NATUTOP NA NIYA ang bibig. Ilang segundo siyang hindi makapagsalita. Para siyang natuod na sa kanyang kinauupuan. Mula sa braso ni Gavin na may panibago na namang butas ng karayom ay lumipat ang kanyang mga mata sa mukha ng asawang payapang natutulog ng mga sandaling iyon. Mahinang napamura na si Bethany. Nagngalit na ang kanyang mga ngipin. Hindi niya na kayang manahimik na lang. Punong-puno na siya! Gusto niyang gisingin ito sa pamamagitan ng kanyang mga sampal dito. Gusto niya itong pagbuhatan ng kamay at hingan ng explanation, ngunit nang itaas na niya ang palad niya upang sampigahin ang kanyang asawa ay mabilis na niyang naitikom iyon at pumatak na ang luha.Kaya pala lagi itong naka-long sleeve na pantulog dahil ayaw nitong makita na nagbigay muli ng dugo. Ayaw nitong masilayan niya ang namamasang balat nito na direkta sa mga ugat niyang nasa braso niya.“Why, Gavin? Bakit mo ginagawa sa akin ‘to?” hinang-hina ang katawan niyang tanong niya sa asawa.Bahagyang lumakas pa ang iya
LINGID SA KAALAMAN ni Nancy na alam na ng mga nakapalibot sa kanya ang tunay na kalagayan niya. Hindi niya lang iyon napapansin dahil sanay naman siyang nakukuha niya ang lahat ng kanyang gusto. Hindi nagtagal ay ipinaalam na nila kay Nancy ang nag-aabang na kapalaran sa kanya. Gaya ng nauna, nagwala na naman ito pero hindi dahil gusto na nitong mamatay. Gusto niya pang mabuhay ng matagal. “Magpapakabuti na akong tao, Mommy, Daddy! Hindi na ako maninira ng buhay ng iba. Ipagamot niyo ako. Hanapan niyo ng lunas ang sakit ko. Ayoko pang lamunin ng lupa. Ayoko pang mawala. Ayoko pa!” Dinig na dinig ni Gavin ang eksaktong linya ni Nancy na ‘yun. Walang nagawa si Mr. Conley kundi ang yakapin ito, wala naman siyang ibang magawa. Sa sakit pa lang niya sa baga, alam niyang doon pa lang ay mauutas na ang babaeng naging mundo nilang mag-asawa. Lugmok na lugmok silang mag-asawa. Ilang beses na nakita rin ni Nancy kung paano lumuhod ang ama at paulit-ulit na magmakaawa sa doctor.“Pasensya na M
DIRETSO ANG LAKAD at puno ng kumpiyansa si Bethany papasok sa loob ng kumpanya ng mga Dankworth kung saan naroon si Mr. Dankworth, iba pa ang kumpanya ng kanyang asawa at ang law firm na pinamamahalaan nito. Pinagtitinginan siya ng mga employee na malamang ay hindi siya kilala pero wala na siyang pakialam. Sama ng loob ang nagbibigay sa kanya ngayon ng lakas ng loob. Gusto niyang marinig mismo ang sagot sa mga tanong niya sa mismong ama ng kanyang asawa na ang sabi noon ay siya ang bahala kung kaya napapayag siya, sila ni Gavin. Ngunit parang lumalagpas na sila ng boundary.“Narito ako para kay Mr. Dankworth, pakisabi sa kanya si Bethany Guzman.” Tinaasan siya ng ilang segundo ng kilay ng babaeng nasa front desk at sinuyod mula ulo hanggang paa. Marahil ay nagtataka ito kung sino siyang bigla na lang sumulpot doon at gustong kausapin ang owner. Gusto na rin niya itong tarayan, pero ayaw niyang gumawa ng anumang eskandalo. Hindi ito ang pakay.“May appointment po ba—” “Hindi ko na iy
NAAALARMANG TUMAYO NA rin ang kanyang biyenang lalaki. Nag-aalala na sa ipinapakitang emosyon ng manugang. Hindi ito ganito noong nakilala nila. Malumanay ang boses nito. Puno ng lambing iyon.“Pinagbigyan niyo na sila. Bakit hindi niyo po ba sila matanggihan? Naiintindihan ko naman ang pagiging close niyo, pero sobra na. Ano pong tingin nila sa asawa ko? Puppet? Nakakagalit po, sobra!”Lumalim pa ang tingin ni Mr. Dankworth sa manugang. Tiyak niya na may hindi siya alam na pinagdadaanan nilang mag-asawa kung kaya hindi masabihan. “Isang-isa pa po at hindi ko na alam kung ano na ang magagawa ko sa kanilang pamilya!” Pagkasabi noon ay pamartsa ng lumabas ng opisina si Bethany. Walang pakialam kung naging bastos siya. Tuloy-tuloy siyang humakbang palabas ng silid. Hindi niya rin alam kung bakit doon siya pumunta para mag-alboroto. Ngayon lang niya naisip na mali. Dapat sa office siya ng kanyang asawa ngayon nagtungo.Nayayamot na kinagat niya ang kanyang hinliliit. Nasa harap na siya
SAKA PA LANG nahimasmasan si Bethany nang marinig ang boses ng asawa na ilang minuto ng nakatayo sa gilid niya. Hindi niya ito namalayan. Mataman siyang pinagmamasdan ni Gavin habang nakatulala sa kung saan. Tinawagan niya ito kanina upang kumustahin. Tumawag kasi ang kapatid at nangungulit na isasama ang asawa niya sa mall. Sinabi niyang masama ang pakiramdam nito subalit nalaman na lang niyang kasama na nila ito nang mag-send ng picture si Briel sa kanya. Hindi na niya nagawa pang pigilan itong sumama. Sasabihan na naman kasi siyang KJ ng kapatid at saka mukhang nag-enjoy naman ito.“Nakauwi ka na. Himala. Ang aga mo yata ngayon?” kusang lumabas iyon sa bibig ni Bethany.Napatayo na ang babae at yumakap sa kanya. Mahinang natawa si Gavin na mas mahigpit niyakap si Bethany na nakalambitin na ang dalawang braso sa kanyang leeg. Nagpapabigat ng kanyang katawan. Hindi niya pinansin ang sinabi nito na parang may ibang ipinapahiwatig na alam niyang iba ang dating.“Nakakapagod. Lakad kami
PAGKATAPOS NG ALAS-DIYES ng umaga ay after lunch na muli nang tawagan ni Bethany ang asawa upang ipaalala niya lang naman dito ang gagawin sa kanyang pagsundo ng hapon. Baka kasi makalimutan nito ang usapan nilang dalawa na sa bahay na lang ang magiging date. Ipinapaalala niya lang naman iyon kasi malay ba niyang makalimutan niya ito. Pagak siyang tinawanan ni Gavin na prenting nakaupo sa swivel chair at may pinagkakaabalahan sa harap ng kanyang computer. “Oo na, Mrs. Dankworth. Huwag kang mag-alala, hindi ko makakalimutan. Hindi mo pwedeng ipaalala sa akin kada oras ang tungkol doon. Sige ka, baka lalo kong makalimutan iyan.” patuloy nitong hagalpak.“Gavin, hindi ako nakikipagbiruan sa’yo!”“Oo na, Mrs. Dankworth. Ikaw naman, hindi ka mabiro. Aagahan ko. May tinatapos lang ako.”Si Bethany naman ang natawa dahil parang asong natakot ang tono ng asawa sa kanya. Oo nga, parang sirang plaka na siyang paulit-ulit. Worried lang naman siya. Ewan niya ba, iba ang feeling niya habang papal
PAGKASABI NOON AY namatay na ang tawag na lalong nagpagalaiti pa kay Bethany. Nandidilat na ang mga mata na umigting ang panga ng babae. Ilang beses niyang ibinuka at sara ang kanyang mga palad upang kalamayin ang kanyang sarili. Iba na nga ang kutob niya tapos papatayan pa siya ng tawag? Anong iisipin niya? Dama niya. Ramdam niya na maging sa pakikipag-usap nito sa kanya. Ibang-iba ang tono ng asawa. Mukhang mayroong itinatago. Huwag lang niyang malaman na nasa hospital nga siya ngayon!“Aba at talagang pinatayan niya ako? Pwes, magdusa siya! Hanapin niya ako kung nasaan man ako. Akala niya hihintayin ko pa siya dito? Bahala siya sa buhay niya kung ano ang gusto niyang gawin!”Hinablot niya ang bag at lumabas na ng building. Uuwi na siya. Ano naman kung magalit ang asawa na nauna na siyang umuwi? Ang tagal niya. Malabo pang kausap. Awayin man siya nito mamaya, papatol siya. Ang linaw ng usapan nila noong umaga. Tapos biglang may isisingit na kung anu-ano dito si Gavin?“Uuwi na po ka
UMILING LANG SI Gavin. Ang sabi niya i-aabot lang niya ang bulaklak at aalis na, pero ngayon nag-aalinlangan na siya kung iiwan ito gayong wala pala siyang kasama. Hintayin niya na lang kaya ang maid bago siya umalis? Kaso baka matagalan. Kailangan na niyang umalis para daanan ang asawa. Huminga siya nang malalim ng ilang sunod-sunod. Kailangan na niyang umalis bago pa mag-transform ang kanyang asawang nakakatunog ng may mali at tuluyan siyang malintikan gaya ng banta nito. Maghahabi pa siya ng palusot. Sa bandang huli ay alam niyang makakalusot pa siya, huwag lang aamin.“Ayaw niyang lumabas. Sa bahay lang kami. Papunta pa lang ako para sunduin siya sa trabaho.” Tumango si Nancy. Tanggap niya iyon at wala naman siyang planong pigilan ang dating nobyo. “Ano pang hinihintay mo? Umalis ka na. Baka naghihintay na iyon sa’yo. Huwag mo siyang galitin.” “Sige, aalis na ako.” ani Gavin na tumalikod na kay Nancy na hinabol lang naman siya ng tingin.Bago tuluyang lumabas ng pintuan ng sili
WALANG LABIS, WALANG kulang na sinabi na ni Giovanni ang tunay na nangyari kay Gavin sa Ginang sa hindi exaggerated na paraan. Sinabi lang niya na minor lang ang nangyaring aksidente kung kaya hindi ito nakaakyat agad dahil kung idedetalye niya ang tunay nitong hitsura, hindi niya alam ang magaganap sa Ginang. Aniya ay kasalukuyang nasa emergency room ang anak upang gamutin ng mga doctor ang sugat. Hindi niya sinabi kung gaano ito kalala dahil wala rin naman siyang alam. Ganunpaman ang ginawa niya ay gaya ng inaasahan muntik na naman itong mahimatay sa sobrang pagkabigla. Hindi pa rin niya ito kinaya.“Mrs. Dankworth!”Sinalo ang katawan ng Ginang na halos sumayaw sa kaba ng isa sa mga tauhan ni Giovanni. Sanay na sanay na sila sa mga ganung eksena kaya hindi na bago at alam na nila ang gagawin. Trained sila sa ganun bago pa pumasang maging bodyguard. Nang mahimasmasan ang Ginang ay pinasamahan niya ito sa isa sa kanyang mga tauhan kung nasaan ang kanyang mag-aama. Karapatan niya iyon
NAPAANGAT NA ANG mga mata ni Briel nang marinig ang boses ng ama. Sa mga sandaling iyon ay nakatuon iyon sa sahig ng hospital na para bang doon niya hinahanap ang sagot sa mga tanong niya. Pilit niyang kinakalamay ang sarili dahil hindi pa rin siya kumakalma at makapaniwala sa nangyari sa kapatid. Naaksidente si Gavin na kilala niyang magaling magmaneho. Parang ang imposible noon. Magaling na driver ang kapatid niya at ni minsan hindi pa ito nasangkot sa aksidente. Iniisip niya kung may sabotahe bang nangyari para humantong doon ang lahat. Umahon siya sa kanyang pagkakasalampak sa sahig habang hawak ng nanginginig niyang kamay ang bote ng tubig na ibinigay ni Giovanni. Hindi niya iyon tinanggihan dahil feeling niya rin ay naubos na ang lahat ng tubig niya sa katawan. Hinayaan lang naman siya ni Giovanni na umatungal ng iyak. Wala itong ibang sinabi at ginawa kung hindi ang panoorin lang siya. Hindi siya nito sinaway dahil batid ng Governor na sobrang nasasaktan ang dalaga. Biglang bum
ILANG SGUNDO NA nanigas ang katawan ni Mr. Dankworth nang marinig ang masamang balita mula sa isa sa mga tauhan ni Giovanni patungkol sa aksidente umano ng anak niyang si Gavin. Makailang beses siyang muntik matumba dahil sa pangangatog ng tuhod, mabuti na lang at bahagyang nakasandal siya sa gilid ng pintuan kung kaya naman sinalo nito ang bigat ng katawan niya. Pilit na pinigilan ni Mr. Dankworth ang mga mata na mag-react sa nalaman dahil paniguradong mahahalata iyon ng kanyang asawa na panay ang paninitig sa kanila ng malagkit at puno ng pagtatanong kung ano ba ang kanilang pinag-uusapan. Hilaw ang ngiting nilingon niya ang asawa na nakatingin pa rin sa kanilang banda. Puno ng pagtataka kung bakit ganun na lang ang reaction niya na alam niyang napansin ng Ginang kahit medyo nasa malayo sila. Lumapit siya sa pintuan ng silid nang sabihin ng tauhan na may pinapasabi ang Governor sa kanya kung kaya naman may distansya rin silang mag-asawa. Hindi pa rin inalis ni Mrs. Dankworth ang kan
WALANG NAGAWA SI Giovanni kung hindi ang bitawan ang nangangatal na katawan ni Briel na hindi malaman ng Governor kung dahil sa takot o labis na pagkabigla sa kanyang binalita. Isa pa, puno ng gigil na kinagat nito ang kanyang isang braso na wala naman siyang pakialam sa sakit na tinamo kaya niyang tiisin iyon pero hindi ang buhos ng kanyang mga luha. Puno ng kalungkutan ang mga mata ni Giovanni na pinanood ang dalaga na tumakbo patungo sa pinangyarihan ng aksidente na alam niyang hindi na niya magagawa pang pigilan. Bagama’t umiiyak si Briel ay nakipagsisikan siya sa mga taong nakikiusyuso na tumambak at umabot na sa may entrance ng hospital. Ginulo na ng Gobernador ang kanyang buhok. Problemado na ditong sumunod dahil nabalot na siya ng pag-aalala sa katawan na hindi niya kilala. Kamakailan lang ay ayaw na ayaw niya sa dalaga sa pagiging straightforward nito. Umamin ba naman sa kanya na gusto siya matapos ng kasal ng kanyang pamangkin. Nanunuot sa nerves niya ang mga salita nito na
INIP NA INIP na iginala ni Briel ang kanyang mga mata sa paligid habang nakatayo sa may gilid ng entrance ng hospital. Hinihintay at inaabangan niya ang kapatid doon na dumating. Doon banda ang usapan nilang dalawa na magkikita nang makausap niya ito kanina paglapag ng private plane na sinakyan sa airport. Ilang beses na niyang tiningnan ang screen ng cellphone niyang hawak. Umaasa na may message man lang doon ang kapatid kung nasaan na siya, ngunit wala naman iyon kahit na isa. Hindi niya nga alam kung nakaalis na rin ba sila sa airport. Nasa isang oras na rin mula nang makalapag sila kanina. Naweywang na si Briel matapos na huminga ng malalim at sumimangot pa. Sinabi naman na niya sa kapatid kung anong floor naroon ang kwarto ng asawa nitong si Bethany para doon ito dumiretso pagdating, ngunit pinilit pa rin siya ng kanyang mga magulang na lumabas at hintayin niya doon si Gavin. “Ang tanda na niya, Mommy, alam na niya kung saan pupunta. Bakit kailaingan ko pa siyang sunduin? Kaya n
KASABAY NG PAGBAGSAK ng mga luha ni Gavin ay ang pagbitaw ng kanyang kamay sa handle ng kanyang dalang maleta. Tuluyang na-blangko na ang kanyang isipan. Nandilim na ang kanyang paningin na para bang ang kanyang narinig ay hindi boses ng sariling kapatid at guni-guni lang niya ang lahat ng narinig. Naghihina na ang kanyang mga tuhod na napaupo na. Hindi alintana ang lugar na kanyang kinaroroonan.“Lumabas na ang anak niyo kahit kulang pa siya sa buwan, Kuya Gav.”Naghiwalay pa ang kanyang labi sa sunod na sinabi ng kapatid. Hindi na alam kung ano ang dapat na reaksyon. Kotang-kota na siya sa mga pasabog na nalaman niya. Isang maling desisyon, sobrang laki ng naging impact noon. Kung hindi siya nagpilit na umalis ng bansa, wala sanang ganitong kapahamakan.“Bakit mo ba kasi siya iniwan? Inuna mo pa ang trabaho mo diyan! Alam mo namang buntis siya!”“Sagutin mo ang tanong ko, Briel. Kumusta ang asawa ko?!” halos mapatid na ang ugat niya sa leeg.Wala ng pakialam si Gavin kung pinagtitin
MULI LANG TUMANGO si Bethany at binigyan ng malungkot na ngiti ang biyenan. Pagod na siyang umiyak o madaling sabihin na wala na siyang lakas at luhang mailabas. Naubos na iyon kanina. Tinuyo na ang mga mata niya. Natanaw niya sa may pintuan ng silid ang biyenan niyang lalaki na matamang nakatingin lang sa kanyang banda. Hindi niya pa nakikita ang tiyuhin at si Briel ng mga sandaling iyon na alam niyang nasa labas lang ng kanyang silid. Lingid sa kaalaman niya na sinusubukan pa rin Briel tawagan ang asawa niya kahit na pagod na ito at ubos na ubos na ang pasensya sa sobrang frustration na kanyang nararamdaman.“Ang ganda at cute ng baby niyo ni Gavin, hija. Nakita namin siya kanina ng Daddy niyo at tiyuhin mo.” masuyo pang haplos ng Ginang sa kanyang isang pisngi at hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya. “Paniguradong palaban din at matapang ang batang iyon na nagmana sa inyong mag-asawa, kung kaya naman siguradong hindi magtatagal ay magiging maayos ang lagay niya. Sa ngayon ay m
MARAHANG TUMANGO ANG Gobernador sa tinurang iyon ng pamangkin. Masuyong pinunasan niya ang mga luhang patuloy na naglalandas sa mukha ng kanyang pamangkin. Hindi pa man sabihin ni Bethany ay alam na ni Giovanni na iyon ang magiging desisyon ng pamangkin para sa kanyang anak. Hindi na nito kailangang pag-isipan pang mabuti, ang kanyang pagkatao ay masyadong katulad ng ina nitong si Beverly na mayroong iisang desisyon sa buhay. Nasanay na palaging maging kalmado sa lahat ng oras ang Governor, ngunit bahagyang nanginginig ang kanyang boses sa sandaling iyon nang dahil sa mahirap na sitwasyon na kinakaharap ngayon ng kanyang pamangkin.“Igagalang ko ang desisyon mo, hija. Nasa labas lang ako. Hihintayin kong ilabas mo ang dagdag na miyembro ng ating pamilya.”Hinawakan niya ulit ang ulo ni Bethany na muli niya pang marahan na hinaplos. “Maging malakas ka, maging matatag ka. Matapang ka. Malalagpasan mo ang lahat ng ito na kagaya ng iyong ina.” Pagkatapos sabihin iyon ay umayos na si Gio
PUNO NG KAHULUGAN ang mga salita ng doctor na ang dating sa Governor ay para bang sinasabi nito na kung wala lang ang baby sa katawan ng pamangkin niya, hindi siya gaanong mahihirapan sa kanyang sitwasyon. Hindi niya maatim na isipin na kailangan nilang mamili sa dalawa. Wala sila sa tamang posisyon upang gawin ang bagay na iyon. Ilang minutong natulala si Giovanni sa sinabi ng doctor. Hindi niya namalayan na nakalapit na ang mag-asawang Dankworth sa kanya na may alanganin pang mga tingin na para bang naiilang sila kung kakausapin ba siya o hindi. Sinabi na rin iyon sa kanila ng doctor kanina at hindi sila makapag-decide. Ilang beses nilang pinag-iisipan ang gagawin, at ngayon na naroon na ang tiyuhin nito iniisip nila na siya na ang mag-decide. Kung ano ang magiging desisyon nito, iyon na lang din ang kanila dahil wala naman doon ang kanilang anak para siya ang magpasya ng lahat.“Governor Bianchi—”“Nasaan ang asawa ng pamangkin ko?” malamig ang tono ng boses nito. Alam ng mag-asaw