TAAS ANG NOONG lumabas ng silid na ‘yun si Bethany kahit pa may mangilan-ngilan pang nag-uusisa sa mga nangyari. Batid niyang hindi nila alam ang kanyang ginawa pero alam niya sa kanyang sarili kung ano ang tunay na nangyari. Wala siyang pakialam kung husgahan siya ng mga ito. Wala siyang pakialam kung ano rin ang hitsura niya. Kung mukha ba siyang desperadang babae na nais pumatay ng babaeng mang-aagaw ng asawa. Pinunasan niya ang kanyang mga luha gamit ang likod ng kanyang palad. Sa kabila ng mga nangyari, hindi niya na matandaan pa kung paano siya nakauwi ng bahay nang hindi napapahamak. Lutang siya. Parang naiwan ang kanyang kaluluwa sa hospital. Kung paano niya nagawang makapagmaneho ng maayos. Durog na durog siya. Sugatan ang puso niya. Manhid ang buong katawan niya. Bagamat patuloy ang bagsak ng kanyang mga luha, hindi na niya maramdaman pa ang pait at init noon sa kanyang mukha. Para siyang robot. Para siyang nasa panaginip at gustong-gusto niyang magising. Wala siyang pinagsi
AWTOMATIKONG BINITAWAN NI Bethany ang hawak niyang handle ng maleta. Patakbo na siyang tumungo sa pintuan. Para siyang nakalautang sa alapaap ng mga sandaling iyon. Hindi niya na alam kung kakayanin pa ba ng katawang lupa niya ang panibagong pagsubok. Agad niyang pinaharurot ang sasakyan niya. Kasabay ng kanyang mga luha ang pagbagsak ng buhos ng ulan. Parang pinagsakluban na ng langit at lupa si Bethany. Hindi niya na alam kung saan siya kakapit ng mga sandaling iyon. Wala pa man, mas lumakas ang atungal niya habang sa kalsada ang tingin. Kung hindi niya gagawin ang umiyak nang malakas para siyang mauupos na kandila. Kagaya kanina, doble-doble ang naging overspeeding niya rito.“Diyos ko, huwag ngayon. Huwag naman po ngayon…hindi ko kakayanin…”Biglang tumigil ang sasakyan. Ilang beses na binuhay ni Bethany ang makina noon ngunit namatay ulit. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan. Sinuong ang mas lumakas pang buhos ng ulan. Binuksan niya ang hood noon at malakas na siyang napaubo nang s
MAHIGPIT NA SIYANG niyakap ni Patrick na damang-dama ang sakit na nararamdaman ng babae. Wala siyang ibang masabi kung hindi ang tawagin ang pangalan nito. Awang-awa siya dito. Alam niyang ikakasal na ito kay Gavin, ngunit ang hindi niya maintindihan nasaan ang fiance nito habang nagdurusa ito ngayon?“Papa! Bakit mo ako iniwan? Ang lapit-lapit na ng kasal ko. Bakit hindi mo iyon hinintay? Bakit hindi mo hinintay para man lang sana mayroon tayong picture na magkasama habang nakangiti ka! Ang daya mo!”Bumaha ang maraming mga bagay na nais niyang gawin kasama ang ama. Ni hindi niya pa napagbibigyan ang hiling nitong mag-dinner sila sa bahay nila. Tapos ngayon, sa isang iglap biglang wala na ito? Biglang iniwan na siya. Marami pa siyang plano para sa kanila ng kanyang madrasta. Mahigpit niyang niyakap ang katawan nitong natatakpan ng puting kumot. Dama niya na malamig na ito, ngunit dahil sa basang damit hindi niya alam kung pati ba ang katawan niya ay nilamon na rin ng lamig. Sa mga un
TINALIKURAN NI GORIO ang kanyang mag-ina at d-nial niya na ang number ng kanyang kaibigan. Puno na naman ng pagngingitngit ang kanyang kalooban. Ilang beses niya ng nilinaw at sinabihan ang kaibigan na hindi pwede na palaging naroon ang kanyang anak. Sa hinuha niya, malamang ay tumawag na naman ito kay Gavin at ginamit na ang nalalabing mga araw ng kanyang anak. Batid kasi nitong hindi kayang tanggihan iyon ni Gavin. Ilang ring lang ang nangyari at mabilis namang sinagot iyon ni Mr. Conley na hindi pa rin mapalagay nang dahil sa lagay ng kanyang anak. Hinintay niya ang result ng ginagawa kay Nancy na kakasabi lang din halos ng doctor na muling stable na ang anak niya. Hindi niya na ginising pa ang kakaidlip lang na si Gavin dahil halatang pagod na pagod ito. Nakasubsob ang mukha nito sa dalawa niyang braso na nakapatong sa handle ng kanyang inuupuan. Kanina niya pa ito sinabihang umuwi na, ngunit ang sabi niya ay hihintayin niyang maging okay si Nancy bago siya umalis. Hindi na niya i
NAGKUKUMAHOG NA IBINIGAY ni Gavin ang cellphone ni Drino sa kanya bago nagmamadali ang lakad na tumalikod. Halos hindi na lumapat ang kanyang mga paa sa sahig ng hospital upang marating lang niya agad ang hospital na sinabi ng kanyang kapatid. Ang isipin pa lang iyon ay hindi na niya ma-imagine kung anong sakit ang pinagdaanan ng kanyang asawa. Iyong dito pa lang sa hospital na nangyari sa pagitan nila ni Nancy ay malamang sobrang stressful na, iyon pa kayang biglang pumanaw ang ama niya?“Anong nangyayari Gavin?” tanong ni Drino sa kanya na hindi niya namalayang sumunod pala sa kanya sa may elevator, ilang beses niyang pinindot ang button noon. “Hijo, may nangyari ba sa bahay niyo?” Umiling lang si Gavin. Hindi alam kung sasabihin niya pa ba dito o mananatiling tikom ang bibig niya. “Tito, gagamit ako ng hagdan. Saka na lang po tayo mag-usap.” Bago pa makasagot si Drino ay parang hangin na nawala na sa kanyang paningin si Gavin. Ilang segundo siyang nag-isip. Ikiniling ang ulo at
TINAWID NA NI Gavin ang kanilang distansya ng asawa. Wala siyang pakialam kung ano ang gawin nito sa kanya. Sapakin. Suntukin. Tadyakan. O butasin ang tagiliran niya gamit ang suot nitong heels. Tatanggapin niya ang lahat ng iyon nang walang reklamo kung isa iyon sa magpapagaan ng pakiramdam ng asawa. Basta sa mga sandaling iyon, gusto niyang hatian ito sa sakit ng pagkawala ng kanyang ama kahit na hindi siya sigurado kung kaya niya bang gawin iyon. Walang pag-aalinlangan niyang ikinulong ang katawan ng asawang nanlalamig at nanginginig. Hindi malaman ni Gavin kung dahil sa sobrang galit nito sa kanya o dahil sa sobrang sakit ng puso niya ng sandaling iyon. Humigpit pa ang kanyang yakap kay Bethany nang hindi ito gumalaw at ipinagtulakan siya. Sa sobrang higpit noon ay parang gusto niya na lang itong buhatin upang kunin ang lahat ng sakit. Marahan niyang hinagod ang likod ng ulo nito na lalo pang nagpangatal ng katawan ng asawa. Dinig na dinig niya ang mabilis at malakas na kalabog ng
ILANG SEGUNDONG NAG-HANG ang utak ni Bethany sa huling sinabi ng asawa. Hindi siya makapaniwala na sa kabila ng mga ginawa nito ay siya pa talaga ang makapal ang mukha na maghahamon? Huwag siyang mag-alala, talagang hihiwalayan na siya ng asawa! Hindi na muling magpapabulag at magpapalason si Bethany sa matatamis nitong mga salita na kulang naman sa gawa. Dumilim na ang paningin ng babae. Nagpanting na rin ang kanyang tainga. Akmang itutulak na niya ang katawan ng asawa palayo upang dumistansya nang biglang may kung sinong biglang humila sa katawan nito palayo sa kanya gamit ang collar nito sa likod. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi niya na nakita kung sino ang may gawa noon. Nakabitaw ito sa kanyang katawan na nagpalaki ng kanyang mga mata. Nakita na lang ng kanyang mga mata na biglang humandusay ang katawan ni Gavin sa maruming sahig ng hospital matapos na may sumuntok dito na tumama sa kanyang panga. Napakurap-kurap na doon si Bethany na para bang ang eksenang iyon ay sa
NAGPATULOY PA ANG palitan nila ng maanghang na mga salita kasabay ng mga suntok na tumatama sa kanilang mukha. Nanatili naman doong tulala si Bethany. Hinihiling na sana kung panaginip lang niya ang pangyayaring iyon, sana gisingin na lang siya dahil ang sakit na.“Kuya Gav, tama na! Ano ba?!”“Albert? Tama na!” si Patrick na nagpalinga-linga na upang maghanap ng guard at makisuyo.“Pare-parehas lang naman kayo! Ginawa niyo akong tanga at bobo! Nag-aagawan kayo sa iisang babae. Pero ako? Saan ang stands ko? Inisip niyo ba ako? May alam kayo pero ako, wala akong kaalam-alam!” pagwawala ni Briel na panandaliang nagpahiwalay sa kanilang dalawa. Nagbulungan ang mga nasa paligid. Nanginig na ang kalamnan ni Bethany nang marinig ang mga salitang iyon na namutawi sa bibig ng kanyang hipag. Oo nga pala, fiancee ito ng ex-boyfriend niya. Napahawak na siya sa kanyang noo. Panibagong problema na naman iyon. Dagdag sa iisipin niya. Humakbang na siya palapit dahil sa ginagawang pag-iyak ng malak
SA NARINIG NA dahilan ay bumaba na rin si Giovanni ng kama at hinagilap ang kanyang mga damit na hinubad. Mabilis niyang sinuot iyon. Nagtaka na doon si Briel. Ipinilig niya ang ulo nang maisip na bakit nagmamadali itong magbihis ng damit. Itinuon na lang niya ang pansin sa pamumulot ng mga damit na hinubad nito na kanyang planong labhan sana kanina na dalawang beses ng naudlot. Dadalhin niya muna iyon sa ibaba, siya na ang kusang magsasalang sa washing at babantayan na rin. Paniguradong tulog na ang mga maid at hindi na makatao kung gigisingin pa niya para utusan. Siya na lang ang gagawa noon. “Saan ka pupunta, Giovanni?” lingon na niya sa lalaki nang makita sa gilid ng mga mata ang pagsunod nitong ginagawa nang patungo na siya sa pintuan, “Nagugutom ka ba? Nauuhaw? Kukunan na lang kita ng tubig. Dito ka na lang. Dito mo na lang ako hintayin. O baka naman gusto mo ng kape? Titimplahan kita.”Umiling si Giovanni na hindi inaalis ang tingin kay Briel. Namumula na naman ang buong mukha
MALAPAD ANG NGISING iniiling ni Briel ang kanyang ulo na tila wala na rin sa tamang pag-iisip. Sa kabila ng lantarang warning ni Giovanni na malapit na siya ay hindi man lang siya kinabahan kahit na katiting. Lalo pa ngang na-excited doon si Briel na mas ginalingan ang paggiling sa ibabaw nito hanggang sa maramdaman niya sa kanyang loob ang mainit na katas nito na sinundan nang sabay at malakas nilang ungol na dalawa. Nanghihinang bumagsak ang katawan ni Briel na katawan ni Giovanni na agad namang niyakap ng Gobernador. Bumalatay ang masiglang ngiti sa kanyang labi na hindi makapaniwala na muling may nangyari sa kanilang dalawa ng dalaga. Ilang minuto ang lumipas at inalis niya si Briel sa kanyang ibabaw na halatang pagod at parang nanlalantang gulay ang katawan “Shower tayo, Baby…” bulong niya nang makita ang kalat ng kanyang katas na kumapit sa katawan. Umungol si Briel at umiling ngunit wala itong nagawa nang buhatin niya na ang katawan at walang imik na dalhin sa bathroom. Yakap
NAMUMULA ANG MAGKABILANG tainga na lumabi na si Giovanni na agaran ang naging pag-iling ng kanyang ulo. Natatawa siya sa reaction ni Briel at the same time ay napuno ng gigil ang kalamnan. Walang pasubaling hinugot niya ang kanyang sarili at muli pa iyong ibinaon nang mas malalim sa lagusan nitong sobrang dulas at basang-basa na. “No, Baby, it’s not that big at wala akong anumang ginamit. Kung ano ito noong huli mong natikman, siya pa rin ito hanggang ngayon. Your pretty pussy were just tight and of course you’d missed me.” paanas niyang tugon binasa na ng dila kanyang labi. Halos tumirik ang mga mata ni Briel na napahawak na sa buhok ng Gobernador nang mas bilisan niya pa ang pagbagyo at sunod-sunod na ang paglabas at pasok sa kanyang bukana. Dama na ng Gobernador na mas nag-init pa doon si Briel sa dami ng tubig na inilalabas ng pagkababae niya kaya mas ganado siya. “Ang sarap mo pa rin talaga!” puno ng gigil na turan pa ni Giovanni na patuloy sa ginagawa sa ibabaw. Sa tindi nam
PUNO NG PAGSUYONG iniiling ni Giovanni ang kanyang ulo upang pabulaanan ang binibintang na ni Briel. Hindi naman talaga iyon ang naiisip niya habang nakatingin sa katawan nito kung kaya marapat na itanggi niya. Upang pigilan na kumalat pa ang lumatay na sakit at pagkapahiya sa mukha ni Briel ay mabilis na umahon ng kama si Giovanni para lapitan siya. Sa loob ng isang kisap-mata ay walang kahirap-hirap na nagawa ng Gobernador na ikulong sa kanyang mga bisig ang hubad na katawan ni Briel na mabilis na dumiklap. Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi na nagawa pang makapagbigay ng reaksyon ng babae na agad inangkin ni Giovanni ang labi matapos na hawakan nito ang kanyang baba upang mas magkaroon siya ng mas malawak na access. Nakapikit ang mga matang sinipsip na ng Gobernador ang labi ni Briel.“No, you never changed even a bit. You are still gorgeous, Briel like two years ago.” nanghihinang bulong pa ni Giovanni na mas ginaanan ang halik na ginagawa sa labi na sa sobrang gaan, pakiramdam n
HINDI NA MAPIGILAN ni Briel na manindig ang kanyang mga balahibo sa buong katawan lalo na sa may bandang kanyang batok nang maramdaman nito ang pagtama ng mainit na hininga doon ng Gobernador. Hindi niya maintindihan kung naiihi ba siya o natatae. Ngayon na lang siya ulit nakaramdam ng bagay na ito. Hindi pa nakatulong na nakayakap ito sa kanya kung kaya naman nararamdaman niya ang init ng katawan nito na malamang ay dala pa rin ng kanyang ininom na alak kanina. May kung anong pumipintig na sa may bandang puson ni Briel, at bilang batikan ay alam niyang init na rin iyon ng kanyang katawan na tumutugon sa binibigay ni Giovanni ngayon. Hindi na niya mapigilan ang pakiramdam na parang kinikiliti ang gitnang bahagi ng mga hita niya na mabilis niyang pinagdikit. Mariin na niyang naipikit ang kanyang mga mata. Pilit na humuhugot ng lakas upang labanan ang ginagawa ni Giovanni na alam niya saan sila hahantong kung hindi niya iyon mapipigilan nang maaga. Bago pa siya makaangal ay nahigit na n
HINDI NAGLAON AY nakatulog na si Brian na iginupo na ng antok. Papikit na rin sana noon ang mga mata ni Briel nang mag-vibrate ang cellphone niya. Si Giovanni iyon. Tinatanong kung tulog na raw ba siya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig na biglang nagising ang diwa sa message na natanggap niya dito.‘Ano naman kung gising pa ako? Gusto niya ba ng continuation doon sa ginagawa namin kanina?’Napakagat na ng labi niya si Briel nang maramdaman na may nag-iinit sa kanyang tiyan na para ba siyang kinikiliti. Ilang minuto niyang pinakatitigan ang message ng Gobernador na hindi na naman nadagdagan pa. Iniisip niya kung magre-reply ba siya o hindi na at hahayaan na lang niyang bukas ng umaga magkita? Kung pupuntahan niya ito, ano naman ang sasabihin niya? Hindi niya rin naman kailangan magpaliwanag.‘Baka naman gusto niya lang talagang mangumusta. At oo nga pala, iyong mga labahin niyang damit.’Nasapo na niya ang noo nang maalala ang hinubad nitong damit. Marahil ay nagtataka na rin
MARAHANG ITINANGO NI Gabe ang kanyang ulo na sumasang-ayon sa sinabi ng kanyang Lolo. Tiningnan ni Mr. Dankworth ang asawa sabay iling na halatang dismayado sa inasta nito kanina. Nakuha na niya kung bakit nagagalit si Briel sa ina. Gusto niya sana itong kausapin ng tungkol doon, pero ayaw niyang marinig ng apo at makadagdag pa sa emotional stress ng bata. Sinarili na lang niya muna ang mga sasabihin niya.“Kaya nga po Lolo nag-sorry na ako kay Tita Briel…”“Gabe, makinig kang mabuti sa mga sasabihin ng Lolo. Hindi lahat ng pagkakamali ay makukuha sa isang simpleng sorry lang natin lalo na kung involve ang emotions natin. Okay? Kagaya niyan. I am sure nag-sorry na rin ang Tita Briel mo habang umiiyak ka, di ba hindi mo pa rin siya pinakinggan kahit may sorry na siyang sinabi?”Hinintay ni Mr. Dankworth ang reaction ni Gabe na muli lang marahang itinango ang kanyang ulo.“Bakit kaya? Bakit kaya hindi mo siya pinakinggan? Kasi galit ka noon sa kanya at pinapairal mo ang baha ng emosyon
NAPAKURAP NA NG mga mata niya si Briel na hindi maitatangging naantig ang puso at nakuha na ni Gabe ang buong atensyon sa paghingi pa lang nito ng tawad. Hindi man niya sabihin ay bahagyang nabasa na ang bawat sulok ng mga mata niya. Ang makatanggap ng sorry sa isang batang paslit na nakagawa ng mali ay hindi naman big deal pero ang sincere noon at pure innocent sa pandinig niya. Ayaw niya na sanang pansinin pa ang pamangkin, pero hindi niya kaya na basta talikuran na lang ito. Mahalaga ito sa kanya. Mahal niya ito kagaya na lang ng pagmamahal niya sa kanyang kapatid. Biglang natunaw na ang inis niya sa paslit. Parang bulang naglaho at sumama iyon sa hangin. Seryoso pa rin ang kanyang mukha.“I want to sleep with you and Lolo Governor with Brian, tonight. Please let me do it, Tita Briel…”‘Tsk, nagmana talaga siya kay Kuya Gav! May gustong hilingin kaya kinakailangang mag-sorry.’Umikot si Briel upang harapin sila at sabihin ang laman ng damdamin niya. Hindi porket bata at mahal niya
SA HALIP NA tumigil at makinig ang mga bata ay mas lalo pang umiyak ang magpinsan na ang akala ay sila ang pinapagalitan ni Briel at pinagtataasan ng boses. Hindi na maikakaila ang pagkarindi ng babae sa mga nangyayari.“Oh my God naman! Bakit niyo ba ako pinapahirapan ng ganito? Gavina? Gabriano? Ayaw niyo talagang tumigil? Wala kaming ginagawang masama sa inyong dalawa ha? Kung makaiyak naman kayo para kayong minamaltrato!” Gulantang na tinitigan siya ni Giovanni na windang na windang na rin sa boses ng dalawang bata. “Briel—” “Ano? Wala ka bang maisip na gawin para patigilin sila o kunin ang isa sa kanila? Do something naman, Giovanni!”Napaawang na ang bibig ng Gobernador na pati siya ay biglang nadamay sa init ng ulo nito. Tinalikuran siya ni Briel na akmang patungo na ng pintuan ng silid nang biglang lumakas pa ang iyak ni Brian na nagwawala na sa ibabaw ng kama. Hindi siya pinansin ni Briel na sa mga sandaling iyon ay nais ng humingi ng tulong sa kanyang ina sa ibaba. “Momm