MAHIGPIT NA SIYANG niyakap ni Patrick na damang-dama ang sakit na nararamdaman ng babae. Wala siyang ibang masabi kung hindi ang tawagin ang pangalan nito. Awang-awa siya dito. Alam niyang ikakasal na ito kay Gavin, ngunit ang hindi niya maintindihan nasaan ang fiance nito habang nagdurusa ito ngayon?“Papa! Bakit mo ako iniwan? Ang lapit-lapit na ng kasal ko. Bakit hindi mo iyon hinintay? Bakit hindi mo hinintay para man lang sana mayroon tayong picture na magkasama habang nakangiti ka! Ang daya mo!”Bumaha ang maraming mga bagay na nais niyang gawin kasama ang ama. Ni hindi niya pa napagbibigyan ang hiling nitong mag-dinner sila sa bahay nila. Tapos ngayon, sa isang iglap biglang wala na ito? Biglang iniwan na siya. Marami pa siyang plano para sa kanila ng kanyang madrasta. Mahigpit niyang niyakap ang katawan nitong natatakpan ng puting kumot. Dama niya na malamig na ito, ngunit dahil sa basang damit hindi niya alam kung pati ba ang katawan niya ay nilamon na rin ng lamig. Sa mga un
TINALIKURAN NI GORIO ang kanyang mag-ina at d-nial niya na ang number ng kanyang kaibigan. Puno na naman ng pagngingitngit ang kanyang kalooban. Ilang beses niya ng nilinaw at sinabihan ang kaibigan na hindi pwede na palaging naroon ang kanyang anak. Sa hinuha niya, malamang ay tumawag na naman ito kay Gavin at ginamit na ang nalalabing mga araw ng kanyang anak. Batid kasi nitong hindi kayang tanggihan iyon ni Gavin. Ilang ring lang ang nangyari at mabilis namang sinagot iyon ni Mr. Conley na hindi pa rin mapalagay nang dahil sa lagay ng kanyang anak. Hinintay niya ang result ng ginagawa kay Nancy na kakasabi lang din halos ng doctor na muling stable na ang anak niya. Hindi niya na ginising pa ang kakaidlip lang na si Gavin dahil halatang pagod na pagod ito. Nakasubsob ang mukha nito sa dalawa niyang braso na nakapatong sa handle ng kanyang inuupuan. Kanina niya pa ito sinabihang umuwi na, ngunit ang sabi niya ay hihintayin niyang maging okay si Nancy bago siya umalis. Hindi na niya i
NAGKUKUMAHOG NA IBINIGAY ni Gavin ang cellphone ni Drino sa kanya bago nagmamadali ang lakad na tumalikod. Halos hindi na lumapat ang kanyang mga paa sa sahig ng hospital upang marating lang niya agad ang hospital na sinabi ng kanyang kapatid. Ang isipin pa lang iyon ay hindi na niya ma-imagine kung anong sakit ang pinagdaanan ng kanyang asawa. Iyong dito pa lang sa hospital na nangyari sa pagitan nila ni Nancy ay malamang sobrang stressful na, iyon pa kayang biglang pumanaw ang ama niya?“Anong nangyayari Gavin?” tanong ni Drino sa kanya na hindi niya namalayang sumunod pala sa kanya sa may elevator, ilang beses niyang pinindot ang button noon. “Hijo, may nangyari ba sa bahay niyo?” Umiling lang si Gavin. Hindi alam kung sasabihin niya pa ba dito o mananatiling tikom ang bibig niya. “Tito, gagamit ako ng hagdan. Saka na lang po tayo mag-usap.” Bago pa makasagot si Drino ay parang hangin na nawala na sa kanyang paningin si Gavin. Ilang segundo siyang nag-isip. Ikiniling ang ulo at
TINAWID NA NI Gavin ang kanilang distansya ng asawa. Wala siyang pakialam kung ano ang gawin nito sa kanya. Sapakin. Suntukin. Tadyakan. O butasin ang tagiliran niya gamit ang suot nitong heels. Tatanggapin niya ang lahat ng iyon nang walang reklamo kung isa iyon sa magpapagaan ng pakiramdam ng asawa. Basta sa mga sandaling iyon, gusto niyang hatian ito sa sakit ng pagkawala ng kanyang ama kahit na hindi siya sigurado kung kaya niya bang gawin iyon. Walang pag-aalinlangan niyang ikinulong ang katawan ng asawang nanlalamig at nanginginig. Hindi malaman ni Gavin kung dahil sa sobrang galit nito sa kanya o dahil sa sobrang sakit ng puso niya ng sandaling iyon. Humigpit pa ang kanyang yakap kay Bethany nang hindi ito gumalaw at ipinagtulakan siya. Sa sobrang higpit noon ay parang gusto niya na lang itong buhatin upang kunin ang lahat ng sakit. Marahan niyang hinagod ang likod ng ulo nito na lalo pang nagpangatal ng katawan ng asawa. Dinig na dinig niya ang mabilis at malakas na kalabog ng
ILANG SEGUNDONG NAG-HANG ang utak ni Bethany sa huling sinabi ng asawa. Hindi siya makapaniwala na sa kabila ng mga ginawa nito ay siya pa talaga ang makapal ang mukha na maghahamon? Huwag siyang mag-alala, talagang hihiwalayan na siya ng asawa! Hindi na muling magpapabulag at magpapalason si Bethany sa matatamis nitong mga salita na kulang naman sa gawa. Dumilim na ang paningin ng babae. Nagpanting na rin ang kanyang tainga. Akmang itutulak na niya ang katawan ng asawa palayo upang dumistansya nang biglang may kung sinong biglang humila sa katawan nito palayo sa kanya gamit ang collar nito sa likod. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi niya na nakita kung sino ang may gawa noon. Nakabitaw ito sa kanyang katawan na nagpalaki ng kanyang mga mata. Nakita na lang ng kanyang mga mata na biglang humandusay ang katawan ni Gavin sa maruming sahig ng hospital matapos na may sumuntok dito na tumama sa kanyang panga. Napakurap-kurap na doon si Bethany na para bang ang eksenang iyon ay sa
NAGPATULOY PA ANG palitan nila ng maanghang na mga salita kasabay ng mga suntok na tumatama sa kanilang mukha. Nanatili naman doong tulala si Bethany. Hinihiling na sana kung panaginip lang niya ang pangyayaring iyon, sana gisingin na lang siya dahil ang sakit na.“Kuya Gav, tama na! Ano ba?!”“Albert? Tama na!” si Patrick na nagpalinga-linga na upang maghanap ng guard at makisuyo.“Pare-parehas lang naman kayo! Ginawa niyo akong tanga at bobo! Nag-aagawan kayo sa iisang babae. Pero ako? Saan ang stands ko? Inisip niyo ba ako? May alam kayo pero ako, wala akong kaalam-alam!” pagwawala ni Briel na panandaliang nagpahiwalay sa kanilang dalawa. Nagbulungan ang mga nasa paligid. Nanginig na ang kalamnan ni Bethany nang marinig ang mga salitang iyon na namutawi sa bibig ng kanyang hipag. Oo nga pala, fiancee ito ng ex-boyfriend niya. Napahawak na siya sa kanyang noo. Panibagong problema na naman iyon. Dagdag sa iisipin niya. Humakbang na siya palapit dahil sa ginagawang pag-iyak ng malak
ILANG MINUTO NA ang pamilya Dankworth at si Albert sa loob ng sasakyan ay wala pa ‘ring nagsasalita sa kanila upang sabihin kung ano ang tunay na nangyari. Salit-salitan silang tatlo na tiningnan ni Mr. Dankworth. Si Briel, si Gavin, at Albert. Si Mrs. Dankworth naman ay hindi mapakali sa inuupuan niya. Nag-aalala siya sa kanyang manugang ngayon. Baka kung napano na ito sa loob sa sobrang stress sa nangyari.“Walang magsasalita sa inyo? Pinapaghula niyo ako kung ano ang tunay na nangyari?” Kung galit na galit kanina si Briel, napalitan iyon ng pag-aalala sa kanyang hipag kagaya ng kanyang ina. Gusto niyang lumabas ng sasakyan at ito ang unahin kumpara sa gawang ginulo ng dalawang lalaki sa tabi niya. Ngunit hindi niya magawang sabihin dahil alam niyang magagalit ang kanyang ama sa pagsabat. Subalit hinid pwede na manahimik na lang siya doon at mawalan ng kibo. Mukha kasing ang asawa nitong kapatid niya ay hindi makakalusot sa ama nila kahit na magpaalam pa. Hindi siya papayagan ng am
TINITIGAN NI BETHANY ang mukha ng biyenang babae na alalang-alala na sa kanya. Makaraan ang ilang sandali ay napaiwas na siya. Nahihiya siya dahil batid niyang siya ang may kasalanan ng gulong sumiklab kanina sa pagitan nina Gavin at Albert. Siya ang pinag-aawayan ng dalawa. Malamang alam na nila iyon. Alam na nila ang itinatago niyang nakaraan sa fiance ng bunso nilang anak. Hindi niya iyon itatanggi.“Mrs. Dankworth, h-humihingi po ako ng p-pasensya sa nangyari kanina…”Hindi siya pinakinggan ng Ginang na parang hindi narinig ang kanyang mga sinabi. “Mahiga ka pa hija, kailangan mo pang magpahinga.” sa halip ay sambit ng Ginang.Hindi iyon pinakinggan ni Bethany na mas lalo pang nahiya. Pakiramdam niya ay hindi siya makakahinga ng maayos kung mananatili pa siya sa lugar na iyon gayong sobrang guilty niya sa mga nangyari kanina.“Ayos na po ako. K-Kailangan ko pong puntahan si Tita Victoria…” pagaw ang boses na wika niya. Pinorma niya na ang paa na bababa na ng kama ng naramdaman n
ANG BUONG AKALA ni Briel ay liliko na ito pero nakasunod pa rin talaga ang kotse sa taxi na kanyang sinasakyan. Pikon na napahilamos na siya ng mukha. Sa loob niya mabuti pang sumabay na lang siya sa kanya keysa naman nagmumukha itong stalker niya sa mga sandaling iyon. Pati ang driver ng taxi ay makahulugan na siyang tiningnan at nagtatanong.“Hay naku, ang kulit. Hindi niya naman ako kailangang ihatid. Sabing huwag na eh! Tigas talaga ng bungo niya!” “Stalker mo, Miss?” Hindi pinansin ni Briel ang taxi driver na patuloy siyang inuusisa kung sino ang nakasunod sa kanila hanggang sa mansion. Nagkunwari na lang siyang hindi niya iyon narinig. Hindi naman sila close para magkuwento siya ng mga nangyari. Ipinakita ni Briel ang busangot ng mukha niya pagbaba niya ng taxi pagdating ng kanilang mansion at malingunan na malakas pa talaga ang loob na bumaba ng kotse niya si Giovanni. Nag-iwas naman ito ng tingin nang humakbang na siya patungo ng gate nila matapos na paulanan siya ng nanlili
HUSTONG PAGPASOK NI Briel sa immigration ay siya namang tayo ni Giovanni upang pumasok na sa eroplano. Muntik ng ma-late si Briel sa flight nang dahil sa kaibigan niyang napakaraming tanong na kinailangan niya pang sagutin kahit na pasakay na siya sa loob ng sasakyang gagamitin niya papuntang airport. Deretso na sa pila agad ang babae papasok ng eroplano. Sa lalim ng kanyang iniisip ay hindi na niya namalayan pa na ilang pasahero lang ang pagitan nilang dalawa ni Giovanni na hindi sinasadyang nagkasabay ang pag-uwi nila ng bansa. Paupo na sana si Briel nang mapansin niya sa gilid na bahagi ng kanyang mga mata ang bulto na ang pares ng mga mata ay matamang nakatingin sa kanya. Damang-dama niya ang init noon. Nang lingunin niya naman ito ay saktong dumaan ang ibang pasahero kaya natakpan nila ang bulto ni Giovanni na tulala na naman at hindi makapaniwalang nakikita niya si Briel sa harap. Ganunpaman pa man ay ipinagkibit na lang iyon ni Giovanni ng balikat at naupo na sa designated niya
TUMAGAL PA ANG tingin ni Giovanni sa mukha ni Briel na para bang hinahanap niya kung totoo ba ang sinasabi nito. Ganundin ang babae na ilang sandali lang na ginawa iyon at nag-iwas na ng kanyang tingin. Sinundan ni Giovanni ng tingin ang galaw nito na kumuha na ng tisyu upang ilagay lang iyon sa kanyang isang kamay. Umawang ang bibig ni Giovanni upang magbigay ng kanyang reaction, ngunit hindi niya nagawang pakawalan kung ano iyon. Nagawa na lang makatayo ni Briel mula sa kanyang inuupuan at walang lingon sa likod na siyang iniwan ay nanatili pa rin si Giovanni na tahimik na nakatitig sa mukha ng babae na animo ay tulala. Sinundan nito ang likod noon na tuloy-tuloy ang hakbang papalayo sa kanyang table. Dumating ang order ni Briel na salad para sa kanya na hindi ni Giovanni pinag-ukulan ng pansin. Hanggang sa makalabas ay pinanood niya lang itong sumakay ng taxi at hindi niya man lang hinabol gaya ng unang pumasok sa kanyang isipan. Ewan ba niya kung bakit hindi niya magawang pakilosi
NAMUMUO NA ANG mga luhang napaangat na ang paningin ni Giovanni kay Briel na hindi na inaalis ang paningin sa kanya na gaya ng ginagawa nito kaninang panay ang iwas ng kanyang mga mata. Pigil na ng lalaki ang hinga dahil pakiramdam niya ay hindi na niya makakayanan na hindi pumatak ang mga luha sa harap ng babaeng mahal niya. Sa kabila ng pasakit na nagawa niya na alam niyang nasaktan niya ng labis si Briel, heto at pilit pa rin siya nitong iniintindi kahit na alam niyang sa part nito ay ang sakit na ng mga nagawa niya. Lumambot na ang mukha nito kumpara kanina na nagmamatigas na ayaw makipag-usap sa kanya at hindi niya alam kung anong gayuma ang nagawa na naman niya o marahil ay sobrang mahal pa rin siya ng isang Gabriella Dankworth kung kaya puno na naman ito ng pag-intindi..“Walang may kontrol, Giovanni, naiintindihan mo?” mas malumanay din ang boses ng mga sandaling iyon ni Briel na sa pakiramdam ni Giovanni ay mas lalo siyang nilalamon ng konsensya dahil puro pasakit ang naging
TUTAL AY NAROON na rin naman na si Briel sa sitwasyong iyon ay pinagbigyan na lang niya ang lalaking gawin ang gusto nitong pakikipag-usap umano kahit pa malaki ang duda niya sa kanya. Papakinggan na lang niya ang kung anong gusto nitong sabihin saka siya magre-react. Memoryado na niya ang kanyang isasagot kay Giovanni. Kahit anong gawin nitong luhod, hindi na siya muli pang magpapaalipin sa pag-ibig niya dito. Ilang beses na siya nitong binigo. Muli ba niyang hahay saktan at gamitin lang siya nito? Syempre hindi.“Fine, pero ayoko sa loob ng isang silid na tayong dalawa lang ang naroroon. Ayokong ihahain mo sa akin ang katawan mo na alam mong hindi ko magagawang tanggihan dahil marupok ako pagdating sa'yo. Hindi mo iyon pwedeng gawin sa akin, naiintindihan mo? Doon tayo sa isa sa public places or cafe.” Nahagip ng gilid ng mga mata ni Briel ang ginawang pag-angat ng gilid na labi ni Giovanni na halatang nahulaan niya agad ang pina-plano. Ibahin na siya ng lalaki ngayon. Hindi na siy
HINDI RIN NAGING lihim sa kaalaman ng mga tauhan ni Giovanni ang mga pangyayari sa pagitan nila ni Briel na tila bukas na libro iyon sa kanilang harapan, kung kaya naman hindi na niya sinaway pa ang tauhan sa ginagawa nitong pangingialam sa desisyon niya kahit na medyo napipikon siya. Kung tutuusin ay mayroon naman talaga itong malaking punto. Papayag ba siyang ganun na lang ang mangyari sa kanila ng babae? Matagal-tagal ng panahon na hindi sila nagkikita ni Briel. Ibig niyang sabihin ay siya lang ang nakatanaw sa malayo. Iba pa rin iyong nakakapag-usap sila. Anim na buwan na sa kanyang pakiramdam ay taon na ang lumipas at matuling dumaan. Laking pasalamat niya nga na nagawa niyang makaya iyon. Alam man niya kung nasaan ito, ganunpaman ay hindi naman nila nakuhang mag-usap sa nagdaang kalahating taong iyon kahit na madalas niyang pagmasdan ito sa malayuan. Lalo pa ngayon na binigyan siya ng mas malaking dahilan upang maghabol at tuluyang makipag-ayos dito. Kailangan niyang muling maku
MULI PANG UMATRAS ng ilang hakbang si Briel. Ngayon pa lang ay sobrang nasasaktan na siya. Sa halip na matuwa at magdiwang ang loob niya sa kanyang nalaman ay hindi niya mapigilan na makaramdam ng pagdaramdam. Dapat masaya siya dahil nalaman niyang ito pala ang naka-una sa kanya at hindi iba gaya ng iniisip niya, ngunit naging iba ang takbo ng isip niya sa mga nangyari nitong nakaraang buwan. Bagama’t nagawa ni Giovanni na maamin na siya ang babae sa buhay nito na alam na ng maraming tao. Hindi pa rin si Briel natutuwa. Nakukulangan siya sa effort at nananatiling masama pa rin ang loob niya kay Giovanni Bianchi. Hindi nabawasan iyon ng katotohanang nalaman niya.“Ito rin ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako magawang pakasalan? Dahil sa babaeng virgin na naka-one night stand mo habang nag-attend ka ng masked party na ito?” puno ng hinanakit ang boses ni Briel na pilit na pinipigil na pumiyok ang boses at pumatak ang mga luha, alam niyang siya naman din iyon pero hindi niya mapigilan
GULONG-GULO ANG ISIPAN ni Briel nang sabihin iyon ni Giovanni na mahigpit na mahigpit na nakayakap pa rin sa kanya. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng litanyang binitawan nito. Siya? Hinanap nito? Bakit? Ibig ba nitong sabihin ay noong nawala siya sa bansa? Hinanap niya silang dalawa ni Brian? Imposible naman na hindi nito sila makita ni Brian sa loob ng anim na buwan. Hindi niya talaga maintindihan kung ano ang ibig nitong ipahiwatig. Saka, alam naman ng kanyang hipag na si Bethany kung nasaan silang mag-ina. Ginawan ba ng kanyang pamilya na huwag siyang mahanap ng dating Gobernador? Ang dami niyang mga katanungan ngunit ni isa ay hindi niya ito mabigkas upang mabigyan ni Giovanni ng tamang kasagutan. Parang naumid na ang kanyang dila sa loob ng kanyang bibig ng oras na ito.“Ikaw pala iyon, ikaw pala…” patuloy ni Giovanni na hindi na napigigilan na bumagsak na ang mga luha sa labis na saya. Gustong mag-umalpas ni Briel. Nais niyang itulak papalayo ang katawan nito
KULANG NA LANG ay sagasaan at banggain ni Giovanni ang mga naroon upang makarating lang sa banda na sinabi ng mga tauhan niyang kausap. Hindi na siya makakapayag pa na muling mawala sa paningin niya ang babae at malaman kung sino ang babaeng nasa likod ng maskarang iyon. Samantala, kabado na pinili ni Briel na lumabas na lang ng area dahil kanina pa niya napapansin ang bulto ng isang lalaking titig na titig sa kanya na para bang may plano itong makipagkilala. Napansin niya ang mabagal nitong paglapit kanina sa kanya at maging ang matagal nitong pagtitig. Mabuti na lang at nakakuha siya ng pagkakataong makatakas dito nang yumuko ito saglit. Maiintindihan niya pa ito kung pamilyar ang suot na maskara, pero hindi naman. Hindi siya nagtungo sa party upang maghanap ng ibang lalaki na aangkin sa kanya, nagtungo siya doon upang mag-enjoy sa alak. Inalis na niya sa kanyang isipan ang makakilala ng lalaki ng maisip ang anak niyang si Brian. Marapat lang na magbagong buhay na siya. Saka, may Gi