig ni Bethany.Napatayo na ang babae at yumakap sa kanya. Mahinang natawa si Gavin na mas mahigpit niyakap si Bethany na nakalambitin na ang dalawang braso sa kanyang leeg. Nagpapabigat ng kanyang katawan. Hindi niya pinansin ang sinabi nito na parang may ibang ipinapahiwatig na alam niyang iba ang dating.“Nakakapagod. Lakad kami
PAGKATAPOS NG ALAS-DIYES ng umaga ay after lunch na muli nang tawagan ni Bethany ang asawa upang ipaalala niya lang naman dito ang gagawin sa kanyang pagsundo ng hapon. Baka kasi makalimutan nito ang usapan nilang dalawa na sa bahay na lang ang magiging date. Ipinapaalala niya lang naman iyon kasi malay ba niyang makalimutan niya ito. Pagak siyang tinawanan ni Gavin na prenting nakaupo sa swivel chair at may pinagkakaabalahan sa harap ng kanyang computer. “Oo na, Mrs. Dankworth. Huwag kang mag-alala, hindi ko makakalimutan. Hindi mo pwedeng ipaalala sa akin kada oras ang tungkol doon. Sige ka, baka lalo kong makalimutan iyan.” patuloy nitong hagalpak.“Gavin, hindi ako nakikipagbiruan sa’yo!”“Oo na, Mrs. Dankworth. Ikaw naman, hindi ka mabiro. Aagahan ko. May tinatapos lang ako.”Si Bethany naman ang natawa dahil parang asong natakot ang tono ng asawa sa kanya. Oo nga, parang sirang plaka na siyang paulit-ulit. Worried lang naman siya. Ewan niya ba, iba ang feeling niya habang papal
PAGKASABI NOON AY namatay na ang tawag na lalong nagpagalaiti pa kay Bethany. Nandidilat na ang mga mata na umigting ang panga ng babae. Ilang beses niyang ibinuka at sara ang kanyang mga palad upang kalamayin ang kanyang sarili. Iba na nga ang kutob niya tapos papatayan pa siya ng tawag? Anong iisipin niya? Dama niya. Ramdam niya na maging sa pakikipag-usap nito sa kanya. Ibang-iba ang tono ng asawa. Mukhang mayroong itinatago. Huwag lang niyang malaman na nasa hospital nga siya ngayon!“Aba at talagang pinatayan niya ako? Pwes, magdusa siya! Hanapin niya ako kung nasaan man ako. Akala niya hihintayin ko pa siya dito? Bahala siya sa buhay niya kung ano ang gusto niyang gawin!”Hinablot niya ang bag at lumabas na ng building. Uuwi na siya. Ano naman kung magalit ang asawa na nauna na siyang umuwi? Ang tagal niya. Malabo pang kausap. Awayin man siya nito mamaya, papatol siya. Ang linaw ng usapan nila noong umaga. Tapos biglang may isisingit na kung anu-ano dito si Gavin?“Uuwi na po ka
UMILING LANG SI Gavin. Ang sabi niya i-aabot lang niya ang bulaklak at aalis na, pero ngayon nag-aalinlangan na siya kung iiwan ito gayong wala pala siyang kasama. Hintayin niya na lang kaya ang maid bago siya umalis? Kaso baka matagalan. Kailangan na niyang umalis para daanan ang asawa. Huminga siya nang malalim ng ilang sunod-sunod. Kailangan na niyang umalis bago pa mag-transform ang kanyang asawang nakakatunog ng may mali at tuluyan siyang malintikan gaya ng banta nito. Maghahabi pa siya ng palusot. Sa bandang huli ay alam niyang makakalusot pa siya, huwag lang aamin.“Ayaw niyang lumabas. Sa bahay lang kami. Papunta pa lang ako para sunduin siya sa trabaho.” Tumango si Nancy. Tanggap niya iyon at wala naman siyang planong pigilan ang dating nobyo. “Ano pang hinihintay mo? Umalis ka na. Baka naghihintay na iyon sa’yo. Huwag mo siyang galitin.” “Sige, aalis na ako.” ani Gavin na tumalikod na kay Nancy na hinabol lang naman siya ng tingin.Bago tuluyang lumabas ng pintuan ng sili
TAAS ANG NOONG lumabas ng silid na ‘yun si Bethany kahit pa may mangilan-ngilan pang nag-uusisa sa mga nangyari. Batid niyang hindi nila alam ang kanyang ginawa pero alam niya sa kanyang sarili kung ano ang tunay na nangyari. Wala siyang pakialam kung husgahan siya ng mga ito. Wala siyang pakialam kung ano rin ang hitsura niya. Kung mukha ba siyang desperadang babae na nais pumatay ng babaeng mang-aagaw ng asawa. Pinunasan niya ang kanyang mga luha gamit ang likod ng kanyang palad. Sa kabila ng mga nangyari, hindi niya na matandaan pa kung paano siya nakauwi ng bahay nang hindi napapahamak. Lutang siya. Parang naiwan ang kanyang kaluluwa sa hospital. Kung paano niya nagawang makapagmaneho ng maayos. Durog na durog siya. Sugatan ang puso niya. Manhid ang buong katawan niya. Bagamat patuloy ang bagsak ng kanyang mga luha, hindi na niya maramdaman pa ang pait at init noon sa kanyang mukha. Para siyang robot. Para siyang nasa panaginip at gustong-gusto niyang magising. Wala siyang pinagsi
NAMUMULA ANG MAGKABILANG tainga na lumabi na si Giovanni na agaran ang naging pag-iling ng kanyang ulo. Natatawa siya sa reaction ni Briel at the same time ay napuno ng gigil ang kalamnan. Walang pasubaling hinugot niya ang kanyang sarili at muli pa iyong ibinaon nang mas malalim sa lagusan nitong sobrang dulas at basang-basa na. “No, Baby, it’s not that big at wala akong anumang ginamit. Kung ano ito noong huli mong natikman, siya pa rin ito hanggang ngayon. Your pretty pussy were just tight and of course you’d missed me.” paanas niyang tugon binasa na ng dila kanyang labi. Halos tumirik ang mga mata ni Briel na napahawak na sa buhok ng Gobernador nang mas bilisan niya pa ang pagbagyo at sunod-sunod na ang paglabas at pasok sa kanyang bukana. Dama na ng Gobernador na mas nag-init pa doon si Briel sa dami ng tubig na inilalabas ng pagkababae niya kaya mas ganado siya. “Ang sarap mo pa rin talaga!” puno ng gigil na turan pa ni Giovanni na patuloy sa ginagawa sa ibabaw. Sa tindi nam
PUNO NG PAGSUYONG iniiling ni Giovanni ang kanyang ulo upang pabulaanan ang binibintang na ni Briel. Hindi naman talaga iyon ang naiisip niya habang nakatingin sa katawan nito kung kaya marapat na itanggi niya. Upang pigilan na kumalat pa ang lumatay na sakit at pagkapahiya sa mukha ni Briel ay mabilis na umahon ng kama si Giovanni para lapitan siya. Sa loob ng isang kisap-mata ay walang kahirap-hirap na nagawa ng Gobernador na ikulong sa kanyang mga bisig ang hubad na katawan ni Briel na mabilis na dumiklap. Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi na nagawa pang makapagbigay ng reaksyon ng babae na agad inangkin ni Giovanni ang labi matapos na hawakan nito ang kanyang baba upang mas magkaroon siya ng mas malawak na access. Nakapikit ang mga matang sinipsip na ng Gobernador ang labi ni Briel.“No, you never changed even a bit. You are still gorgeous, Briel like two years ago.” nanghihinang bulong pa ni Giovanni na mas ginaanan ang halik na ginagawa sa labi na sa sobrang gaan, pakiramdam n
HINDI NA MAPIGILAN ni Briel na manindig ang kanyang mga balahibo sa buong katawan lalo na sa may bandang kanyang batok nang maramdaman nito ang pagtama ng mainit na hininga doon ng Gobernador. Hindi niya maintindihan kung naiihi ba siya o natatae. Ngayon na lang siya ulit nakaramdam ng bagay na ito. Hindi pa nakatulong na nakayakap ito sa kanya kung kaya naman nararamdaman niya ang init ng katawan nito na malamang ay dala pa rin ng kanyang ininom na alak kanina. May kung anong pumipintig na sa may bandang puson ni Briel, at bilang batikan ay alam niyang init na rin iyon ng kanyang katawan na tumutugon sa binibigay ni Giovanni ngayon. Hindi na niya mapigilan ang pakiramdam na parang kinikiliti ang gitnang bahagi ng mga hita niya na mabilis niyang pinagdikit. Mariin na niyang naipikit ang kanyang mga mata. Pilit na humuhugot ng lakas upang labanan ang ginagawa ni Giovanni na alam niya saan sila hahantong kung hindi niya iyon mapipigilan nang maaga. Bago pa siya makaangal ay nahigit na n
HINDI NAGLAON AY nakatulog na si Brian na iginupo na ng antok. Papikit na rin sana noon ang mga mata ni Briel nang mag-vibrate ang cellphone niya. Si Giovanni iyon. Tinatanong kung tulog na raw ba siya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig na biglang nagising ang diwa sa message na natanggap niya dito.‘Ano naman kung gising pa ako? Gusto niya ba ng continuation doon sa ginagawa namin kanina?’Napakagat na ng labi niya si Briel nang maramdaman na may nag-iinit sa kanyang tiyan na para ba siyang kinikiliti. Ilang minuto niyang pinakatitigan ang message ng Gobernador na hindi na naman nadagdagan pa. Iniisip niya kung magre-reply ba siya o hindi na at hahayaan na lang niyang bukas ng umaga magkita? Kung pupuntahan niya ito, ano naman ang sasabihin niya? Hindi niya rin naman kailangan magpaliwanag.‘Baka naman gusto niya lang talagang mangumusta. At oo nga pala, iyong mga labahin niyang damit.’Nasapo na niya ang noo nang maalala ang hinubad nitong damit. Marahil ay nagtataka na rin
MARAHANG ITINANGO NI Gabe ang kanyang ulo na sumasang-ayon sa sinabi ng kanyang Lolo. Tiningnan ni Mr. Dankworth ang asawa sabay iling na halatang dismayado sa inasta nito kanina. Nakuha na niya kung bakit nagagalit si Briel sa ina. Gusto niya sana itong kausapin ng tungkol doon, pero ayaw niyang marinig ng apo at makadagdag pa sa emotional stress ng bata. Sinarili na lang niya muna ang mga sasabihin niya.“Kaya nga po Lolo nag-sorry na ako kay Tita Briel…”“Gabe, makinig kang mabuti sa mga sasabihin ng Lolo. Hindi lahat ng pagkakamali ay makukuha sa isang simpleng sorry lang natin lalo na kung involve ang emotions natin. Okay? Kagaya niyan. I am sure nag-sorry na rin ang Tita Briel mo habang umiiyak ka, di ba hindi mo pa rin siya pinakinggan kahit may sorry na siyang sinabi?”Hinintay ni Mr. Dankworth ang reaction ni Gabe na muli lang marahang itinango ang kanyang ulo.“Bakit kaya? Bakit kaya hindi mo siya pinakinggan? Kasi galit ka noon sa kanya at pinapairal mo ang baha ng emosyon
NAPAKURAP NA NG mga mata niya si Briel na hindi maitatangging naantig ang puso at nakuha na ni Gabe ang buong atensyon sa paghingi pa lang nito ng tawad. Hindi man niya sabihin ay bahagyang nabasa na ang bawat sulok ng mga mata niya. Ang makatanggap ng sorry sa isang batang paslit na nakagawa ng mali ay hindi naman big deal pero ang sincere noon at pure innocent sa pandinig niya. Ayaw niya na sanang pansinin pa ang pamangkin, pero hindi niya kaya na basta talikuran na lang ito. Mahalaga ito sa kanya. Mahal niya ito kagaya na lang ng pagmamahal niya sa kanyang kapatid. Biglang natunaw na ang inis niya sa paslit. Parang bulang naglaho at sumama iyon sa hangin. Seryoso pa rin ang kanyang mukha.“I want to sleep with you and Lolo Governor with Brian, tonight. Please let me do it, Tita Briel…”‘Tsk, nagmana talaga siya kay Kuya Gav! May gustong hilingin kaya kinakailangang mag-sorry.’Umikot si Briel upang harapin sila at sabihin ang laman ng damdamin niya. Hindi porket bata at mahal niya
SA HALIP NA tumigil at makinig ang mga bata ay mas lalo pang umiyak ang magpinsan na ang akala ay sila ang pinapagalitan ni Briel at pinagtataasan ng boses. Hindi na maikakaila ang pagkarindi ng babae sa mga nangyayari.“Oh my God naman! Bakit niyo ba ako pinapahirapan ng ganito? Gavina? Gabriano? Ayaw niyo talagang tumigil? Wala kaming ginagawang masama sa inyong dalawa ha? Kung makaiyak naman kayo para kayong minamaltrato!” Gulantang na tinitigan siya ni Giovanni na windang na windang na rin sa boses ng dalawang bata. “Briel—” “Ano? Wala ka bang maisip na gawin para patigilin sila o kunin ang isa sa kanila? Do something naman, Giovanni!”Napaawang na ang bibig ng Gobernador na pati siya ay biglang nadamay sa init ng ulo nito. Tinalikuran siya ni Briel na akmang patungo na ng pintuan ng silid nang biglang lumakas pa ang iyak ni Brian na nagwawala na sa ibabaw ng kama. Hindi siya pinansin ni Briel na sa mga sandaling iyon ay nais ng humingi ng tulong sa kanyang ina sa ibaba. “Momm
NATATARANTA NA BUMABA ng kama si Giovanni upang tulungan ang nakasalampak na si Briel na makatayo. Iginiya niya ito at maingat na pinaupo sa gilid ng kama habang hindi niya inaalis ang mga mata sa mukha ng dating nobya. Putlang-putla ang mukha ni Briel dala ng takot na baka mapahamak si Gabe. Hindi nakaligtas iyon sa mga mata ni Giovanni na ganun na rin ang nararamdaman. Nanatiling yakap pa rin ni Briel ang pamangkin na kapansin-pansin ang pananahimik na ginagawa. Salit-salitan ang naging mga tingin nito sa kanila ni Giovanni. Iyong tipong binabasa nito kung ano ang tumatakbo sa isipan ng kanyang Tita Briel at Lolo Governor. Bata pa siya pero magaling siyang makabasa ng emosyon ng mga taong nasa paligid niya. Nahuhulaan niya kung galit o takot.“Are you okay, G-Gabe?” masuyong haplos ni Giovanni sa ulo at mukha ng bata na pa-squat ng naupo sa harapan nila habang pigil ang hinga, iyong alak sa katawan niya ay tuluyan nang nilipad ng kaganapang iyon. “Sabihin mo kay Lolo, ayos ka lang b
PARANG ALIPIN NA sinunod iyon ni Giovanni na para bang nawala na ang epekto ng alak sa katawan niya. Bigla na siyang nahimasmasan. Parang may nagawang mali na nagmamadali na niyang kinumutan ang sarili na kagustuhan ni Briel na gawin niya. Mariing ipinikit niya ang mga mata upang idagdag iyon sa kanyang pagpapanggap. Lihim na rin siyang napamura sa kanyang isipan. Dapat hinayaan niya na mapaos ang apo at itinuloy lang nila ang ginagawa ni Briel. Nagpanggap na bingi at wala silang naririnig. Kung walang sasagot sa kanila at magbubukas ng pintuan, malamang ay titigil din si Gabe na paniguradong ang amang si Gavin nito ang salarin sa pananabotahe sa kanila ni Briel.Naroon na eh, nag-iinit na sila uli ng dating nobya!Tapos biglang mauudlot. Para namang hindi naranasan ni Gavin iyon. Bakit hinayaan nila ang anak na maglaboy sa mansion at mahanap ang silid? Intensyon niya talaga iyon. Hindi rin siya naniniwala na walang nagturo sa apo ng mga gagawin.Hinawakan niya ang maselang parte sa