NAGING SUCCESSFUL ANG operation ni Benjo Guzman sa tulong ng mga expert na pinagkagastusan ni Gavin. Nang ilabas siya ng operating room ay ganun na lang ang iyak ni Victoria na animo ay nabunutan siya ng malaking tinik sa kanyang dibdib. Ang buong akala kasi nito ay hindi na makaka-survive ang asawa. Ganundin si Bethany na ganun na lang ang mahigpit na yakap sa kanyang ama habang malakas na umiiyak. Wala pang malay ang ama ngunit sinabi sa kanila ng doctor na hindi magtatagal at magigising na rin ito. Hindi niya alintana ang mga doctor at nurses na naroon. Sobrang saya lang talaga niya ng oras na iyon. At ang lahat ng iyon ay utang niya sa abogado, dahil kung wala ito paniguradong natodas na ang ama niya. Matapos ang isang gabi ay nagising na rin si Benjo na parang walang nangyari. Ang sabi ng doctor, kapag wala ng anumang naging kumplikasyon pa ay maaari siyang makalabas na din doon kaagad.âSana sa bagong taon ay nakalabas na tayo, pasalamat ka sa future son-in-law mo, Benjo. Utang
HINDI NA MULING nagsalita pa si Albert. Sapat na ang mga salita ni Benjo para mas maramdaman niya ang sakit ng katotohanan na wala na talaga silang pag-asa pa ng anak nitong si Bethany. Humihikbi pa rin ang labing mabilis na siyang tumayo. Tama na. Ayaw na niyang mas ipahiya pa ang sarili. Ni hindi rin siya nilapitan ni Bethany kahit na muntik ng matumba ang katawan niya. Susubukan niya ulit sa susunod. Hindi siya doon magsasawa at susuko hanggang sa muling makuha ang tiwala nilang buong pamilya. Hindi... âAalis na po ako, Tito Benjo. Sana po ay maging mabilis na ang paggaling niyo.â Sinundan lang siya ng tingin ng tatlo na patungo na ng pintuan. Bago niya pa mahawakan ang doorknob ng pinto ay bumukas na iyon at iniluwa si Gavin. Umigting na agad ang panga ng abogado ng makitang naroon ang lalaki sa silid ng future niyang biyenan. Mabilis ng napahakbang si Bethany palapit sa kanilang banda at hinawakan na sa braso si Gavin ng makita ang reaction nito. Nasa mukha na kasi nito na para
LUMAPAD PA ANG ngisi ni Gavin nang makita ang naging reaction ng fiancee. Hindi maikukubli na hiyang-hiya ito pero nakikita niya rin naman sa mga mata nito ang labis na pananabik sa katawan niya. Kilala niya ang dalaga. Kung talagang ayaw nitong gawin nila ang bagay na iyon doon, pihadong gagawa ito ng paraan kahit na ano basta makalabas lang sila ng banyo. At hindi iyon ang nakikita niya sa mukha nito.âSssh, hinaan mo ang boses mo Thanie, marinig nila tayo sa labas. Sige ka, baka bigla tayong katukin ni Tita Victoria.â si Gavin na nilagay pa ang isang daliri sa bibig niya, nagpa-sexy pa iyon sa anyo ng binata.âBaliw ka ba? Anong ginagawa mo nga dito? Bakit ka sumunod sa akin? Hindi mo ba naisip na ang sikip?â gigil na saad niya kahit na alam na ni Bethany kung ano ang pakay sa kanya ng nobyo, âGavin naman, sobrang nakakahiyaâŠano ba?â napahilamos pa ng sariling mukha si Bethany dala ng labis niyang kaba.âMabilis lang naman tayoâŠsige na, pagbigyan mo na akoâŠhindi ko na kayang pigili
ILANG SANDALI PA ay lumabas na rin doon si Bethany na parang walang nangyari. Pigil ang hinga at kagat ang labing agad na sinulyapan niya ang mga magulang na ganun pa rin naman ang pwesto kung ano sa kanilang iniwan kanina ni Gavin. Maingat na dinampot niya ang bag sa sofa at halos patingkayad na lumabas na ng silid upang hindi makagawa ng anumang ingay. Naabutan niya si Gavin sa labas ng pintuan ng kwarto, nakatayo at matamang naghihintay. Nang makita siya ay agad siya nitong mahigpit na niyakap na parang noon lang sila muling nagkitang dalawa. Puno ng panunukso ang mga mata ng binata habang may kakaibang ngisi sa kanyang labi kung kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Bethany na biglang naalala ang kabulastugan na ginawa nilang dalawa sa loob ng banyo na tanging sila lang ang nakakaalam.âHuwag mo nga akong tingnan ng ganyan, ikaw ang may idea noon. Napilitan lang akong sabayan ka!â defensive na sambit ng dalaga na mas lalo pang nakaramdam ng sobrang hiya kahit walang nakakaalam.âW
NAMUO NA ANG mga luha ni Bethany sa mata. Hindi niya na maintindihan ang sarili na parang biglang naging isip-bata at isa pa ay naging iyakin. Pinalo niya ang kamay ng abogado na pilit siyang pinapaharap sa kanya upang makita ang kanyang hitsura. Naiinis na naiiyak na nga siya tapos parang inaasar pa siya nito! Sobrang nagtatampo, sana hindi na lang nito sinabi iyon sa kanya dahil medyo umaasa siya. Kaya lang base sa sitwasyon ng ama, imposible talaga na papayagan siya.âHuwag na, baka magalit pa iyon si Papa. Sabihin napaka-insensitive natin. Tinaon natin nakaratay siya at may sakit. Sa sunod na lang siguro kapag may pagkakataon pa.â tugon ng dalagang hinarap na ang fruit tea niya habang nahihikbi at doon binunton ang inis, hindi niya na tinigilan pa itong sipsipin. âSubukan pa rin natin, Thanie. Malay mo naman payagan ka kasi ako naman ang kasama mo at hindi naman ibang tao. Saka, unang beses lang naman itong malalayo ka.â âHuwag na nga, Gavin. Ang kulit mo naman. Magagalit lang i
MAKAILANG BESES NA bumuntong-hiningang muli si Gavin upang ilabas ang bigat ng katawan niya sa gagawing pag-alis. Nahahati na ang isipan niya kung aalis pa ba siya o hindi na at palalagpasin na lang ang kaso. Kaya lang, kasiraan naman iyon sa pangalan.âHuwag mo na akong pahirapan, Thanie, two weeks lang naman iyon eh. Ayusin mo na ang mukha mo. Huwag ko na bang ituloy? Sabihin mo.â mahigpit na yakap na sa kanya ni Gavin. Ilang beses na pabirong pinalo ni Berhany ang likod ni Gavin. Kung sasabihin niya iyon paniguradong gagawin nga nito, kaso bilang propesyonal sa trabaho hahayaan na lang niya ito. Inilagay na lang niya ang sitwasyon nito sa kanya kaya naiintindihan niya na ito. âBitaw na at umalis ka na. Pasalubungan mo na lang ako ng kahit anong delicacies doon.âTinanggal ni Gavin ang yakap sa nobya at ilang beses na tumango-tango ang ulo nito.âI love you, ThanieâŠââI love you too, Gavin, mag-iingat kaââSiniil na ng halik ni Gavin ang labi ng nobya. Iyong tipong parang ayaw na
WALANG NAGAWA DOON si Gavin kundi ang sundin at pagbigyan na lang ang negosyante nang matapos na sila at makauwi na siya. Sa huli, hinayaan niyang ihatid siya ng anak nitong si Steve na may paggiya pang nalalaman.âSakay na, Attorney DankworthâŠâ Kapansin-pansin din ang pagkadisgusto ni Steve kay Gavin, ngunit wala naman siyang ibang magagawa kung hindi ang sundin ang bilin ng kanyang ama. Wala namang masama sa abogado, ngunit naiirita talaga siya sa hitsura nito. Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ni Gavin. Basang-basa niya kasi ang laman ng isip ng binatilyong kaharap. Bago sumakay ng sasakyan ay nilingon ng abogado si Mr. Altamirano upang may sabihin siyang mas ikainis ni Steve.âMasyado pang bata si Steve, Mr. Altamirano at kailangan niya ng pangmalakasang experience sa buhay na babaunin niya hanggang sa kanyang pagtanda. Halimbawa, kung hindi mo siya bibigyan ng sobrang pera malalaman niya ang halaga noon oras na mahirapan siya. Malalaman niya na ang lahat ng bagay ay hindi
NAGPATULOY PA SA kulitan ang magkasintahan. Idinadaan na lang nila sa harutan ang pagka-miss na kanilang nararamdaman, hanggang sa unti-unting lumambot na si Bethany at nawala ang pagiging moody. Hindi niya namalayan na nakatulog na ang dalaga. Napahilamos na lang si Gavin ng mukha nang makita ang tulog na kasintahan sa kabilang linya na bahagya pang nakaawang ang mapula nitong labi na parang inaanyayahan pa siyang halikan iyon. âIkaw talaga Thanie, antok ka na pala hindi mo man lang sinabi sa akin.â aniyang binasa pa ng laway ang tuyong labi sabay lunok ng laway, dahil sa distansya nila sa bawat isa na milya-milya ay iyon lang din ang kaya niyang gawin.Tinitigan niyang mabuti ang mukha ni Bethany. Punong-puno iyon ng pagmamahal. Hindi na niya mahintay na makauwi at maikulong ang babaeng nasa kabila ng screen ng cellphone sa kanyang mga bisig at paulanan itong matamis na mga halik. Sobrang miss na miss na niya ang nobya kung kaya naman susulitin niya iyon bukas oars-mismo pagdating
ILANG SEGUNDO PA ang pinalipas ni Bethany bago muling bumalik sa loob ng kanilang bahay. Hindi mawala sa kanyang labi ang ngiting inilibot ang mga mata sa buong paligid na parang ang gaan ng lahat sa buhay niya ngayon. Walang pabigat. Walang masakit na iniisip. Muli niyang sinulyapan ang dalawang singsing sa kanyang daliri. Hinipo na niya iyon dahil iniisip niya na baga panaginip lang ang nangyari kanina. Itinaas niya pa ang palad na agad kuminang ang diamond sa tama ng liwanag ng ilaw sa bulwagan ng kanilang bahay. Napakurap-kurap na siyang muli. âTagal maghatid ah? Saan mo inihatid? Sa kanila ba? Akala ko ay sa kotse mo lang ihahatid?â sunod-sunod na bungad ni Benjo sa anak habang may nanunuksong tinig at mga mata na tila may iba pa doong mga ipinapahiwatig. Napanguso na doon ang dalaga. Mahina ng natawa sa pang-iinis ng ama niya. âKakaalis lang ba ni Gavin, Thanie?âTumango lang si Bethany at dumiretso na sa kusina kung nasaan naman si Victoria. Nag-aasikaso ang madrasta ng mga lu
HINDI MAGAWANG MAKAPAGSALITA ni Gavin lalo na nang makita ang mukha ni Bethany na may halo-halong emosyon. Hindi na mapigilan na mangilid na ang mga luha nito sa mata. Namula pa lalo ang magkabila niyang pisngi. Ilang beses niyang binuksan ang bibig upang sagutin ang katanungan ng nobya ngunit ibang salita ang lumabas dito.âHey, Thanie? Ayaw mo ba? Hindi mo gusto? Masyado bang maliit ang diamond?âIlang beses na umiling si Bethany. Hindi iyon ang problema niya.âNatatakot na ako sa sobrang kasiyahan na binibigay mo, Gavin. Baka mamaya âyung kapalit nito ayââ âSssh, wala kang dapat na ipag-alala.â harang na niya ng hintuturo sa bibig ng nobya upang matigilan lang itong magsalita pa, âWalang masamang mangyayari upang nakawin ang kaligayahan natin dalawa, Thanie. Huwag kang mag-isip ng ganyan at magpapaniwala sa mga walang kwentang bagay. Mga lumang kasabihan lang naman iyan.âIkinulong na ni Gavin sa kanyang mga bisig si Bethany upang pakalmahin na ito. Basang-basa niya kasi ang takot
HUMANTONG ANG DALAWA sa penthouse na sa halip na magtungo sila sa kung saan para lang mag-date. Hanggang hapon ay nakayakap lang sa nobya si Gavin na para bang hindi nito kayang mapawi ang mga pananabik niya. Ilang beses nilang inangkin ang makulay na mundo ng pagtatalik hanggang sa makatulog nang dahil sa labis na pagod. Nang magising si Bethany ay papalubog na ang haring araw. Ang maputlang ginintuang sinag noon ay walang pakundangang pumapasok sa kabuohan ng master bedroom dahil sa nakahawing kurtina nito. Nanatiling nakahiga sa kama si Bethany. Natatamad na igalaw pa ang katawan. âGising ka na?â untag ng malalim na boses ni Gavin na parang noon lang nagkaroon ng kausap. Napaangat ng mga mata si Bethany at hinanap kung nasaan ang nakapwesto ang nobyo. Natagpuan niya itong nakatayo sa gilid ng kama sa kabila niyang banda. Kinailangan niya pang tumagilid paharap doon upang makita na ito nang maayos. Sa hitsura ni Gavin ay nakaligo na ito at nakapagpalit na rin ng bagong damit na t-
TAHIMIK NA LUMABAS sa kusina si Bethany nang mabawi ang pustora na alam niyang ipinagtataka na ng madrasta, upang tumungo sa kanyang silid at mag-ready na. Naiwan niya sina Victoria at Gavin sa loob ng kusina. Hinugasan ni Gavin ang kanyang kamay at muli pang inayos ang nakatupi niyang manggas ng polo shirt. Komportable pa rin siya kahit na tinititigan siya ng Ginang mula ulo hanggang paa.âMama, ibabalik ko rin po dito ang anak niyo bago ang hapunan. Sa weekend po ay iinvite ko kayo sa bahay para pag-usapan ang plano naming kasal kasama ng mga parents ko. Makikipag-communicate na lang ako kung paano.âHindi na maitago pa ang saya sa mukha ni Victoria nang marinig niya iyon. Halata niya sa mga mata ng kaharap na abogado na desidido na talagang lumagay sila sa tahimik. Hindi na rin naman sila mga bata kaya bakit hahadlangan?âHindi ka ba nabibigla, hijo? Hindi sa tutol ako. Ayaw mo bang patagalin muna ang relasyon niyo? Ang ibig kong sabihin ay gusto mo na ba talagang lumagay sa tahimi
BINUHAT NA NI Gavin ang juice at uhaw na uminom doon. Nakalahati niya ang laman nito. Matapos iyon ay ini-angat na niya ang mga mata sa problemado pa âring si Victoria. Naiimbyerna ito sa bumabaha pa nilang kusina dahil sa tubo. âGaano po ba kalala ang sira, Mama? Pwede ko bang makita? Baka kaya ko ng ayusin.âNabaling na ang paningin ng tatlo sa binata. Sabay-sabay silang umiling, maging si Benjo at lalong-lalo na si Bethany.âHuwag na Gavin, tinawagan ko naman na ang management. Paniguradong papunta na sila. Mababasa ka. Baha na sa kusina namin.â harang agad ni Bethany sa nais gawin ng nobyo, ayaw niyang pati iyon ay iasa pa nila sa fiance niya.âBaha na? Naku, mas lalong kailangang ayusin na iyon agad.âTumayo ang abogado at tinungo na ang kusina habang itinutupi ang manggas ng suot niyang polo. Napatayo na rin doon si Bethany at Victoria na may pagkataranta. Makahulugan na lang tumingin si Bethany sa ama habang naiiling. Sinundan na kasi ni Victoria si Gavin patungong kusina na a
NAGING PARANOID SI Bethany nang mga sumunod na araw hanggang sa tuluyang mapabalita na tapos na ang kasal ni Nancy sa hindi niya kilalang lalaki. Ipinaskil ang mga larawan nila ng kasal online na tanging mga larawan lang ng mga magulang ni Gavin ang nahagip na nasa kasal at nasa reception ng nasabing okasyon. Wala doon sina Briel gaya ng hinuha ng kaibigan niyang si Rina. Nang e-check ni Bethany ang social media ng kapatid ni Gavin ay napag-alaman niyang hindi naman talaga ito pumunta dahil bumalik din sila ng bansa ilang araw na ang nakakalipas base sa mga post nilang gala ng fiance nitong si Albert. âHay naku, Rina! Makakalbo talaga kita!â bulalas ni Bethany na natatawa na sa kanyang sarili, âPinag-overthink mo akong malala at pinalala mo pa ang mood swings ko na hindi ko alam kung saan galing!âBago ma-bisperas ng New Year nang siya na ang kusang tumawag kay Gavin upang magtanong kung ano ang plano nila. Inaasahan niya kasing baka nakauwi na rin ng bansa ang mga magulang nito at b
PAGDATING NG MAGKASINTAHAN penthouse ay hindi inaasahan ni Bethany na nakabalik na pala doon ang kasambahay. Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong yakapin nang mahigpit na animo ay parang sobrang na-miss siyang makasama. Marahang hinagod lang ni Bethany ang likod ni Manang Esperanza.âAkala ko hindi ka na pupunta dito, Miss Bethany!â anitong mabilis na inilayo ang kanyang katawan sa dalaga na itinaas na ang dalawang kamay matapos na tumingin kay Gavin na nagulantang sa reaction ng maid niya. âSorry po Attorney, sobrang na-miss ko lang talaga na makita si Miss Bethany.â hingi pa nito ng paumanhin na kapansin-pansin na ang hiya sa buo niyang mukha.âAyos lang naman po, Manang EsperanzaâŠâ nakangiting sambit ni Bethany na umabot na sa mga mata. Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin sa kanila ang matanda. Ngunit bago ito umalis ay inabutan ito ni Gavin ng red envelope kung saan ay may laman iyong pera. Ganun na lang ang pasasalamat ni Manang Esperanza sa kanilang dalawa. Sinuklian lang
WALANG PALIGOY-LIGOY NA ibinigay ni Rina ang cellphone niya kay Bethany. Tinawagan naman ng dalaga si Ramir gamit ang cellphone. Ang buong akala ni Ramir ay ang babae iyon kung kaya naman naging casual na siya doon. âNasaan ka na? Akala ko ba gagamit ka lang ng banyo?â âSi Bethany ito, Ramir.â âOh? Bethany, bakit nasa saâyo ang cellphone ni Rina? Nasaan siya?â âNandito sa banyo. Hindi na makalakad ng maayos si Rina. Pwede bang pakisundo na siya dito ngayon?â âSige. Papunta na ako diyan.â Hindi nagtagal ay dumating na si Ramir sa pintuan ng women bathroom. Pilit ang naging ngiti sa kanya ni Bethany nang magtama ang kanilang mga mata. Nahihiya na nitong kinuha ang braso ni Rina upang iakbay sa balikat niya. âAng ganda mo ngayon ah? Hindi na ako magtataka kung bakit patay na patay si River saâyo.â Biglang hindi na naging komportable ang pakiramdam ni Bethany. Hindi niya gustong banggitin pa nito ang lalaki. âPasensya na Ramir, pero wala na akong kaugnayan sa pinsan moâââAlam ko
SINUNOD NI BETHANY ang guidelines na sinabi ni Gavin sa kanya na kailangan niyang gawin kapag nasa banquet na. Pagdating niya sa venue ay tama nga ang hula niyang karamihan sa mga bisita ay nakakainom na at busog na. Kumain muna siya, nakipagbatian sa iilang mga kakilala na nasa party, usap-usap ng kaunti sa mga naroon na binabati siya. Nagpahaging na rin siya kay Miss Gen na hindi magtatagal kasi hinihintay siya ni Gavin dahil may lakad umano sila.âBakit hindi mo pinapasok dito? Ikaw talaga, sana man lang inimbitahan mo siya dito sa loob, hija.ââI did, Miss Gen.â agad na paghuhugas ng kamay ni Bethany, âAyaw talaga niya. Kilala mo naman iyon. Baka mang agaw-eksena lang daw siya kaya hindi na lang daw siya papasok. Feeling artista kasi ang isang iyon. Pagkakaguluhan.âNailing na lang si Miss Gen sa biro niya na agad naman siyang pinayagan. Aniya ay kaya niya na ang mag-estima ng mga bisita. Palabas na si Bethany ng banyo nang makasalubong niya ang kaibigang si Rina na nakalimutan ni